Chapter 22: JUDAS’ FRIENDS
Jorge’s POV
I’m still wondering why Lhorr called my name with fusion of madness in her tone. Sa pagkakaalam ko, wala naman akong ginawang masama sa kaniya. Bukod siguro no’ng isang araw na nagkita na naman kaming dalawa.
Baka gusto niya lang ulit akong pagtripan? O baka gusto niya akong makita? Na-miss din siguro niya ako tapos dinadaan niya lang talaga sa gano’n. Kaya gano’n na lang ang galit niya nang makita akong pakalat-kalat sa campus. Is she bored in her life? Sinusubukan ko siyang iwasan pero pinagtatagpo talaga ang landas namin.
Umakto akong hindi ko siya nakita o narinig. Pero ginagawa ko pa rin ang ipinangako ko sa nanay niya. Hindi ko siya pinansin dahil nauna ko nang nakita si Ethan. Nakatayo na siya sa likod ni Lhorr.
Sumenyas din siya sa akin kaya alam ko ang pakay niya. He’s the long lost childhood friend of Lhorr. Pero bakit nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko si Lhorr na masaya sa iba? Lalong-lalo na nang makita ko ang reaksiyon niya na nandito ang pinsan ko?
This is not I am expecting in this university before I decide to study here. It’s not part of my plan, but why it keeps intruding my private life? I was left bothered with my unanswered question.
Siguro nga sobrang appealing ko lang talaga. Pagbubuhat ba ng bangko ang tawag do’n kung alam mo lang sa sarili mo na confident ka? I guess it’s not. I received lots of indecent proposals perhaps.
Kahit may mga edad na rin ay panay din ang message sa ‘kin. I respect everyone especially women, but I am not sure to those who have guts to spit their private to me. Si Zenn lang talaga ang babaeng nagmamay-ari ng puso ko. But why it seems that Lhorr wanted to have a share with her? I am bit confused of my feelings towards her.
I am unfortunate to be Zenn’s boyfriend when she’s still alive. I was truly disheartened and hopeless after knowing that she chose Ethan over me. It shattered me into pieces but I never allowed her to see my vulnerabilities. I never confessed my feeling to her. And few of my friends knew about my feelings to my bestfriend.
Lahat ng naging achievements ko ay dahil sa kaniya, Isa siya sa naging lakas ko para makuha iyon. Kaya sobra akong nasira nang nalaman kong namatay siya. She was found dead in her condo unit. I failed to become her knight when she needed my help.
Nang nawala siya ay parang hindi ko alam kung kaya ko pang mabuhay. Despite my wealthy life, I felt that my existence will be meaningless after she was gone. I never see the pain I am feeling to what Ethan’s about to feel in her girlfriend’s passing. Is he’s okay with what had happened? He didn’t investigate the case after Zenn’s death. I have the feeling that there’s a foul play to the incident.
Simula no’n ay mas naging malayo na ang loob ko kay Ethan. I barely talk to him, not as a cousin, but someone who I felt a stranger. After the incident, I saw Ethan having an affair again. It seems that the painful event of my life was a celebration of his new relationship status.
“Wazzup, Jorge! Mukhang ang lalim ng iniisip natin ngayon, ha?” Nagulat ako sa pagtapik ni Shoi sa akin, habang lumulubog na pala ako sa lalim ng aking iniisip.
“W-wala,” pagsisinunggaling ko. “Iniisip ko lang kung paano ko matatapos ang presentation na ‘to kung kayo ang katabi ko,” dagdag ko, tukoy ang laptop na nasa harapan ko.
“Wala ka bang tiwala sa galawang Tim, Jorge? Hayaan mo na akong gumawa diyan,” pabirong sagot ni Tim, nakaturo sa kaniyang sarili.
“Maiba nga tayo, Jorge. Bakit parang katatapos mo lang bumisita sa impyerno? Mukha kang stress kumpara do’n sa may thesis defense mamaya sa College of Education,” natatawang sabi ni Khen.
Nakitawa rin ang dalawang bugok. I heaved a deep sigh. “Paano ba manligaw?” biglang napatanong ko.
“Oh! Hoy! Hanep ka ha!” Nakita ko ang gulat sa mga reaksyon nilang tatlo.
“Kami pa talaga ang tinanong mo niyan? Eh, mukhang mas matinik ka pa nga kaysa sa amin,” biro ulit ni Khen. “Don’t say na never mo na-experience na manligaw? H’wag mo rin sabihin na hindi ka nanligaw kay Zenn at Janna?”
Matalim kong tinitigan si Khen.
“Totoo naman ‘di ba?” gatong naman ni Shoi.
“Hindi ko sila niligawan,” sagot ko, nakatingin sa malayo.
“Ano?!” Sabay-sabay nilang sabi.
“Ibig sabihin lahat ng nararamdaman mo –? I nodded, already figured out what Tim’s would say.
“Bakit naman gusto mong malaman kung paano manligaw?” tanong ni Shoi. Mukhang naging seryoso na rin ang tatlong kausap ko.
“Hindi ko alam kung bakit. All I know is I feel jealous every time I saw Lhorr with Ethan. Mas naging malapit na si Lhorr sa kaniya lalo na nang nagkita na sila."
“Edi unahan mo na si Ethan bago ka pa niya ulit ungusan. Natatandaan mo ba ang ginawa niya sa’yo noon kay Zenn? Kakampi mo kami, Jorge. At nasa iyo ang pusta namin,” kumpyansang sabi ni Tim.
“Mag-isip ka na kung paano mo siya mauunahan, Jorge,” saad ni Shoi.
“How? I don’t even know when or how to start,” I replied, monotonous.
Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Siguro ay ayos lang naman na sabihin ko sa kanila ang nararamdaman ko tungkol kay Lhorr. Alam kong may galit din sila kay Ethan. Kaya sigurado akong kakampi ko sila.
I already confronted them about their agreement with Sandara. Nangako rin sila na hindi na nila iyon gagawin. May tiwala ako sa kanila bilang mga kaibigan. Siguro ay hindi nila ako kayang traydurin. Nabulag sila sa pera na offer ni Sandara kaya rin napa-oo sila sa alok nito. But I have the power to control them.
“Simple lang naman ang gagawin mo, Jorge. You will do the traditional s***h modern way of courting,” singgit ni Tim.
“Partz, naiisip niyo ba ang naiisip ko?” seryosong tanong ni Khen kay Tim.
“Syempre hindi. Kasi magkaiba tayo ng ulo,” pilosopong sagot ni Tim. Natawa kaming apat.
“Ulol!” mura ni Khen sa kaniya. Binaling niya ulit ang tingin sa akin. “Huwag kang mag-alala, Jorge. Tutulungan ka namin sa simpleng problema mong ‘yan.”
Tinapik ako ni Shoi sa balikat. “Ganito gagawin mo…” Nagsimula na nga ang tatlo sa mga plano nila. Hindi ko alam kung seryoso bang tutulungan nila ako o pinaglalaruan lang talaga nila ang sinabi ko. Pero napaisip ako, magiging alas ko sila para matulungan akong ilayo si Lhorr kay Ethan.
Wala akong tiwala sa pinsan ko simula pa no’ng una. Alam kong mapapahamak lang si Lhorr kapag nahulog ito sa bitag niya. Kaya kailangan ko na siyang unahan. This time I should stand for what I am truly feel to Lhorr. I already confirmed that I am in love to her.
“It’s now or never, Lhorr,” sabi ko.
Napatingin ako sa relo ko. Saktong alas-sais na. Naglalakad na ako papunta kung saan ko ipinarada ang aking sasakyan.
Napahinto ako ng walang dahilan. “Mukhang ang tahimik yata ng campus ngayon,” tanong ko habang kausap ang aking sarili.
Sa tuwing napapadaan ako sa lugar na ito, may nakakasalubong pa akong mga estudyante. Karamihan sa kanila ang mga may night classes. Parang may kutob ako na may hindi magandang mangyayari. Binalaan ko na ang mga kaibigan ko tungkol sa balak nila kay Lhorr. Hindi naman siguro nila sisirain ang tiwala ko. We already departed as I decided to leave the campus.
I parked my car in the Communication Building’s parking area dahil kaunti lang ang mga sasakyan na naka-park doon. Matunog sa mga estudyante dito na isa sa mga pinakanakakatakot na lugar ang Communication Building parking space, dahil malapit ito sa Gate 2 ng campus.
Wala naman akong pakialam sa mga sabi-sabi nila. Habang papalapit na ako sa sasakyan ay may namumukhaan akong babaeng nakatayo rito. Napahinto ulit ako. May naalala akong alam kong ngayon mangyayari.
Itinuloy kaya nila? Parang malakas ang kutob ko. The exact location, the time today, and their victim. Tumutugma ang lahat ng plano nila.
I already knew about this plan. At hindi nga ako nagkamali nang makita ko silang dalawa sa lugar na ito. Hindi ako kumibo sa pinagtaguan ko. Hinintay ko ang sunod na maaaring mangyari.
A familiar faces covered Lhorr’s head of black bag. I was disappointed. Hindi nila ako pinakinggan. Hindi pa rin ako umalis sa puwesto ko. Minamanmanan ko lang ang susunod na gagawin nila kay Lhorr.
Binitbit nila ang walang-malay na katawan ni Lhorr. Maingat ko silang sinundan hanggang sa nakarating ako sa likod ng P.E. gym. Dinala nila si Lhorr sa locker’s area. Ito ang lugar na pinag-usapan nila.
Matalino talaga si Sandara. Dito niya pinadala si Lhorr dahil alam niyang walang makakarinig sa kaniya. Wala ring makakaalam ng puwede niyang gawin sa kaibigan niya. Malayo ang gym na ito sa mga buildings. Sira rin ang mga CCTV dito dala ng kalumaan na. The project to install new CCTV is still part of the plans. Na-plano niya nga talaga ang lahat.
“Bilisan na natin! Hayaan na natin si Lhorr dito!” dinig kong sabi ni Khen.
“S-Sandali lang,” natatarantang sagot ni Shoi.
Iginapos nila si Lhorr sa silya. Nang matapos nila itong igapos ay kaagad naman silang nagmadaling umalis. Iniwan si Lhorr sa madilim na sulok ng locker’s area.
Sinadya nilang hindi buksan ang ilaw para walang makaalam nang gagawin nila. Hindi ko lubos maisip na itinuloy pa rin nila ang plano ni Sandara.
Nasaktan ako dahil itinuring ko silang barkada. Binigo ako ng mga itinuring kong kaibigan. Dapat pala ay hindi ko na sila pinagkatiwalaan. Nang akmang aalis na ang dalawa ay agad kong binuksan ang switch ng gym. Nagulat sila nang makita akong nakaharang sa pintuan.
“You betrayed me,” I said with burning anger in my heart, forming a fist. “You didn’t listen to me.”
“J-Jorge? Ba-bakit ka nandito?” nauutal na tanong ni Khen.
@phiemharc – C22