C13: Visitor

2137 Words
Chapter 13- VISITOR Jorge’ s POV “Ano ba ‘tong ginagawa natin, Jorge?” nagtatakang tanong ni Tim. “Oo nga. Kanina pa tayo parang baliw kakatago sa mga punong ‘to,” reklamo naman ni Khen. “Basta,” sagot ko lang. “Anong basta? Eh, ilang araw na tayong parang may tinataguan,” sumbat naman ni Shoi. Tumayo ako ng tuwid at hinarap sila. Nginitian ko sila habang bakas pa rin ang pagtataka sa kanilang mga mukha. “Okay. Let’s have a deal. Sasamahan niyo lang ako pero walang magrereklamo. Libre ko na ang lunch ninyo mamaya,” sabi ko habang nakangiti. Alam kong madali lang silang mauto. They want an easy life, so I’ll give it to them. In fact, I just need their presence after all. “May binabalak ka na naman, noh?” nagdadalawang-isip na tanong ni Shoi. “Wala,” mabilis kong sagot. Tiningnan nila ako ng seryoso. “Fine. Sasabihin ko na kung bakit ko kayo sinama ulit dito. I promised to Lhorr’s mother na babantayan ko siya. Kaya hayan, sinusundan natin siya at hanggat maaari ay hindi niya tayo dapat na makita. Alam niyo naman sigurong mainit ang dugo niyan sa akin,” paliwanang ko sa kanila. “Ah! Kaya naman pala,” tugon ni Khen. “Kung sinabi mo kasi kaagad sa amin, edi sana hindi ka na manlilibre mamaya,” pabirong sabi ni Tim. “Deal. Basta ang lunch namin sagot mo.” Tumango na lang ako bilang tugon. Kilala na rin nila si Lhorr. Alam din nila ang nangyari sa kaniya. Sinabi ko na ang lahat dahil ayaw pa rin nila akong tantanan ng mga tanong. Kahit papaano, may mga kasama akong tutulong sa akin kapag napahamak ulit si Lhorr. Nakaupo kami ngayon malapit sa inuupuan na benches nila Lhorr. Sinisigurado kong hindi niya ako makikita. Pasulyap-sulyap ko siyang tinitingnan habang kausap ang kaniyang mga kaibigan. “Alam niyo may napapansin na akong kanina pa nagbabantay sa atin,” pabulong na sabi ng kaibigan nitong si Kately. “Kinikilabutan na talaga ako. Parang palagi ka na lang sinusundan ng gulo, Lhorr, simula nang nakilala mo ‘yang Jorge na ‘yan,” pabirong wika naman ni Joshy. “May balat ka yata sa puwet eh.” Natawa ako sa sinabi ng kaibigan niya. He’s funny. I saw Lhorr smiled, too. “Para kang baliw diyan, pare,” sabi ni Khen nang makita niya akong napangiti. “Hayaan mo na ‘yan. Baka in love,” biro ulit ni Shoi. “Loko!” sabay batok ko sa kaniya. Nakilala ko ang mga kaibigan ni Lhorr dahil na sa pagsasaliksik ko. Gusto ko lang malaman kung sino ang mga nakakasama niya. Ayaw ko lang na maulit ang nangyari sa kaniya. “Guni-guni niyo lang ang mga ‘yan. Baka dala lang ‘yan ng mga gutom niyong dalawa. At tsaka baka hindi naman tayo ang sinusundan. Masyado lang tayong nag-a-assume sa mga bagay na dapat hindi,” sabat ni Lhorr. “Ano ba kayo? Kayo talaga! Tinatakot niyo na naman si Lhorr. Alam niyong kababalik niya lang,” depensa naman ng kaibigan nitong lalaki, si Kristof. Alam kong napapansin na nila ang pagbabantay ko sa bawat kilos ni Lhorr. Hindi ko rin naman kasi kaya siyang lapitan ng maayos. Natatakot ako dahil sa una at huli naming engkwentro. Kinapa ko ang bracelet sa aking bulsa. Palagi ko ‘tong dala dahil baka magkaroon ako ng chansa na maibalik ko ito sa kaniya ng personal. “Gusto ko man ibalik ‘to sa iyo, pero hindi ko alam kung papaano,” nasabi ko sa sarili. Naglalaro ang mga katanungan sa isip ko dahil sa natagpuan kong bracelet na mula sa kaniya. Alam kong nakita ko na ito at nahawakan. Ngunit hindi ko alam kung saan at kanino galing. Agad ko itong ipinasok sa aking bulsa nang dumaan sa aking harapan si Lhorr kasama ang kaniyang mga kaibigan. Itinakip ko ang dala kong bag sa aking mukha para hindi ako nito makilala. Dali-dali rin akong naglakad paalis sa aking puwesto. “Hoy! Hintayin mo kami, Jorge,” reklamo ni Tim. Sumabay naman sa akin ang tatlo na hindi alam kung anong nangyayari. “Ibabalik ko rin ito sa’yo, Lhorr.” Lhorr’s POV Maaga akong umuwi ng bahay at dumeretso na ako kaagad sa aking kwarto. Napagtanto ko kanina na may isang bagay na nawawala sa akin. Agad kong inukay ang aking bag nang namalayan ko na nawawala ang bracelet na palagi kong suot. Pagkuha ko ng aking notebook ay sumabay na nahulog ang isang papel na may numerong nakasulat. Agad ko na naman siyang naalala. Hanggang kailan kaya ako tatantanan ng lalaking iyon? Naalala ko kasi ang mokong na ‘yon. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita sa campus. Nagtataka nga rin ako kung bakit hindi ko na siya nakikita. Natapos lang din ang OctoberFest na parang walang nangyari. Noon ay madalas magkasalubong ang landas namin dahil nasa iisang building lang din kami. Pagkatapos kong malaman na siya ang nagbantay sa akin sa ospital, dapat ko siyang pasalamatan ng personal. Pero kasabay ng kaniyang hindi pagpapakita ay ang pagkawala naman ng bracelet ko. “Hindi kaya siya ang kumuha ng bracelet ko?” usal ng isip ko. “Pero bakit naman niya iyon kukunin?” napatanong ko pa. Kinapa ko ang aking cellphone sa bulsa ng bag ko. Kailangan ko siyang tawagan, si Wilb. Siya lang ang maaari kong mapagtanungan tungkol sa gamit ko. “Hindi kaya nahulog doon sa talahiban?” tanong ko muli. “Argh! Bakit ba kasi ang bracelet ko pa!” yamot kong sabi. Naka-register ang number ni Wilb sa aking cellphone. He insisted to store his number on my phone just in case I need his help. Bilang utang na loob, pumayag ako. Wala naman sigurong mawawala kung hahayaan kong maging parte siya ng contacts ko. Besides, I already registered my friends’ numbers on my contact lists. Natuto na ako. Hindi sumagot si Wilb sa unang dial ko. At nang tumawag ulit ako ay agad naman niyang sinagot. “H-hi, Wilb?” nauutal kong sabi. “Hello, Lhorr. Oh! Napatawag ka? Anong mayro’n?” “Ah-eh, may itatanong lang sana ako.” “Ano naman ‘yon?” “Na-nakita mo ba ang bracelet na suot ko? May nakaukit na pangalan ’yon. Kulay itim at may limang white crystals,” paliwanag ko. “Wala akong nakitang bracelet mo, Lhorr, maliban lang do’n sa cellphone mo. Baka nalaglag mo sa kung saan lang,” tugon niya. “Siguro nga. Sige, hahanapin ko muna. Salamat, Wilb.” Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad kong ibinaba ang tawag. Wala naman sana sa akin ang bracelet na ‘yon kung wala lang sentimental value. Ibinigay iyon sa akin ng pinakamalapit kong kaibigan. Iyon na lang ang tanging alaala na mayroon ako sa kaniya. Kaya kailangan ko iyong mahanap. “Hindi kaya siya nga ang kumuha no’n?” napatanong ko muli. “He stole my bracelet!” gigil na sabi ko. Wala na akong ibang dapat akusahan kundi siya lang. Alam kong may kinalaman siya sa pagkawala ng bracelet ko na ‘yon. Isa siya sa nagbantay sa akin. At habang wala akong malay ay kinuha niya siguro iyon. Pero bakit niya naman nanakawin ang isang simpleng bracelet na mayroon ako? I don’t trust him since then. I have to get my bracelet to him. But how? Hindi ko na siya nakikita sa campus. ***** Ilang araw na rin ang lumipas ngunit hindi ko pa rin mahagilap si Jorge at ang aking nawawalang bracelet. Hiindi ko ‘yon kailanman inaalis sa braso ko. Kaya imposible namang nahulog iyon. Sa kabila ng mga teorya na nabubuo ko, malakas pa rin ang kutob ko na ang mokong na ‘yon ang kumuha. Humanda talaga siya sa akin kapag nagkataon na nasa kaniya talaga ‘yon. “Nasaan na kasi siya?” naiinis kong sabi. “Sino ba kasi ‘yang hinahanap mo, Lhorr?” usyoso naman ni Kately. “Wala,” tipid kong sagot. “Wala? As in, wala? Eh para ka nga diyang buang na kausap ang sarili mo,” sagot naman ni Joshy. Kahit kailan pakialamera talaga ‘tong baklitang ito. “Wala nga. May iniisip lang.” Mabuti na lang at hindi na sila nagtanong pa. Pagkatapos ng klase ay agad akong dumeretso sa ospital. Alam kong matagal na akong nakalabas doon, pero kailangan ko pa ring magbakasakali. Nagtanong ako sa nurse na naka-assign sa akin noon, ngunit maski siya ay walang napansin. Dumadagdag nang dumadagdag ang mga katanungan na ilang araw na rin walang kasagutan sa mga tanong ko. Sinusubukan ko pa ring hanapin si Jorge sa campus ngunit mailap ang landas namin na magtagpo. “Baka siya nga talaga ang kumuha ng bracelet ko.” Para na akong sirang plaka sa mga sinasabi ko. Dala ng inis na ilang araw ko nang hindi siya nakikita, buo na ang loob ko na gumanti sa kaniya. “Humanda talaga siya sa akin!” Wilb’s POV Lhorr is calling… Nagmamadali akong lumabas ng banyo pagkatapos ko marinig na may tumatawag sa aking cellphone. Inilibot ko ang tuwalya sa aking baywang. Naka-hubo lang akong lumabas ng banyo at pumapatak pa ang tubig sa buhok ko. Nagmamadali kong sinagot ang tawag mula kay Lhorr nang mabasa ko ang kaniyang pangalan. I smiled before answering her call. At last, we became friends again. Hindi ko alam kong bakit ako parang natataranta na makakausap ko siya. Naninibago lang siguro ako. Kakaiba talaga ang dating ni Lhorr sa akin kumpara sa ibang babae. I am still madly in love to her, I guess. Isang tinig mula sa kaniya ang bumungad sa aking pandinig. Para akong yelo na natutunaw dahil sa nararamdaman ko. “H-hi, Wilb?” sabi niya, ramdam ang nginig sa kaniyang boses. Nakakasabik talaga marinig ang boses ni Lhorr ulit. The last time we talked on phone was the day after we broke up. Sobrang na-miss ko ang kaniyang mala-anghel na boses. Pagkatapos kasi ng gabing ‘yon ay hindi na niya ako kinausap. Wala ng komunikasyon sa pagitan namin. Lahat ng social media accounts ko ay na-block na rin niya. Laking pasasalamat ko ngayon at parang nagbalik ang tiwala niya sa akin. Pangako kong hindi ko na siya muling sasaktan. I composed myself before I speak. “Hello, Lhorr. Oh! Napatawag ka? Anong mayro’n?” kinakabahan kong tanong. Naitanong niya ang lang ang nawawala niyang bracelet. Ngunit hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin nang kaagad nitong ibinaba ang tawag. Kahit papaano ay narinig ko pa rin ang boses niya. Paano naman ‘yon nawala? Baka nalaglag niya lang noong gabing iyon? Wala namang pumasok sa kwarto niya maliban sa’kin at kay Jorge. Sa kabila nang aking mga tanong ay nabaling muli ang aking atensiyon sa cellphone ko. May bigla na namang tumawag sa akin. It was an unregistered number on my phone. Sino kaya ito? Kaagad ko naman itong sinagot. “Hi, Wilb. Na-miss mo ba ako?” Isang pamilyar na boses ng babae ang bumungad sa akin. “S-Sandara?” laking gulat ko. “A-ano na namang kalokohan ang iniisip mo? Puwede bang tumigil ka na?” sunod-sunod na sabi ko. “Tumigil saan, Wilb? Teka lang muna. Baka gusto mong isiwalat ko kay Lhorr ang lahat?” natatawa niyang sagot. “Nabo-boring ako, kaya naisip kita ulit. Imagine, bumalik ako sa’yo after ilang months na hindi tayo nagkaka-usap.” Nandito na naman kaming dalawa. She’s always threatening me with her bait. Hindi porket nasa kaniya ang alas hawak na niya ako sa leeg. “May araw ka rin sa akin Sandara,” sabi ko sa aking isip. Pinakalma ko muna ang aking sarili bago sumagot ulit. “Ano na naman bang kailangan mo?” “Can I visit you in your place, Wilb?” tanong nito, may pang-aakit sa kaniyang boses. “Hindi puwede,” matinis kong sagot. “Sorry not sorry. See you there, Wilb, or else…” Hindi na niya tinapos ang kaniyang sasabihin at kaagad ibinaba ang tawag. Alam kong may binabalak na naman siya. Everytime she feels bored or disgusted, he uses me as her gateway. Hanggang kailan ba ako magpapaalipin sa kaniya? Nahihibang na talaga siya. Napaupo ako sa aking kama at hindi ko mapigilang kabahan. Kilala ko si Sandara at wala siyang pakialam sa kung anuman ang maging resulta ng kaniyang ginagawa. She’s a jerk. She’s a b***h. Or worse a deceiver. Nabigla ako nang may kumatok sa pintuan ng apartment ko. Kinakabahan man ay buong pwersa akong tumayo at dahan-dahang lumapit sa pinto. Nandito na si Sandara at wala na akong kawala. Nang pinihit ko ang doorknob at binuksan ang pinto, laking gulat ko sa sumalubong sa akin. “Kumusta ka na, Wilb?” @phiemharc - C13
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD