VIII

1053 Words
"Jacque!" Mabilis akong napalingon ng marinig na may tumawag sakin. I immediately gave Trey a smile as he approached me. "Naligaw ka dito?" Tanong ko sa kanya. Medyo may kalayuan kasi ang building naming business majors sa kanila. "I just visited a friend." Sagot niya na tinanguan ko na lang. Que told me about Trey's countless acquaintances around the school. Baka pwede na siyang tumakbo for the next election sa sobrang dami niyang kakilala. "Si Que? Di mo kasama?" Tanong ko sa kanya. "Hindi. Nasa faculty kinausap nung teacher nila sa isang sub." He answered while we were walking. "Bibili akong food sa may Uy, ikaw ba saan ang punta mo?" Tanong ko sa kanya. "Balik na ko sa building namin. May class pa ko." Sagot niya at tinuro ang kabilang daan. "Aww, okay sige. I'll get going first then?" Tumango naman siya, kumaway ako sa kanya habang papalayo bago ako dumiretso ng Uy to buy food. "Jacque, hija!" Napaangat ako ng tingin ng marinig kong may tumawag sakin. Agad akong napangiti ng makita si Tita Gianne na pababa ng sasakyan niya. Did she came to visit Que? Gosh! She's going to be so happy for this! Nagmamadali kong kinuha ang cellphone at nag send ng message para sa kaibigan. Que! Tita Gianne's here to visit you! Nandito kami sa parking sa labas ng LHB. "Tita!" nakangiti kong bati dito at bumeso sa magkabila niyang pisngi. "Sandali lang po, Qu--" "Sorry hija, but I'm in a hurry. Naiwan kasi ni Margaux yung plates niya." Nabitin sa ere ang sasabihin ko ng nagmamadali siyang nag-paalam para ihatid ang plates ng panganay niya. Napakurap-kurap ako ng makita si Que, hindi kalayuan samin. She was staring at Tita Gianne's figure as she hurriedly went inside the engineering building. I apologetically stared at my friend as I walked towards her. "Ihahatid lang daw ni Tita yung plates ni Ate Margaux and then---" natigilan ako ng makita ang pag-iling niya at ang pagsilay ng malungkot na ngiti sa mga labi niya. "We both know she didn't come here for me, Jacque." "Sorry," Nakayuko kong paumanhin sakanya. Napaasa ko na naman siya. Hindi ko talaga gets si Tita Gianne, she was a great mom for Ate Margaux and Kuya Warren. I get it that Que's father was different but she was taking it on a whole new level. All my life I was used to having Que around, she's my sister. Alam kong hindi siya nagkukulang sa pagmamahal mula sakin at sa pamilya ko pero alam ko ring gusto niyang makasama ang totoong mga magulang niya. And I hated the fact that I can't do anything about her parents' indifference towards her. "Hindi mo naman kasalanan." She said as she tried to give me a smile but she was miserably failing. "Dapat hindi nalang kita tinext." "Yaan mo na yun! Libre mo na lang ako!" Aniya habang nakangiti akong hinahatak papasok ulit ng Uy Building. Kung titignan mo siya ngayon ay hindi mo kababakasan ng lungkot ang mukha niya. She was all smiles. But Que was always good at that. I remembered my mom asking me to look after her all the time. "Que's having a hard life, Jacque. Masyadong busy ang Tita Gianne at Tito Lester mo kaya hindi siya naaasikaso. But thankfully we're here for her. So alagaan mo siya okay? Que's your sister." "Hey! Stop guilt tripping yourself. Sanay na ko kay Mommy." Ani niya ng mapansing tahimik ako habang kumakain kami. "Hindi naman ibig sabihin na sanay ka na, hindi ka na nasasaktan." Natigilan siya sa pag-tusok ng fishball dahil sa sinabi ko. Ibinaba niya ang stick niya at tinignan ako ng may ngiti sa labi. But unlike earlier, this one is genuine. "Enough na kayo nina Tita for me, Jacque. Kayo ang pamilya ko." She said and I instantly felt a warm feeling embracing my heart. Nginitian ko na lang siya at iniba na ang usapan. "Bakit ka pala pinatawag sa office?" Tanong ko sa kanya bago sumubo ng kikiam. Nakita kong kumunot ang noo niya sa tanong ko. "Kinausap lang ng prof. Paano mo nalaman?" "Trey told me, nakasalubong ko siya kanina." Muli niyang naibaba ang stick na ginagamit niya sa pagkain. "Bakit?" Nagtataka kong tanong. "Pano daw niya nalaman?" "I didn't ask. Bakit? 'Di ka pa ba nasanay dun? Sa daming kilala nun malamang kaklase mo nakapagsabi." Ani ko nalang at bumalik na sa pagkain. Maya maya lang ay nag-simula narin siyang kumain ulit. "What do you think of Trey, Jacq?" She asked without looking at me. A teasing smile made its way on my lips. "I think he likes you." "Aside from that." She said as if that's common knowledge. "Oh my gosh!" At napatabon pa ako ng bibig dahil sa naging reaksiyon niya. "Did he confessed already?!" Hindi ko napigilang bulalas na agad niyang sinuway at pasimpleng tumingin sa paligid bago ako tinignan ng masama. "Sorry. So he did?" Ulit kong tanong pero sa mas mahinang boses. Paimpit akong napatili ng tumango siya. "Do you like him?" I asked her giddily. Kinikilig talaga ko para sa kanilang dalawa. Kita naman kasi sa mga tingin ni Trey na gustong gusto niya si Que. But I'm not sure with Que though. Nakita ko siyang natigilan at titig na titig lang sakin. Kumunot ang noo ko ng marealize na hindi siya sakin nakatingin kundi sa likuran ko. Nilingon ko kung ano ang posibleng naka-agaw ng atensyon niya. I saw a man wearing a light blue dress shirt. He looks like a professor. Maraming estudyanteng babae ang nakapalibot sa kanya at naghahagikhikan habang nagkwekwentuhan. Muli kong hinarap si Que na kunot ang noo na nakatingin doon. "Hey, you okay?" Tanong ko sakanya at kinalabit ang kamay niya na nakabitin sa ere. Gulat siyang napalingon sakin at ngumiti. "Bakit?" Tanong niya sakin. "Are you okay?" Tanong ko sa kanya bago muling binalingan ang kabilang table, wala na roon ang professor at naiwan na ang mga estudyanteng kumakain. "Yep." Sagot niya at muli ng ibinalik ang atensyon sa pagkain. "You know them?" Nag-angat siya ng nagtatakang tingin sakin. "Them, who?" "Sa kabilang table. Nakatingin ka kasi sakanila kanina." Ani ko at pasimpleng tinuro ang table na umagaw ng atensyon niya kanina. Tumawa naman siya bago sumubo. "Hindi. Akala ko kasi mga classmates ko." Pagdadahilan niya at muling ibinalik ang tingin sa pagkain. Naningkit ang mga mata ko dahil doon. I was with her since we were young. Kung meron mang pinaka nakakakilala sakanya, ako yun. And I knew she was lying. Muling bumalik ang tingin ko sa kabilang table, tinignan isa-isa ang mukha ng mga estudyanteng naroon. Was it one of them? Or was it the professor earlier? What are you hiding, Que?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD