XVI

1271 Words
"Enrique, kinakabahan talaga ako. Pakiramdam ko may masamang mangyayari." agad na lumipad ang tingin ko kay Jaya ng marinig ko ang nag-aalala niyang boses. "Balik na lang tayo please? Papuntahin nalang natin si Detective sa ospital." huminga ako ng malalim at kinambyo na lang ang sasakyan pabalik sa ospital.  Pauwi na sana kami pero hindi talaga siya mapakali and I felt the same. Pinipilit ko lang maging rational dahil kung pareho kaming aligaga ay walang mangyayari samin. We needed to find Que and give justice to what happened with Jacque. Itinigil ko muna sa isang tabi ang sasakyan at inilabas ang cellphone habang nakatingin ako kay Jaya. Agad kong i-dinial ang number ni Detective Magsaysay, a few more rings and he finally answered it. "Hello? Judge Lim?" "Detective, can you just go straight to the hospital?  Doon na lang tayo magkita." "No problem, Judge. By the way I just learned na kasama po pala sa nainjured kasabay ni Jacque yung Professor ni Que. Kagigising lang raw this morning," "Is that so? Then let's drop by, baka may nakita siya or napansin na posibleng maging lead natin kung sino man ang may gawa nito." Ani ko sakanya na agad naman niyang sinang-ayunan. Pagkababa ko ng tawag ay sinulyapan ko naman ang asawa kong kanina pa tahimik. I took her hands that caused her to look at me. I smiled at her as I held her hands and gave it a gentle kiss. "We'll get through this. Mahahanap natin si Que and magiging ayos din si Jacque." She stared at me for a while before she took a deep breath and nodded. "Let's go?" Tanong ko sa kanya na tinanguan niya lang muli. Sandali ko pa siya pinakatitigan bago ko binitawan ang mga kamay niya at bumalik sa pag-mamaneho pabalik sa ospital. Nang makarating na kami ay agad rin naming nakasalubong si Detective Magsaysay sa may parking lot. "Judge, ma'am," He greeted. "Puntahan po muna natin yung Prof?" Tanong niya na agad naman naming tinanguan ni Jaya. "Nahampas din po siya, hindi nga lang kasing lala yung tama niya ng kay Jacque at dun sa namatay na sekyu." Sagot niya ng tanungin ko patungkol sa lagay ng guro. "Ano pong pangalan ng patient, sir?" tanong ng nurse sa reception area ng ospital. "Drake Walters," sagot ni Detective dito. "Room 231, Sir."  "Sige, thank you."  "Dito rin naka-confine si Jacque, diba?" Tanong ng detective habang inaantay namin ang pag-bukas ng elevator. "Yes, sa ibang floor lang." sagot ni Jaya sa kanya sabay ng pag-bukas ng elevator. May isang lalaking naka-suot ng itim na jacket ang nandoon kasama ang isang pasyenteng naka-tulog na ata sa wheelchair. "Judge?" Napa-iwas ako ng tingin sa pasyente ng marinig ko ang pag-tawag ni Detective. "I'm sorry, what were you saying?" Ani ko sakanya sabay ng pagbukas ng elevator at lumabas na ang lalaking naka-itim habang tulak tulak ang wheelchair. "Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Jaya habang nakakapit sa braso ko. "Yeah, I'm fine." Naka-ngiti kong sagot sakanya. Nag-taka kami ng pagkapasok namin sa kwarto ay walang tao sa kama. "Ay sir, baka ho bumili ng foods yung pasyente. Wala kasing nadalaw dito kaya mag-isa lang siya." Ani ng nurse na ipinatawag para makausap namin. "Ganoon ba?" Tumatangong sagot ni Detective habang iginagala ang tingin sa kwarto. "Opo, antay lang po ng unti. Baka paakyat na rin po yun." At hindi nga siya nag-kamali dahil pagkasabi niya ay agad namang pumasok ng kwarto ang Professor na naka-usap namin noon. Gulat siyang nakatingin samin habang bitbit-bitbit ang isang supot na naglalaman ng pagkain at ilang gamot niya. "Mr. and Mrs. Lim, right?" kunot ang noong tanong nito habang nagtatakang nakatingin samin. "I'm sorry. Bumili pa kasi ako ng meds and foods. Anong matutulong ko?" The professor asked as he put the plastic containing his foods and medicines on top of the table beside his bed. Sandali kong tinitigan ang kabuohan ng guro habang kausap ito ni Detective. His head was wrapped with a thick gauze and he was also wearning a hospital gown, habang naka-kabit sa kanya ang kanina pa niya hatak na swero. "Hindi ko nakita ang mukha nung gumawa but he was wearing a black hoodie and a black mask that covered his face." naagaw ng sinabi niya ang pansin ko. "A black hoodie?" I asked that made them look at me. "Yes sir. Sigurado ako sa nakita kong yun." Seryosong saad ng guro. "Okay, noted. Sige na maiwan ka na muna namin? Bibisitahin pa namin si Ms. Lim." Paalam ng detective na tinanguan naman niya bago niya hinayaan ang nurse na ayusin ang dextrose niya. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali pag-pasok palang namin ng elevator. "Ayos ka lang ba?" kunot ang noong tanong muli ni Jaya. "Kinakabahan ako. Parang may mali." Saad ko sakanya na naka-agaw rin ng atensyon ni Detective Magsaysay. "Sa ano, Judge?" "Hindi ko rin alam," hindi mapakaling sagot ko. Tahimik na lang naming inantay na magbukas ang elevator sa tamang palapag at naglakad na kami patungo sa room ni Jacque. Malayo pa kami ay natigilan na kami ng makita namin ang naka-awang na pintuan ng kwarto. Agad kaming nag-katinginan ni Detective. Tumango naman siya bago binunot ang baril mula sa holster niya habang ako naman ay hinatak si Jaya papunta sa may likuran ko habang nakasunod kami sa kanya. Dahan dahan kaming nag-lakad papalapit sa pintuan ng kwarto. Dahan dahan itong itinulak ni Detective Magsaysay, agad namang bumagsak ang tingin ko sa bakanteng kama ng anak ko. "Gianne!" nabaling ang tingin ko kay Jaya na biglang tumakbo at dinamayan ang kaibigang nakahandusay sa sahig.  Agad ko ring nilapitan si Lester na nasa kaparehong lagay ni Gianne, samantalang nilibot naman ni  Detective ang kwarto upang i-check. "What do you mean? Anong walang footage?! Anong klaseng ospital ba 'to?!" galit na sigaw ni Jaya sa admin ng ospital na kausap namin. "Maám my CCTV po ang ospital but the footage earlier was deleted for some unknown reasons. We're trying to retrieve it as of the moment. We apologized that you have to experience this at our premises." aalma pa sana si Jaya pero pinigilan ko na ito sa pamamagitan ng pag-hawak sa braso niya. "Thank you, please inform us if may nakuha kayong lead." tumango naman ang admin at muling humingi ng tawad bago umalis ng hospital suite nina Gianne at Lester. "Enrique! Si Jacque!" Umiiyak na saad ng asawa ko habang yakap yakap ko siya. "N-no... J-jacque..." sabay kaming napalingon ng marinig namin ang boses ni Lester. Agad kaming lumapit sa kama niya at tinignan kung may malay na siya ngunit naabutan namin siyang nakapikit habang pinagpapawisan. Isinisigaw niya ang pangalan ng anak namin. "Lest! Lest!" gising namin sa kanya. "Jacque!" hinihingal nitong sigaw habang pabalang na napabangon bago siya napahawak sa ulo niya. "Lest!" agad naman siyang napalingon samin ng marinig ang pag-tawag namin. "Si Jacque?" nag-aalala nitong tanong. My wife broke down once again after hearing our daughter's name.  Mariin niyang naipikit ang mga mata ng makita ang reaksiyon ni Jaya. "I'm sorry. I'm sorry," paulit-ulit niyang hingi ng paumanhin. "What happened?" mahinahon kong tanong sa kanya. Sandali niyang tinapunan ng tingin si Gianne na wala paring malay sa kabilang kama. "Lumabas lang ako sandali para bumili ng makakain namin tapos pag-balik ko bigla nalang may humampas sa ulo ko. Tapos nakita ko nalang na nakahandusay narin sa sahig si Gianne." kwento niya. "I saw the culprit," mas lumapit ako sa kanya ng sabihin niya iyon. "You saw him?"hindi makapaniwala kong tanong. "Not his whole face but he talked to me." "Anong sabi niya? How does he looked like?" sunod sunod ang tanong ko sa kanya. "He told me na kung hindi ko lang anak si Que ay pinatahimik na rin niya ako. Half of his face was covered with a black mask and he was wearing a black hoodie." Natigilan ako. Suddenly the image of the patient sleeping on the wheelchair with the guy wearing a black hoodie resurface on my mind. Shit! Was that Jacque?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD