Chapter 23 - REVELATION
Jorge’s POV
“J-Jorge? B-bakit ka nandito?”
Napangiti ako ng bahagya sa naging tanong niya. Talaga bang hindi nila alam ang rason kung bakit ako nandito? “Ano ba sa tingin mo, Shoi?”
“A-akala ko ba alam mong hindi namin itutuloy ‘to, Jorge?”
“Mapagkakatiwalaan ko ba ang isang kaibigan, Khen?”
“Baka nagkakamali ka lang ng nakita, Jorge,” nauutal niyang sabi. “H-Hindi namin ginusto kung ano man ang nakita mo. N-Napilitan lang kaming sundin ang pinapagawa ni Sandara. Maniwala ka sa amin,” depensa pa niya.
“Pero ginawa niyo pa rin. Hindi ko alam kung matatawag ko pa ba kayong kaibigan, pagkatapos nang ginawa niyong ‘to. Mabuti na lang at nakinig sa akin si Tim,” seryoso kong sabi.
Dinukot ko ang cellphone sa aking bulsa. Hindi ko pa rin inaalis ang aking tingin sa kanilang dalawa.
“A-anong ginagawa mo, Jorge?”
“I am taking evidences, Shoi.”
After taking pictures of them, I immediately dialed the guard house’s number. Agad naman silang nagpunta rito sa gym. Dinala na silang dalawa ng guards na dumating. Pagkatapos no’n ay agad kong pinuntahan si Lhorr. She’s still sunconscious.
“Lhorr? Wake up, Lhorr.” I tried to wake her but there is no response.
A few minutes passed, I saw her eyes slowly opening. Nakita ko ang mga tanong sa kanyang mga mata. Ganyan na ba ako ka gwapo para titigan niya?
“W-what are you doing? Bitawan mo ‘ko! I-Ikaw ba ang may pakana nito, Jorge? A-anong ginawa mo?” she asked continuously. “Tulong!”
Nabingi ako sa biglaang pagsigaw niya. I wasn’t expected she has that high modulated voice. Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya.
“H-Hey, wait! Nagkakamali ka yata nang iniisip. Wala akong balak na gawin sa ‘yo.”
“Kilala kitang mokong ka! Alam kong ikaw ang nagpa-utos na dukutin ako ulit. Pinadalhan mo pa ako ng sulat hindi ba?”
Nagtaka ako sa sinabi niyang sulat. “A-anong sulat?”
“Huwag ka nang mag maang-maangan pa, Jorge. Alam kong plano mo ‘to sa akin para makaganti ka, ‘di ba?!”
Hindi ko na pinansin ang paratang niya. Kinalas ko na lang ang tali na nakagapos sa kaniyang buong katawan.
“Wala akong kinalaman sa sinasabi mo. Gusto lang kitang tulungan kaya ako nandito,” deretsa kong sabi. Medyo nasaktan ako sa mga pinagsasabi niya. Siguro nga hindi niya talaga ako kayang pagkatiwalaan.
“Ibig sabihin―”
“Oo,” tango ko. “Kaya hindi ako dapat ang pinagbibintangan mo.”
“I-I’m sorry.”
Hindi ako nakagalaw sa sunod niyang ginawa. Namalayan ko lang ang sarili kong niyayakap na niya. The butterflies on my stomach started to be mirthful.
Hindi ba ako sanay na niyayakap? O sadyang naninibago lang ako? It was my second time to feel this kind of electrolude feeling. The last I had felt this was when I was with Zenn. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya.
I know she’s overwhelmed after I saved her life. Napabitiw siya sa pagkakayakap nang namalayan niya ang ginawa niya.
“I-I’m sorry again. Hindi ko sinasadya―”
“Ayos lang, huwag kang mag-alala. Let’s go, I’ll drive you home.”
Inalalayan ko siya sa paglalakad nang mapansin kong paika-ika ito. Nahihilo pa rin yata siya sa pampatulog na nasinghot niya. Habang nasa byahe, tahimik lang siyang nakatingin sa labas ng sasakyan. Hindi ko alam kung anong bumabagabag sa isip niya.
“Are you okay? Sabihin mo sa ‘kin kung may hindi maayos sa ‘yo. Para madala na kita sa ospital,” tanong ko.
She glanced at me with a blank slate face. Siguro ay na-trigger ulit ang trauma niya dahil sa nangyari. Siguro ay naisip niyang parang naulit lang ang nangyari sa kaniya noon.
Pero lumakas ang t***k ng puso ko nang tumitig siya sa akin. Hindi ko maintidihan ang nararamdaman ko dahil habang tumatagal ang titig niya ay nahuhulog naman ako. This is the feeling I had with Zenn before. Is Lhorr really opened my heart to feel the love again?
Pero hindi niya sinagot ang tanong ko. Ibinalik niya ang kaniyang tingin sa labas ng sasakyan. Nakarating na rin kami sa kung saan si Lhorr nakatira. Nagulat ako nang makita ko ang kanilang bahay. Hindi ko inakalang ang babaeng matapobre at palaban na katalo ko sa university ay dito nakatira. Bumungad sa akin ang isang barung-barong na bahay sa ilalim ng isang tulay.
May mga bagay pa nga talaga akong dapat alamin sa kaniya. Hindi ko inisip na ang kagaya niya ay nakatira sa ganitong lugar. Wala akong ideya sa pamumuhay nila dahil hindi ko na naitanong sa kaniyang nanay ang tungkol sa buhay nila.
Binati ako nang kapatid ni Lhorr at ni Aling Basya. Doon ko lang nalaman ang pangalan ng kapatid niya, si Jimo. Nakipagkuwentuhan ako saglit bago umuwi. Nang pagkarating ko ng bahay ay napuno nang katanungan ang isip ko.
“Paano ko ba siya liligawan? Bahala na nga!” Napangiti na lang ako. “Umiibig ka na ulit, Jorge,” sabi ko.
Sandara’s POV
“Mga walang kwenta! Sarili niyong kaibigan, naisahan pa kayo?!” sigaw ko, nanggagalaiti sa galit.
Hindi ako makapaniwala na naisahan sila ni Jorge. Talagang mahihina nga ang mga kaibigan niya. Mabuti na lang talaga at pinalaya kaagad sila ni Jorge. Bigla na lang ako kinabahan dahil naalala ko ang pagbabanta ni Jorge sa akin. Alam kong alam niya na ako ang may gawa nito. Kailangan kong ipaalam ito kay madame upang protektahan niya ako. Siya ang makakatulong sa akin nito.
I was having my lunch when I received a call from someone. I didn’t bother who is calling. I just answered it.
A lovely voice welcomed me from the other line. She has a sweet melodious voice. I still can’t recognize who she was.
“Are you Sandara, iha?” she asked.
Without a doubt, I answered yes.
“I have something to offer with you, iha. If you don’t mind, can I have your time?”
Hindi na ako humindi sa alok niya. It was a good deal that I have ever received. Beside, Lhorr and I are no longer friends. It was an assignment to accomplish. I rather choose the money she offered than to make up with Lhorr.
I really deserve all the blessings I had. First, with the guy who madly in love with me― Wilb. Second, a secret admirer of Lhorr who asked my help in return with money. Third, for ruining Jorge’s friendship with his two idiot friends. Lastly, this offer from someone who I didn’t ask her name.
Ang mahalaga lahat nang ginagawa ko ay kapalit ng pera. Beside, money pay genuine happiness.At ‘yon ang nararanasan ko ngayon.
*****
Lumipas ang isang linggo, habang naglalakad ako sa hallway ay hindi ko inaasahan ang nakasalubong ko― si Jorge at Lhorr. Magkasama silang naglalakad na parang hindi ako nakita. Hindi ko dapat sila papalagpasin kaya sinadya kong salubungin sila.
Kailangan kong bumawi sa kanilang dalawa pagkatapos ng isang linggo kong suspension dahil sa pangingialam ng epal na Jorge. Ngayon lang ako nakabalik at hindi ko inasahan na ang mga pagmumukha nila ang sumalubong sa akin.
“It’s nice to be back, isn’t it?” nakangiti kong bati. “I-welcome niyo naman ako. Oh, why aren’t you both happy to my comeback? Akala ko pa naman matutuwa kayo. Excited pa naman akong makita kayong dalawa.”
Pero parang hindi nila ako nakita. Dinaanan lang nila ako at dere-deretso lang sa paglalakad. Mukha yatang mas nagkasundo na sila pagkatapos nang nangyari. At parang hindi alam ni Lhorr kung paano siya niloloko ni Jorge. Marupok nga talaga si Lhorr kaya kahit sinong lalaki pinapatulan na lang niya. Maybe, that was a disadvantage of a pathetic woman. Kahit sino na lang nilalapa.
Hindi ako lumaking mahina. Kaya hindi ko pinalampas ang pagsasawalang-bahala nila sa presensiya ko. Agad kong hinablot ang kamay ni Lhorr dahilan na mapaharap siya sa akin.
“A-ano ba, Sandara. Bitawan mo ako.”
“Great. Mabuti naman at kilala mo pa ako. Para yatang hindi niyo na kasi ako nakikilala.”
“Bitawan mo ‘ko, Sandara!” pagpupumiglas niya. “Hindi ka pa ba nadala sa ginawa mo? Kung hindi lang kita naging matalik na kaibigan, baka hindi na kita kayang respetuhin pa.”
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko inasahan na ganito na katapang ang kilala kong tunay na duwag. Baka yata nagtatapang-tapangan lang siya dahil may kasama siyang bubwit.
I sarcistacally laughed at her. “Hindi mo naman talaga ako matalik na kaibigan, Lhorr. Kahit kailan ay hindi ko itinuring na kaibigan ang kagaya mong makati, keringkeng, malandi, marupok, or should I say, pokpok.”
Plak!
Nagulat ako sa ginawa niyang pagsampal sa akin. “Oh! That was intense, Lhorr. Hindi man lang ako nasaktan,” I said. “Bakit ka kaya dikit nang dikit sa impaktong kasama mo, huh, Lhorr?! Dahil nga naman siguro mayaman si Jorge habang ikaw ay na sa ilalim lang ng tulay nakatira.” Napatingin ako kay Jorge. “Alam mo ba na sa ilalim lang ng tulay nakatira ‘yang akala mong siga, Jorge? Hindi ka ba nandidiri sa babaeng ito?”
He stared at me directly. “Mas nandidiri ako sa babaeng nagsasabi niyan sa akin, Sandara. At siguro ay kilala mo kung sinong tinutukoy ko.”
I got offended. How dare him to tell me that unto my face.
“H’wag mong gamitin ang personal kong buhay, Sandara.”
“Totoo naman hindi ba, Lhorr?”
“Oo! Masaya ka na? Pero kahit kailan hindi ko ikinahiya ang buhay na mayroon ako, Sandara. Mahirap kami, oo, pero hindi kami kinulang sa pagmamahal. Hindi kagaya mo na never mong naranasan ang pagmamahal ng sarili mong magulang. Bakit? Hindi ba dahil anak ka lang sa labas―”
Plak!
Sinampal ko siya. Wala siyang karapatan na idamay ang buhay ko sa away namin. I got pissed off already. I won’t let them ruined me again.
“How dare you to use my family against me?!”
“At sino ka rin para maliitin ang buhay na mayroon kami, Sandara?!”
“Sige. Gusto mo ‘di bang magkaalaman ng baho, Lhorr?”
Hindi ko nakita ang gulat sa reaksiyon niya. Nakangiti pa siyang nakatingin sa akin. Parang hindi niya narinig ang sinabi ko sa kaniya.
“Niloloko ka lang ng dalawang lalaking pinagkakatiwalaan mo. Masyado kang nagpapadala sa kapokpokan mo kaya ka napapahamak. Hindi ka kailanman marunong mag-isip. Lhorr, dahil isa ka lang namang basura kagaya sa squatter kung saan ka nakatira!”
Thank you for the advice, Sandara. I will take it as a compliment too. Sabihin mo lahat ng gusto mo. Wala akong pakialam kung ako pa ang pinakamabahong basura sa paningin mo. Basta alam kong mas masama ang budhi mo kaysa kay Santanas.”
“How dare you!”
Naiwasan niya ang pagtama ng palad ko sa mukha niya.
“At alam mo bang niloko ka lang ni Wilb, Lhorr. Nagsisinunggaling siya sa ‘yo tungkol sa bracelet―”
Natigil ako sa aking sasabihin. Narinig ko ang boses ng taong dapat wala ngayon sa eksena. Pero maganda na rin at nandito siya.
“I already shared everything about the bracelet to Lhorr, Sandara.” A smirked drawn on my face after I heard that. Napaka-perfect ng araw na ito para sa akin.
Hinarap ko siya. “It’s good you are here, Wilb,” nakangiti kong sabi. “Nalaman na rin pala ng babaeng ito ang tungkol sa bracelet niya. Bakit hindi na rin natin sabihin ang lahat, right, Wilb?”
Alam kong nabigla si Wilb sa sinabi ko. Hindi niya inasahan na may magiging alas ako sa kaniya. “Bakit hindi kaya tayo magsimula sa nakaraan hindi ba, Wilb?”
“Itigil mo ‘yang kahibangan mo, Sandara,” tugon niya.
Bakit ko siya papakinggan? The spotlight is only mine. This is the perfect time I have been waiting for.
“A-anong ibig mong sabihin, Sandara? P-past? Nagkaroon kayo ng past ni Wilb?” nagtatakang tanong ni Lhorr. “Sabihin mo sa akin ang lahat, Sandara!” Garalgal na ang boses ni Lhorr. Nararamdaman ko na ang galit sa boses niya. Iyon lang naman talaga ang hinihintay ko. At nasa akin na nga ang huling halakhak.
“Kumalma ka muna, Lhorr. Masyado ka yatang atat. Don’t worry, I’ll tell you everything― as in lahat,” natatawa kong sabi.
“Just like you, Wilb and I, auhm.. Let’s say have also a very romantic story to share,” pagsisimula ko.
Bakas sa mukha ni Wilb na gusto niya akong pigilan. Ngunit hindi ko dapat na hayaang sabihin ang lahat. “Do you still remember that night when someone kissed your assumed boyfriend? Masyado ka kasing ilusyunada na pagmamay-ari mo si Wilb. Hindi ka naman talaga mahal. Anyway, back to my story, I am that woman caressly kissed by Wilb. Ang sarap pala talaga ng bibig niya, Lhorr. Sadly, hindi mo nga lang natikman. How pathetic that you can’t recognize your so called ‘best friend’?”
“You, slut!” Napigil ko kaagad ang akmang pagsampal niya sa akin. “I trusted you, Sandara, pero ikaw din pala ang aahas sa akin.”
“Ahas? Hindi ba ang tulad mo ang dapat na tinatawag na ahas? Ako ang unang minahal ni Wilb, Lhorr. Inagaw mo lang siya sa akin. Besides, you should be thankful because you finally met your other half!” pang-aasar kong sabi.
As I stride my gaze to Jorge, I saw the eyes of threat. Ibinalik ko ulit ang tingin ko kay Lhorr. “I won’t stop ruining your life, Lhorr.”
“And I won’t stop hunting you, Sandara.” Nagulat ako sa nagsalita. His monotonous voice made my blood runs cold. Kakaiba ang banta na iyon ni Jorge, seryoso na siya ulit.
“Dapat ko ba ‘yang ikatakot, Jorge?”
@phiemharc – C23