I

791 Words
"Que Ramirez, 19 years old." Basa ko sa nakasulat sa file na hawak hawak ko habang nag aantay na tawagin ang pangalan. Irita kong sinilip muli ang napakahabang pila sa registrar. Nang makitang napakalayo ko pa sa counter ay dinukot ko na lamang ang cellphone sa bag ko at nag-scan sa f*******:. I was busy watching photos of my friends when a chat head appears. Napakunot ang noo ko ng marealize na hindi familiar ang display photo ng nag-chat. Curious, I decided to take a look at what he had sent. Hi! Just that single greeting. I rolled my eyes up thinking na isa ang taong to sa maraming lalaki na napakahilig mag girl hunting sa internet. Sungit naman nito. Wala ka namang ginagawa eh. Matagal pa turn mo. Dahil sa nabasa ay luminga linga ako. I tried searching for someone I know. Baka pinagtritripan lang ako. Baka kagagawan lang to ng isa sa mga kaibigan kong baliw. But to my dismay ay halos umikot na ang ulo ko pero wala manlang akong nakita ni isang kakilala. Hahaha. Sige nga hanapin mo ko? Kunot noo akong nag reply sa kanya kung kilala ko ba siya. Hindi agad siya nag reply kaya naman inopen ko muna ang profile niya sa f*******:. Too bad, mukhang dummy account lang ang gamit ng loko dahil picture ng isang artista ang gamit nitong profile picture. Unti na lang. Unting unti nalang maniniwala na kong kagagawan lang to ng loko-loko kong kaibigan. Jacque! Tigilan mo ko sa mga kalokohan mo ha?! I was quite convinced that it was my best friend. But, no. It wasn't. Then who the hell is this? "Jacque pinagbibigyan na kita for a week dyan sa kalokohan mo. Tigilan mo na." Iritado kong bungad sa kaibigan pagkarating na pagkarating ko sa cafeteria para sana mag lunch. On my way kasi papunta ay nagchat ulit ang dummy account saying I look good today.  This has been going on for a week already. Hindi ko lang nirereplayan, thinking that it was really my friend. "Que, I told you. That's not me," Tanggi niya sabay hablot ng phone ko to check the messages. "This one's a hell of a stalker, Que." Jacque said in a matter-of-fact tone and started scanning the cafeteria anxiously. At first, I was confused about her sudden change of expression but after reading the message that the account sent me. I felt shivers all over my body. Give her phone back. Nanginginig ang mga daliri ko habang nagtatype ng reply sa kanya. Who are you? Tutok na tutok kami ni Jacque sa phone ko waiting for the reply of this eerie stalker of mine. Pinagpapawisan ang mga palad ko. I don't know why I suddenly feel scared.  "May I?" Halos ibato namin ni Jacque ang phone ko sa tao sa harap namin ng bigla siyang magsalita. "Gosh! My heart! You almost killed me!" Singhal ni Jacque sa lalaki sa harap namin na nananatiling nakatingin samin. Puno ng pagtataka. Bahagya ko siyang kinurot sa bewang niya ng makabawi ako sa pagkakagulat. Kunot ang noo naman siyang tumingin sakin.  Hinarap ko ang lalaking nakatayo parin sa harap namin habang dala dala ang tray ng pagkain nito. Apparently, he just wanted to sit with us. Kawawa naman napagbuntunan pa ng kasungitan ni Jacque. "Sure, sorry ha? Nagulat lang talaga kami. Pagpasensyahan mo na 'tong si Jacque, may pagka-OA lang talaga minsan." Nakangiti kong saad sa lalaki. Agad naman niyang sinuklian ang ngiti ko at tuluyan ng pinatong ang tray sa table at umupo sa harap namin. Jacque's scowl remains on her face though. Mukhang nabadtrip na talaga ng tuluyan.  Sinilip ko ang phone ko, I was hoping na nagreply na yung stalker na yun. Lagi naman kasing ganun. Pag naseseen ko yung message niya wala pang isang segundo ay nakapagreply na ito agad. But it seems like that's not the case today. Nakatitig parin ako sa phone ko ng marinig kong magsalita ang lalaki sa harap ko.  Binalingan ko sandali si Jacque na binalik na ang atensyon sa pagkain sa harap niya bago binalik ang tingin sa lalaki sa harap ko. "It's Trey." Out of the blue niyang saad habang titig na titig sakin.  "Ha?" Wala sa sarili kong tanong. Hindi ko agad naintindihan ang sinabi niya. Nakita ko ang kakaibang ngiti niya pag baling ng paningin sa phone na hawak ko. Nang mapansin ito ay agad kong binaba ang phone at pinasok sa bag ko. I gave him an awkward smile. He's making me feel uncomfortable. Really, he just kept on staring at me. "I told you it's Trey." Nakangiti niyang ulit. "I'm sorry?" Kunot noo kong tanong sa kanya. "My name's Trey." Natatawa niyang ulit, mas malinaw na ngayon. "Oh. Sorry." Paumanhin ko kasabay ng isang awkward na tawa. "Your name?" Natigilan ako sa tanong niya. Que, he's just trying to be friendly. Tahimik kong paalala sa sarili. "It's Que... Que Ramirez." Nakangiti kong sagot sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD