"You're not hiding something, right?" Nagdududang tanong ni Jacque sakin habang kumakain kami ng lunch sa cafeteria.
"Wala. Bakit mo naman natanong yan?" Natatawa kong tanong sa kanya.
"You looked..." She trailed off and stared at my face for awhile.
"Carefree," she continued.
"Is that a bad thing? Being carefree?" Nagtataka kong tanong.
"Of course not. Hindi ko lang maiwasang mag-taka kasi ilang linggo pa lang naman..." Napanguso ako at hindi na lang pinansin ang pamumuna niya.
It's been three weeks since the creepy messages stopped. At the first week I was still so anxious about it, especially after receiving that last note I saw in my book. Napaghinalaan ko pa noon si Trey dahil nga sa kanya lang naman dumaan ang mga libro ko.
"She's right, Que. You looked so happy." Nakangiting ani ni Trey na katabi ko.
We got closer since marami kaming subjects na classmates kami. And I realized how ridiculous I am, suspecting him as a stalker.
Trey is a great guy. Full of humor and a smart one. Ang sarap lang nitong katabi tuwing may quiz.
"Masama bang maging masaya? Grabe kayo sakin."
"Ang weird lang na bigla kang blooming, girl. But well, I'm happy you're happy." Ani ni Jacque bago ibaling ang atensyon sa pagkain.
Nagpalitan kami ni Trey ng makahulugang tingin bago sabay na ibinalik ang atensyon namin sa pagkain ng may ngiti sa labi.
"Sir! Free cut namin after this! Kwentuhan muna tayo!" Aya ng mga kaklase kung malalantod sa gwapong professor.
"Okay, okay. But settle down please, geez. Kids this days are so aggressive!" Tinawanan lang ng mga kaklase ko ang sinabi niya.
Nagmamadali namang nagsi-upuan ang mga kaklase sa kani-kanilang upuan.
"Sir, may girlfriend ka na po?" Tanong ng isa.
"Bakit aapply ka?" Nanunudyong sagot ng guro.
"Pwede sir?" Tanong pabalik ng estudyante at humagikhik.
Umani naman ang mga iyon ng tukso mula sa ibang estudyante. Tumaas ang isang kilay ko ng sandaling mag-tagpo ang mga tingin namin ni Sir Drake. Agad naman niya iyong binaling sa mga kaklase kong magugulo.
"Guys, chill." Pag-papakalma niya sa maiingay na estudyante na sinundan pa ng tawa.
"My heart's taken na, sorry." Natatawa nitong ani. Halos matawa ako ng sabay sabay na napa-'aww' ang mga babae at binabae kong mga kaklase.
Nagkwentuhan pa sila tungkol sa babaeng gusto umano ng guro at kinikilig ang mga estudyante habang nakikinig sa kanya.
"Naman! I'm a teacher by profession, but I'm also a man full of emotions." Nakangisi nitong ani habang nililibot ang tingin sa buong classroom.
Nakita ko ang pag-kindat niya na naging sanhi ng tilian mula sa mga estudyante.
Flirt.
Napatingin ako sa cellphone ko ng maramdamdaman ang pag-vibrate nito.
Free cut mo diba? Gala tayo.
Hindi na ako nag-taka na alam ni Trey na free cut ko ngayon. Maraming kakilala si Trey siguro ay isa sa mga kaibigan niya ay kaklase ko sa supposed to be next class ko.
Sige. I'll ask Jacque. Reply ko sa kanya. Bago ako nag-send ng message kay Jacque.
Sana all free cut. Enjoy nalang kayo, hanggang 6pm pa class ko.
Napanguso naman ako dahil doon. Mag-kaiba kasi kami ng kurso ni Jacque. Kaya hindi magkatugma ang scheds namin. I took up psych while she took up advertising.
Call. Wait mo ko sa may half-moon.
Reply ko kay Trey bago ko binalik ang tingin sa unahan para tingnan kung ano na ang nangyayari doon. Maingay parin ang mga kaklase ko ngunit nakita ko ang talim ng tingin ni Sir Drake sakin.
What? Gusto ba niya lahat kinikilig sa kanya?
Akma na kong tatayo ng i-announce ni sir na ipasa muna ang notebooks namin at ichecheck niya ang notes na pinasulat niya kanina.
Inis akong napabalik sa pag-upo dahil doon.
Ang haba haba ng oras kanina ngayon lang naisipang mag-check? Kung tutuusin ay hindi naman na niya time ngayon.
Pa-inis kong kinuha ang notebook mula sa bag at inantay na tawagin ang apelyido ko para sa pag-check. Muling tumahimik ang classroom habang nag-checheck si sir ng notes namin.
"Ramirez." Agad akong tumayo habang dala ang notebook at binuklat iyon kung saan ko isinulat ang notes.
"Kulang?" Tanong niya na nag-pakunot ng noo ko. Isinulat ko naman ang lahat kanina. Yumuko ako para matingnan ng mabuti ang notes ko.
"Anong kulang sir?" Tanong ko habang abala parin sa pag-tingin ng notes ko.
"Ako. Kulang ako sa buhay mo." Nagtawanan naman ang mga kaklase ko dahil sa banat niya. Pinilit ko na lang na ngumiti dahil roon.
"Eto naman. Masyado kang seryoso palagi. Eased out a little." He said at sinundan ng mata ko ang kamay niyang tumapik sa balikat ko bago niya isinarado ang notebook ko at ibinigay sakin.
Pinigil ko ang sarili sa pag-irap. Ang landi mo po, sir. May nalalaman ka pang my heart is taken pero kung makipag-landian---nevermind.
Inantay kong matapos ang pag-checheck ni sir. Tinext ko naman si Trey na medyo mahuhuli ako at okay lang naman daw iyon.
"Finally!" Natawa ako sa bungad niya ng maabutan ko siyang naka-upo sa may half-moon.
"Sorry. Nag-check pa kasi si Sir Drake ng papers." Paliwanag ko sakanya at binitawan na ang bag ko nang kuhain niya iyon sa braso ko.
Trey and his chivalry.
"Saan tayo?" Tanong ko pagkasakay ko sa white Alterra niya.
"San mo ba gusto?" Tanong niya. Nag-isip naman ako habang minani-obra niya ang sasakyan papalabas ng campus.
"I don't know. Festive Walk na lang? Food trip tayo." Aya ko na sinang-ayunan niya naman.
Nang makarating sa mall ay nalito pa kami kung ano ang kakainin dahil sa dami ng kainan.
"How about La Lola? I'm craving for churros." Ani ko sabay turo sa restaurant.
"Okay." Ani niya at dumiretso na kami roon.
Pag-pasok namin ay medyo may kahabaan ang pila. I volunteered to go to the cashier para umorder, siya naman ang nag-hanap ng upuan naming dalawa.
"Remind me to drop by the KFC later. Nagpapatake-out si Jacque." I told him while I was busy devouring my churros.
"You eat like a kid," Natatawa nitong saad sabay punas ng tissue sa gilid ng labi ko. Ngumuso ako ng makitang ang chocolate dip iyon.
"Saan tayo after?" Tanong ko bago uminom ng tubig.
"Saan mo ba gusto?" Inilibot ko ang tingin sa buong mall pero wala akong maisip na magandang puntahan.
"Di ko alam. Tambay na lang tayo somewhere,"
"That girl's pretty too." Ani ko at itinuro ang babaeng kadadaan lang na pasimple pang sumulyap sa katabi ko.
"You're prettier." Bored na sagot nito habang nakasandal sa upuan. I rolled my eyes with his remark.
Huminga siya ng malalim bago umayos ng upo at hinarap ako. Napapagitnaan kami ng bilog na lamesa.
"You know I like you, right?" Natigilan ako sa pag-sipsip sa coke float na iniinom ng marinig ang sinabi niya.
"I like you. If it isn't too obvious, I wanna tell you that." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Alam ko naman. Hindi naman ako manhid para hindi makaramdam sa mga parinig at efforts niya.
"I'm not asking you to like me back, Que. Look at me," Lumipad pabalik ang tingin ko sa kanya when I heard authority on his voice.
"Just give me a chance, hmm?" Tanong niya sabay gagap ng kamay ko na nakapatong rin sa lamesa.
But... Nevermind.
I stared at him for a while. I just smiled at him. I didn't say or do anything that would symbolize a yes or a no.
Just a smile. He stared at my face and after a while, he let go of my hand at nag-aya ng pumunta sa KFC para bilhan ng pagkain si Jacque.
The whole ride was filled with silence. Walang nag-sasalita saming dalawa. He opened the door of his car for me at inabot sakin ang bag ko at take out mula sa backseat. Napansin kong bahagyang nakabukas ang zipper ng bag ko pero hinayaan ko na lang.
"Thanks for today." Paalam ko sakanya na tinanguan niya lang.
Nakapasok na ako sa loob ng apartment namin bago ko narinig ang pag-alis ng sasakyan niya.
Isang buntong hininga ang kumawala sakin bago ko hinanap si Jacque para ibigay ang pinabibili niya.
Umakyat na ko sa kwarto at nag-ayos na para sa pagtulog ng maisipan kong ayusin na muna ang mga gamit ko para bukas.
Kinuha ko ang lahat ng laman ng bag ko at ipinatong sa study table ko para palitan naman ng mga gagamitin ko para sa mga klase ko bukas.
Kumabog ang dibdib ko ng makitang may nakaipit na kung ano mula sa notebook ko.
Makailang beses akong napalunok ng laway dahil sa kaba bago ko kinuha ang notebook at binuksan sa pahina kung saan naka-ipit ang papel.
I figured this is more fun than doing something else to catch your attention. I miss you love.