"My name is Drake Walters and I would be your professor for your General Psychology." Pakilala ng bagong dating na lalaki.
Biglang tumahimik yung maingay na classroom.
He looks young to be a professor but he looks strict too.
Nag-start na si Sir Walters sa pagdidiscuss ng syllabus ng subject, his requirements at kung paano ang rubics ng computation ng grades namin at the end of the semester.
"For tomorrow---" tumalim ang mga mata ni Sir Walters ng maputol ang sasabihin niya dahil sa daing ng mga kaklase ko.
"Silence!" And the whole room was filled with immediate silence. Parang dinaanan ng anghel ang buong classroom.
"Ayokong may nagsasalita o nag-iingay kapag nagsasalita ako." Inilibot niya ang tingin sa buong classroom.
Bored lang akong nakatingin at nakikinig sa sinasabi niya. Sandali kong sinulyapan ang relo para silipin ang oras.
Eight forty-five naman na. Fifteen minutes na lang. Ibinalik ko ang tingin sa harap at narealize na nakatingin si Sir Walters sakin habang nakataas ang kilay.
Nagtatanong ang mga mata ko ng harapin ko ang mga kaklase ko na nag-kibit balikat lang.
Hindi naman ako nag-ingay!
Nag-kunwari na lang akong walang nakita. Ilang sandali lang ay bumalik narin naman siya sa mga paalala niya.
Just when the bell sounded. Biglang nag-bago ang ekspresyon ng mukha ni Sir Walters.
His strict face suddenly loosened up and he gave the whole class a carefree smile, na para bang hindi niya kami sinigawan kanina.
"Takot kayo? That was me as a professor, ganoon tayo pag-klase, okay?" Tanong niya na tinanguan naman ng lahat.
"But after class, don't worry chill lang tayo." Nakangiti niyang pahayag bago tuluyang mag-paalam.
"Gosh! Akala ko first time ko maiinis sa gwapong prof! Mabait naman pala!" Napairap na lang ako sa narinig na sinabi ng kaklase.
Nagmamadali ko na lang na inayos ang gamit ko para makapasok na sa susunod na klase.
Pagkalabas ko pa lang ng pintuan ay naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. I immediately surveyed the surrounding, looking for someone staring at me. Pero wala naman.
Binuksan ko ang text message mula sa unknown number.
Your uniform suits you. You look pretty.
This is starting to scare me. I blocked the dummy account before pagkatapos kong makumpirmang hindi nga si Jacque ang may gawa. But then, ito ang mas disturbing.
How the hell did he get my number?!
Nagmamadali akong umalis doon at habang naglalakad papunta sa next class ko ay chineck ko ulit ang phone ko ng naramdaman ang muling pag-vibrate nito.
You still have enough time. Don't rush.
Natigilan ako sa paglalakad at nakatitig lang sa mensahe sa cellphone ko.
Natatakot na nag-angat ako ng tingin sa paligid, sinusuyod kung mayroon ba doon ang kahina-hinala. Pero normal naman ang lahat.
Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim bago ko muling idinilat ang mga mata ko.
"s**t!" Halos matumba ako sa gulat ng makita ko si Trey sa harapan ko.
"Lagi nalang kitang nagugulat. Was my face scary or talagang pala kape ka lang?" Pagbibiro niya pero hindi ko nagawang tumawa. Busy parin ako sa pagtingin sa paligid at pag-hahanap ng posibleng suspect kung sino ang nagsesend ng mga message sakin.
"Hey, Que? You, alright? Namumutla ka." Napatingin na ako kay Trey na nag-aalalang nakatingin sakin.
"Y-yeah. O-okay lang ako. Nagulat lang talaga." Sagot ko at hindi parin naiwasang maglumikot ang mata sa paligid.
"Tara na malelate na tayo! Strict pa naman daw yung prof sa Oral Comm." Yaya niya sakin, tumango naman ako at sumunod sa kanya habang abala parin sa pagtingin sa paligid.
Wait. Natigilan ako sa paglalakad at napatingin sa papalayong pigura ni Trey.
Pano niya nalaman ang tungkol sa susunod kong klase? Hindi ko naman pinakita sa kanya ang schedule ko.
Napakurap kurap ako ng marealized na umikot na pala siya paharap sakin at napakunot ang noo ng makitang malayo na ang distansya namin.
He walked back to where I was. Habang ako ay tahimik lang siyang pinapanood at inobserbahan ang bawat galaw niya.
Dalawang beses pa lang ata kaming nag-kita nito. But he acts like sobrang close na namin. I don't want to judge, pero sa nangyayari sakin ngayon, natatakot akong magtiwala sa kahit kanino.
Sabi pa naman ni Tita ay hindi raw mapagkakatiwalaan ang mga city boys. Marami daw kalokohan kaya iwasan ko na lang.
"Hey, malelate na tayo." Udyok niya sakin. Pinanliitan ko siya ng mata bago ko siya tinanong ng diretso.
"Pano mo nalaman na Oral Comm ang next class ko?"
Hindi naman siya agad na sumagot kaya mas lumakas ang kutob ko. Pero bumaba ang tingin ko ng may ituro siya. Sinundan ko iyon ng tingin.
Bahagyang namula ang mukha ko sa pagkapahiya.
Stupid Que.
"That's so big. Paanong hindi makikita?" Tanong niya habang bahagyang natatawa.
Nametag. How can I forgot? I put nametags on my books, para maiwasan ang pagkawala o pagkakanakaw. Alam kong halos may kaya ang nag-aaral dito but better be safe than sorry.
Nakalagay sa nametags ang pangalan ko, time schedule at room kung anong oras at saan gagamitin ang libro at ang contact number ko in case of emer---contact number!
Baka dito rin nakuha nung stalker yung number ko. Muli kong sinilip ang cellphone at buti nalang ay hindi na muling nagtext pa ang baliw.
"Tara na." Muling aya ni Trey na agad ko naman ng sinundan.