August 17, 2020 – 3:30 pm
(The Day of Que's disappearance)
"Ma'am, nasa labas po si Ma'am Que. Gusto ka daw pong maka-usap." I was busy preparing dinner for my family when one of the helps interrupted me.
"Tell her I'm not around."
"Ma'am sinabi na nga po namin eh. Pero nagwawala na po siya sa labas, pinipilit na makausap ka." I sighed in irritation ng marinig ang sinabi niya.
Walang modo talaga ang batang iyon! Bakit siya nagwawala sa labas ng bahay namin?! Paano kung makita ng mga kapitbahay? Nakakahiya!
Ibinilin ko ang niluluto sa isa pang katulong bago mabibigat ang hakbang na tinungo ang gate.
"Manong! I just want to talk to my mom! Alam kong nandiyan siya! Please!" Tinatagan ko ang loob ko ng marinig ko ang basag na boses ni Que habang papalapit ako sa may gate.
"I just... I just need her right now. Please, manong? Please tell her." Pagmamakaawa nito sa guard na nag-babantay.
"Anong problema mo?!" Iritado kong tanong at sinenyasan ang guard na buksan ang gate. Iilang kapitbahay na kasi ang naglalabasan dahil sa ingay.
Nang tuluyang bumukas ang gate ay agad siyang tumakbo papunta sakin at niyakap ako.
"M-mommy," sinubukan ko umalis sa pagkakayakap niya pero mas hinigpitan niya lang iyon.
"M-mommy, I-i, I n-need y-your--"
"Ano ba Que, bitiwan mo nga 'ko! What's your problem? Bakit bigla bigla ka nalang sumusugod dito at magwawala?!" Nanatili sa ere ang mga kamay niyang yumakap sakin ng bahagya ko siyang itulak palayo para makatakas mula sa yakap niya.
"Hindi ka na nahiya?! Nagwala ka pa talaga sa labas, ano na lang ang sasabihin ng mga kapitbahay---"
"They don't know about me anyway," pabulong niyang pag-putol sa sasabihin ko.
What's her problem? May nangyari ba?
Tinitigan ko ang namumula at namamaga niyang mga mata. She looks like she have been crying for hours now.
"Diba mommy? Hindi naman nila alam ang tungkol sakin? Hindi naman nila alam na may anak ka sa labas na iniwan niyo lang sa kaibigan niyo. Hindi naman nila alam na may anak ka na laging nag-aantay sayo. Hindi naman nila alam iyon, Mommy." Sinenyasan ko ang mga katulong at guard na umalis at iwan muna kaming dalawa sa may grahe.
Tahimik lang na sumunod ang mga mata niya sa mga ito hanggang sa maglaho sa loob ng bahay.
"Ikaw ba mommy? Alam mo bang may nag-aantay sayo? Alam mo bang inaantay kong tuparin mo yung mga pangako mong dadalawin mo ko? Sabi ni Tita, busy ka lang daw masyado kaya hindi mo ako nabibisita kahit gustuhin mo. Pero bakit kayang kaya mong maghatid ng plates nina Ate Margaux?" Pinahid niya ang mga luha niyang mabilis rin namang pinapalitan ng bago.
Gusto kong magsalita. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko mula sa mga paratang niya. Pero 'di ko magawa.
Nanatili lang akong tahimik na nakatayo sa harap niya nakatingin sakanya habang inilalabas niya lahat ng sama ng loob niya sakin.
"Mommy, nagpakabait naman ako. Nag-aaral din po ako ng mabuti. Pero mommy, bakit hindi mo..." Kinagat niya ang pang-ibabang labi at pinigilan ang pagtakas ng hikbi.
"Bakit hindi parin iyon enough para makita mo ko? Mommy anak mo rin naman ako! Hindi lang naman sina Ate at Kuya ang anak mo! Mommy ako rin! Ako rin, Mommy!" Nag-iwas ako ng tingin ng dumaosdos siya pa-upo sa sahig habang humahagulgol.
"Gusto ko lang namang makasama ka kahit minsan. Gusto ko lang naman tawagin mo kong anak. I just wanted to have my mother. Bakit ba ang hirap hirap nun?" Tuluyan ng tumulo ang luha ko ng marinig iyon.
Gusto kong damayan siya sa sahig at yakapin. Gusto kong humingi tawad sa lahat ng pagkukulang ko sa kanya.
But when she raised her head to stare at me. Muling nanumbalik ang guilt sa puso ko. Her very existence reminds me of every mistakes I've done. All the things I regret. She was the living proof of all those bad memories.
So, I'm sorry, I can't say sorry Que. Sorry mahina ang naging nanay mo.
"What's so bad about me mommy? Ano bang mali sakin?!" Sigaw niya.
"Ano bang pinagkaiba ko sa mga kapatid ko? Why can they always see you? Samantalang ako..." Natigilan siya muli dahil sa mga hikbi niya.
"Samantalang ako, kahit anong palimos ko ng oras mo! Kahit anong pagmamakaawa kong puntahan mo ko!" Sandali siyang yumuko bago humugot ng malalim na hininga at muling tumingala para harapin ako.
"Hindi mo ginawa. Hindi mo magawa. Mommy, bakit? Dahil ba anak ako sa labas? Ayaw ba ni Tito na pinupuntahan mo ko?" Her voice was very hopeful with her last question. But I just needed to break her heart over again ng umiling ako habang lumuluha.
"You're Tito had nothing to do with me not visiting you. It's my own decision." Nakita ko ang pag-awang ng bibig niya na para bang hindi siya makapaniwalang narinig niya iyon mula sakin.
Maya maya ay narinig ko ang ngisi niya hanggang sa naging tawa iyon.
A bitter laugh.
"It's your own decision?" Ulit niya sa sinabi ko. Nakita ko ang panginginig ng naka kumo niyang mga palad bago niya iyon ginamit bilang suporta sa pagtayo mula sa sahig.
Her sobbed suddenly stopped although traces of tears are very visible on her face.
Pinagmasdan ko ng maigi ang mukha niya habang tahimik lang siyang nakatingin sakin.
I didn't saw her grow. Wala ako sa mga birthday niya, graduation at iba pang mga importanteng araw sa buhay niya.
I just see her in some events kapag dinadala siya nina Jaya at ang madalas na pagpapadala ng mga litrato ng kaibigan ko.
Sa ganoong paraan ko lang siya nakikita. At ito ang unang pagkakataon na natitigan ko ng matagal ang mukha niya.
She looks like me. Aside from her hair that she got from her dad, she's like an exact replica of a young Gianne.
The young and foolish Gianne.
Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ng muling sumariwa sakin ang mga kasalanang nagawa ko noon na kamuntikan ng sumira sa pamilya ko.
"You can't even stare at me?" Mahina ang pagkakasabi niya noon. Halos pabulong pero narinig ko. I can almost imagine how I was breaking her heart with just everything I do.
Muling bumaha ang mga luha ko dahil doon.
I'm sorry.
"You will always be the living reminder of my greatest regret, Que." Ani ko sa nanginginig at mahinang boses.
"Mommy, kasalanan ko ba yun?" Napadilat ako ng marinig ko ang tanong niyang iyon.
"Kasalanan ko bang ipinanganak ako na bunga ng pagtataksil niyo ni Daddy? Mommy hindi ko naman ginusto yun. Hindi ko naman hiniling na maging ganito ang buhay ko."
Binalot kami ng katahimikan, walang nagsasalita saming dalawa. Nakatitig lang ako sa kanya habang umaalog ang braso niya dahil sa pilit na pagpipigil ng iyak.
I tried to take a step forward. I wanted to hug her and comfort her. Pero hindi ko magalaw ang mga binti ko. Pakiramdam ko ay nakapako iyon sa lapag.
"I'm sorry for disturbing you. Pauwi na sina Ate. Alis na ko, mommy." Paalam niya matapos pa ng ilang minutong katahimikan sa pagitan namin.
Humakbang siya papalayo kahit na nakaharap siya sakin. I felt my heart being stabbed a lot of times when I saw her smile at me as tears keeps on gliding down her face.
"I love you, mommy." She said with a smile before she turned around and run out of the gate.
Nang makalayo na siya ay doon lang bumigay ang mga tuhod ko.
Napahandusay ako sa sahig.
I'm sorry baby.