Chapter 8: SHATTERED
Jorge’s POV
The game will start in five minutes. I don’t even have any pressure. I observe the pool area as crowd continues to cheer for their program’s representative. From a distance, I saw Sandara peacefully sitting at the right corner of the pool’s bleachers.
I was dumbstruck after not seeing any trace of that arrogant lady. “Where is she?” I asked, wondering. “Bakit ‘di sila magkasama? Damn! Why did she leave that arrogant girl in the clinic?” I said, asphyxiated.
Bigla na lang akong hindi mapakali nang makita kong hindi kasama ni Sandara ang masungit na babaeng ‘yon. Alam kong siya ang nagpa-iwan do’n kanina.
“You’re next, Jorge.” Napatigil ako sa pag-iisip ng malalim nang magsalita si coach. Tumango na lang ako sa kaniya bilang sagot.
Wala na akong pakialam kung mananalo ako o hindi. Ang gusto ko lang ay matapos na ang laro at mahanap kung nasaan na si Ms. Sungit. I don’t know why I became so concerned to her. Basta ang alam ko simula nang nakita ko siya, I felt a strange feeling like a lightning strode me. Do I falling in love with her? I don’t know what the exact answer is. But, I’m not.
Natapos ko ang event ng malalim pa rin ang iniisip. Hindi ko na rin namalayan na ako pala ang nakapagtala ng pinakamabilis na record sa backstroke at butterfly categories.
Agad akong nagbihis at dali-daling tumakbo palabas ng natatorium. Hindi na ako nakapagpaalam ng maayos sa mga kasama ko at kay coach. Naka-sentro lang ang isip ko ngayon papunta sa clinic para alamin kung nando’n pa rin ang masungit na babaeng ‘yon.
Nagmadali na akong pumunta sa clinic kung saan siya dinala. The University has four clinics with its hired knowledgeable and welcoming nurses. I went to Clinic 2 as where Ms. Sungit admitted after her game. I immediately opened the glass door and headed to the nurse table. Luckily, ma’am nurse is still on duty, knowing they go home as time strides to five.
I pleasantly smiled as I faced the nurse. "Excuse me, ma’am. Puwede po bang magtanong?”
“You are already asking, go on,” she replied.
I forced to smile as if I didn’t get offended. “Nandito pa rin po ba ang isinugod na babae pagkatapos mahimatay sa track and field event kanina?”
"May I know her name?" tanong niya sa'kin.
I froze for a moment, trying to remember her name. Saan ko ng ba narinig ang pangalan niya. s**t. "Auhm, she’s…"
Damn! It only shows she’s not worth to remember.
"Auhm… Len? Lenny?" I answered, unconfidently.
"Walang Len or Lenny na dinala rito kanina."
“I forgot her name, ma’am. But maybe the record book could help me know her name.”
"Oh! Wait a second.” Kinuha ng nurse ang record book kung saan isinusulat ang mga pangalan ng bisita ng clinic.
“Si Lhorr ba ang tinutukoy mo, iho?" tanong niya pagkatapos ma-scan ang record book.
"Exactly! That arrogant girl!" I replied energetically.
Napatingin ng seryoso ang nurse sa akin sa pagkakasagot ko. “I-I’m sorry, ma’am,” nasabi ko bago pa man ako titigan ng masama.
"Kanina pa siya nakalabas kasama ang kaibigan niyang babae," deretsang sagot ng nurse.
Napa-isip ako. Bakit hindi kasama ni Sandara si Lhorr kung siya ang nagsundo sa kaniya. Bumalik muli ang tuon ko kay ma’am nurse. “Gano’n po ba? Sige po, thank you, ma'am."
"You're welcome," huling tugon nito bago ako lumabas sa clinic.
"Kung kanina pa siya nakaalis dapat kasama niya si Sandara," sabi ko sa aking sarili habang naglalakad mag-isa.
Hindi ko alam kung nasaan si Len― Lenny― Lhorr ngayon. Exactly, I have to call her by that name from then on. Baka hindi na sumama si Lhorr kay Sandara dahil kailangan niya nang magpahinga. Sana nga.
Bumalik na lang ako ng headquarter pagkatapos kong pakalmahin ang aking sarili sa kaiisip. Kinukumbinse ko na lang ang aking sarili na umuwi na ‘yon at hindi na natuloy manood ng swimming event. Alas-syete na rin ng gabi at marami na akong nakakasalubong na estudyante na pauwi na rin.
"Jorge, congrats!" bati ni coach.
"Magpapa-inom na 'yan tapos may kasama pang chicks," pabirong sabi ni Shoi.
Tinitigan ko siya ng masama. “Uy, easy lang, pare, nagbibiro lang naman ako,” bawi niya.
“Thanks, coach. Bumalik lang ako upang kunin ang gamit ko bago umuwi. Mauuna na ako sa inyo coach at baka hindi na ako makasama sa inyo mag-celebrate," pagpapaalam ko.
Agad kong kinuha ang aking bag. Nagpaalam ulit ako sa mga kaibigan ko at kay coach bago lumabas ng headquarter.
"Anong nangyari do’n? Kanina pa ‘yon wala sa modd," rinig kong tanong ni Tim sa kasamahan namin.
Siguro nga wala lang talaga ako sa modo kaya napansin din ng mga kaibigan ko. Agad na akong dumeretso kung saan ko na i-park ang aking sasakyan. Inihagis ko ang bag ko sa likod ng sasakyan bago umupo sa driver’s seat. Ngunit ilang oras na akong naupo sa upuan ko. Hindi ko pa rin masubukan na paandarin ang makina ng sasakyan. Namalayan ko lang na nakatingin lang ako sa kawalan.
“Why did I felt this way to you, Lhorr?” tanong ko sa aking sarili. "Nasaan ka nga ba nagpunta?"
Sandara’s POV
Iniwan ako ni Lhorr sa harap ng Education building kanina. Hindi ko nga alam kung anong nangyari sa kaniya. Umalis lang siya bigla na parang may malaki akong kasalanan sa kaniya. Hahabulin ko pa siya sana ngunit sinabihan niya akong h’wag sumunod. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa naglaho siya sa paningin ko.
“Bahala siya! Umiiral na naman ang pagiging demonyita niya,” inis na sabi ko.
Napag-isipan ko na lang na pumunta sa natatorium para manood ng last event ngayon. Baka nga humabol lang ‘yon. Naartehan na ako sa kanya dahil gusto niyang palaging sinusuyo. Napapagod na rin akong umintindi. At alam ko naman na kahit minsan hindi siya nawawala sa mga laro ng barkada namin. Si Kristof ang sumali sa swimming kaya alam kong manonood din ‘yon.
Umupo ako sa bandang kanan ng pool area. Marami na ring tao dahil magsisimula na ang event. Naabutan kong nakatingin sa direksiyon ko si Jorge. Nakita kong tumingin siya kung saan ako nakapuwesto. Siguro hinahanap niya si Lhorr. Biglang lumukot ang kanyang mukha na parang nawalan ng gana maglaro.
I thought he doesn’t care for Lhorr, but what’s that grumpy face of him for? Nawala na rin ako nang gana mag-cheer kay Kristof dahil sa nangyari kanina.
“Is Lhorr a true friend or not?“ I asked on mind. “Definitely not!” I said with a smirking face.
"Saan ba kasi talaga siya nagpunta, Sandara?" awat na tanong ni Joshy.
I look at him, smiling. "Hindi ko alam. Basta na lang siya umalis kanina," sagot ko.
"Baka naman kasi may pinag-awayan ulit kayo," sabat naman ni Kately.
"Ewan ko do’n. Nag-asal bata na naman. Eh, nag-usap lang naman kami ni Jaycee at pagkatapos no’n nagwalk-out mag-isa."
"‘Yon naman pala, Sandara. Ikaw rin kasing manhid ka, eh, alam mong ayaw na ayaw ni Lhorr na nakikipag-usap pa tayo sa ex natin," ani ni Joshy.
“As if may ex ka talaga, ha,” natatawang sabi ni Kately.
“Huwag ka nang kumontra,” mabilis niyang sabat.
"Alam ko naman ‘yon. Kinausap ko lang naman ‘yong tao na tigilan na ako. Tapos bigla lang siya mag-aasal na mas nasaktan kumpara sa akin? How pity of her."
"Hay naku, Sandara! Alam mo naman na galit siya sa manloloko tapos kakausapin mo pa ang isa sa nanloloko?" gatong ni Kately.
Alam kong ayaw ni Lhorr na nakikipag-usap pa sa past relationship namin. ‘Yon kasi ang naging trauma niya. Hindi na namin iyon napigil at kusang sumunod sa gusto niya. But at that point when I talked to Jaycee, she’s acting weird anymore. I just had a friendly conversation to the person to stop luring at me.
Palibhasa kasi niloko siya ng kaisa-isang ex niya. That was the start why she distant herself to men. Siguro nga may mali rin ako, pero walang akong pakialam. From now on, I won’t mind her own business for she’s just a trash in my life. I’m now ready to disregard our friendship. Sinubukan kong gustuhin siyang maging kaibigan, pero ayaw na ayaw ko talaga. Pilit na pilit na akong magpanggap at hindi ko na ‘yon kaya. I hate her for being nonsense.
Kahit kailan hindi ko naman talaga siya itinuring na kaibigan, pero kailangan kong makipagplastikan sa kaniya. She’s not even my real friend. Why would I feel worried about her?
“Bahala siya,” nakangiti kong sabi.
Lhorr’s POV
I spend my time in a peaceful field of the university. I am trying to find the serenity in myself. Ilang oras lang din akong nakaupo dito sa bench habang nakatingin sa lawak ng field. Mapapansin pa rin ang dami ng mga estudyante na naglalakad sa campus. Siguro nga tapos na ang laro sa swimming dahil marami na rin ang nakikita kong galing sa direksiyon ng swimming area.
Napagdesisyonan ko nang umuwi dahil takip-silim na. Nang akma na akong aalis ay may isang boses ng lalaki ang tumawag sa pangalan ko. His voice is the most disastrous music I heard in my entire life. I wish to not hear his voice forever… but destiny is trying to play with me. It keeps on ruining my peaceful life.
"Lhorr?"
Natutop ako sa aking kinatatayuan. I wasn’t able to recognize his face anymore not until he stepped as he walks towards my direction. The lights surrounding the field strike his bare face. There I saw the person who I wish to gone forever.
"Lhorr, p-puwede ba tayong mag-usap?" tanong niya sa akin.
Napaatras ako ng ilang hakbang mula sa aking puwesto. "B-bakit? Sino ka para kausapin ko?”
“Alam ko kung saan nanggagaling ‘yang sagot mo.”
“Sorry, hindi kita kilala. I never talked to stranger.” Nang paalis na ako ay bigla akong natigil ulit nang magsalita siya.
“Talaga bang hindi mo ako kilala, Lhorr? O baka ayaw mo lang talaga akong makilala ulit? Alam kong malaki ang kasalanan na nagawa ko sa ‘yo noon. Kaya nga nahihiya akong kausapin ka ulit dahil baka i-reject mo lang ako," pagpapaliwanang niya.
"Tama ka. Wala na akong pakialam sa isang kagaya mo. Kaya, please excuse me."
Akmang aalis na ako nang hinawakan niya ako sa braso. Mabilis kong ikinalas sa kaniyang kamay ang braso ko dahilan para mabitiwan niya ako.
"Teka nga, sino ka nga ulit? Hindi ba ikaw ang hinayupak na nakilala ko noon?! Ang lakas naman ng amats mong makipag-usap pagkatapos nang ginawa mo sa akin! Para ano? To get even of me? Tarantado ka pala noh?!”
"Lhorr, bigyan mo naman ako ulit ng isa pang pagkakataon, oh? Wala naman akong pagkakamali na nagawa sa ’yo, ha."
"Paki-ulit? Tama ba ang narinig ko sa sinabi mo? Talaga ba, Wilb? Tapos ngayon sasabihin mong wala kang ginawang mali? Gago ka pala eh!”
"Edi sorry na! Hindi ko naman sinasadya kung ano man ang nakita mo nang araw na iyon."
"Hindi mo sinadyang makipaglaplapan sa iba? Gano’n ba ang gusto mong sabihin sa akin, Wilb? Talaga ba? Tapos, another chance na naman ang hinihingi mo dahil hindi ‘yon malaking mali para sa iyo? Sinaktan mo'ko, Wilb! Dinurog mo ang tiwalang buong-buo kong ibinigay sa iyo! Kaya wala kang dahilan para gamutin ang sugat na nagawa mo na!"
"Lhorr― makinig ka naman kasi muna sa akin, please. Hindi ko nga ‘yon ginawa. ‘Yon bang nakita mo? Hindi ko kailanman ginusto ‘yon. Oo, sige, tama ka nga. Nakipaghalikan ako sa kaniya pero di ko ‘yon intensiyon. Nanghina ako kaya hindi ako kaagad nakaiwas."
"Nanghina ka sa temptasyon o sadyang nagpadala ka talaga? Hindi mo ba naisip ang dalawang taon na sisirain mo dahil sa lintik na kahinaan mo na ‘yan? Bakit? Mas malaki ba dede niya kaysa sa akin kaya ka nanghina?
“Atat ka na bang makatikim ng laway na hindi mo pa natitikman sa akin? Dalawang taong naging tayo, Wilb, tapos makikipagtukaan ka lang sa iba?! Bakit?! Dahil ba hindi mo'ko mapilit tikman no’ng tayo pa? ‘Yon ba, Wilb?!"
"Hindi, Lhorr, mali ka nang iniisip. Lasing lang siya pero di ako lasing noong araw na iyon, Lhorr. Kaya nagsasabi ako ng totoo na hindi namin sinasadya ang nakita mo."
"Anong totoo ang alam mo, Wilb? Ang lokohin ang taong buong-buo na nagtiwala at nagmahal sa iyo?!” galit na galit kong sabi. “Wilb, alam mo ikaw ang kauna-unahang lalaking pinagkatiwalaan ko, pero anong nangyari? Bakit mo ‘yon ginawa sa akin?!" galit na sabi ko. Hindi ko na rin napigil ang aking mga luha na umagos mula sa aking mata. Nararamdaman ko muli ang sugat na naramdaman ko noong gabing iyon.
"S-Sorry, Lhorr."
"Kung nalaman ko lang sana kung sino ‘yong nakatukaan mo, baka ikinaladkad ko siya nang malaman ninyo kung sino ang taong sinasaktan ninyo!"
"Alam kong masasaktan ka lang, Lhorr, kapag nalaman mo kung sino. Kaya ako na ang humihingi ng tawad sa nagawa naming dalawa."
Tinitigan ko siya nang matalim. "Wala kang tawad na matatanggap mula sa'kin, Wilb. Tandaan mo 'yan," matapang kong sabi.
Hindi ko alam kung ano na ang nararamdaman ko. Naghahalo na lahat― ang sakit, pagdadalamhati, at galit. Ito ang pinakakinamumuhian kong araw. Hindi ko na napigilan ang mga luha na patuloy pa ring umaagos sa aking mga mata.
"Someday, I will prove to you that I am worthy than what you think, Wilb. I am worthy than that slut you’ve been kissed."
Tinalikuran ko siya. Ayaw ko na siyang makita pang muli. Mabilis akong umalis sa lugar kung saan kami muling nagkita. Takbo lang ako nang takbo habang hindi pa rin mapigilan ang umiyak. Napahinto ako sa isang lugar kung saan hindi na gaanong dinadaanan ng mga tao.
"Wala kang kuwenta, Wilb! Bakit ka pa bumalik?!" sigaw ko, puno ng galit. "You curved a wound on my heart!" I said, my tears continue cascading down in my eyes.
It damn hurts me!
@phiemharc - C8