XVIII

997 Words
"J-jacque..." nauutal kong tawag at napatabon pa ng bibig ng makita ang walang malay kong kaibigan sa sahig. "Let me go! Anong ginawa mo sakanya?!" galit kong sigaw sa kanya habang pilit na kinukuha ang braso ko mula sa kanya. Agad naman akong tumakbo palapit kay Jacque at dinamayan ito sa sahig ng bitiwan niya ako. Binaha ng pag-aalala at takot ang buo kong pagkatao ng makita ko ang duguang gauze na nakabalot sa ulo ni Jacque, she was also wearing a hospital gown. "Anong ginawa mo?!" naiiyak pero puno ng galit kong tanong sa lalaking nakangiti habang nakatayo sa harapan ko. "You liked my gift?" Balewala nitong tanong sakin. "Hayop ka! Pati si Jacque dinadamay mo!" Umiiyak kong sigaw sa kanya. "Hindi kana tatakas niyan? May kasama ka na oh. Di ka na mabobore dito, love." "Jacque, wake up." Bulong ko sa kanya habang tinatapik tapik ang pisngi niya. "Ayaw gumising? Kanina pa tulog yan ah!" Nagulat ako ng lumapit siya samin at tinitigan si Jacque na kasalukuyang naka-unan sa mga hita ko. "What the hell?!" Hindi ko napigilang sigaw at agad na hinila at niyakap si Jacque ng bigla niya itong sampalin ng napakalakas. "Ayaw niyang gumising, love. Dinala ko siya dito para samahan ka, hindi para matulog." "Please... please, just let us be. H-hindi na ako tatakas. Wag mo lang siyang saktan." Pag-mamakaawa ko sa kanya. His lips immediately curved into a smile upon hearing me. That familiar smile that I used to love. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata bago binalingan si Jacque na wala paring malay. "Promise?" Napa-angat ako ng tingin ng marinig ang parang bata nitong tanong. Napipilitan naman akong napatango. Kailangan ko munang sakyan ang trip niya hangga't wala pa kong maisip na plano kung paano kami makaka-alis dito. Bumabang muli ang tingin ko kay Jacque at hindi ko maiwasang maluha dahil sa sobrang guilt at pag-aaalang nararamdaman. I'm sorry, nadamay ka pa tuloy. "You stay here okay? Magluluto lang ako ng dinner natin." Nakangisi nitong paalam bago tumayo at lumabas na ng sala para mag-tungo sa kusina. Agad na lumabas ang hininga na kanina ko pa pinipigilan. "Jacque, anong gagawin natin?" Bulong ko sa kanya habang naluluha. Inalis ko ang buhok niya na nag-kalat sa mukha niya dahil sa pag-sampal ng lalaking iyon kanina. Bakat na bakat ang palad sa mukha ng kaibigan ko. Malamang ay mahapdi iyon pagkagising niya. Nalipat naman ang atensyon ko sa duguang benda na nakabalot sa ulo niya at muling napansin ang hospital gown na suot niya. "Anong nangyari sayo?" Bulong ko sakanya habang sinisikap na buhatin siya papunta sa asul na couch di kalayuan sa pwesto namin. This house was actually pretty huge. Kumpleto rin ang mga gamit at iba pa. Yun nga lang ay napakalayo ata sa city dahil wala man lang akong nakita o narinig na taong nagawi. Inayos ko ang pagkakahiga ni Jacque sa sofa bago sandaling binalingan ng tingin ang daanan patungo sa kusina. I can hear him humming a happy song while cooking. At least we'll have a proper dinner. Yun na lang ang naisip ko bago ako nag-indian sit sa sahig katabi ng sofang kinaroroonan ni Jacque. "Jacque, pano ka niya nakuha?" Tanong ko sa kaibigan na para bang sasagot ito. "Kamusta na kaya sina Tita? I'm sure they're very worried," napayuko ako kasabay ng pag-tulo ng mga luha ko. "S-si mommy at daddy ba... nag-aalala din? Si Daddy siguro, si Mommy ba?" Parang tanga kong patuloy na tanong. "Hihingi sana ako ng tulong sakanya... but she was too busy to help me." Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilin ang pag-alpas ng hikbi ko. I remembered how my mother told me that it was her choice not to see me. She doesn't want to see me because I remind her of her mistakes. In short, I am a mistake. "I'm sorry for dragging you in this mess, Jacq. I'm so so sorry," humahagulgol kong hingi ng tawad habang mahigpit kong hawak ang mga kamay niya. "Love?" Agad kong pinunasan ang mga luha ko at pilit na kinalma ang sarili ng marinig kong muli ang boses niya. "Love?" Tawag niyang muli sa mas malakas na boses kaya naman umikot na ako at humarap sa kanya. "You're crying?" Biglang umasim ang timpla ng mukha niya ng makita ang pamumugto ng mga mata ko. "Bakit ka umiiyak?" Hindi ko siya sinagot pero agad akong nakaramdam ng kaba ng makita ko ang pagbaba ng tingin niya kay Jacque. "Did she make you cry?" Seryoso ang mukhang tanong nito na agad kong inilingan. "H-hindi," nanginginig kong sagot at umatras pa para matakpan si Jacque. I need to get her out of his sight. Wala na naman ata sa control ang pag-iisip nito. Baka kung ano pang magawa nito kay Jacque. "Eh bakit ka umiiyak?" Agad akong nag-isip ng isasagot sa kanya. "I just miss my parents," sagot ko. Mariin niya pang tinitigan ang mukha ko bago sunod sunod na tumango. Nakahinga ako ng maayos ng talikuran niya ako at muling hinarap ang daan patungo sa kusina. "Kakain na tayo, gisingin mo ang bisita natin, please?" Malambing na saad nito bago tuluyang bumalik sa kusina. Inantay ko siyang tuluyang makapasok sa kusina bago ako tumalikod at nag-squat sa harap ni Jacque. I need to wake her up. Malilintikan kami kung hindi siya magigising. Sinubukan kong yugyugin ang balikat niya habang tinatawag ang pangalan niya pero hindi parin talaga siya nagkakamalay. Ano ba kasing nangyari sayo, Jacque? Naiiyak na ako habang nag-papanic. I really need to do something to wake her up. Inikot ko ang tingin sa paligid at nag-hanap ng bagay na posibleng makatulong samin. But there's none. Sa tatlong araw kong pamamalagi dito ay nalibot ko na ata ang buong kabahayan pero wala akong makitang makakatulong para makatakas. Naka-alis lang ako kanina dahil maayos ang pag-iisip ng lalaking iyon. He helped me escape, ang malas nga lang at agad ring bumalik ang alter niya. "Jacque," Sinubukan ko muling yugyugin ang balikat niya. Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang pag-ungol niya. "Jacque?" Tawag kong muli at sinagot niya ito ng isa pang ungol. "Jacque, wake up please. Kailangan mong gumising," pakiusap ko sakanya habang niyuyugyog parin ang balikat niya. Unti-unting bumukas ang mga mata niya at agad itong nanlaki ng makilala ako. "Q-que?" Tawag niya sa nanghihinang boses.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD