“ISA iyon sa mga gabing lagi kong binabalik-balikan pero isa rin ‘yon sa mga gabi sa buhay ko na wala akong ginawang iba kundi ang magkunwari at itanggi ang katotohanan na nararamdaman ko naman talaga.” Mabilisan kaming tinignan ni mommy at agad naman nitong ibalik sa kawalan ang kan’yang mga tingin. “Ang gulo pala ng pagmamahal na parang minsan you’ll start thinking bakit ko ba kailangang magmahal, eh, parang wala namang ibang nadudulot sa ‘yo kundi ang pagkukunwari pero ‘yon naman ay base naman sa kin. Akala ko sa simula noong araw na ‘yon masisira na ang pagkakaibigan namin ni Elion pero ‘yon naman ang pinagpapasalamat ko kasi hindi siya ‘yong tipo ng tao na hindi marunong umintindi, may nagbago pero unti-unti naman namin ‘yong naibalik lalo na ako na parang mas

