"Are you okay, hija?" nag-aalalang tanong ni Tita Jaya pagkabukas namin ng pintuan ng apartment namin. Agad ngang sumugod sina Tita at Tito dito matapos ang tawag ni Jacque sa kanila.
She stared at my face before she hugged me tightly. Agad na kumawala ang takot sa dibdib ko ng maramdaman ko ang yakap ni Tita. I hugged her back at kusa ng lumabas ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Dinamayan niya ako papasok ng apartment namin at pina-upo sa couch.
"Since when was this happening? Bakit hindi niyo sinabi samin?" tanong ni Tita samin ni Jacque.
"Akala kasi namin ma, normal stalk---"
"Stalking was never normal, Jacque!" sa takot ko na mapagalitan pa si Jacque ay nagsalita na 'ko.
"Mag-iisang buwan na Tita. Hindi lang namin masyadong binigyang pansin kasi tumigil naman nung nablock ko sa messenger and then binlock ko rin yung unang number na ginamit niya to send the messages. Ngayon lang ulit 'to nagparamdam." paliwanag ko kay Tita.
Tahimik lang siyang nakikinig sakin habang si Tito naman ay tahimik ring nakatayo sa likuran ng sofang kinauupuan naming tatlo ni Tita at Jacque.
Pagkatapos kong ikwento ay galit na hinarap ni Tita si Tito.
"Do something about this, Enrique!" utos niya kay Tito na agad namang dinaluhan ang telepono at tumuloy sa labas para kausapin ang kung sino.
Isa ang mga Lim sa pinakamaimpluwensyang pamilya sa probinsya namin. At alam kong maging dito sa city ay hindi rin sila basta basta lalo na si Tito na isang judge.
"Don't worry, Que. Gagawan natin 'to ng paraan. For now, lilipat muna kayo ng apartment. Maghahire din muna kami ng Tito niyo ng bodyguards para sa inyo." ani ni Tita at sabay kaming niyakap ni Jacque. Naramdaman ko ring hinalikan niya ang buhok ko habang sinusubukan akong pakalmahin.
"No, I needed you to look for that stalker! He was harassing my daughter!" rinig kong ani ni Tito sa kausap mula sa kusina.
Once again, I was so thankful for being a part of this family. Hindi man nila ako kadugo ay hindi sila nagdadalawang isip na tulungan ako sa kahit ano. I'll never trade this family of mine, kahit pa sa tunay kong mga magulang.
"No, hindi si Jacque, si Que. Oo, siguraduhin mo George." dagdag niya.
"Have you called your mom and dad about this?" tanong ni Tita habang naghahanda kaming tatlo ng meryenda para sa mga kasamahan at tauhan ni Tito.
"Hindi pa po, Tita." sagot ko at agad na nag-iwas ng tingin. Bakit ko pa sila tatawagan kung wala rin naman silang pakialam.
"I did, ma." sabay kaming napalingon ni Tita kay Jacque.
"And? Anong sabi?" tanong ni Tita habang nilalagyan ng mayo dressing ang salad na gawa niya.
Nagbaba na ako ng tingin ng makita ang mabilis na pagsulyap ni Jacque sakin.
"I called Tito Lester, ang sabi ay paiimbestigahan niya raw. While Tita Gianne---" pinutol ko na ang sasabihin ni Jacque.
"Hahatid ko po muna 'to sa kanila, Tita." ani ko at kinuha na ang tray ng juice para ihatid sa mga bisita.
I'm sorry, I'll try to visit her soon. Alam kong yan ang sinabi ni Mommy. Ganyan naman palagi.
Noong bata pa ay lagi kong inaasahan iyon. Everytime tatawag sina Tita sakanya to inform her I was sick or kahit may importanteng araw sa buhay ko like birthdays, it would always be that phrase. I waited and waited, but she never came. Gumaling na ako at lahat, natapos na ang program pero wala paring mommy na dumadating.
Sure, they send me financial supports. Pareho sila ni Daddy. Pero hanggang doon lang ba iyon? Hanggang doon lang ba ang pagiging magulang nila?
Minsan kong sinubukang supresahin si Mommy at pumunta ako sa bahay nila, gusto ko rin makilala ang mga kapatid ko. I saw how sweet my mom is. How sweetly she smiled at my siblings. But I also saw, how her smile vanished instantly as her gaze fell on me. Agad niya pa iyong iniwas na para bang hindi niya ako nakita.
I went home crying hard that night. And Tita Jaya had to sleep with me all night dahil sa sobrang pag-aalala. From then on, hindi na 'ko umasang bibisitahin niya pa ako. I only see her during parties. Sinasama kasi ako ni Tita at doon ko lang siya nakikita, but she never acknowledge me as her daughter.
"Que, anak." nag-angat ako ng tingin at tipid na ngumiti kay Daddy na kakarating lang. Lumapit ako rito at hinalikan siya sa mukha bilang pag-bati.
Unlike my mom, who's making it too obvious how she hates my existence, my dad at least well --- tries to be a dad, somehow.
Ibinaba ko ang tray ng inumin at ipinatong iyon sa lamesa sa harap ng mga taong abala na nag-uusap.
"The whole place was bugged, judge. Pinaka-konti ang sa kwarto ni Jacque, dalawa lang nakita roon, isa sa pintuan at isa sa connecting terrace ng kabilang kwarto." Rinig kong saad ng isa sa mga tauhan ni Tito, habang inaayos ko ang mga inumin nila.
Isa-isa rin silang nagpasalamat habang inaabutan ko ng maiinom.
"But the case was different with Que's room. We found twenty-six bugging device and ten spy cameras all-over her room. Including the bathroom," Agad akong natigilan at pinanlamigan ng marinig ko ang sinabi ng lalaki.
"What? How did that happen? Hindi ba at pinacheck ang security ng apartment na ito bago lipatan ng mga bata?" Kunot ang noong tanong ni Daddy.
"Yes, sir. We checked it carefully, then. But the devices seems to be newly planted. Mga isa o dalawang buwan palang sa tantya namin." Tanggol naman ng representative ng security ng real estates na kinuhaan ng apartment.
Naramdaman ko ang sabay na pag-baling nilang lahat sakin.
"Que, did you bring a friend here or something?" Tanong ni Tito na agad kong inilingan.
"Wala, tito." Agad kong sagot. Tumango naman siya at tinawag si Jacque mula sa kusina. Sabay sila ni Tita na lumabas dala na ang mga pagkain.
"Did you bring someone here, Jacque? Friends?" Tanong naman sa kanya ni Tito na ikinakunot ng noo ng kaibigan ko.
"Wala, Pa. Wala pa kaming nagiging bisita dito."
"Then we can assume that the culprit had entered the premises without the hosts knowing or habang wala sila. Judge, Mrs. Lim and Mr. Ramirez, I highly recommend having the girls move out from here and have them stay in a more secured and safe place." Detective Harold Magsaysay the head of the investigation, announced.