Chapter 7: INTRUDER
Lhorr’s POV
“Okay ka na ba, Lhorr?” tanong ni Sandara.
Nagkaroon na ako ng malay matapos ang naging laro namin kanina. Nandito pa rin ako sa loob ng university clinic. Hindi pa ako pinapayagang makalabas dahil kagigising ko pa lang daw.
Nakahiga lang ako sa malambot na kama ng clinic. Paminsan-minsan masarap din pala maging pasyente ng clinic dito. Bastante ka na sa higaan, well-ventilated pa dala ng buga ng aircon.
But why our classrooms suffer from hell? There’s only one stand fan in every classroom and a rusty ceiling fans that seems built during the 90s.
Nanatili muna ako ng ilang minuto para na rin makakuha ulit ng lakas. At maging abusada sa free aircon ng clinic. Kasama pa rin sa tuition namin ang binabayad dito.
Tiningnan ko ang orasan sa aking harapan at malapit na pa lang mag ala-una. Gusto ko pa naman manood ng swimming event ngayon dahil susuportahan namin ang isang kaibigan mula sa College of Law.
May limang miyembro sa aming barkada. Nabuo lang ito ng magtatapos na ang semester sa senior high. Kaya napagplanuhan namin na dapat bawat isa sa grupo ay may magkakaibang kurso. Pero dapat ay sa iisang unibersidad lang kami mag-aaral. And, it happened. We are studying in the same university with different degree to finish, our dream university― Jefford University.
Isa rin sa mga agreement namin na sumali sa anumang aktibidad sa unibersidad para naman magkita-kita kami. Sa laki ba naman ng unibersidad namin daig pa Mall of Asia sa sobrang lawak.
“Sabay tayong mag-e-enroll sa Jefford University, ha,” sabi ni Kristof, isa sa aking kaibigan.
“Oo naman,” sagot ko.
Kaya nandito kami ngayon nagsama-sama. Kilalang-kilala sa larangan ng sports event at literary contests ang unibersidad. Many great athletes and artists were produced by this University to be globally competitive. No wonder why sport events of the University were seriously took into like joining a battle.
Isa ang aming unibersidad sa pinakakinatatakutan ng ibang unibersidad sa aming rehiyon dahil malalakas ang nanggagaling dito.
Pero sa katunayan hindi ko naman “big dream” na kumuha ng Engineering course. It’s just a random pick that only luck could help you find your destined course. I feel like I am doing a thesis using a fish bowl sampling technique as on how we identified our respondents. As a good friend, I pursue Engineering since it was what I’ve picked.
Si Sandara Cristoba ang pinakamatalik kong kaibigan. Siya ang nakabunot ng COE kaya siya nag-Educ. Magkaiba kami ng section no’ng elementary kaya minsan lunch time na kami nagkakasama. However, she transferred school when she was in junior high school. Naging iskolar kasi ako ng private school no’ng elementary ko. Kaya nakilala ko siya. But I pursue my studies in public as I entered high school.
Only then I found out that she will pursue Senior High in the same school I was enrolled. On that day, we bond again together again until we reached college.
Nagkakilala lang kami sa school canteen noong elementary nang mag-agawan kami ng trey. Hindi talaga kami magkasundo noon, ngunti sino ba naman ang magsasabi siya pa ang naging close ko sa lahat.
Napapabilib na ako ni Sandara noong elementarya pa lang kami dahil marami na siyang naging achievements. Iba’t ibang parangal na rin ang kaniyang natanggap mula sa magkakaibang kompetisyong nasyonal at internasyonal. While me? I am just a clapper and a proud supporter of her.
Si Kristof Del Mart naman ay ang kaibigan namin sa College of Law. Siya ang pinaka-makulit sa aming lima. Ngunit sino ba naman ang mag-aakalang kukunin niya ang kursong Law, as it is his most avoided course in college. Who would try to survive Law school if you only wish to become your father’s heir?
His prototype doesn’t fit law school. He’s an athlete, a great swimmer, triathlete, and basketball player. Kaya kilalang-kilala siya sa University, as if they adore a good and charming person. Kung alam lang talaga nila kung gaano ka chickboy ‘tong kaibigan namin.
Si Kately Sauch, mula naman siya sa College of Nursing. She’s a half-human, half-immortal, as we describe. She’s like an immortal goddess who existed to prove that human dictionary is true. She’s the smartest in the group.
Sobrang matalino, maganda, crush ng lahat, at talentado si Kately. Parang sa kaniya na nga lahat ibinuhos ang blessings para maubusan ako sa mga panahong nagpaulan ang Maykapal. She’s an achiever in academics and extra-curricular activities. Kaya kapag labanan na ng utak ang usapan sa grupo, I better zipped my mouth when Kately started to intrude.
Si Jhosy Kurtin Reall naman ang chikadora sa aming grupo. Siya ang clown o ‘di kaya source ng katatawanan sa tuwing nababagot kami. He’s a proud member of the LGBTQIA+ community. Magaling naman siya sa gymnastics at pati ba naman pag-split ng mga relasyon ng mga estudyante sa University ay alam na alam niya. May pagka-chismosa nga ‘tong ateng namin. He’s taking BS Communication.
Sa aming grupo ako siguro ang pinaka-walang kuwenta. Paano ba naman wala akong lakas o galing na maipagmamalaki.
Maganda at sexy lang naman ako. Tapos volleyball player lang naman. Simpleng bagay na hindi ko na dapat pang ipagmalaki. Syempre marami rin namang lalaki ang nagkakagusto sa akin. Magpapatalo ba ako sa mga kaibigan ko? Hindi puwede.
Lahat kami ay mahilig sa sports pero iba’t iba lang ang aming kinahiligan. I am great in playing Volleyball but I choose to try other sports aside from my own capacity this OctoberFest.
Heto na nga ako ngayon mukhang mababaliw na. Lumabas muna kasi saglit si Sandara upang ipaalam kay coach na gising na ako.
Since I am bored, I tried to count how many boxes of condoms were stack above the steel cabinet of the clinic. Mabuti na lang at lumabas din ang school nurse.
“Forty-five…”
Bago ko pa matapos ang pagbibilang ay nagbukas ang pinto. Nakita ko si Sandara na iniluwa nito.
“Let’s go,” anyaya niya.
Mabilis naman akong tumayo.
“Do you need my help?”
“No thanks. I can manage myself,” I said.
Magaan na rin naman ang pakiramdam ko. Kaya napagdesisyunan namin na dumeretso na lang sa natatorium ng University. We need to cheer Kristof on his game. Baka mamaya ay magtampo ‘yon kapag hindi kami nagpakita.
I already messaged Kately and Jhosy. Fortunately, hindi pa naglalaro si Kristof kaya makakahabol pa kami. Habang naglalakad kaming dalawa ni Sandara ay bigla siyang napatigil.
Why she stopped walking? Is there something ahead that says ‘sorry for the inconvenience’?
Then, there I saw his ex-boyfriend together with a not-so-good-looking leech knotted his arm. A disgusting scene I may say. It’s a bad inconvenience for Sandara indeed.
Alam kong masakit sa part ni Sandara ang nakita niya. Sino ba naman ang hindi masasaktan na may ipinalit sa’yo without having a closure at first. Is it innate to these guys to be dumbfounded? Smells like someone I hated since first day of the semester.
Mabilis kaming lumihis ng daanan ni Sandara. Ayaw naming dalawa na makasalubong ang dahilan kung bakit kumukulo ang dugo ko ngayon.
“Sandara!” Ngunit isang boses ang nagpatigil kay Sandara.
“Aray!” Hindi ako kaagad naka-preno dahilan para mabangga ako sa likod ni Sandara.
Muntikan na akong matisod nang bigla akong hinila ni Sandara para dumaan sa kabilang hallway. Nagmamadali na kaming naglalakad upang makaalis sa lugar na ito.
“What the!” napasabi ko sa gulat.
Ewan ko ba bakit pinansin pa ni Sandara ang ex niyang hilaw na nakasalubong namin. Alam naman niya kung ano ka hayop ang ex niya.
Mabuti na lang sana kung nagpapaalam na makikipaglandi. Kung hindi ko lang talaga siya nakita sa isang fast food chain na nakikipagsubuan pa, hindi ko pa malalaman na niloloko niya ang kaibigan ko.
Agad ko iyon isinumbong kay Sandara. Am I a relationship breaker? I must say, I have to save my friend in the spell of cheating. I don’t blame myself for what happened between them. It’s good that Sandara was saved from her worst nightmare.
Wala naman talaga akong kasalanan. At kung mayroon man, ‘yon siguro ang pagbubunyag ko ng isang kasalanan.
Nakita kong nag-uusap ang dalawa habang ilang metro lang ang layo ko sa kanila. I don’t know what to feel seeing my friend having a conversation to a cheater. Is Sandara never learned from the past? I pity her.
The hazel brown eyes of her ex seemed to be an expired chocolate, full of molds. His brownish skin unevenly matches his face, filled with so much not-so-good beauty products. He has round eyes with a pointed nose.
The guy next to Sandara’s ex has a side parted short hair. It has a strong charisma that perhaps spell Sandara’s ex. What makes the guy imperfect? Absolutely, his attitude of stealing someone’s property without even thinking. Sobrang lakas naman niyang higad na nag-ma-magnet.
Nabaling ang tingin ko kanila Sandara. Narinig ko ang pinag-uusapan ng dalawa. I am about to interrupt their conversation when Sandara raised her voice.
"Tama na nga, Jaycee! Hindi ko na kaya ang ginawa mo sa akin!" saad ni Sandara, puno ng galit.
"Please! Give me one more chance to prove myself," pagmamakaawa ng hinayupak.
"Noong una pa lang sana binalaan mo na akong hindi babae ang hinahanap mo! Bakit sa paraan pa ng panloloko ko nalaman ‘yon, Jaycee? Am I only an accessory in hiding your true color?”
Nararamdaman ko ang sakit sa bawat salita na binibitawan ni Sandara. Pero kung ako ang sa lagay na 'yan ay baka masuntok ko lang ang ex niya.
Ayaw na ayaw ko talaga na malalaman kong pinaglalaruan lang pala ako. What I can’t understand is why he’s asking for the damn forgiveness and second chance if he has a partner now, who’s fortunately watching them. With my utter disgust, I wasn’t able to hold my temper and interrupted their conversation.
"Hoy! Bugok na iniluwa ng lupa! Anong second chance ang pinagsasabi mo? Wala ka na bang kahihiyan diyan sa sarili mo?!”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil alam kong nasasaktan na si Sandara. Gustong-gusto ko ipamukha sa kaniya na walang Sandara na babalik. Mas kasing-kapal pa nito ang lalaking kalaban ko rito sa unibersidad.
"Tirintasin ko kaya kayong mag-jowa? Mukhang bagay kasi yung hipong sunog sa baog na itlog!" pagtuturo ng daliri ko sa pagmumukha nila.
Nabigla naman ang kasama nito sa sinabi ko. Mabuti na lang hindi na sila naka-angal pa dahil mabilis akong hinila ni Sandara palayo sa kinatatayuan nilang dalawa.
"Hay naku, Sandara! Ewan ko ba kung anong nangyari sa'yo. Niloko ka na nga, okay ka pa rin kausapin ang ugok na ‘yon? Ano ka manikin? Wala nang pakiramdam?"
"Hindi ko rin alam, Lhorr. Sa tuwing nakikita ko siya parang ayaw kong magalit. Mahal ko pa siya, Lhorr."
"Mahal? Paano minamahal nang paulit-ulit ang manloloko? Hindi mahal ang tawag ‘don kundi katangahan na, Sandara! Pag-isipan mo nga ‘yang pinanggagawa mo sa buhay!”
Hindi na ako nakapigil pa at agad ko siyang tinalikuran. Iniwan ko siyang mag-isa sa harap ng Education Building. Malapit na rin naman doon ang natatorium.
Why do we let ourselves eaten by our emotions? Kahit ba patuloy tayong nasasaktan basta mahal natin, okay lang na palalampasin? How they can learn their own lessons if we continue to allow them do the same mistake?
Hindi na rin ako nakapanood ng laro ni Kristof dahil nasira na ang mood ko. Ewan ko ba bakit ang hilig ko rin mangialam kasi sa relasyon ng iba.
Baka dahil naranasan ko na rin magpakatanga sa pag-ibig?
Naaalala ko noon may kababata ako sa probinsya. Palagi ko siyang kalaro pagkatapos ng klase. Naging labandera kasi si mama noon sa kanila.
At 8, they decided to transfer in Manila since ‘yong business ng pamilya niya ay nandoon. Hindi ko man lang naamin sa kaniya na gusto ko siya. Nagkagusto ako sa dapat childhood friend ko lang.
Ewan ko ba kung nasaan na siya ngayon. Simula nang lumipat na sila hindi na siya nakapagbakasyon ulit dito. Hindi ko nga rin mahanap pangalan niya sa social media baka kasi iba ang gamit niyang pangalan.
Kumusta na kaya siya?
Hindi ko na rin siya mamukhaan. Baka siguro malaki na rin ang pinagbago ni PoyPoy ngayon. ‘Yon ang tawag ko sa kaniya. Nakita ko kasi siyang naglalaro ng trumpo. Kaya PoyPoy na lang ang itinawag ko sa kaniya.
Sitting here in the field’s benches, I was able to reminisce the past. Kung sana bumalik siya dapat naitanong ko ang totoo niyang pangalan.
Mahilig kami tumambay sa garden nila kapag walang pasok. Naglalaro kami doon ng habulan o ano pang laro na maisipan namin. Nami-miss ko na ‘yong dati, dating ako na masaya lang, hindi tulad ngayon na maraming problema.
“Lhorr?” Napalingon ako.
“A-anong ginagawa mo rito?” Nagulat ako nang makita ko siyang muli.
@phiemharc – C7