August 17, 2020 (The day Que was kidnapped) 'Daanan mo ko sa room?' Napangiti naman ako nang mabasa ko ang text message ni Que. Mabilis akong nagpaalam sa mga kaibigan ko na tinukso-tukso pa ako. "Baka naman kayo na talaga niyan?" panunukso ni Judy. "I wish!" natatawa kong sagot sa kanila habang kumakaway palayo. It's already almost dismissal kaya naman ay kakaunti na lang ang tao sa halls ng building. It was extremely quiet kaya naman rinig na rinig ko ang boses ni Que nang bigla siyang sumigaw. Nagmamadali akong tumakbo papunta sa dulo ng hallway kung nasaan ang classroom niya. "Lumayo ka sa'kin, Drake! Ano ba?! Let me go!" Agad na nandilim ang paningin ko nang makita kong nakapatong ang professor niya sa kaniya sa may teacher's table. Mabilis akong sumugod papasok ng kwarto at hina

