C19: Poypoy

1917 Words
Chapter 19 - POYPOY Lhorr’s POV A month has passed, yet I haven’t seen Jorge’s presence after I found my bracelet, no, after Sandara gave it to me. Maybe Sandara was right. Jorge stole it because he wanted to take revenge from me after all the things I’ve done. But something in me won’t believe he will do such thing. I never expected it either. I am very disappointed to him and it is so damn disappointing that despite he had done, I can’t help myself to get mad at him. Nakakairita na rin hanapin ang taong mailap magpakita. ‘Yong tipong mahilig pa makipagtagu-taguan. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa dahil alam kong pagtatagpuin talaga ang landas namin. May mali pa rin siya sa akin at hindi ko ‘yon kailanman makakalimutan. Pagkatapos ng klase ko, nagdesisyon akong pumunta sa malapit na mall. Napag-isipan kong mag-grocery muna bago umuwi. Pinakiusapan din ako ni mama na bumili ng gatas niya. Masaya ako na kahit papaano ay bumalik na ang katinuaan ni mama. It happened after the incident I’ve encountered. Unti-unti na siyang nakaka-move-on sa nangyari kay papa. I am longing to the care of my mother, which we’re experiencing again. I am still lucky to have my brother and my mother. My brother is a working student too. He’s working in the construction site after his morning class. I never allowed our mother to work since she might get stressed and I can’t take it anymore if depression will touch her again. “Super traffic naman ano ba ‘to,” angal ng babaeng katabi ko sa sasakyan. Nandito ako sa loob ng jeep papunta sa mall. Ilang metro lang ang layo nito mula sa campus, ngunit mas gusto ko pa ring sumakay sa kabila nang mabagal na usad ng traffic. Para hindi mainip, I browse my f*******: account. I never expected that Jorge Casillo’s profile appeared on my screen. Mukhang papatay ng kalaban ang titig niya sa picture habang nakaupo sa isang sofa. Ang malambing niyang mukha on line ay parang hindi halatang tarantado sa personal. Kung hindi dahil sa maganda niyang mata, tiyak hindi naman siya attractive. “Wait! Model siya ng favorite kong magazine? Chrub Mag?!” Laking gulat ko nang mabasang mula sa CHRUB ang kanyang picture. “Bakit hindi ko alam na model siya ng Chrub? O baka baguhan lang siya?” tanong ko pa sa aking sarili. “Miss, ayos ka lang ba? Bakit ka nagsasalita mag-isa?” pagtatanong ng isang pasahero nang marinig akong nagsasalita. “E-eh, wala po may naalala lang,” agad kong sagot. Sinubukang kong halungkatin ang kanyang timeline photos and I saw someone who is familiar to me. Upon seeing his photo I suddenly remembered Poypoy, my childhood friend. Then my bracelet suddenly shone when the sun rays gently kissed it that caught my attention. I glance at it while reminiscing those memories with him, 12 years ago. He intended to personalize this bracelet, so I looked for someone who can fix it. It was his only remembrance of our childhood. If ever we separated ways we still have our memories with us. It already happened and I don’t know if we will cross paths again. Bumaba na ako ng jeep at naglakad papasok sa loob ng mall. Agad naman akong dumeretso sa department store at binili ang mga nakalistang pinapabili ni mama. Matapos kong mabili lahat ay agad na akong pumila sa cashier at nagbayad. Dumeretso kaagad ako sa paborito kong ice cream-an at pinili ang caramel flavor. Hindi na ako gumala pa dahil kailangan kong umuwi kaagad. Magluluto si mama ng paborito naming ulam tuwing hapunan. Kaya excited na akong matikman ulit ang luto niya. Nang makalabas ako ng mall ay may taong nagmamadali namang tumakbo. “Ahh!” napadaing ko. Hindi koi yon kaagad naiwasan. Malakas akong nabangga ng nagmamadaling lalaki. Nabitawan ko tuloy ang dalawang supot ng binili ko at nagkalat ito sa sahig. Nasira ang supot ng isa sa mga pinaglagyan ko ng gatas. Naiinis kong pinulot ang mga pinamili ko at kaagad na hinarap ang lalaking nakatayo ngayon sa harap ko. “Ikaw, hindi ka ba marunong tumingin sa daan?!” singhal ko. Laking gulat ko ng namukhaan ko ang nakabangga sa akin. Walang iba kundi ang lalaking matagal ko nang hinahanap, si Jorge. “Ikaw na naman?! Hanggang dito ba naman kamalasan pa rin ang ibinibigay mo sa ‘kin?” inis kong sabi. “Pasensiya na―” Plak! Hindi ko na siya tinapos magsalita. Kaagad ko siyang binigyan ng malutong na sampal. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Hindi ko alam bakit ko ginawa ‘yon pero tila may buhay ang aking kamay. He deserves it after all. “Ano bang problema mong babae ka?! T’wing nagkikita tayo palaging mainit ang ulo mo sa akin!” pagtataas niya ng boses. “Ikaw, ikaw ang problema ko! Paano mo nagagawang paglaruan ang feelings ng iba? Pinahirapan mo akong maghanap sa nawawala kong gamit at ikaw lang pala mismo ang nagtago. Alam mo? Pinatawad na sana kita, kaso nga lang masama pala ang ugali mo!” singhal ko sa kaniya. “Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa’yo pagkatapos mong hayaan na kumalat ang pagkain na pinaghirapan namin bilhin! Ganyan ba kayong mayayaman?! Parang wala lang sa inyo ang mga ganito?” “I’m so sorry for raising my voice, Lhorr. Pero mali ang iniisip mo. Let me explain,” sabi niya. “I admit, I kept your bracelet. But I did it because I remember something. And I asked Wilb to return your bracelet dahil alam kong mainit pa rin ang dugo mo sa akin. At saka, ako ng bahala magpalit niyang pinambili mo.” “F*ck you! Hindi mo ako madadala sa kayamanan mo!” Hindi ko na siya pinakinggan habang pinupulot ang iba pa sa aking mga binili. Nagsialisan na rin ang mga taong kanina’y nakatipon at pinapanood kami. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi ko kayang tuluyang magalit sa kaniya. Inaamin ko naman sa sarili kong nagiging mabait ako sa kaniya. Siguro dahil lang ‘to sa pagbantay niya sa akin. Kaya hindi ko magawa ang sinasabi kong gaganti ako sa kaniya. Gano’n ba talaga ‘yon? Tulak ng bibig kabig ng dibdib? Bahala na at dapat hindi na ‘yon lumalim pa. “Jorge!” Tinawag siya sa kaniyang pangalan ng isang lalaki. Agad naman akong naestatwa nang makita ko ang lalaking tumawag sa kaniya. Siya nga ‘yong lalaking kasama ng mo’kong sa pictures na nakita ko sa kaniyang timeline kanina. Hindi ako nagkakamali dahil kahawig na kahawig niya ang lalaking iyon. “Jorge, why did you―” Napatigil siya sa kaniyang sasabihin nang magtama ang aming mga mata. “Pipay?” Tama ba ang narinig ko nang tawagin niya akong Pipay? Isa lang ang tumatawag sa akin ng panggalang ‘yon. Hindi maaaring siya si Poypoy na childhood friend ko sa probinsiya. Malayo ang kanilang pagkakahalintulad at maaaring mali lang ang narinig ko. Hindi ko na namalayan ang paglapit niya sa ‘king harapan dahilan upang mapatayo ako. Iba ang kabog ng aking dibdib at hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ko na napansin ang luhang umagos sa aking mukha. Muli kong narinig ang isang tao na tawagin ako sa pangalang iyon. Siya nga ba talaga si Poypoy? “P-Pipay? Can’t you remember me? Ako ‘to― si Poypoy. Natatandaan mo pa ba ang bracelet na ‘to?” tanong niya sa akin. Nakita ko ang bracelet na kaniyang suot at nakaukit dito ang pangalan niyang Poypoy. “Sa wakas nagkita ulit tayo. Ang tagal kong hinintay na makita ka, Pipay.” Hindi nga ako nagkamali nang narinig. Sapagkat ang kababatang ilang taon ko nang hindi nakikita ay narito na sa aking harap. Sobrang laki na talaga ng pinagbago niya. Wala na akong naging reaksyon kundi ang muli siyang yakapin. Masaya akong mayakap ulit ang aking kababata. “Ang tagal kitang hinanap. Salamat at nagkita tayo ulit, Poypoy,” naiiyak kong sabi sa kaniya. Jorge’s POV Nagmamadali kong tinaguan si Ethan dahil ayaw ko siyang sumama kung saan man ako pupunta. Alam kong magyayabang lang siya kung isasama ko siya sa lakad ng mga kaibigan ko. Naisipan kong taguan siya pero nakita niya ako. Nagmamadali akong tumakbo pero patuloy niya rin akong hinahabol. Sa pagmamadali ko ay hindi na ako kaagad nakahinto. Tuluyan kong nabangga ang babae na kalalabas lang ng mall. As I glanced at her, I immediately recognized the person I bumped with. What a coincidence to see her again closely. Isang malutong na sampal naman kaagad ang sinalubong niya sa akin. Naabutan na nga ako ni Ethan dahil sa nangyari. Hindi ko na maintindihan pa ang mga sumunod na pangyayari. Nagtataka ako nang tawagin siya ni Ethan sa ibang pangalan. Lumapit si Ethan kay Lhorr hanggang sa nagpaliwanag ito mula sa isang bracelet na nag-ugnay sa kanilang dalawa. Hindi ko mapigilan ang magselos sa nakikita ko. “Posible kayang si Lhorr ang babaeng sinadya ni Ethan sa pagbabakasyon niya rito?” tanong sa aking isip. “Hindi puwede.” Mas nadagdagan pa ang kirot sa aking puso nang makita kong niyakap ni Lhorr si Ethan ng walang dahilan. Nakita kong umiiyak si Lhorr habang kayakap si Ethan. Nasasaktan ako. Kaya kaagad akong umalis sa aking kinatatayuan. Mabuti at hindi nila napansin ang pag-alis ko. ***** Hindi na ako natuloy sa lakad ng aking mga barkada. I found myself in the garage, peacefully parked my car. I felt like someone tortured me alive. It’s incurable. Pumasok na ako sa loob. Tahimik akong sinalubong ng mansion. I get a glass of wine sa kusina bago nagtungo sa kuwarto ko. Hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko na kanina pa gustong umagos sa aking mata. Hindi ito bago sa akin dahil si Lhorr ang ikalawang babae na nagbigay muli ng buhay sa akin. I admit, she’s important to me. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nahulog sa kaniya. Alam ko namang maiintindihan ako ni Zenn sa nararamdaman ko. Araw-araw kong pinagmamasdan si Lhorr sa malayo at hindi ko maiwasan na mahulog ng tuluyan sa kaniya. Siya ang babaeng nagpatibok ulit ng aking puso. Sa kaniya ko lang ulit naramdaman ang pakiramdam noong minahal ko si Zenn. “Kaya pala sobrang pamilyar ng bracelet na ‘yon sa ‘kin. Nakita ko na pala talaga ang katulad no’n kay Ethan.” Huli ko nang naalala ang suot ni Ethan na bracelet na kapareha ng kay Lhorr. Akala ko may pagkahawig lang ito nang nakita ko sa kaniya. Si Lhorr pala ang tinutukoy ni Ethan na kababata niya noon sa probinsiya. Wala akong larawan na nakita habang patuloy niya sa akin kinekwento ang kaniyang bakasyon sa probinsiya noon. Hindi ko lang kaagad ‘yon nalaman dahil mas naging busy ako para maghanap ng paraan kung paano kami magbabati ni Lhorr. Napasabunot ako sa aking buhok. “Sinunggaling ka, Ethan. Inagaw mo ulit ang taong naging malapit na sa ‘kin,” galit kong sabi habang nakasandal sa paanan ng kama. “I won’t let you steal the girl I loved… again.” Hanggang sa nakailang baso na ng wine ang naubos ko. Humilata na ako sa sahig nang maramdaman ko ang paglibot ng aking paningin. Unti-unti na akong nilamon ng dilim habang ipinipikit ko ang aking mga mata. “Lhorr, I am the one who really loved you. You are mine.” @phiemharc – C19
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD