WARNING: Some scenes may be inappropriate or disturbing (animal abuse) to some readers. Read at your own risk.
"Takbo! Tumakbo ka hanggang gusto mo! Maabutan din kita!" Umaalingaw-ngaw ang boses niya sa buong lugar habang patuloy akong tumatakbo ng walang patutunguhan makalayo lang sa kanya.
I should have known. Sana sinunod ko ang instinct ko. Alam kong may kakaiba na simula palang. Masyado siyang maraming alam. Alam niya bawat kilos ko, bawat galaw ko. How come I didn't notice?
Hilam ng luha ang mukha ko habang patuloy akong tumatakbo papalayo. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili kahit na nanginginig na ako sa takot. I won't benefit anything by being scared. I need to be rational. Kailangan kong makaisip ng paraan para matakasan ang lalaking yun.
Hindi kalayuan ay may nakita akong dalawang eskinita. Tila nabuhayan ako ng loob. I just need to choose which direction to go. Kailangan kong makaligtas dito. Hindi niya ako pwedeng mahuli.
"Which way Que?" Hingal kong bulong sa sarili habang palapit ng palapit sa crossing. Nang marating ang pagitan ng dalawang eskinita ay mabilis kong nilingon ang likuran para siguraduhing hindi niya pa ako nasusundan.
Nang masigurong hindi niya pa natutunton ay agad akong tumakbo sa kaliwang eskinita at nakaramdam ng ginhawa ng makakita ng isang tumpok ng mga sako. Agad akong sumuot sa likuran ng mga ito, not minding the bad smell it emits. Ang mahalaga ay makalabas ako ng buhay dito.
Tinakpan ko ang bibig at pinigilan ang paghinga ng makita ko siyang naglalakad patungo sa direksyon ko habang maingay na kinakaladkad ang metal na tubong dala niya.
He scanned the whole place, searching for signs of me. Pakiramdam ko ay mapupugto na ang hininga ko habang inaantay ang pag alis niya.
Nang lumayo siya ay literal na nakahinga ako ng maluwang at nag antay ng ilang sandali bago nagpasiyang lumabas mula sa pinagtataguan ko.
It's too late for me to realize that it was a bad move. Huli na ang lahat para tumakbo ng marinig ko ang boses niya mula sa likuran ko. I stood there frozen.
"I told you, kahit saan ka magtago at kahit tumakbo ka pa ng tumakbo. Mahahanap at mahahanap kita."
Dahan dahan akong umikot paharap sa kanya. Hindi matanggap ng sistema ko ang nakangisi niyang mukha habang nakatingin sakin.
Standing in front of me is my living hell. This is the face of the demon.
The demon that I, once in my life loved.
He was staring at me with a creepy smile plastered on his face.
"I told you to stay inside, ang tigas talaga ng ulo mo, love." nanginginig ako habang nakatingin sa kanya.
Automatic akong napa-atras ng akma niya akong hahawakan sa pisngi. Agad na nag-laho ang ngiti sa kanyang mukha at napalitan ng mas nakakatakot na ekspresyon.
Impit akong napasigaw ng bigla niyang hatakin ang buhok ko para mapalapit ako sa kanya.
"May regalo ako sayo, love. Naisip ko kasi, baka naboboring ka na sa bahay natin kaya labas ka ng labas." tumutulo ang luha ko habang nakatingin sa mukha niya.
Pilit niya akong kinaladkad pabalik sa pinanggalingan namin kanina.
"T-tama n-na, p-please, p-please! P-pakawalan m-mo n-nako!" pagmamaka-awa ko sakanya na tinawanan niya lang.
Baliw siya. Yun ang napagtanto ko sa loob ng tatlong araw ko dito kasama siya. May mga oras naman na mabait siya pero madalas talaga ang ganito.
"I have a surprise for you, love. I'm sure matutuwa ka sa dala ko. Maybe you feel lonely around here? Kaya nagdala ako ng makakasama mo." ani niya sa malambing na boses ng sandali kaming tumigil. Inayos niya ang nagulo kong buhok dala ng pananabunot niya.
"Be a good girl na kasi. Wag mo kong ginagalit, ayoko pa namang sinasaktan ka." malumanay ang pagkakasabi niya noon pero mas nag-dulot lang iyon ng takot sa sistema ko.
Hindi ko inakalang ang boses na dating nagbibigay sakin ng kilig ay magdudulot na ngayon ng sobra sobrang takot sa sistema ko.
Nag-hinala na ako noon, pero binalewala ko iyon. How I wish I can go back to that time and change the course of things. Iiwas ako sa kanya para hindi na umabot pa sa ganito.
"Let her go! Natatakot na siya sayo!" rinig kong saad niya.
Mabilis akong napalunok habang pinapanood siya. Ito na naman siya. He's talking to himself once again. Madalas itong mangyari, he keeps on telling himself to let me go pero sinasagot niya rin iyon ng hindi maari.
Kaninang umaga ko lang narealize kung anong posibleng nangyayari sa kanya. According to his symptoms, I believe that he's a DID patient.
Dissociative identity disorder or multiple personality disorder.
At sa nakikita ko ay mabait ang host niya but his other personality is a criminal. The host keeps on trying to stop him from whatever he was doing but the other personality was too strong.
Too strong for my liking.
"Shut up! Wala ka talagang kwenta! Kung hindi mo siya hinayaang makalabas ay hindi ko kailangang gawin sa kanya 'to!" sigaw niya sa sarili bago ako hinarap ng nakangiti.
"Tara na, love. I'm so excited to give you my gift," excited na ani nito bago ako hinatak muli papasok ng bahay niya. Nanginginig ako habang pakaladkad na nakasunod sa kanya.
What is it this time? Kahapon nag sabi siyang mag-luluto siya ng masarap para sa dinner naming dalawa, but before he set the table for us he brought a dog with him and killed it in front of me! Halos bumaliktad ang sikmura ko ng makita kong dukutin at butasin niya ang tiyan ng kawawang aso gamit lang ang kamay niya.
He was all bloody but he keeps on laughing and smiling as if enjoy na enjoy siya sa ginagwa niya. I can still hear the painful wails of the poor dog as he leaves burning marks on the animal's skin with a heated rod.
Nang mag-lagay siya ng pagkain sa harapan ko pagkatapos ng ginawa niya ay hindi ko magawang sumubo, lalo na't nakupo siya sa harapan ko habang nababalot parin ng dugo.
Hindi ko na tuloy alam kung ano pa ang dapat kong asahan ngayon sa sopresang sinasabi niya. Would it be another bloody animal?
Pero hindi ko inaasahan ang aabutan kong walang malay na nakahandusay sa sahig.
"Did you like my surprise. love?" tuwang tuwang tanong nito sakin habang nakatitig ako sa babaeng nasa sahig.
"J-jacque..."