PAUWI na sana kami ni Hendrix matapos n’ya akong sunduin sa trabaho noong bigla namang tumunog ang phone ko at agad akong nagmadaling sagutin ‘yon n’ong makita kong ang numero ni mameng ang tumatawag. “Hello, mameng may kailangan ba kayo?” bungad ko rito atsaka ko senenyasan si Hendrix na bagalan muna ang pagmamaneho na siyang ginawa naman n’ya. “Apo, nasaan ka na? Kotse naman ang dala mo, hindi ba?” “Pauwi na po, mameng. Wala po akong dalang kotse kasi sinundo po ako ni Hendrix. Bakit po dadaanan po ba namin kayo sa munisipyo?” tanong ko naman agad dahil hindi pa kami nakakalagpas sa crossing kung saan dadaan papunta ng munisipyo. “Hindi ako ang kailangan n’yong sunduin kundi ang nanay mo,” matabang na sambit ni mameng kaya agad na naman akong napatingin kay Hendrix at sumenyas na iti

