Chapter 21 - JORGE’S LETTER
Lhorr’s POV
“Hoy, Jorge!”
“Lhorr!”
Hahampasin ko na sana si Jorge ng cellphone ko nang mapatigil ako. Narinig ko kasi na may tumawag sa pangalan ko. Pamilyar ang boses na iyon.
Nagtimpi ako ng galit. “Suwerte mo lang talaga. Humanda ka sa akin pag nakita kita ulit,” pagbabanta ko.
Parang wala lang naman sa kaniya ang pagbabanta ko. Nilagpasan niya lang ako at deretsong naglakad palayo.
“Argh!” naiinis kong sabi.
“Lhorr.” Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ulit ang aking pangalan.
“Ah, Oh, Poy. Anong ginagawa mo dito?” tanong ko. “Sinong sinadya mo naman dito sa campus? Si Jorge ba o ―”
“Hey! Can you ask me one by one?" natatawang awat nito sa ‘kin. “To answer your questions― we are one of the stakeholders of this University. Hindi nga lang obvious dahil ayaw na naming ipaalam sa iba. Si Jorge ba? Isa rin ang family nila sa mga stakeholders dito. Kaya gusto niyang subukan ang patakaran ng public schools naman. Second, I was invited by the University President to visit him. He’s our ninong actually. Lastly, hindi ko pinuntahan si Jorge dito kundi ay ikaw mismo. Napag-alaman ko rin kasi kay Jorge na dito ka rin pala nag-aaral. Mukhang pinagtatagpo talaga tayo ng landas na magkita after how many years.”
Napangiti ako nang makaramdam ako ng konting awkward. “A-ako? B-bakit naman ako? Ay, oo nga pala, Poy, pasensiya ka na, may last period pa kasi ako. See you around,” nagmamadali kong sabi.
“G-Gano’n ba? O sige, I’ll see you in the Gate 2,” dinig kong sabi niya.
Hindi ko naalala na may pupuntahan pala kami ngayong araw. ‘Yon nga siguro ang isa sa mga sadya niya. I forgot that he invited me to have lunch with him. Hindi na kasi ako nakatanggi no’n dahil wala pa mang lumalabas sa bibig kong “oo” ay kaagad na itong nag-expect. Hindi naman siguro masama kumain kasama ang dati kong childhood friend. Kaya hinayaan ko na lang at hindi na ako nakatanggi pa.
Iniwan ko lang siya sa field. Paglingon ko naman bago ako tuluyang pumasok ng building ay wala na rin siya. Siguro ay nagpunta na siya sa Office of the University President. Malapit lang naman iyon sa field kung saan kami nagkausap kanina.
Natapos ang last class ko pero para pa rin akong lutang. Hindi ko kasi alam ang takbo ng nararamdaman ko. Para akong kinakabahan na ewan dahil magkikita kami ulit ni Poypoy. Siguro ay naninibago lang ulit ako pagkatapos ng ilang taong hindi kami nagkita.
Namalayan ko lang ang sarili ko na naglalakad sa direksiyon kung saan ang Gate 2. Nasa kawalan lang ang isip ko habang dinaraanan ang ilan sa mga estudyante. Kaunti lang kasi ang tumatambay malapit sa Gate 2 ng University. Kadalasan ay mga sasakyan lang ang dumadaan dito.
“Hi, Lhorr. Where are you going?” Napabalik ako sa aking katinuan nang makasalubong ko si Sandara. “Parang nakakapanibago yata na dito ka naglalakad. Ano naman ang gagawin mo sa parte ng campus dito? May I me-meet up ka ba?”pag-uusyoso niya.
“May kailangan lang akong ihatid. Mauna na ako baka kasi hindi ko na siya maabutan,” pagsisinunggaling ko.
Hindi na katulad ng dati ang pakikitungo namin sa isa’t isa. Nagkaroon na ng lama tang pagkakaibigan namin si Sandara. Kaya kung pwede ko lang siyang iwasan ay ginagawa ko talaga. Sobrang daming nagbago pagkatapos ng naging aksidente ko noon.
“O sige, hindi na kita kukulitin pa. Alam kong may tampo ka pa rin sa akin eh,” sabi niya. “By the way, bago pala ako umalis. May gusto lang sana palang ipaabot si Jorge sa ‘yo. Nahihiya kasi siyang ibigay sa iyo ito ng personal kaya pinautos niya na lang sa ‘kin.”
Nagtaka ako sa sinabi ni Sandara. Hindi ko alam na magkakilala silang dalawa ni Jorge. The last time I knew, he was also mad with Jorge because of my bracelet. She even revealed that Jorge was an accomplice of Wilb.
Walang ano-ano’y iniabot niya sa akin ang isang papel. Nang abutin ko ito ay agad kong binuksan.
Lhorr,
Meet me in the Communication Building Parking 3 at 6 pm. May gusto lang akong sabihin sa’yo. Sana pagbigyan mo ang kahilingan ko. Maraming salamat.
Love, Jorge
“Bakit naman?” tanong ko kay Sandara.
“Malay ko ba. Baka gustong makipag-ayos sa ‘yo pagkatapos ng mga katarantaduhan na ginawa niya?” tanong niya rin. Siguro nga tama si Sandara. “Mauuna na ako, Lhorr. Puntahan mo na lang para malaman mo talaga ang pakay niya. Mag-ingat ka sa pag-uwi.”
Iniwan ako ni Sandara na puno pa rin ng katanungan sa aking isip. Parang ang weird ng mga nangyayari. Hindi ko alam kung bakit pero may masama akong kutob. Siguro ay maliliwanagan lang ako kung pupuntahan ko siya sa sinasabi niyang lugar .
Bakit gusto niya naman akong makita? Ano na naman kaya ang binabalak ng mokong na ‘to? Kaya siguro hindi niya ako pinansin kanina sa field? At bakit naman si Sandara pa ang pinakiusapan niya? Pagkatapos niyang maging gago sa huli niyang sinabi sa akin sa text. Tapos magiging tupa na ulit siya?
“Argh! Ang gulo! Humanda ka talaga sa akin Jorge kapag nagkita tayo!”
Nang mapatingin ako sa oras na nasa cellphone ko, napalitan ng gulat ang inis ko. Hindi ko namalayan na ang bilis ng takbo ng oras. Nakalimutan kong naghihintay na pala si Poypoy sa gate.
“Kailangan ko nang magmadali at baka kanina pa siya naghihintay,” natataranta kong sabi.
Nagmamadali akong tumakbo papunta sa Gate 2 ng University. Natatanaw ko na si Poypoy sa ‘di kalayuan nang malapit na ako sa gate. Hingal na hingal ko naman siyang hinarap.
“What keeps you so long?” nagtatakang tanong niya. “I thought you won’t go with me. At bakit parang nagmamadali ka yata?”
“May importante lang akong kinausap about sa school project for this semester kaya natagalan ako. Pasensiya ka na,” pagsisinunggaling ko. “Tumakbo na rin ako kasi baka kanina ka pa naghihintay dito. Hindi mo kasi alam kung anong pwedeng mangyari sa’yo sa parteng ito ng university.”
“You don’t owe me an explanation, Lhorr. Ano? Tara na?”
Tumango na lang ako sa kaniya bilang tugon.
Sumakay na ako sa kaniyang sasakyan. Hindi na ako nagtaka dahil mayaman nga sila at kaya nilang bilhin ang mga bagay na gusto nila. Bakit ba kasi hindi ko naisip na may sasakyan pala ang kaibigan kong ‘to?
Sinira nga talaga ni Jorge ang katinuan ko ngayong araw. Iginugol ko ang oras ng byahe na nakatingin lang sa labas ng sasakyan. Tahimik lang si Poypoy na nagmamaneho habang ako naman ay naka-pokus sa mga nadaraaanan namin. Nakita ko na lang ang aking sarili na dinala niya sa isang mamahaling restaurant. Sa totoo lang ay hindi ko afford na magpunta rito.
May ilang kilometro din ang layo nito sa University. Nang makaupo ay ibinigay sa amin ng isang waiter ang menu. Napalaki ang aking mata sa nakita. Hindi ko nga kaya ang ganito kamahal na presyo ng pagkain. Hindi sapat ang kinikita namin sa ukay-ukay noon sa mga pagkain dito.
Isang slice ng pork aabot ng isang libo kaagad? Pandagdag ko na ‘yon sa tuition ko sa second semester. Di bale na lang.
Pero napag-alaman ko na sila Poypoy pala ang nagmamay-ari nitong restaurant. Laking gulat ko nang malaman ko ‘yon. Kaya sobrang hanga ako kay Poypoy na siya ang isa sa nagpapatakbo ng mga negosyo nila rito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Sobrang laki na talaga ng pinagbago ng kababata ko.
Naikuwento niya rin na nagtapos siya sa isang kilalang University sa Thailand. Doon na nagsimula na siya ang pinatakbo ng ilan sa mga negosyo nila. Matagal ko na rin talagang pangarap ang makapunta sa Thailand. Kaya lang alam kong hinding-hindi ko kaya makapunta roon. Hanggang Luneta Park lang ang kaya ng budget ko.
Marami pang nai-kuwento si Poypoy sa akin tungkol sa naging buhay niya. Masaya akong madaldal pa rin siya gaya ng dati. Iyon nga lang siguro ang hindi nagbago sa kaniya. He’s still genuine.
“Yes, I’ll already meet them all. Hindi naman ako nagtataka kung bakit ka excited na magtanong niyan,” sagot niya. Naitanong ko kasi kung na-meet niya na ang ilan sa mga paborito kong actors sa Thailand. “I stalked your timeline yesterday at puro BL actors nga talaga ang mga posts and updates mo. Kaya nalaman kong fans ka nila. Mabuti na lang at nakita ko sila, kung hindi wala akong maisasagot sa iyo.”
Napangiti ako. Napakasuwerte talaga ng taong kausap ko ngayon. Lahat ng pinapangarap ko ay siya namang abot kamay niya.
“May pasok ka pa ba mamayang hapon?”
“Oo, eh. Kaya nga bilisan na natin kumain at baka ma-late na ako,” pabiro kong sagot.
“Oh, I’m sorry.”
Nang matapos kaming kumain ay agad naman kaming umalis. Nabusog ako sa mga kinain namin kanina, Nag-alok na rin si Poypoy na ihatid ako pabalik sa University. Tumanggi naman ako pero mapilit pa rin siya.
Hindi na ako nagpahatid sa loob ng campus dahil nahihiya na ako. Mabuti na lang at hindi na siya nakipagmatigasan.
Bumaba ako sa labas ng main gate. ‘Salamat ulit, Poy,” pagpapasalamat ko sa kaniya.
“Basta ikaw, Lhorr. See you again.”
Mabilis niyang pinaandar ang kaniyang sasakyan pagkatapos naming magpaalam sa isa’t isa. Nang mawala na siya sa aking paningin ay kaagad naman akong pumasok sa campus.
Hindi ko naman inakala na paglingon ko ay nakatingin ang ibang estudyante sa akin. Sobra naman akong nagtaka.
“Bakit? May dumi ba ako sa mukha?” pabulong kong tanong sa sarili. Agad ko naman kinuha ang maliit kong salamin sa bag at tiningnan ang aking mukha. Wala namang dumi o kahit natira na kinain ko kanina dahil kasi maski si lady guard ay nakatingin sa akin.
Nang papasok na ako ay napatigil ako sa tanong ni lady guard. “Uy, Lhorr! Sino ‘yong Mr. Right mo na ‘yon? Ikaw ha!” kinikilig na tanong sa akin ni lady guard.
'Yon lang pala ang dahilan ng mga tinginan nila. Bakit? First time ba nilang makakita ng babaeng bumaba sa isang sasakyan? Ganoon na ba 'yon ka big deal para sa kanila?
“Wala po, ate guard, kaibigan ko lang po,” pagpapaliwanag ko. Nagmamadali na akong pumasok loob ng campus papunta sa next subject ko. Hindi ko na rin pinansin pa ang pang-aasar ni lady guard. Mabola lang talaga ‘yon kasi halos lahat ng estudyante dito ay close na niya.
Sobrang bait din kasi ng mga guards namin dito sa Jefford University. Kaya nga suwerte kami na close din namin sila. Pero ang pinaka-close ko ay si ate guard kanina. Pero nagiging strict pa rin sila kapag hindi kami sumusunod sa rules ng University. Marami na kasi akong nakilalang ibang guards na naka-duty dito na kapag sexy, kamag-anak, o maganda matik ayos lang sa kanila.
Natapos ang last course subject ko nang parang bula lang. It’s already 5:30 in the afternoon. Biglang sumagi sa isip ko ang iniabot sa akin ni Sandara.
“Kailangan ko ba talaga siyang puntahan? Pero bakit para namang kinakabahan ako?” reklamo ko kay Kately.
Mabuti na lang talaga at blockmate ko si Kately sa isang minor subject. Kaya tuwing huwebes ay sabay kaming umuuwi.
“Try to meet him, Lhorr. Wala naman sigurong mawawala. Baka gusto lang makipag-ayos talaga ng tao. At baka importante naman kasi ang sinadya ni Jorge. Give him a chance. Don’t tell me wala kang nararamdaman sa kaniya? Baka nga umamin na iyon sa ‘yo," sabi ni Kately, nakangiti. Alam kong binibiro niya ako.
“Sandali lang. Bakit naman ako magkakagusto sa lalaking ‘yon? Imposible!” pagtatangi ko sa kaniya. “Nahahawa ka na talaga kanila Kristof at Jhosy.”
“Uy, hindi ha. Alam mo, Lhorr? Walang imposible kapag sinubukan mo. Dali na!" pag-enganyo niya sa akin. “I’ll go ahead, Lhorr. May meeting pa kami ng blockmates ko sa project namin. See you tomorrow!” pagpapaalam niya.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa dahil malapit na ring gumabi. Nagpunta na ako sa parking area sa gilid ng Communication Building. Hindi ko nga alam kung bakit dito pa, mayroon namang parking area ang department namin.
Nakarating na rin ako sa parking area at sinalubong ako nang napakatahimik na lugar. May iilang mga estudyante ang pauwi na rin pero mabibilang na lang sila sa mga daliri. Nararamdaman kong parang may mali kaya nagsimula na akong kabahan.
Nagulat ako ng biglang nagbukas ang ilaw ng poste. Nagbigay ito ng kahel na liwanag sa paligid. Mas lalo akong kinabahan dahil dito. Hindi ko na yata kayang magtagal pa sa lugar na ito. Nang akmang aalis na sana ako ay biglang may sumalubong sa akin. Nabalot ang paningin ko nang madilim na paligid dahil sa ibinalot nila sa ulo ko.
“Bitawan niyo ako! Sino kayo?! Tulong!” paghihingi ko ng tulong.
May kakaiba akong naamoy sa nakabalot sa aking mukha. Iyon ang dahilan kaya medyo nakaramdam ako ng kaunting hilo. Huling ko nang naramdaman ang katawan kong unti-unti nang babagsak sa lupa.
@phiemharc – c21