XII

963 Words
"Nakausap ko na si Lester. Papunta na siya sa bahay. Si Gianne ba?" Napa-iling ako ng marinig ang pangalan ng kaibigan. Hindi ko alam paano niya natitiis ang anak niya. Que's a great kid. Halos wala ka na ngang hahanapin sa batang iyon, masipag, mabait at malambing. Napabuntong hininga na lang ako sa naisip. "Pupunta rin daw siya. Di ko lang alam kung totoo na this time, sana naman." Ilang pangako na ba niya ang napako? She kept on promising, but she never came. Nakita ko kung ilang beses nabigo ang bata sa tuwing inaantay niya ang mommy niya. Naiintindihan ko iyon. Sinusubukan kong ibigay ang lahat ng pagmamahal at pag-aaruga ng isang ina para kay Que, pilit kong pinupunan ang mga pagkukulang ng Mommy niya. But I know, deep inside, my daughter still yearns for her mother's affection. "Enrique," bati ni Lester na agad tumayo mula sa sofa ng makita ang pagdating namin. "Jaya," napabaling ang tingin ko sa kaibigang nanatiling kalmanteng naka-upo sa sofa namin ng tawagin niya ang pangalan ko. "Gianne," napangiti ako ng makita siya roon. At least she stood by her words this time. "You came!" Tuwa kong bati sa kanya pagkatapos magbeso. Nginitian niya lang iyon, bago kami bumaling kay Enrique at Lester na nag-uusap tungkol sa usad ng imbestigasyon. "Don't waste your time looking for her, baka naman talagang nakipagtanan doon sa lalaking kasama? Hindi ba't nawawala rin iyon?" Sabay sabay kaming napabaling kay Gianne ng magsalita siya. "Gianne! Can you hear your self? Nawawala ang anak natin!" Nang-gagalaiting bulyaw sa kanya ni Lester. "Hindi nawawala ang batang iyon, gusto lang sigurong magpapansin kaya ganoon." Nagpantig ang tenga ko sa narinig. "Are you saying na hindi ko napalaki ng maayos si Que? Ganoon ba Gianne?" Guilty naman itong humarap sakin at humingi ng paumanhin. "That's not what I meant, Jaya. Ang sinasabi ko lang gusto lang ng batang iyon na bigyang pansin ko. Pasensya na at nadamay pa kayo sa kalokohan ng batang iyon." "Gianne! How can you say that? Kulang sa pansin si Que? Siguro sayo, oo. Kailan ka ba tumupad sa mga pangako mo? Pinaramdam mo man lang ba sa anak mo na mahal mo siya? Or do you even love her?" Naluluha kong pangkokompronta sa kanya. I hated how she talked ill about Que. She's her mother, pero nakakaya niyang sabihin ang mga iyon. How I wish to be Que's biological mother instead! She doesn't deserve to be treated like this. "Jaya, you got it all wrong---" "Ano? Mali? Gianne anong mali? Alam mo kung anong mali? Ikaw! Ikaw ang mali! How I wish that Que wasn't born as your daughter! Wala kang kwentang ina!" Napabaling sa kaliwa ang pisngi ko ng maramdamdaman ang sampal niya. "Bakit?! Hiniling ko ba sayong alagaan mo ang batang 'yon?! Hindi, Jaya! Ikaw ang nagpresenta---" "It's because you wanted to get rid of her! Lalandi landi ka tapos hindi mo magawang panindigan ang naging bunga?!" Hindi ko napigilang sabihin. My tears are continuously streaming down my face, ganoon rin sa kanya. Pilit kaming kumakawala sa hawak ng dalawang lalaki na pinipigilan kami. "Let me go! That's why I wanted to get rid of that child! I couldn't give her a family! Hindi siya magiging masaya! Pero pinilit mo! Ngayon isusumbat mo sakin yan?!" "Hindi ko sinusumbat, Gianne! I never regretted taking Que! Ang akin lang sana man lang nagparamdam ka! Kahit katiting lang, Gianne! Hindi naman demanding na bata si Que, gusto lang naman niyang makasama ka! Ang makita ka! Gaano ba kahirap yun?!" Basag na ang boses ko pero patuloy parin ako sa pagsigaw at pagtatanggol sa anak ko. I'm sorry, Que. I'm sorry, anak. I should've done this earlier. "I can't. Jaya, I tried, but I can't. Ni hindi ko kayang tignan ang batang yun ng hindi naaalala ang kasalanang nagawa ko!" "Kasalanan mo! Kasalanan mo, Gianne! Bakit mo ibinubunton sa bata?!" Hindi makapaniwala kong balik sa kanya. I can't believe how narrow-minded and selfish she is. Sila ang nakagawa ng kasalan, sila ang nagpadala sa tukso. Pero bakit parang kasalanan pa ng bata iyon? Nagulat ako ng bigla siyang natawa habang tumutulo parin ang luha. "She indeed grew up with you. Pareho lang kayo ng sinabi." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Pilit akong kumawala sa mga hawak ni Enrique at ng nagtagumpay ay lumapit ako sa kanya at inalog ang magkabila niyang balikat. "Nakita mo siya? Naka-usap mo?" Hindi siya sumagot at nakatingin lang sakin habang pinupunasan ang mga luha niya. "Gianne!" Pati si Lester ay naubusan rin ng pasensya ng ilang minuto pa ay hindi parin siya sumasagot. "Kaya nga ang sabi ko ay hindi siya nawawala! Malamang ay nagtatago lang iyon para pansinin ko---" "So nakausap mo nga?! When did this happen?" "Hindi na importan---" natigilan kaming lahat ng bigla siyang hablutin ni Lester ng mariin at pilit na iniharap sa kanya. "Sayo, hindi importante pero samin, oo. Anak ko yun, Gianne. I may not be the best father. But I'll do everything for my daughter. Kung wala kang pakialam, pwes ibahin mo 'ko." Mariin ang pagkakasabi ni Lester niyon at galit ang mga mata habang nakatingin kay Gianne. "When was the last time you saw her, Gianne?" Kalmadong tanong ni Enrique. "Kailan, Gianne?" Mariing tanong ni Lester sa kanya. Huminga ng malalim ang kaibigan ko bago sumagot. "Three days ago." "Anong oras?" Tanong ulit ng asawa ko. "I don't know. She just came to my house crying and all. Asking why I haven't visited her even once." "Umaga ba? Hapon? Gabi? Ano Gianne?!" Hindi mapakali kong tanong. "Hapon! She came around four or five, I think." "May kasama ba siya?" Tanong ni Lester. "I don't know." "Anong oras siya umalis? Nagtagal ba siya sa inyo?" "I don't know---" "Dammit, Gianne! Ano bang alam mo?!" Bulyaw ko ng pare-pareho lang ang sagot niya sa mga tanong sa kanya. "I really don't know!" "Hindi ka man lang nag-alala?! Nanay ka ba talaga?!" Hindi makapaniwala kong tanong sa kanya. Natigil lang kami ng magsabi ang mga katulong na dumating na ang Detective.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD