C24: New Character

2190 Words
Chapter 24 – NEW CHARACTER Sandara’s POV “Tama na, Sandara,” awat ni Wilb. “No! I won’t stop not until I saw Lhorr's suffering!” “Halika na, Jorge.” I won’t let her feel unthreatened of what I can do to her. Hindi sila puwedeng basta-bastang umalis lang. Hinila ni Lhorr si Jorge paalis sa kinatatayuan nila. Nang magpantay kami ni Jorge ay napatigil siya. “I warn you about this, Sandara, but you never listen,” mahina ngunit puno ng pagbabantang sabi ni Jorge. Hindi ako nakapagsalita kaagad. Tuluyan na nga nila akong nilagpasan na parang wala lang nangyari. Hindi ako dapat matakot sa kaniya. Mas malakas ang alas na mayroon ako kumpara sa lalaking nakaharap ko kanina. Alam kong mapipilay ko rin si Jorge at hihintayin ko ang panahon na ‘yon. Siguro nanalo sila ngayon, pero nasa akin pa rin ang huling halakhak. Paglingon ko ay nakita kong ang unti-unting paglaho nila Jorge at Lhorr. Naramdaman ko rin na nagkaroon na pala ng saglit na kumpulan ng mga tao dahil sa nangyari. Seryoso lang tumingin sa akin si Wilb. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya sa akin. Wala na akong pakialam doon dahil alam kong pandidirihan na ng mga nakakita sa nangyari si Lhorr. I am happy to see Lhorr became the center of attraction. It was my pleasure to know that she was embarrassed. “Akala ko nga mabait siya. Mala-demonyo nga pala talaga ang ugali.” “Totoo nga ang sabi ng iba na masama ang ugali niya.” “Nakakahiya naman nang ginawa niya. Akala mo kung sino umasta, mang-aagaw lang din pala.” “I don’t idolize her anymore. Akala mo kung sino. Si Lhorr na ngayon ang idol ko.” “Sandara is a slut! Hahaha!” Natigil ako. Akala ko ay marumi na ang pagtingin nila kay Lhorr pagkatapos nang nangyari. Hindi ko inasahan na ako pala ang kanilang pinag-uusapan. Nawalan ako nang kontrol sa sarili nang marinig ko ang isang dambuhalang babae na nakatayo habang tumatawa. “Hoy, babaeng drumstick! Anong issue mo tungkol sa akin? Puwede ko bang malaman, huh?” Napatigil siya sa pagtawa nang magsalita ako. “If I were you, magpapayat ka muna bago ka manghusga ng iba, okay?” “Mabuti na lang napatunayan mong bully ka at masama talaga ang ugali mo,” sabat niya. “­Aba’t―” “Stop it, Sandara! Gumagawa ka na naman ng gulo dito,” pag-awat sa ‘kin ni Wilb. Plak! Nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Namalayan ko na lang na dumampi na sa kaniyang pisngi ang aking kamay. Nararapat lang iyon sa kaniya. “Akala ko magkakampi tayo… pero nilaglag mo rin ako!” “Kahit kailan hindi tayo naging magkakampi, Sandara.” Natigil ako sa sinabi niya. Naiwan ulit ako nang umalis siya. Hindi ko matagong masaktan dahil pinagkaisahan nila akong lahat. Mas nangibabaw ang galit ko kay Lhorr. Hindi dapat ako ang nagdudusa. Siya dapat ang nagkakaranas nito. “Deserve mo ‘yan, girl!” Nagsitawanan ang lahat. Hindi na ako nakapigil at biglang tumakbo palayo sa mga taong kagaya nila. Magtutuos din kami. “Hindi pa tayo nagsisimula, Lhorr!" Lhorr’s POV Tatlong linggo na rin ang nakalipas. Simula nang pagkikita namin ulit ni Sandara, hindi ko na siya muling nakita. Mabuti na rin ‘yon nang makapagpahinga naman ako sa away. Hindi ito ang inaasahan kong mangyayari sa buong taon ko sa kolehiyo. Pero nangyari na ang dapat mangyari. Kailangan ko na lang maging matatag hanggang makapagtapos. Hindi ko na dapat alalahanin pa ang tungkol sa aming dalawa ni Sandara. “Kumusta ang dating magkaaway? Mukhang tinamaan ka na yata sa kaniya, Lhorr, ha?” pabirong sabi ni Kristof. Napabalik ako sa diwa mula sa aking malalim na pag-iisip. “Itikom mo ‘yang bibig mo kung ayaw mong stapler-an ko ‘yan,” sagot ko. “Ano na nga ba ang real score, Lhorr?” usyoso naman ni Jhosy. Ngumiti ako sa kanila. “Wala,” sabi ko. “Asus, pakipot ka pa diyan,” tugon ulit ni Jhosy. Naging magkaibigan na nga kami ni Jorge pagkatapos niya akong mailigtas. Madalas na rin siyang pumupunta ng bahay para dalawin si Jimo at si nanay. Hinayaan ko siyang kilalanin ako at para na rin makilala ko siya ng lubos. Sa kabila ng hindi namin magandang pagkikita sa una ay mas nangibabaw ang pagkakaibigan namin ngayon. Na-ikwento na rin niya sa ‘kin ang kanyang pinsan. Sobrang liit nga yata ng mundo at si Poypoy na dati kong kalaro ay pinsan niya naman. “Nasaan ba si Kately?” pag-iiba ko nang usapan. “May ipinagawa si Prof. Kumudang sa kaniya,” sagot ni Kristof. "O baka si Jorge talaga ang hinahanap mo?" “Tanga. O sige, mauna na ako sa inyo. May kailangan pa akong asikasuhin sa munisipyo,” paalam ko. Imbes na sumagot sila ay bigla akong na-weirduhan sa ikinilos nila. “Eh― paano siya?” nakangiting sabi ni Jhosy, sabay turo sa likod ko. “Huh?” naguguluhan kong tanong. May itinuro sila sa likod ko. Paglingon ko ay nakita ko si Jorge na nakatayo. “B-bakit ka nandito?” “Ah... may importante ka bang gagawin?” Natutop ako. Hindi ako kaagad nagsalita. “Hi, Jorge. Walang gagawin itong kaibigan namin. Pupunta raw siya sa munisipyo at mabuti dumating ka. Ihatid mo na lang siya para naman makatipid ng pamasahe,” singgit ni Jhosy. Kahit kailan talaga mahilig mangialam si Jhosy. “H-huwag kang maniwala kay Jhosy, Jorge. May pera naman ako para sa pamasahe. Mabilis lang din ako dahil kukuha lang naman ako ng requirements,” paliwanag ko. “Samahan na kita. Wala na naman akong gagawin,” udyok nito. Hindi ako nakapagsalita kaagad. “Bilisan mo na. Pumayag ka na kasi,” bulong ni Jhosy sa akin. “Is it a yes?” Nahihiya man ay napa-oo na ako. Wala na akong takas dahil nasa bitag na rin ako. Kaya hinayaan ko na lang si Jorge na sumama sa akin. “Ingatan mo ‘yang kaibigan namin, tol!” birong sabi ni Kristof. “Loko,” tugon ko. ***** Nasa loob kami ng sasakyan ni Jorge at tahimik lang siyang nagmamaneho. Hindi ko alam kung saan magsisimula na basagin ang katahimikan sa loob ng sasakyan. “Baka lumambot ako sa mga tingin mo na ‘yan,” nakangiting sabi niya. Nagulat ako. Nalaman niyang tinititigan ko siya. Nakakahiya. “May sasabihin ka ba?” tanong niya. “W-wala naman.” “Kung wala kang sasabihin, ako na lang ang may gustong malaman na sagot galing sa iyo,” seryoso niya sabi. Nakatingin lang ang mata nito sa labas ng sasakyan. Naka-pokus lang siya sa pagmamaneho. “A-ano naman ‘yon?” naguguluhan kong tanong. “Can I court you?” Parang napahinto ang mundo ko sa biglaang tanong niya. Hindi ko alam kung seryosong ba siya dahil alam kong may pagka-joker din ang mokong na ‘to. “N-nagbibiro ka lang ‘di ba? Kilala na kita, Jorge. Hindi mo ako mapa-prank ng basta-basta,” tugon ko. “Mukha ba akong nagbibiro,” seryoso niya pa ring pagkakasabi. “Hindi kita kayang biruin, Lhorr. Kaya kung papayagan mo ako, I will do everything to make you mine.” Pinagpapawisan ako sa sinabi niya kahit na malamig ang loob ng sasakyan. Walang salita ang gusto lumabas sa bibig ko. Natatameme ako. Wala rin namang preno ang bibig niya. “Bahala ka nga diyan, Jorge. Alam kong pina-prank mo lang ako,” nasabi ko, sabay tapik sa kaniyang braso. “Pag-isipan mo lang, Lhorr. Hindi kita minamadali.” Hindi na siya kumibo pagkatapos no’n. Mukha tuloy nagkaroon nang awkward silence sa loob ng sasakyan. Nagpatuloy lang ang byahe namin hanggang sa makarating kami ng munisipyo. “Hintayin mo ako bago ka bumaba,” sabi niya. Nakita ko na lang siyang umikot pagkababa ng sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto. “Ganito pala siya ka caring, huh,” bulong ko sa sarili. “Para sa’yo, mas magiging caring ako,” sabat niya. “Narinig mo ‘yon?” Tumango siya bilang pagsang-ayon. Wala na akong nagawa kundi ang tapikin ulit siya. “Mabuti na lang talaga at guwapo ka,” mahina kong sabi ulit. “A-anong sabi mo?” “W-wala―” Natigil ako ng bigla kong nakita si Sandara. “Si Sandara ‘yon hindi ba?” Nakita ko si Sandara na nakaupo sa harap ng post office. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya roon. “Mamaya ipapaklaro ko ang gwapong sabi mo,” bulong niya sa akin.“Pero ngayon, huwag mo muna siyang pansinin. Let’s give her chance to enjoy her life. Bilang na rin naman ang mga araw niya,” dagdag niya. “A-anong ibig mong sabihin na bilang na ang mga araw ni Sandara, Jorge?” “Nothing. Halika na. Sasamahan na kita sa loob.” ***** Kasabay ko si Kately naglalakad pauwi. Bumalik ako ng university pagkakuha ko ng mga kakailanganin ko sa munisipyo. Hindi na kami nagpakita kay Sandara para makaiwas na ulit sa gulo. Alam kong manggugulo lang siya ulit. Habang naglalakad ay napahinto kami nang may sumulpot sa harap namin. Napakapit si Kately sa braso ko. Laking gulat namin nang iniabot nito sa akin ang isang papel galing daw kay Jorge. Huli ko nang napagtanto na si Tim pala ang humarang sa daanan namin. “Loko ka talaga. Ginulat mo kami,” sabi ko. “Sorry, Lhorr, hindi na mauulit,” nakangiti niyang sabi. “Dapat lang!” inis na sabi ni Kately. Nang buksan ko ang papel ay nabigla ako. Nakasulat dito ang isang code. “Kailan pa nahilig ang mokong na ‘yon sa ganito?” pagtatanong ko kay Kately. “Pero mukhang interesting ang nakalagay dito.” “Mauuna na lang ba ako, Lhorr? Na-decode ko na kaagad ang meaning kasi niyan. Kaya alam kung wala na naman akong kasama umuwi,” sabi niya. “Ikaw na lang ang magdiskubre. Mauna na ako sa ‘yo, Lhorr.” “Wait lang. Kung sinabi mo na lang kaya,” reklamo ko. “Hindi na ‘yon exciting kung sasabihin ko,” sabi niya, sabay naglakad palayo. Si Tim naman ay naghihintay na masagot ko ang pakulo ni Jorge. “Bakit ka naghihintay, Tim?” curious na tanong ko. “Kapag nalaman mo na ang sagot diyan, malalaman mo kung bakit ako naghihintay dito,” sagot niya, rason na magtama ang mga kilay ko. Nakalagay sa papel ang set ng mga fractions na biglang nagpahilo sa akin. Para akong naduduling at nasusuka sa mga numero. Baka ilang araw ko pa ito bago masagutan. Sana hindi ko na lang sinabi kay Jorge na mahilig ako mag-solve ng mga codes. Pero hindi ko sinabing agad-agad ay nakukuha ko ang ibig sabihin nito. Mukha tuloy akong napasabak sa isang detective training. Nakasulat sa papel ang iba’t ibang klase ng fractions. 4/4 9/1 2/2 6/3 8/6 8/6 4/4 3/1 8/6 11/2 12/1 3/3 4/4 9/3 2/2 5/3 11/2 1/4. 4/4 9/3 3/3 2/2 9/3 5/2 3/3 2/2 12/1 12/1 4/4 6/3 6/3 2/2 3/3 2/1 11/2 3/3 1/4 9/1. Hindi na ako nagtaka pa kung paano ko kaagad ito masasagutan. Mabuti na lang at ang pinakamadali ang ginamit niya para masagot ko ito kaagad. Kung hindi ay baka abutin kami ng siyam-siyam ni Tim. Limang minuto ko lang itong nasagutan. Nagulat ako sa mensahe na nakatago rito. “Talaga ba?” napatanong ko. Sandara’s POV Napadako ang mata ko sa orasan ng aking cellphone. 6:30 p.m. Napagdesisyunan ko nang umuwi dahil kaunti na lang ang mga estudyante. Siguro ay sila na ang mga hindi nakakaalam nang nangyari kanina. I need to hide for the meantime after the scandalous act I did three weeks ago. I went to the Municipal Hall kanina dahil I need to transact something. Pero hindi ako papayag na matalo ng ganon-ganon lang. Maghahanap ako ng paraan para gantihan silang lahat lalong-lalo na si Lhorr. Nakayuko akong naglalakad nang hindi ko namalayan nang mabunggo ako. Naramdaman ko ang matigas niyang dibdib nang tumama ang ulo ko rito. Pag-angat ng ulo ko ay tumambad ang kaniyang inosenteng mukha. “A-anong ginagawa mo rito?” garalgal kong tanong. “May gusto lang akong sabihin, Sandara,” saad niya. “A-ano ‘yon?” Kinakabahan ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Hindi ko alam ang gagawin ko pero pinatatag ko ang aking loob. Bawal niya akong makitang mapanghinaan ng loob. Siya dapat ang matakot sa kaya kong gawin sa kaniya. Hindi ko naman siya nakitaan na may dalang patalim. Alam kong hindi niya ako kayang saktan. “Papatahimikin lang kita,” seryoso nitong sagot. “Alam kong hindi mo ‘yan magagawa,” matapang kong sabi. “O, sige.” Nagtaka ako nang bigla siyang ngumiti. May hindi magandang nangyayari sa gagawin niya. Namalayan ko na lang na ang sunod na nangyari nang biglang dumilim ang paningin ko. Natakpan ang aking mukha ng itim na bagay. “A-anong balak mo gawin sa akin, Whinston?!” tanong ko habang nagpupumiglas. @phiemharc – C24
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD