Chapter 17 – BURNING ANGER
Sandara’s POV
“You deserve it, Lhorr,” mahina kong sabi; matapos siyang nagmamadaling umalis.
Galit na galit siyang umalis at alam kong hahanapin niya talaga si Wilb. It was a successful plan after all. Natutwa akong makita na ang dating masiyahin at maangas na Lhorr ay isang uto-uto talaga pala.
Hanggang ngayon ay galit ako kay Lhorr. Hinding-hindi ko na siya mapapatawad pa. Nag-ugat ang galit ko sa kaniya nang malaman kong sila na ni Wilb.
I am about to confess my feelings to Wilb, too. At first, I thought he would just play with my feelings. He’s a playboy before. And when I knew he was sincere and serious to me, I was slowly falling in love with him. But, everything was like a crashed ice, easily melted. Sasagutin ko na sana si Wilb no’ng nanliligaw siya. Pero nagulat ako nang nalaman kong nililigawan na niya si Lhorr.
I was devastated before. I felt like someone stole my important stuff. So I had an idea of revenge. Hindi sila dapat maging masaya. Hindi puwede.
Malapit na magkaibigan kami nina Lhorr at Wilb noon. Pero nagbago ang lahat ng naging sila na nga ni Wilb. Ilang araw kong dinamdam iyon. Nugnit hindi ako nagpakita sa kanila na naaapektuhan ako.
I am the protagonist of my story. By that, seeking revenge was my cup of tea. I act like it’s nothing for me, but deeply I was slowly dying.
Kaya nang makahanap ako ng pagkakataon, umaksyon ako kaagad. The three years is enough for them to be tortured, emotionally.
Isang gabi ang sumira sa kanilang relasyon at ‘yon ay nang mahuli kaming dalawa ni Wilb. I tried to seduce him, and it was working. Then I immediately pulled him and welcomed by my kiss. I played with his tongue. It was sensational and sweet as if I was licking my favorite candy. And, Lhorr appeared from somewhere. She saw his boyfriend gently kissing me.
Naramdaman ko ang galit niya, at masaya ako ro’n. Unluckily, she didn’t recognize me. It was bad for her. Mabuti sana kung nakita talaga ako ni Lhorr. Ngunit madilim ang puwesto kung saan ako nakatayo. Gratefully, si Wilb ang nakita nito.
It was the most perfect plan I did in my life. I am deeply bursting in laughter after that scene. Nakakatawang makita ang naging reaksiyon niya. Ang sarap talaga niyang inisin. I don’t f*****g care of what she feels that time. I am more worried to what I am going to do next after this notable event in their lives.
What Wilb did after made me happier. He ran after Lhorr without knowing he’ll get a slap. And after three years, they broke up. It was the greatest win of my life.
Kaya hanggang ngayon ay nakikipagplastikan pa rin ako sa kaniya. I hate her ever since she stole my property. She’s cheap and pathetic. Gano’n siya kadugyot tingnan para sa akin.
Lhorr is a fake trash girl I’ve known. Galit siya kapag nakikita akong nakikipag-usap pa sa naging karelasyon ko. Samantalang siya naman ay gustong-gusto niya. Ahas nga talaga siya. Nagbabalat-kayo para makalamang. Bad for her, dahil nakatapat niya ang isang kagaya ko.
Hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ako ng paraan kung paano makagaganti kay Lhorr ng sobra. And Jorge came. Alam ko na si Jorge ang susi sa lahat upang magdusa si Lhorr.
I remember one time, Lhorr shared to me that she has a feeling to Jorge since their first met in the hallway. Itinatago niya lang ito. Nagkukunwari siyang galit kay Jorge sa harap nito, pero halos isumpa mo kapag kinikilig dahil din sa lalaking ‘yon. Hayop nga talaga si Lhorr. At nababagay sa kaniya ang lahat nang pasakit na dinaranas niya.
Ako rin ang rason kung bakit muntikan na siyang pagsamantalahan. Ako ang nag-utos no’n. Sobrang galing talaga nang naging kasabwat ko sa planong ‘yon. Suwerte niya lang at nakita siya ni Wilb. Kung hindi, mas matutuwa pa ako sa maaaring kalagayan niya. Isa siyang malaking salot sa buhay ko. Masyadong akong nagtiwala sa kaniya noon. At hinding-hindi na ulit ‘yon mauulit pa. Kaya isang magandang plano ang gagawin ko para kay Lhorr na alam kong ikatutuwa ko.
“Uyy, Sandara, bakit nakangiti ka diyan?”
Nawala ako sa aking iniisip nang tinapik ako ni Kately. Kahit kailan panira talaga ito ng modo. Mabuti na lang at mapapakinabangan ko pa siya.
I faked a smile. “Ah, wala, may napanood kasi akong Thai series kagabi. Hindi lang talaga ako maka-move-on,” sabi ko.
Dito sa mundong puno ng kasinungalingan ang kailangan mo lang ay isang makatotohanang kasinungalingan. Kagaya nang ginagawa ko sa harap nila. Mga wala talaga silang common sense. Hindi nila alam na niloloko na sila.
I love my surprises for Lhorr. She really deserves all of it. The love. The lies. The thrilled of being a stupid.
“Bakit hindi mo sinundan si Lhorr, Sandara?” tanong naman ni Kristoff.
“Huh? Dapat pa ba?” pagtatanong ko rin. “Hayaan niyo na siya. Sarili niya ‘yang problema kaya dapat lang na siya rin ang maghanap ng solusyon.”
“Hindi ka ba naaawa kay Lhorr, Sandara? Niloloko na nga ang best friend mo pero parang ayos lang sa’yo. Baka nakakalimutan mo na mas malapit kayong magkaibigan ni Lhorr bago pa kami dumating,” angal ni Joshy.
“I agree,” gatong ni Kately.
“Ako rin. Four years kaya ginugol ko sa pre-law ko dito bago ko kayo nakilala.”
Nakita kong tumango rin si Joshy at napatingin sa akin. “Puntahan mo na siya, Sandara,” sabi nito.
Wala na akong nagawa dahil pinagtulungan na ako ng tatlo. Tumayo ako sa aking kinauupuan at kinuha ang aking bag. Agad naman akong nagpaalam sa kanila bago ako umalis.
Nang makalayo na ako sa kanila ay napangiti lang ako. “Bakit ko naman tutulungan ang babaeng sumira sa akin? Nahihibang ba sila?” wika ko.
Napag-isipan ko na lang na magpunta sa library para magpa-aircon. Nasisira na kasi ang araw ko sa t’wing nakikipagplastikan lang ako sa mga itinuturing kong kaibigan. Nakaririndi na rin ang magpanggap, pero hindi ako titigil hangga’t wala pang Lhorr na nagdurusa.
Bigla ko na lang naalala ang Jorge na ‘yon. Kaya dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa bag at agad na tinawagan si Lhorr. Mabuti naman at sinagot niya.
Isa lang naman ang ibinilin ko. Isama na niya si Jorge dahil isa naman din iyon sa salarin. I am definitely winning the game. I mean, we are almost winning the game.
Jorge’s POV
Nang makalabas ako sa sasakyan ay nakita ko naman si Lhorr na nagmamadali sa paglalakad. Mukhang may hinahanap siya, at base sa mukha niya, galit na galit ito.
Hindi kaya ako ang hinahanap niya? Alam kong sa akin lang siya galit at wala ng iba. Sinundan ko siya kung saan pupunta. Hindi ako nagpahalata sa kaniya. Nakita ko na lang siyang pumasok sa College of Communication Building.
Bakit nando’n siya? May hinahanap ba siya sa building na ‘yon? Hindi ba’t dapat sa Engineering building niya ako hahanapin?
Naguluhan ako. Pero may bigla na lang akong naalala. Wilb is a communication student. Siguro si Wilb ang pakay niya sa building.
Naibigay na kaya ni Wilb ang bracelet kay Lhorr? Pero bakit galit na galit siya?
Huminto siya saglit nang may tumawag sa kaniyang cellphone. Pagkatapos ng tawag ay nagpatuloy siya sa paglalakad. Sinundan ko siya ng palihim hanggang sa nakaabot kami sa ikalimang palapag ng building.
“Why are you here?” napatanong ko; dala ng kuryosidad.
I saw Wilb and his friends talking. Siya nga talaga ang sadya ni Lhorr. Nabigla ako ng agad itong sinampal ni Lhorr nang makalapit ito.
She’s unpredictable. Nagulat ang lahat sa ginawa niya.
“What?!” gulat na sabi ko. “Bakit sira na ang bracelet na hawak niya?”
Agad naman na tinanong ni Lhorr si Wilb kung bakit nasa kaniya ang bracelet. Hindi naman sumagot agad si Wilb. Iyon pala ang rason kung bakit hindi maipinta ang mukha niya.
“Kapag nalaman ni Lhorr na ako ang nagtago ng bracelet niya, alam kong hahanapin niya ako.”
Dinig sa hallway ang lakas ng boses ni Lhorr. Nagpaliwanag si Wilb sa kaniya ngunit hindi niya iyon pinakinggan. I hope Wilb won’t tell Lhorr everything. Ngunit hindi na ako nagtaka. Nang akmang aalis na si Lhorr ay tinawag niya ulit ito. Sinabi na nga niya na ako ang nagtago ng bracelet nito.
Pero hindi ko alam kung bakit sira na ito. Maayos ko ‘yong ibinigay kay Wilb nakaraang gabi. Lumapit ulit si Lhorr at hinawakan sa kwelyo si Wilb. Nag-aapoy siya sa galit. Hindi ko maintindihan kung bakit gano’n na lang siya kung magalit. Napakaimportante siguro para kay Lhorr ang bracelet. Mahigit tatlong linggo ko rin itong itinago sa kaniya.
Umalis na nga si Lhorr nang malaman na niya ang lahat. Alam kong hahanapin niya ako. Kaya nang dumaan siya sa harapan ko ay palihim akong nagtago. Hindi pa ngayon ang tamang araw para magpakita kay Lhorr. Sinundan na lang ng mga mata ko ang pagbaba niya sa hagdan.
“Hindi ko nga sana ipinagkatiwala sa’yo ang bracelet, Wilb.”
May kutob ako na pakana iyon ni Wilb. Guisto niyang tuluyan na akong lumayo sa landas ni Lhorr. Gusto niya akong siraan. Makakahanap ako ng paraan upang linisin ang pangalan ko.
Nawala ang atensiyon ko sa malalim na pag-iisip nang tumunog ang aking cellphone. I couldn’t believe to see whose calling. It’s my cousin.
I answered the call. “Ethan?”
@phiemharc – C17