"Kumain na ba kayo?" tanong ni Tita Jaya mula sa kabilang linya.
"Nag-luluto pa lang po si Jacque sa baba," sagot ko sa kanya habang pinaglalaruan ang ballpen.
"Ah ganun ba? Kamusta naman ang school? Do you need anything? Wag kang mahihiyang magsabi ha?” napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Tita.
Tita Jaya is not a relative of mine, pero siya ang nagpalaki sakin.
I am a child in between. May ibang pamilya ang Mommy at ganoon din si Daddy, and both of them don't want to do anything with me. Sabi pa nga ni Lola ay ginusto pa akong ipalaglag ni Mommy noon kung hindi lang siya pinigilan ni Tita Jaya, her best friend.
Ewan ko ba kay Mommy, kung sobrang takot naman pala siyang masira ang pamilya niya sana naisip niya yun bago niya pinatulan si Daddy na may pamilya rin.
"Wala pa naman, Tita. Start pa lang naman po ng semester, nabili naman na lahat ng required books ko." I was just lucky enough na kahit hindi ako sinuwerte sa mga magulang andyan naman sina Tita Jaya for me.
"Sige Que, magsabi ka lang kung may kailangan ka ha?" paalala ni Tita.
"Opo Tita."
"Sige na, kay Jacque naman ako tatawag." paalam ni Tita bago namin tuluyang binaba ang tawag.
Nakangiti ako pagkatapos ng tawag.
Nag-iisang anak nina Tita Jaya at Tito Enrique si Jacque, pero according to them ay dalawa raw ang anak nila. Including me. Kung pumayag nga lang daw si Daddy noon ay gusto ni Tito Enrique na Lim rin ang apelyido ko, sunod sa kanya, but my Dad refuses.
When I was younger masama pa ang loob ko sa parents ko for leaving me in the care of others, but as time goes by, narealized ko rin na sina Tita Jaya ang pamilya ko. Although we're not related by blood but then, mas tinuring pa nila akong anak kesa sa mga totoong magulang ko.
Ngayong college na kami ni Jacque ay napili naming mag-aral dito sa siyudad. Kaya naman ay kumuha sina Tita ng two-storey apartment na malapit sa school para saming dalawa. We lived in a small town two and a half hours away from this city, kaya napilitan kami ni Jacque mag-board.
Tinapos ko muna ang mga assignments ko bago ako pumasok ng banyo para maligo.
Dala-dala ko ang cellphone sa loob ng banyo para magpatugtog. Masaya akong kumakanta habang isa-isang hinuhubad ang mga damit ko at inilalagay iyon sa laundry basket sa may gilid ng lababo.
Malaki ang nakuhang apartment nina Tita. Mayroong dalawang kwarto sa pangalawang palapag na may kanya-kanya ring banyo.
Kasisindi ko lang ng shower ng sandaling humina ang music ko, senyales na may nareceive na text. Pinabayaan ko lang iyon dahil baka Globe advisories lang or something. Pero ng nagtuloy tuloy na iyon ay kunot noo kong pinatay ang shower at nag-patuyo ng kamay bago ko hinawi ang shower curtain at kinuha ang cellphone na nakapatong sa may lababo para tingnan ang mga mensahe.
You sound good.
You look sexy, love.
I wish I was with you right now.
Don't stay too long on the shower, baka mag-kasakit ka.
"s**t!" Nag-mamadali kong hinablot ang tuwalya mula sa sabitan at agad na binalot sa sarili ko at nagmamadaling lumabas ng banyo at ng kwarto.
"Jacque! Jacque!" tawag ko habang pababa ako ng hagdan.
"Ano? Hoy! Magdahan-dahan ka nga! Baka mahulog ka!"
"Jacque!" takot na takot kong tawag sa kanya habang mahigpit na nakakapit sa tuwalya ko.
"Ano?! What's wrong? Ang putla-putla mo!" Nag-aalala nitong tanong sakin.
Pakiramdam ko maiiyak na ako sa takot. Inabot ko sa kanya ang cellphone ko. Una ay nag-tataka pa siya kung bakit ko iyon binibigay sa kanya.
"Anong gagawin ko diyan?" tanong niya ng nakanunot ang noo.
"N-nag-text ulit yung---" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ay hinablot na niya sakin ang phone.
Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya habang binabasa ang mga messages mula sa bagong unknown number. Binlock ko na kasi ang number na nag-text noon, akala ko ay ayos na dahil wala naman na akong natatanggap sa loob ng dalawang araw.
"Natanggap ko yan habang naliligo ako, Jacque! Ibig sabihin nakikita niya!" natataranta kong saad.
Nakita kong nag-isip si Jacque kung ano ang dapat naming gawin.
"Magbihis ka muna dun sa kwarto ko. Tatawagan ko sina mama, hindi na 'to normal Que. We need the help of the authorities with this." ani niya sakin sa kalmadong boses. Huminga naman ako ng malalim para pakalmahin ang sarili bago ako tuluyang tumango.
Sinamahan ako ni Jacque sa kwarto niya at pinahiram narin ng mga damit. Habang kausap niya si Tita.
"Yes, ma. Takot na takot na nga," tumigil siya sandali at nakinig sa sinasabi ni Tita.
"Akala namin ay normal lang, mama. Binlock niya na sa f*******: at sa unang number na ginamit. Ngayon naman ay mas lumala!"
"Opo. Yes, ma. Antayin po namin kayo." ani niya bago binaba ang tawag at tinignan ako.
"Sa baba muna tayo. Luluwas ngayon sina mama dito." tahimik naman akong tumango sa sinabi ni Jacque.
Pagbaba namin ay sabay kaming napatingin sa cellphone ko na sunod-sunod na tumunog. Sabay kaming napalunok ng magkatinginan kami. Lakas loob akong lumapit sa center table ng living room para kuhanin iyon at basahin ang mga messages mula sa parehong number.
Naramdaman ko namang lumapit sa tabi ko si Jacque para makibasa rin.
Am I scaring you, love?
Gusto ko lang namang sabihing maganda ka. Bakit ka natatakot?
Hindi naman kita sasaktan.
I love you.
Nag-tayuan ang balahibo ko matapos ko basahin ang huling message niya. I love you. That was supposed to be sweet. Pero nakakatakot at creepy dahil hindi ko kilala ang nag-sabi niyan.
I stared at those messages for a while before I made up my mind.
Who are you?
For the second time since I received messages from him, I replied.