XIV

969 Words
"So the lead suspect for now, is Mr. Trey Falcon." Umpisa ni Detective Magsaysay sabay ipinatong ang litrato ng isang binata sa lamesa sa harapan namin. Kinuha iyon ni Lester at pinakatitigan ng matagal, bago binalingan sina Jaya at Enrique. "Who's this?" He asked them. "Ang sabi ni Jacque ay kaibigan din daw nila, classmate ni Que. Pero isang professor ang nakapag-sabing boyfriend niya raw." Kumunot ang noo ko ng marinig ang sinabi ni Jaya. Boyfriend? "But according to Jacque ay nanliligaw palang daw ito kay Que." Dugtong pa niya. Bumaba ang tingin ko sa litrato sa lamesa. "And you don't have an idea where he is as well?" Tanong ko na tinanguan naman ng detective. "Nawala rin siya the same day Que disappeared. But it just doesn't add up, something is missing." Napa-angat kaming lahat ng tingin sa detective dahil sa sinabi niya. "Que left the school premises at two o' clock in the afternoon with Falcon," lumipat sakin ang tingin niya bago siya nagsalita. "And then she went to her mom's place. Bakit siya pumunta doon? And where was Falcon during that time? Ang sabi mo ay wala kang napansing kasama niya?" Tumango ako sa huling tanong niya. "Wala, not even a car nearby." Sagot ko. "So where was this kid that time. At ano ang rason kung bakit pumunta siya sa mga De Felipe." Ani niya habang paulit-ulit na tinatap ang litrato ng binata. Natahimik ang buong sala nina Jaya. Lahat kami ay nag-iisip, nang biglang may pumasok sa isip ko. "Wait, I remembered something," sabay sabay na bumaling ang tingin nila sakin. "I recalled her saying that she needed me for something. Hindi niya nga lang natapos sabihin dahil nagkasagutan na kami. But she told the guard that she needs something from me!" Taranta kong kwento. Oh my God! What have I done? "God! Oh my God!" Nag-papanic kong paulit-ulit na bulalas. I can't believe I sent her away that day. I should've asked what she needed instead. What she wanted? God, I'm so selfish. Guilt was slowly gobbling me whole when I felt Jaya's arms around me. "We'll find her." She assured me with a smile. I'm so thankful I get to have a friend like her. She raised my daughter as her own. Mas matagal niyang nakasama si Que kaya sigurado akong sobra sobra din ang pag-aalala nila ngayon ni Enrique. "How about his parents?" Sabay kaming napalingon kay Lester ng itanong niya iyon sa Detective. Umiling naman ang detective at pagod na sumandal sa may couch. "The guy's an orphan. Puro katulong lang ang kasama sa bahay." "Wala man lang siyang guardian or relative na pupwede niyang puntahan?" "We're already checking on that. Pero so far, wala. His parents died in a car crash seven years ago, luckily leaving quite a fortune that helped him live a comfortable life for years." Sagot ni Detective Magsaysay sa tanong ni Enrique. "Sir! Sir!" Sabay sabay kaming lahat na napalingon sa katulong na nagmamadaling lumapit samin habang tinatawag si Enrique. Namumutla ang katulong at parang naiiyak na. "Ano yun, Manang?" Jaya asked her worriedly. "Ma'am si Jacque daw! Dinala sa ospital!" "What?!" Sabay sabay kaming napatayo ng marinig ang sinabi niya. "What happened?!" "Nakita daw po siyang walang malay sa labas ng control room ng eskwelahan nila. Pati daw po yung guard ay nakabulagta rin." Naiiyak na wika ng matanda. "We need to go." Nagmamadaling ani ni Jaya. "Detective, please look into this." Ani ni Enrique sa detective na agad na tumango. "Sige na pre, puntahan niyo muna si Jacque. Sasamahan ko na lang si Detective papunta sa university." Ani Lester. Nagmamadali kaming nagsi-alisan. I went with Jaya and Enrique. Nasa biyahe palang ay hindi na matigil sa pag-iyak si Jaya. I was trying to console her but a mother's bleeding heart is too hard to mend. Ano ba namang nangyayari? Bakit sunod sunod? "Si Jacque Lim, miss?" Tanong ni Enrique sa nurse na nasa reception. "Nasa emergency room pa po, sir." Nagmamadali naman naming tinungo ang emergency room at nakita namin doon si Jacque na nakahiga sa kama. Her head was covered with a bloody gauze. Agad na humagulgol ang kaibigan ko ng makita ang kalunos-lunos na sitwasyon ng anak niya. "Jacque! Ano bang nangyayari?!" Palahaw niya pagkalapit sa anak. Hinarap naman namin ni Enrique ang doctor. "What happened doc? Kamusta po ang anak ko?" Nag-aalalang tanong ni Enrique, palipat lipat ang tingin sa doktor at sa mag-ina niya. "The patient suffered a minor head trauma and concussion. This only happens if nauntog ng malakas o hinampas ng kung ano like baseball bats, and other hard objects ang ulo ng tao." Paliwanag ng doctor. Sabay kaming napalingon kay Jacque na hanggang ngayon ay wala paring malay. "We needed to perform a minor operation to clear off the blood clots inside. Delikado kasi kung hahayaan lang at baka mag-bara sa daloy ng dugo niya." Tumango naman si Enrique at sumama sa doktor para ayusin ang mga kakailanganin para sa operasyon ng bata. Lumapit naman ako kay Jaya at tumabi sa kanya. Hawak hawak niya ang kamay ng anak habang tuloy-tuloy na tumutulo ang luha. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, Gianne. Nawawala na nga si Que tapos eto pa?" Hirap na hirap niyang saad. Wala naman akong nagawa kundi ang yakapin na lang siya. I wanted to comfort her, pero alam kong walang kahit anong salita ang makakapagpagaan ng loob niya ngayon. "I did my best as a mother. Saan ba ako nag kulang? Bakit nangyayari 'to sa mga anak ko?" Mas humigpit ang yakap ko sakanya ng nag-umpisa na siyang humagulgol. "I'm sorry," hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas mula sa bibig ko. Pero naramdaman kong sandali siyang natigilan ng marinig iyon. Kumalas siya ng yakap at hinarap ako. "You don't have to apologize to me, Gianne. Si Que, kay Que ka dapat humingi ng tawad. Siya ang nag-antay at siya ang nasasaktan dahil sa mga ginawa mo Gianne. Sana lang hindi pa huli ang lahat." Umiiyak niyang saad habang nakatingin sakin. "Sana lang bigyan ka pa ng pagkakataong makabawi sa lahat ng pagkukulang mo sakanya. Sana lang ligtas siya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD