HINDI ko na nahintay pa si Hendrix na makatayo rin noong dire-diretso na akong naglakad palabas ng mall na ‘yon. “Darling, wait!” dinig kong sigaw ni Hendrix pero hindi ko na siya nilingon pa sa halip ay diretso kong pinuntahan ang kotse ko at ako na mismo ang sumakay sa driver’s seat. Pinaandar ko ang makina at agad ko iyong kinabig para sunduin si Hendrix sa harap ng mall. Mabilis n’yang binuksan ang driver’s seat at agad akong pinausog. “Ako na ang magdri-drive,” aniya kaya hinawakan ko na lang ang manibela bago ako umusog palipat ng shot gun seat. Pagkalipat ko ng upuan ay mas pinili kong mahimik at tumingin na lang sa paligid ng dinadaanan namin pabalik ng San Ramon. "Bakit hindi natin pinuntahan 'yong puntod? Tutal ikaw nam

