C14: Behind the Mask

1632 Words
Chapter 14: BEHIND THE MASK Wilb’s POV “Kumusta ka na, Wilb?” Namilog ang aking mga mata nang nakita ko siya sa labas ng pinto ng aking apartment. Parang naging blanko ang isip ko bigla. “P-paano mo… nalaman na dito ako nakatira?” “You gave me your address before. You forgot?” “Pasensiya ka na. Nakalimutan ko. B-bakit? Anong kailangan mo, Jorge?” “I need your help,” walang patutsada niyang sabi. “About what?” “If you may, could I get inside your apartment first?” “Oh, sorry. Oo naman.” Binuksan ko ng tuluyan ang pinto at pinapasok siya. Dumeretso ako sa kusina at naglagay ng tubig sa isang baso. “Uminom ka muna,” I offered. “Thanks.” “Ano bang sadya mo, Jorge?” Mukhang importante ang pinunta niya rito. Seryoso ang kaniyang mukha at hindi ko mabasa ang dahilan niya. He could text or call me, pero nagpunta talaga siya rito. It means he badly needed my help, I assume. Mabuti na lang at hindi si Sandara ang dumating. “May ipapakiusap lang sana ako, Wilb. Kung maaari ay ikaw na lang ang magbigay nito sa kaniya.” Kinuha niya ang isang bracelet sa bulsa ng kaniyang polo sleeves. “Ikaw na lang magsauli nito kay Lhorr.” It was Lhorr’s bracelet, the way she described it on the phone a while ago. Ito na nga ang hinahanap ni Lhorr. “B-bakit na sa’yo ‘yan? Alam mo bang matagal na ‘yang hinahanap ni Lhorr?” “I know. I’m trying to look for the perfect timing to return it. But I doubted she will talk to me. So, I presume you’re the right person of help.” Tumango ako. “O’ sige, Jorge. Ako ng bahala dito. Ako na ang magbabalik sa kaniya nito.” “I just have one favor.” Hindi ko maintindihan ang ikinikilos ni Jorge. Mukha siyang maraming gustong ipagawa sa akin. “Ano ‘yon?” “If it’s okay to you, could you please don’t tell her I kept it? Ayaw ko nang maging dahilan ulit ng galit niya. Hindi ko naman sinasadyang maitago ang bracelet na ‘yan. Sadyang naging pamilyar lang talaga sa akin ‘yan,” paliwanag niya. Nagdadalawang-isip man ay napatango na lang ako sa kaniya. Wala naman sigurong masama kung hindi ko sasabihin kay Lhorr kung sino ang kumuha ng kaniyang bracelet. “Thanks, Wilb. I have to go. Madilim na rin sa labas.” Tumayo na si Jorge sa kaniyang kinauupuan. Hindi niya rin nagalaw ang tubig na ibinigay ko sa kaniya. Mukha namang ito lang talaga ang pakay niya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi na niya lang ipagpabukas ito. Puwede naman niya akong kausapin sa campus. Nang pagbubuksan ko na siya ng pinto ay nagkatinginan kaming dalawa. We heard someone is knocking on the door. “s**t!” I cussed silently. Mukhang ang dami ko yatang bisita ngayon. I have a gut feel who is behind the door, knocking. It seems to be a worst day. “Bakit, Wilb?” nagtatakang tanong ni Jorge. “Nothing,” I smiled, drawn a little nervous on my lips. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa amin ang babaeng inaasahan kong darating. Sandara is standing in front of us. “Oh!” pagkuwan niyang sabi, gulat sa nakitang kasama ko. “Hi, darl― I mean, Wilb! How are you doing?” may panunudyo nitong sabi. Kung wala lang talaga si Jorge ay baka napatulan ko na ‘tong babae na kaharap namin ngayon. “And you are?” tanong naman niya sa kasama ko. Jorge’s POV Wala na akong ibang maisip na hingian ng tulong kundi si Wilb lang. Pagkatapos ng training namin ay nagpunta ako kaagad kay Wilb. Mabuti na lang at ibinigay niya ang address niya sa akin. Kaya alam ko kung saan ko siya mahahanap. Sinubukan ko siyang hanapin sa campus pero hindi ko siya nakita. Baka hindi siya pumasok ngayong araw. I know he’s the right person to help me with my problem. Hindi kami maayos ni Lhorr kaya alam kong hindi ko ito maibibigay sa kaniya. I knocked thrice on his apartment’s door before he finally appeared on sight. I saw his frantically face upon seeing me in front of his apartment’s room. Cracking the awkward atmosphere, I greeted him. And, I insisted to enter his room before telling him my intention of coming this urgently. May kalawakan din pala itong apartment niya. Malinis at maayos ang lahat ng gamit. If he’s not here, you would think the tenant here was a girl. Guy like him still exist though, I commend him either. After a small chitchat about Lhorr’s bracelet, I decided to not stay longer. I trust him for this one, and hoping he would return it to Lhorr immediately. As we stride to the door, we suddenly stopped upon hearing a knock. I saw the bamboozled reaction of Wilb. I asked him what’s going on, but he refused to answer. Yet after opening the door, I was stunned seeing her presence. What she’s doing here? Sinundan niya ba ako? Alam kong maingat akong nagpunta rito. The next thing she did made me wonder. I never expected that he knew Wilb. Bakit niya kilala si Wilb? Pinagmasdan ko lang silang dalawa. I saw how startled Wilb was. He’s anxious and kind of obnoxious. May itinatago ba silang dalawa? I started to have an interest to them. Gusto kong malaman kung anong koneksiyon nilang dalawa. Sa pagkakatanda ko kasi walang naging boyfriend si Sandara hanggang nagtapos siya sa high school. So why did she slept saying that endearment to Wilb? Medyo naguguluhan pa ako. Siguro nga nakilala niya si Wilb noong nag-college na sila. I was a transferee in the University and I wasn’t able to witness their freshmen and sophomore years. I shouldn’t conclude first. “And you are?” she asked. I composed myself before speaking. Ngayon lang pala talaga kami nagharap ng malapitan. “I’m Jorge. Alam ko namang kilala mo na ako. You don’t need to pretend that we’re mere strangers to our eyes.” At some point, alam kong kilala na niya ako. She softly laughed. I felt her firsthand embarrassment to what I said. “Oh, yeah! I saw you during the swimming event. Well, Ano nga bang sadya mo rito sa apartment ni Wilb?” may pag-uusyoso niyang tanong. “It’s not part of your business. May importante lang kaming pinag-usapan. I have to go,” sagot ko. “Thank you again, Wilb,” pagpapaalam ko. Nang tatalikuran ko na sila ay napahinto ako. She’s making a scene again. “Wait, Mr. Swimmer. Hindi ba’t ikaw ‘yong lalaking kaaway ni Lhorr?” Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang siya sa kaniyang sinasabi. “Hindi mo ba alam na ex-boyfriend niya ang taong binisita mo rito?” Natigil ako sa aking narinig. Nagkamali lang yata ako nang pagkakarinig. Pero alam kong ‘yon na ‘yon ang narinig ko. “Hindi niya ba alam, Wilb?” “Sandara, stop making a scene here,” awat ni Wilb. Hinarap ko sila ulit. “Ex-boyfriend? Oh, yeah! I knew about it. Thanks for informing me again, Santana…oh, I mean, Sandara,” I smiled, joshing. Nakita ko ulit ang pagkabigla sa mukha ni Sandara. “I’ll go ahead.” Tuluyan na akong tumalikod sa kanila. Sa kabila ng mga pangyayari, sinubukan kong hindi ipakita na maski ako ay nabigla. I haven’t known that Lhorr has an ex, and it’s Wilb. Kaya pala ganoon siya ka alaga kay Lhorr noon. Pero paano? Wilb lied to me. He told me that Lhorr and him don’t know each other before. Why did I trust that faggot?! “Ang bracelet!” Inis na sabi ko nang maalala kong sa kaniya ko iyon pinagkatiwala. “I should not trust you, Wilb! F*ck!” I cussed. Pero bakit parang may mali. Bakit nandoon si Sandara? Ano naman ang gagawin niya? It’s late at night. She’s not supposed to sneak to someone’s abode. May relasyon ba sila? Nagsisimula na akong magtaka. “I need to have an eye to both of you,” sabi ko sa aking sarili. I was very disappointed to the person I admire before. Hindi ko naisip na ganoon pala siya pag-iilan lang ang kasama niya. I was turned off by her attitude. Mabuti na lang talaga at hindi ko na sinubukan siyang ligawan noon. Tama rin ang bali-balita sa kaniya noon na may asal demonyo siya. She proved it right. Pero base sa nakikita ko, she’s an angel in front of her friends. Is she an angel in disguise? She disguised as a devil with a lengthy horn. Dapat kong bantayan ng mabuti si Lhorr. I have to secure that she’s guarded all the time. May kutob akong may plano silang dalawa. I am full of admiration to Wilb, but it turns out like bubbles that easily vanished. Naguguluhan ako sa nalaman ko ngayon kaya dapat ko silang manmanan. They could be Lhorr’s greatest threats. Nandito na ako sa baba ng building kung saan ang apartment ni Wilb. It’s located in the fourth floor of this old structured cemented building. Sinubukan kong tumingala sa bintana ng apartment ni Wilb. Tanaw ito sa aking kinatatayuan. The light has already turned off. Anong ginagawa nilang dalawa? Dapat ko itong ipaalam kay Lhorr. Karapatan niya itong malaman sa lalong madaling panahon. She was betrayed by her bestfriend. Ngunit papaano ko ipapaalam sa kaniya ang ugnayan nina Sandara at Wilb? Alam kong hindi siya maniniwala sa akin kapag nagkataon. She would rather trust her friends than trusting me who is her greatest enemy. “Bahala na!” @phiemharc – C14
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD