Chapter 20 – THE DETECTIVE WAY
Jorge’s POV
“Damn!” I cussed after experiencing a headache, due to the volume of liquor I drank last night. Pero sa kabila ng hangover, kaagad akong nag-asikaso para pumasok sa first class ko.
Next week will be a hell week for everyone. The final exam is waving at us. With no reason, Lhorr’s face appeared on my mind. I suddenly remembered how I bumped her yesterday. Hindi na naman maganda ang pagkikita namin ulit, pagkatapos ng isang buwan. Sa kabila no’n, hindi pa rin maalis-alis sa isipan ko ang napag-usapan nina Sandara, Tim, Khen, at Shoi. Kailangan ni Lhorr na mag-ingat sa kanila lalong-lalo na kay Sandara.
It’s already nine in the morning nang makarating ako ng university. Marami na ring estudyante ang labas-pasok sa gate. Nakuha kaagad ng atensiyon ko si Lhorr habang papasok ng campus. After what happened, she’s still in her natural physique and alluring aura. Parang wala lang sa kaniya ang nangyari.
Naghanap na ako ng pwede kong pag-parking-an. Mabuti na lang at walang umagaw sa parking space ng sasakyan ko. Nang makalabas ng sasakyan ay hindi ko inaasahan ang taong naghihintay sa akin. She welcomed me by her grinning smile. Nakatayo si Sandara sa harap na para bang kanina pa naghihintay sa pagdating ko. Walang pag-aatubili niyang iniabot sa akin ang isang piraso ng papel.
“Ano naman ang kailangan mo?” seryoso kong tanong.
She crossed her arms. “Just take it and you’ll know,” sagot niya.
Kinuha ko ang papel na iniabot niya. Pagkabuklat ko ay nakita ko ang nakasulat na numero. Nahalata niya siguro ang pagtataka sa aking mukha kaya kaagad siyang nagsalita.
“That’s my number, Jorge. If you need my help I am willing to offer my service. I know at this point, you already have feelings to Lhorr. Am I right?” sabi niya, may ngiti sa mga labi. “Huwag mo nang i-deny pa, Jorge, dahil masyado namang obvious.”
“Ano namang pakialam mo kung mayroon nga akong nararamdaman kay Lhorr? At bakit ko naman kakailanganin ang tulong mo? In fact, ikaw dapat ang mangangailangan ng tulong ko,” deretsa kong sabi.
I crumpled the paper she gave me and throw it on the ground. Tinalikuran ko siya pero kaagad akong tumigil nang marinig ko ang huli niyang sinabi.
“Alam kong narinig mo ang pinag-usapan namin ng mga kaibigan mo. At alam kong gusto mong sabihin kay Lhorr ang binabalak ko, Jorge.” I can feel her aura changed. “If you want to see her alive, then you should accept my offer.”
Dala ng galit, matapang ko siyang hinarap. Dahan-dahan ko siyang nilapitan na walang ibang reaksiyon sa aking mukha. Nang makalapit ako sa kaniya ay inilapit ko ang aking mukha. Huminto akong ilapit ang aking mukha nang kapantay sa kaniyang tainga. Naramdaman ko naman na nagulat siya.
“Kung mahal mo talaga ang buhay mo, Sandara, you’ll stop that nonsense plan of yours,” I whispered. “Kapag nalaman ko lang na may ginawa kang masama kay Lhorr… I’ll see you in hell,” pagbabanta ko pa.
Hindi ko inaasahan na papatol ulit ako sa babae lalong-lalo na kay Sandara. I became her fan since then but it looks like I am idolizing an evil. She’s not the Sandara I am thinking before. Despite her angelus face, the devil is hiding inside.
“Deal!” tugon niya na parang wala lang sa kaniya ang sinabi ko.
She’s evidently different from any other girls I met before. I can’t simply play a verbal trick to her. Pero hindi ako magdadalawang-isip na patulan siya kung may gagawin siyang masama kay Lhorr.
“Gugustuhin mo na lang bang mapunta ulit si Lhorr kay Wilb, Jorge? Gano’n ba ang gusto mong mangyari kaya ayaw mong tanggapin ang alok ko sa ‘yo? Para ipaliwanag ko sa ‘yo ng mabuti, Jorge, si Wilb at Lhorr ay may dating ugnayan at hindi malabong magkabalikan sila.”
I smiled. “Alam ko ang lahat ng ‘yon, Sandara.” Nakita ko ang inis sa kaniyang mukha nang agad siyang nagtaas ng kilay. “Hindi naman siguro nagre-recycle ng basura si Lhorr, Sandara― like what you’re doing.”
“Hindi na ako makikipagmatigasin pa sa’yo, Jorge. Kung gusto mong tulungan kita na mapa sa ‘yo si Lhorr, then you’ll pick that paper and save my number,” huli niyang sabi bago tuluyang umalis.
Bigla namang tumunog ang aking cellphone dahilan nang paghupa ng galit ko kay Sandara. When I opened my cellphone, a message from Ethan popped up in the screen. I haven’t seen him as I leave. Thinking of the reason why he messaged me, I read his text.
Ethan: I’m on my way.
Nabigla ako sa nabasa ko. Ano na naman kaya ang binabalak niya? Sa pagkakatanda ko wala kaming pupuntahan ngayon dahil puno ang schedule ko. With my disbelief, I tapped my head thinking how I can escape to Ethan’s presence.
Wala na akong balak na reply-an siya. I put my cellphone in my pocket and continue heading to my class. Nang papasok na ako ng building ay napakunot na lang ako ng noo nang may tumawag sa pangalan ko.
“Hey, Jorge!” Napakamalas yata ng araw ko.
Lhorr’s POV
“Wahhh! Sana all talaga, Khai!” kinikilig na sabi ni Yen.
Kakapanood lang namin ng last episode ng Theory of Love. Mabuti na lang at wala si Ms. Entrapoda, isa sa mga professors namin sa major subjects. Dala ng kilig ay panay hampas ang inabot ko kay Yen na halos maglumpasay sa sahig.
Hindi ko rin naman mapigilan ang makilig ng sobra sa last episode ng TOL. Ganyan ang ginagawa naming magka-kaklase na naimpluwensiyahan ng Boys Love fever dito sa classroom. Halos lahat kami ay suportado ang ganitong uri ng series.
Habang hinihintay pa ang huli naming subject ay napag-isipan kong laruin ang crack the code na na-install ko. Ito ang larong kinahiligan ko sa tuwing vacant time. Talaga kasing pinipiga lahat ng brain cells ko para masagot ang bawat tanong. Hindi lang naman code ang mga problems na tungkol sa laro dahil mayroon ding scenes gaya ng robbery, murder, and foul play. Mukhang nagiging detective din ako dahil sa larong ito.
Nasa Taglish version ang laro kaya hindi na rin ako nahihirapan sa ibang cases at codes. Para ngang nagbago ang desisyon ko sa buhay ng matagpuan ko ang larong ito. Paano kaya maging detective? ‘Yon ang palaging pumapasok sa isip ko sa kalalaro ng app na ito.
Malaki rin ang naging pakinabang nang paglalaro ko nito. Para ba akong sinaniban noon ng pagiging detective matapos itago ang PE uniform ko. Iyon ang dahilan ng muntikan kong pagkabagsak sa subject.
Flashback…
Papunta na ako sa locker area para magpalit ng PE Uniform. Hindi ko inasahan na madadatnan kong bukas ang padlock ng locker kahit na alam kong wala akong duplicate key nito. Kinutuban ako kaya dali-dali kong binuksan ang aking locker. Bumungad sa ‘kin ang magulo kong gamit at saka ko lang nalaman na nawawala ang aking PE uniform.
Hindi ko mapigilang mainis sa kung sino man ang nagbukas ng locker ko. Kaya minabuti kong maghanap ng paraan para malaman kung sino ang kumuha nito. Mukhang nagkamali ang magnanakaw ng PE uniform ko dahil kaagad kong nalaman kung sino ang pinagti-tripan ako.
Kinuha ko ang padlock ng locker. Naamoy ko rito ang ginamit niyang sanitizer. Hindi na ako nagtataka kung isa sa mga kaklase ko sa PE class ang nagtago, kahit magkakaiba pa kami ng kurso. Isa sa kanila ang napipisil kong pagbintangan: Pauline, Jersey, Angelica, Rasha, and Kate.
Alam ko na isa sa mga bubble gum girls ng University ang nagtago ng aking PE Uniform. They are known as bubble gum girls sa campus dahil daig pa ang kambing na palaging may nginunguya sa bibig. Hindi na ako nabigla dahil bully sila dito sa university at kahit isa ay walang nangahas na magsumbong sa kanila sa guidance. Ito na ang ika-2nd time nilang kumuha ng PE subject dahil INC sila no’ng nakaraang taon.
Naghanap ako ng maaari kong pruweba at siguro sumasang-ayon din sa akin ang lahat. Naamoy ko sa aking notebook ang kaniyang ginamit na pabango. Mukhang mag-a-ala-detective ako ngayon. Hindi ko inasahan na ang nilalaro ko lang sa cellphone ay pwede palang mangyari sa totoong buhay. Naamoy ko kasi ang masangsang niyang amoy. Trademark na amoy na rin niya siguro iyon noon pa.
Hindi na nakapagtataka na naging immune na sa amoy niya ang kaniyang mga kaibigan. Kaya kaagad kong hinanap siya and its so good to see her in the gym. Nang makita ko siya kasama ang kaniyang mga kaibigan ay napahinto ako sa kanilang harapan.
“Hi. Lhorr. Bakit hindi ka pa nagbibihis?” bungad na tanong ni Pauline.
Seryoso ko siyang tinitigan. “Someone stole my PE Uniform. Alam mo ba kung sino? Isa lang naman sa mga cheap members niyo ang gustong kumuha no’n,” sagot ko, habang nagpipigil ng galit. “Kung ayaw niyong makita ang pagmumukha niyo sa Guidance Office’s Profile of students violating University’s Regulations, ibalik niyo sa akin ang PE uniform ko."
“Mag-preno ka naman sa pagbibintang sa amin, Lhorr. Hindi mo yata kilala ang binabangga mo,” sabi ni Angelica. “At bakit naman magkakainteres ang isa sa amin doon sa gusot mong damit? Ang cheap kaya no’n.”
Nagtawanan naman ang mga kasama niya. “Huwag mong ibintang sa amin ang mga bagay na wala kang pruweba, Lhorr,” bwelta naman ni Jersey.
“Kung ‘yan ang gusto niyo, then maglaro na lang tayo. Teka! Bakit hindi kayo nagsasalita Kate and Rasha?” napatingin ako sa dalawa na hindi umiimik. “Dahil alam niyo na wala kayong ginawang kasalanan, kaya kung ako sa inyo lumayo na kayo sa mga kaibigan niyong ito bago pa kayo madamay,” sabi ko.
Akmang sasampalin na ako ni Angelica nang mapatigil siya. “Angelica, buking ka na. Ayaw ko nang makipaglaro sa wala mong kuwentang pakulo. Sino pa ba ang magkakagusto ng gusot kong damit? Kundi ikaw lang,” bintang ko sa kaniya.
“Wala kang pruweba!” sigaw niya sa akin.
“Gusto mo nang pruweba? Ito, mag-enjoy ka!”
Agad kong ipinakita ang CCTV footage sa locker room kung saan si Angelica mismo ang nagbukas at kumuha ng PE uniform ko. Hindi makapaniwala si Angelica na may hawak ako ng footage ng CCTV. Nanlaki naman ang mga mata ng kaniyang mga kaibigan. Buking na ang kanilang ginawa. Akala yata nila ay hindi ko sila papatulan.
Bago pa ako bumalik sa gym, pumunta muna ako sa namamahala ng CCTV dito sa campus. Pina-review ko ang CCTV sa locker area at mabuti na lamang ay binigyan ako ng kopya.
“Thank you for not telling the truth, Angelica,” nakangiti kong sabi.
Nagsipag-ayos na ang lahat nang makita nilang papasok na sa gym ang aming PE professor. Nagpaalam ako sa aming professor na may importante lang akong aasikasuhin. Sa kabutihang-palad naman ay pinahintulutan niya rin ako.
Pagkatapos ng PE class ay ipinatawag sa Guidance and lima. Hanggang sa umamin din si Angelica dahil wala naman siyang kawala dahil sa hawak kong ebidensiya. Ibinalik na rin sa akin ang PE uniform ko ngunit may mga punit na ito. Nangako naman ang lima na papalitan nila ito ng bago. Ngunit pinatawan sila ng one week suspension dahil magkakasabwat din silang lima.
“Lahat ng ginagawa niyo ay kusang babalik sa inyo,” sabi ko sa lima bago umalis ng Guidance Office.
*****
“Lhorr!” Napabalikwas ako sa aking kinauupuan dahil sa malakas na sigaw ni Yen.
“Tingnan mo naman ‘yang nilalaro mo. Ubos na ang oras mo sa pag-solve ng case,” reklamo nito. Napatingin ako sa aking cellphone at game over na nga talaga. Naubos ang time ko sa pag-solve ng crime.
“Ang lalim naman yata nang iniisip mo, Lhorr? Lalaki na ba 'yan? Ayiee!” pabirong tanong ni Yen.
“Lalaki? Sa pagmumukhang ‘to? May lalaki bang magkakagusto sa tulad ko?” tanong ko, habang tinuturo ang aking sarili.
“Walang impossible. Baka nga mayro’n na, inililihim mo lang. Ikaw ha!”
“Tse.”
Biglang tumunog ang aking cellphone dahilan mabaling ang atensiyon ko rito. Isang text message ang natanggap ko mula sa hindi naka-rehistrong numero sa aking cellphone. Agad ko namang binasa ito. Laking gulat ko nang mabasa ang nilalaman ng mensahe.
:Hi, Lhorr :=). Masaya ka ba sa pinanggagawa mo? Ang sarap mo pa lang paglaruan ‘no? Para ka kasing uto-uto. Pasensiya ka na, ha? Nananalo ako sa tuwing nagkakalaban tayo. Regards to you.
Love, Jorge
Napuno na naman ng galit ang kaninang masaya kong araw. Kahit kailan talaga malas ang dala niya sa buhay ko. Akala niya mapapalampas ko pa ang sinabi niya sa akin.
Kahit kailan hindi ako naging uto-uto. Nag-aaral ako ng maayos para hindi maliitin ng tao. Wala siyang karapatan na insultuhin ako nang ganyan. Wala akong pakialam kung gaano pa siya kayaman o kilalang-kilala. Under the belt na ang mga pinagsasabi niya sa akin. Maybe he won in hiding my bracelet, but I succeeded in slapping his face publicly.
Hinanap ko siya sa campus. Talaga ngang mabait sa akin ang panahon at agad ko siyang nakita na nakaupo sa bench malapit sa field.
“Hoy, Jorge!”
@phiemharc – C20