CARA BIANCA
Malakas ang pagbuhos ng ulan at marahas ang pag ihip ng hangin. Nanunuot ang lamig sa mga buto ko ngunit andito pa rin ako sa harap ng maliit na apartment kung saan ko huling nakita ang nobyo ko.
Rowan. Sana mali ako ng nakita. Sana namalik mata ako, sana hindi totoo na may nakita akong babae na naka lingkis sa kaniya.
Andaming imaheng pumapasok sa isip ko. Mga imahe na may kasama siyang ibang babae habang hindi kami maayos at meroon kaming alitan. Sa sobrang lalim nga ng pag iisip ko sa mga imaheng iyon ay hindi ko na napansin na nanginginig na ako sa sobrang lamig.
After an hour of waiting in front of this apartment. Finally, bumukas ang ilaw sa kwarto. Walang kurtina ang bintana nito kung kaya't natatanaw ko ang mga tao sa loob.
The doubts and worries that feels my mind suddenly turns silent as a figure came into my view. Wala akong maramdaman, walang kahit anong salita ang pumapasok sa isip ko habang nakatitig ako ngayon sa maamong mukha ng lalaking pinaka mamahal ko.
He's topless and full of sweat. Maliban sa mahabag nitong itsura ay meroon pang bakas ng mga lipstick stain sa leeg niya na animo'y dekorasyon iyon.
Nanginig ang buo kong katawan at napaatras ako sa sobrang gulat.
This can't be...
Napatakip ako sa aking bibig. Hindi ko alam kung napansin ba niya na meroon'g nakatitig sa kaniya dahil laking gulat ko ng biglang matuon sa direksyon ko ang tingin ng lalaki. Agad akong napasinghap ng nagsalubong ang mga mata namin.
And for a minute I thought he'll be shock knowing I am here looking at him in this state, ngunit ako pa ang nagulat ng bigla na lang niyang hilahin patayo ang isang babae atsaka ito walang pakundangan na hinalikan habang mariin na nakatitig sa akin.
Ba-Bakit? Ano'ng nagawa ko para mangyari 'to?
I tried to think straight. Sinubukan kong isipin kung ano ang tamang gawin pero isa lang ang pumasok dito. Walang pag aalinlangan akong tumalikod at tumakbo palayo sa lugar na iyon.
"N-No what the f**k?!" Mura ko sa akin'g saliri habang habol ang hininga at gulat na gulat pa rin sa mga nakita.
That can't be! Paanong nangyari 'yon?
Rowan is my boyfriend. Unang boyfriend ko siya at ganoon din ang pakilala niya sa akin. Hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa kaniya!
How can he kissed someone in front of me!
How could he?!
Muli kong naalala ang maalab niyang titig habang hinahalikan yun'g babae dahilan upang manghina ang aking mga tuhod at mapa luhod ako. Ramdam ko ang sakit ng tumama ito sa matigas na simento ngunit mas ramdam ko ang sakit na namumuo ngayon sa akin'g dibdib.
Minahal ko siya ng sobra. Bakit nagawa niya 'to? Saan'g part ba ako nagkamali?
I tried to stop my tears knowing I am out in public. Subukan kong maging mas matapang dahil alam ko na may makakakita sa akin ngunit sobrang sakit.
As our memories started to flood my head and my heart began to ache hardly that I can no longer think straight? My tears fell one by one.
Bakit nagawa niya 'to?!
"I'll never cheat so calm your mind. As long as we're together there will be no other girl in my life. Okay?" I still remember his promise.
That was the first thing he said to me noon'g araw na naging kami and yet...
How could he?!
Sa sobrang pait at sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito ay sunod-subod na nagsitulo ang asking mga luha. Maski ang mahihinang hikbi at impit na sigaw na gawa ng matinding galit ay hindi ko na napigilan.
Hindi ko na nagawang ayusin ang sarili ko, knowing na may imahe akong dapat protektahan.
I am the mayor's daughter and I should be a perfect figure for everyone, ngunit paano ko gagawin 'yon gayong sinaktan pa ako ng kaisa-isang tao na akala ko ay karamay ko?
To be continued for chapter 1...