XIX

1164 Words
August 20, 2020 (The day Jacque was attacked) Papasok na ko ng sasakyan ng makita ko ang isang pamilyar na sasakyan. Mas nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang lumapit doon para buksan. That was the same car that was consistently appearing in every footage we watched earlier. Hindi lang ako nag sabi dahil hindi ko naman iyon sigurado. He accidentally saw me staring at him, at first he looks at me as if he was trying to read what I'm thinking but that just lasted for about a few more seconds before a smile broke into his face. Hindi ko alam kung bakit ako kinilabutan sa ngiti niyang iyon. Pakiramdam ko ay nag-tayuan ang lahat ng balahibo ko dahil doon. Nagawa niya pang kumaway sakin bago muling yumuko at may kinuha sa loob ng sasakyan niya bago siya naglakad papasok sa admin building. "Ma," tawag ko kay Mama na agad naman akong nilingon. "Mauna na kayo ni Papa. May titingnan lang po ako," nagmamadali kong paalam bago patakbong sinundan ang lalaki sa direksyon kung saan ko siya huling nakita. Nalibot ko na ata ang buong admin building ay hindi ko na siya muling nakita pa. Mali ba ako? Pero malakas ang kutob ko, something is wrong with that guy! Naglakad lakad pa ako ng ilang minuto, hoping to see him around again but he was gone. No trace of him. Babalik na sana ako ng makarinig ako ng kakaibang tunog. It was some muffled sound, yung tipong parang may busal ang bibig. Agad na nanlaki ang mga mata ko ng habang papalapit sa storage room ay mas lumalakas ang tunog na iyon. Sumandal ako malapit sa pintuan at akmang sisilip sa loob ng makarinig ako ng isang boses lalaking nag-sasalita. "Masakit ba?" patuya ang paraan ng tanong na iyon. Para bang mas inaasar niya pa ang kausap. "Kumain ka!" napa-igtad naman ako ng biglang sumigaw ang kung sino man ang nasa loob ng storage room na iyon. "Ayaw mong kumain? Ano magpapakamatay ka sa gutom?!" I heard muffled answers from someone. Napatakip ako ng bibig para maiwasan ang pag-alpas ng mga hikbi ko. Natatakot ako. Whatever's going on inside that room was absolutely not good. I can hear the muffled screams of pain and the rapid breathing of someone. "Where's the fun in that?" I felt myself shivering in fear after hearing that creepy voice. "I wanted to be the one to kill you. I wanted to give you a slow and painful death," sa takot ko ay aksidente kong nabangga ang basurahan hindi kalayuan sa sinasandalan ko. Mariin akong napapikit ng mag-likha iyon ng ingay, a small sound but I noticed the sudden silence inside the room. Did they notice? Narinig ba nila? Pakiramdam ko ay maiihi ako sa takot ng makarinig ako ng ilang kaluskos sa loob ng kwarto.  I should run, right? I think, I should. Akma na akong tatakbo ng biglang lumitaw ang ulo niya sa gilid ko. Sa pinag halong gulat at takot ko ay agad akong napatili at nagtatatakbo palayo. I heard him laugh. A very scary laugh. He sounded lunatic, too. Damn! Ano ba 'tong pinasok ko?! Takbo lang ako ng takbo, hindi ko na sinubukan pang lingunin kung nakasunod ba siya sakin o hindi na. Ang gusto ko lang ay makahanap ng lugar na maraming tao. Hindi naman niya ako magagalaw kung maraming tao.  I ran as fast as I can hanggang sa makakita na ako ng mga tao. Hindi ko napansin kung gaano na pala kalayo ang narating ko kanina. I looked back to see if he was following me. Nakahinga ako ng maluwag ng malamang hindi. Nagmamadali akong pumunta ng control room para muling panoorin ang footage na pinanood namin nina mama kanina. I need confirmation regarding this matter, hindi pu-pwedeng basta ko na lang ituturo.  Sa pagmamadali ko ay napakarami ko ng nakakabangga pero wala na akong oras para humingi pa ng tawad. Natatakot ako na baka nasa paligid lang ang lalaking iyon, tinatanaw ako habang tumatawang pinapanood ang pag-papanic ko. Hinihingal ako ng tuluyan ng marating ang control room. Nagtataka pa akong binalingan ng guard na nagbabantay roon. "Ma'am? Kayo po yung galing dito kanina diba?" nagtataka nitong tanong habang inaabutan ako ng tubig na kinuha niya sa isang lamesa sa tabi. Tumango ako bago tanggapin ang bottled water, nahirapan pa akong buksan iyon bago tuluyang naka-inom. "Thank you po," hinihingal paring pasasalamat ko sa guard. "Okay lang ma'am. Bakit po kayo hinihingal? May problema po ba?"  "Kuya, pwedeng makita ulit yung footage kanina?" tanong ko sakanya. Agad namang bumakas ang pagtataka at gulat sa mukha niya pero tumango rin naman siya bago bumalik sa pwesto niya. Sumunod ako sa kanya at tumayo sa may tabi niya habang minamani-obra niya ang mga controls sa harap namin. Nananatili naman ang mga mata ko sa screen habang hinahahanap niya ang mga pinanood namin kanina habang kasama ko pa sina mama at papa. "Ito na ma'am," tawag niya sa pansin ko at tinuro ang isang screen. Nag-focus naman ako roon at pinanood ng mabuti ang mga footage. And I was right. Sa lahat ng footage na involve si Que ay naroon din siya. Nag-play na ang footage na kuha noong araw na mawala si Que, mas pinatalim ko ang mga mata ko. Siniguro kong makikita ko ang lahat ng detalyeng mayroon ang footage.  "Kuya---" natigilan ako ng hindi ko na makita ang guard sa tabi ng lingunin ko siya. Umikot ako para sana hanapin siya pero hindi ko inaasahan ang makikita ko. Napatakip ako ng bibig ko pagkatapos kumawala ng isang singhap. The guard was lying on the floor, soaking on his own blood. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang isang lalaking naka-suot ng itim na jacket, may dala itong tubo na gawa sa bakal. Automatic akong napahakbang palikod ng mag-umpisa siyang mag-lakad palapit sakin. "s**t!" hindi ko napigilang mura ng maramdaman ang controls sa likuran ko. Wala na akong aatrasan at mas papalapit na siya sakin. "Dapat kasi hindi ka na nakiki-alam eh. Napapahamak ka tuloy," nanginig ako ng marinig kong muli ang boses niya. Napatakip ako ng tenga ng marinig ang nakakarinding tunog ng tubong dala niya na isinasadsad niya sa tiles ng control room. "Gusto mong makita si Que?" napa-angat ako ng tingin ng marinig ko ang pangalan ng kaibigan ko. "I-ikaw ang kumuha sakanya?"  "Kinuha? Hindi ko kinuha si Que," tunog inosente nitong saad. Napalunok ako ng mag-tagpo ang mga mata namin.  "She's mine in the first place. Sinasaktan lang naman siya ng mga tao sa paligid niya, ako lang ang nag-mamahal sa kanya," mahinahong saad nito na mas nag-patindig ng balahibo ko. "Y-you're c-crazy..." nginitian niya lang ang sinabi ko at nagpatuloy sa pag-hakbang palapit sakin. "Uulitin ko Jacque," namilog ang mga mata ko ng marinig kong bigkasin niya ang pangalan ko. "Do you want to see Que?" he asked while staring at my face. "Where is she?" I questioned back. "I'll take that as a yes, then," he said before he pulled me and hit my head with his steel pipe. Agad akong napabagsak sa sahig at nakaramdam ng matinding sakit at pag-kahilo. Mangiyak-ngiyak ako dahil sa sakit na iyon.  But before I even lost my consciousness, I heard another familiar voice. "Ms. Lim!" he called out before I heard another loud thud and everything went black.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD