"Detective Magsaysay, Sir. And this is Mr. Lester Ramirez, father of Que Ramirez, the missing student." Pakilala ni Detective sa President ng University.
"Good afternoon sir, our university is willing to extend our help for finding Ms. Ramirez and we also promise to cooperate in finding the culprit about Ms. Lim's case. Gagawin po namin ang lahat upang makatulong sa pagpapabilis ng usad ng imbestigasyon." Nginitian ko lang at tinanguan ang Presidente. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin.
Alam ko namang walang kinalaman ang eskwelahan sa pagkawala ng anak ko at sa nangyari kay Jacque pero hindi ko parin magawang hindi mainis.
"Sige sir, may we review the other footages?" Tanong ni detective.
"Sure, but almost all of the footages you'll probably need were wiped out by whoever did this." The president reminded na tinanguan lang namin.
Pumasok kami sa control room kasama ang presidente ng university. Sandali pang naiwan ang tingin ko sa mga officers na sinusuri ang mga dugong nagkalat sa sahig.
Halos kilabutan ako ng maisip na maaring dugo iyon ni Jacque.
"Malakas po ang kutob namin na kung sino man ang may gawa nito ay may koneksiyon rin sa pag-kawala ni Ms. Ramirez," sandali akong binalingan ng matanda bago ibinalik ang tingin sa lalaking naka-upo sa control panel.
"The footages that were deleted were all from the same day of her disappearance." Dugtong nito at itinuro pa ang ilang file na naiwan.
"Ang footage lang from three days ago ang dinelete?" Kunot ang noong tanong ko.
"Yes, Mr. Ramirez." Pagsang-ayon ng may hawak ng control.
"Pero bakit?" Lumipat ang mga mata ko kay detective habang tinatanong iyon.
"According to Jaya and Enrique they found nothing in there aside from that Que was with this boy named..." Natigilan ako ng hindi maalala ag pangalan ng binata.
"Trey Falcon," dugtong ni Detective.
"Yeah, the boy named Trey Falcon. Kaya anong meron sa footage na yun para i-delete?"
"Hindi ba't bumalik lang rin si Miss Lim rito? Paalis na sila ng bigla siyang mag-paalam at sabihing may pupuntahan lang. But she end up dueling with the culprit here? Maybe she saw or notice something in the footage?" Detective Magsaysay concluded.
Habang papunta akong ospital ay hindi na nawala sa isip ko ang sinabi ni Detective tungkol sa maaaring nakita ni Jacque.
"How is she?" tanong ko kay Gianne habang nakatanaw kami sa mag-anak na nasa loob ng kwarto.
Enrique and Jaya was busy taking care of their unconscious daughter. Nakakaawa pero pakiramdam ko ay mas nakakaawa ang lagay ko, namin. At least they can see their daughter, they know what's happening on her. Pero kami, we don't even know what's happening to Que right now. Kung nakakakain ba siya o kung ligtas ba siya?
"This is all of my fault," napatingin ako kay Gianne ng marinig ko ang basag niyang boses.
"Lumapit siya sakin, I think she was asking for help. P-pero anong ginawa ko?" Agad na nag-salubong ang tingin namin ng mag-angat siya ng tingin sakin.
I saw her tears started falling and it immediately caused my heart to constrict in pain.
Gianne would always be one of my weakness. Noon hanggang ngayon, at hindi na yata magbabago pa.
Alam kong nagkasala kami sa mata ng Diyos at mata ng tao noon, alam ko ring dahil doon kaya naging magulo rin ang buhay ng anak namin. But seeing her crying and being filled with guilt for neglecting our child. My heart aches for her.
Huminga ako ng malalim bago siya inabot at marahang hinatak palapit sakin para yakapin.
"We'll find her. Hahanapin natin ang anak natin." bulong ko sakanya habang humahagulgol siya ng iyak sa may dibdib ko. My eyes flew back to the family inside the room.
Kung sana lang naging malakas tayo noon, wala tayo dito ngayon.
Hindi ko napigilan ang inggit na sumibol sa loob ko ng makita si Enrique na pinapakalma si Jaya sa pag-iyak. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila at mas pinag-tuonan na lang ng pansin si Gianne.
"Anong balita dun pre?" tanong ni Enrique habang pareho kaming nakatingin kay Jaya at Gianne na nag-uusap sa may couch sa loob ng hospital room ni Jacque.
"Hinala ni Detective Magsaysay ay may nakita o napansin si Jacque sa footage kaya siya bumalik sa control room,"
"How 'bout the culprit? May suspect na ba?" Kunot ang noo niyang tanong sakin na inilingan ko.
"Yung si Falcon parin." maikli kong sagot.
"Ibig sabihin ay bumalik siya ng school to remove his tracks? Hindi man lang siya nahagip ng kahit anong CCTV?" We remained silent after his remark. Hindi ko alam kung paano ko pagagaanin ang loob niya dahil maging ako ay hindi rin maayos ang lagay sa mga nangyayari ngayon sa mga anak namin.
"I won't let that bastard getaway after doing that to my daughter." Bumalik ang tingin ko sa kanya ng marinig ko ang galit niyang boses.
"Sisiguraduhin kong mabubulok sa kulungan ang kung sino mang may gawa nito kayna Jacque at Que." dugtong niya pa.
"Maiwan na muna namin kayo? Babalik din kami agad." Paalam ni Jaya habang nakatingin parin sa walang malay na si Jacque.
Uuwi muna sila para magbihis at kunan ng gamit si Jacque. Maiiwan naman kami ni Gianne para mag-bantay.
"Parang kinakabahan ako Enrique, wag na lang kaya muna tayong umalis? Pahatid na lang natin kayna Manang," ani ni Jaya sa asawa niya.
"Jaya, we're here. Hindi naman namin pababayaan si Jacque." Ani ni Gianne sa kanya na agad naman naming sinang-ayunan ni Enrique.
Sandali niyang tinitigan ang anak bago kami malungkot na hinarap.
"Kayo na munang bahala? Pupuntahan pa namin si Detective Magsaysay para kausapin tungkol sa usad nang paghahanap kay Que." Ani ni Jaya matapos ang mahabang mangungumbinse na umuwi na muna sila. Mabilis lang nilang hinalikan sa noo si Jacque bago tuluyang umalis.
The room was filled with silence as soon as Jaya and Enrique left. Tanging ang tunog lamang ng ventilator ang nag-bibigay ng ingay sa buong hospital room.
It was so awkward.
Gianne and I never really get to talk properly ever since Que came.
And I admit. I was an asshole for that. Maybe this was the price of all my mistakes. Pero sana, sana lang ay hindi na dinamay pa ang anak namin.
Kami ang nag-kasala. Kami yung nakalimot, kaya bakit parang si Que pa ang sinisingil?
Nang hindi ko makayanan ang awkwardness ay tumayo ako mula pagkaka-upo na naka-agaw ng atensyon niya.
"I'll buy us food. May gusto ka ba?" Tanong ko sakanya.
"Just coffee," tipid ang ngiti niyang sagot na tinanguan ko.
"Sige, sandali lang ako." Paalam ko at tuluyan ng lumabas ng kwarto para pumunta sa cafeteria.
I ordered Gianne's coffee and bumili na rin ako ng bread in case.
"Gianne---" agad na bumagsak ang mga binili ko sa sahig at agad akong napahawak sa likuran ng ulo ko ng maramdaman ko ang sakit ng pagtama ng kung anong matigas na bagay doon.
Napabagsak ako sa sahig at doon ko lang nakitang nakahandusay rin sa sahig si Gianne, wala ng malay.
Nanghihina akong umikot para tingnan kung sino man ang may gawa noon.
Nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng itim na hood, papalapit siya sa kama ni Jacque.
"N-no..." Nanghihina kong pigil sakanya habang sinusubukan kong tumayo.
"You're still awake?" Humakbang siya palapit sakin at hinarap ako. Pilit kong kinikilala ang itsura niya pero nakasuot siya ng itim na mask na nagtatakip ng kalahati ng mukha niya.
"Pasalamat ka tatay ka ni Que. Kung hindi, tinuluyan na rin kita." Yun lang ang sinabi niya bago ko muling naramdaman ang pagtama ng kung ano sa balikat ko at tuluyan ng nawalan ng malay.