V

1060 Words
Agad na inasikaso ang pag-lipat namin ni Jacque. Tita Jaya also insisted for us to hire a house maid para daw ay hindi nawawalan ng tao ang apartment namin at para narin may kasama kaming matanda. At first ay gusto pa niyang siya mismo ang manatili kasama namin but that would be too much hassle since nasa probinsya ang main office ng kompanya nila. "Siguraduhin niyo na tatawag kayo agad if something feels off, okay?" Nag-aalala parin nitong bilin samin. Mag-iisang linggo rin silang nag-stay ni Tito kasama namin dahil sa sobrang pag-aalala nila. Patuloy parin ang investigation regarding that stalker. Pinapalitan narin ang cellphone ko at lahat ng digital devices na maari raw na nalagyan na ng bugging device ng kung sino. For a week ay tumahimik ng muli ang buhay ko. No creepy messages and chats. I deactivated my f*******: as well and just made a new one for more security. Hinarap ako ni Tita at hinaplos ang mukha ko before she hugged me tightly. "You're gonna be okay, hija. Aayusin natin 'to." Bulong niya sakin habang hinahaplos ang hanggang balikat kong buhok. "You're gonna be okay." Bulong niyang muli bago humiwalay at hinalikan ako sa noo. Ganoon rin ang ginawa niya kay Jacque bago sila tuluyang nag-paalam ni Tito. Tahimik lang naming pinanood ang pag-layo ng sasakyan nila bago ko naramdaman ang mahinang tapik ni Jacque sa balikat ko. "Tara na. Mag-pahinga na tayo. Maaga pa pasok natin bukas." Paalala niya. "It is always a difficult question to ask, where to begin to tell the story of the history of psychology." Tahimik ang buong classroom habang umiikot si Sir Drake sa loob nito. Sandaling nag-salubong ang mga tingin namin bago ko ibinaba ang tingin pabalik sa notebook upang mag-sulat ng notes mula sa mga sinasabi niya. "Psychology is an exciting field and the history of Psychology offers the opportunity to make sense of how it has grown and developed. The history of psychology also provides perspective. Rather than a dry collection of names and dates, the history of psychology tells us about the important intersection of time and place that defines who we are." Our eyes met once again and this time it didn't leave mine as he keeps on discussing in front of the whole class. "Consider what happens when you meet a new classmate for the first time. The conversation usually begins with a series of questions such as, "Taga saan ka?", "Gaano ka na katagal dito?", "Saan ka nag-aaral dati?" Right?" Sabay sabay kaming tumango dahil sa tanong niya. Doon lamang ako nilubayan ng tingin niya upang tawagin ang isa sa nga kaklase ko para sagutin ang ilang katanungan niya. The one and a half hour class proceeded like that. The whole class was silently listening to him as he discussed in front. But after the bell rang, all hell broke loose, the classroom was so noisy as they keep on bugging Sir Drake whose strict face was finally replaced with a smiling one. I rolled my eyes as I saw most of my girl classmates approached him for their supposed to be questions. Ang daming tanong, mga hindi nakikinig. Inayos ko na lang ang bag ko at palabas na sana ng pinto ng makasabay ko si Sir Drake sa may pintuan. Nginitian niya ako pagkatapos humakbang pabalik para paunahin ako sa pag-daan. "Ladies first, Miss Ramirez." Tipid ko lang siyang nginitian at bahagyang tinanguan bago ako dumiretso papalabas ng classroom. Agad na pasimpleng sumunod sakin ang dalawang bodyguards na hinire ni Daddy para sakin. I took out my phone to text Jacque when I suddenly fell on the floor. My things scattered on the floor as I felt the stinging pain on my back. Napangiwi ako sa naramdamang sakit sa may balakang. Nag-mulat ako ng mata at nakita si Trey na tumatayo rin mula sa sahig. "s**t! I'm sorry, Que. Hindi kasi kita napansin dahil sa box na dala ko. Were you hurt?" Nag-aalala nitong tanong habang ino-offer ang kamay niya para tulungan akong tumayo. Palapit na sana ang mga bodyguards ko ng pasimple ko silang senyasan na ayos lang. "I'm okay--aww!" Sagot ko na nagtapos sa isang daing dahil naramdaman kong muli ang kirot saking balakang. "Masama ata ang pagkakabagsak mo. Let me take you to the clinic," Alok nito sakin. Bumaba naman ang tingin ko sa mga gamit namin na nag-kalat sa sahig ng corridor. Nakita ko ang malaking karton na sinasabi niya, nagkalat na sahig ang nga laman niyong mga cartolina at ribbons. "Wag na. You looked busy. I can manage," Tanggi ko sa kanya at agad na hinanap ang cellphone para macontact si Jacque. "Really? I'm so sorry, talaga. Let me help you with this." Aniya at tinulungan akong mag-pulot ng mga gamit. "Here." Abot niya sa cellphone ko na tumalbog rin ata sa sahig dahil sa pagkakabangga namin. "Thanks." Ani ko habang sinusubukang paandarin iyon. "Dalhin muna kaya kita sa clinic?" Nag-aalala nitong tanong ng makita ang pag-ngiwi ko dahil sa sakit. "No. No need na, papunta naman na dito si Jacque. Mukhang nag-mamadali ka. You can go now." Nakangiti kong ani sa kanya. He stayed torned for awhile and kept on insisting to take me to the clinic but I was adamantly refusing. "Okay. But beep me up kung anong balita. I feel so guilty! Mukhang masama pa naman ang bagsak mo." Ani niya at bumaba ang tingin sa may balakang ko. Tumango na lang ako para maka-alis na siya. Nagmamadali niyang pinulot at ibinalik sa box ang mga tumilapon na gamit bago siya nagmamadaling nag-paalam. Sinundan ko lang ng tingin ang papalayong pigura niya bago ko muling tinawagan si Jacque na agad namang sumagot. "Let's have your back check first!" Pilit niya habang inalalayan akong umupo. Kasalukuyan kaming nasa cafeteria para mag-lunch at mainit ang ulo nito dahil ayaw kong ipatingin ang balakang. "Mawawala rin 'to, Jacque. Baka nalamog lang or something." "Hay naku! Bahala ka nga! Ano bang gusto mong ulam?" Ani niya habang ibinababa ang bag sa upuan. "Fish fillet please?" Sagot ko at nginitian pa siya. Inirapan niya lang ako bago iniwan sa table para bumili ng pagkain namin. Binuklat ko naman na muna ang libro ko sa GenPsych para sana mag-review sa quiz namin sa susunod na meeting. I was already engrossed with reading ng makakita ng isang maliit na puting papel na nakaipit sa libro ko. Nanlamig ang mga palad ko ng mabasa ang nakasulat roon. You can try shutting me out, love. You can run and I'll always be here to chase you. Don't worry, I'll always be here. I love you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD