"Jacque, how's Que? Kanina pa ako tumatawag sa kanya pero hindi niya sinasagot." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Tito Lester ng masagot ko ang tawag niya.
Hinarap ko si Manang Nimfa at tinanong kung naka-uwi na si Que.
"Hindi pa nga, hija. Kanina ko pa nga inaantay dahil ang sabi ay maaga raw ang dismissal niya ngayon?" Agad akong kinabahan ng marinig ang sinabi ni Manang.
"Tito, I'll call you later po. Susubukan ko muna siyang tawagan hindi pa daw po kasi siya umuuwi." Nag-aalala kong saad sabay tingin sa relo ko.
7:00 pm.
Kararating ko lang galing school and she told me earlier that her classes ends at 2pm today.
So, where the hell is she?
I tried dialing her number but she can't be reached. Sinubukan ko iyon ng sinubukan pero nakapatay talaga ang cellphone niya.
"Manang hindi ba siya tumawag or nag-text na malelate siya?" Tanong ko kay manang habang patuloy parin ako sa pagda-dial ng number niya.
Nakita kong dinukot ni Manang ang cellphone niya sa bulsa ng apron na suot at tinignan ito bago muling bumaling sakin.
"Wala, Jacque."
"Que, nasaan ka ba?" Bulong ko sa sarili at naglakad na palabas ng kusina.
Pumunta ako sa sala at ibinaba ang bag ko sa center table bago umupo sa sofa at patuloy parin sa pagsubok na ma-contact si Que.
Bumagsak ang tingin ko sa tote bag ko at nakita ko ang librong hiniram ko kay Trey.
Trey!
Nagmamadali kong hinanap ang number ni Trey mula sa contact list ko at tinawagan iyon. Naka-ilang ulit pa iyong nag-ring bago tuluyang namatay ang tawag. Sinubukan ko ulit pero ganoon parin, wala paring sumasagot.
Are they together?
Damn it! Masasabunutan talaga kita, Que. You're making me worried!
Nang muling maputol ang tawag ko kay Trey ay tamang nag-ring naman ang phone ko dahil sa tawag ni Tito Lester.
"Na-contact mo na ba siya, hija?" Rinig ko ang pag-aalala sa boses ni Tito ng tanungin niya iyon.
"Hindi pa nga po. Baka po nalowbatt or something. Sinusubukan ko pong kontakin yung kaklase niyang kaibigan namin. Baka po kasi magkasama sila."
"Ganoon ba? Sige, Jacq. Paki balitaan naman ako pag-nacontact mo na siya and please tell her to call me immediately. Kinakabahan ako sa pinaggagagawa ng batang iyan." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Atleast he's not so indifferent to her daughter like Tita Gianne.
"Yes po, Tito." Pagkababa ng tawag ay sinubukan ko ulit i-dial ang number ni Que at ni Trey pero pareho ring walang sumasagot.
Naka-off na ang phone ni Que samantalang ring lang ng ring ang cellphone ni Trey.
Maya maya ay lumapit sakin si Manang habang inaabot ang kanyang telepono.
"Ang mommy mo, Jacque." She said as I took her phone from her.
"Hello, mom?"
"Hello, Jacque? I can't contact your phone. Ganoon din si Que. May problema ba?" Nakagat ko ang pang-ibabang labi at hindi ko magawang sumagot kay mom.
Nasan ka ba kasi Que?
"Jacque! Are you alright there? May problema ba?" I cleared my throat before deciding to answer her.
"Mom, we can't contact Que. Ang sabi niya samin ni Manang kaninang umaga ay maaga ang dismissal niya but hanggang ngayon ay wala pa siya."
"Ano?! Bakit hindi mo agad kami tinawagan?!" I heard Daddy's voice calming my mom from the other side.
"Her bodyguard! Enrique! Call her damn bodyguard and ask him where'smy daughter!" Rinig kong saad ni mommy kay daddy.
"Jacque?" Baling nitong muli sakin after a few moments of talking with Dad.
"Yes po?"
"Did she stopped receiving those messages?"
"Opo mommy. She was actually very carefree these last few weeks. Magdadalawang buwan narin po ata?"
"Are you sure?" Nagtaka ako sa panginginig ng boses ni mommy habang tinatanong saakin yun.
"Opo, my. Wala naman na siyang binabanggit about doon at wala naman na akong nakikitang may natatanggap siyang ganoon."
"Bakit po?" I asked her curiously.
"Her bodyguard was missing for four weeks and he was found dead yesterday." Naramdaman ko ang paninindig ng balahibo ko ng marinig ang sinabi ni mommy.
"Mom? Sigurado po kayo? Hindi ba nagrereport kay daddy iyon araw araw?"
"Weekly reports sila anak. Pero dahil nga naging busy rin ang daddy mo ay hindi namin namalayan ang pagiging MIA nito." Natahimik ako at biglang nakaramdam ng kaba.
"Sigurado ka bang hindi na nakakatanggap ng messages ang kapatid mo? Her bodyguard's dead body was disturbing, hija."
"Bakit mommy? What's wrong with the body?"
"Creepy messages were carved into his skin, Jacque. And Que's name was all-over him." Nanlaki ang mga mata ko ng marinig iyon. Agad na tinunton ng mga mata ko ang hagdan paakyat.
"Mom, I'll call you later. I'll just check on something."
"Ano? Jacque? Anong gagawin mo? Wag ka munang maglalalabas---"
"I won't ma. I just...need to check on something." I said as my eyes were already fixed on her bedroom door.
"Okay, then. Susubukan din namin ng Daddy mo na hanapin siya. Please anak, wag ka munang lumabas okay?"
"Opo." Sagot ko bago tuluyang binaba ang tawag at inabot iyon kay manang na walang kamalay-malay sa pinag-uusapan namin.
"Anong sabi ng mommy mo hija?"
"Wala naman po, manang. Nagtataka lang dahil hindi rin po nila nacontact si Que." Sagot ko sakanya para hindi siya matakot. Matanda na si Manang baka hindi kayanin ng puso niya kung sasabihin ko sakanya kung ano man ang nangyayari.
"Sige Manang, bibihis po muna 'ko. Baka pauwi narin po si Que." Paalam ko bago kinuha ang bag sa lamesa at umakyat.
Pumasok muna ako sa kwarto ko at nakiramdam kung wala na ba sa sala si Manang. Nang marinig kong muli ang pagbalik niya sa kusina ay lumabas ako ng kwarto ko at pumasok sa kwarto ni Que.
This is clearly an invasion of her privacy, but I needed to confirm something. Kinakabahan ako sa mga sinabi ni Mommy.
Que was extra happy these past days. I just realized that now. Paano kung pinepeke niya lang pala iyon para hindi ako, kami mag-alala?
Hinalughog ko ang mga gamit niya mula sa cabinet niya, sa mga boxes sa ilalim ng kama niya at sa study table niya pero wala akong nakitang kahit ano na kahinahinala.
Hindi ko alam kong dapat ba akong makaramdam ng relief dahil doon.
Palabas na sana ako ng kwarto niya ng maagaw ang pansin ko ng isang pink na box sa ibabaw ng cabinet niya. I eyed it for a while before I took her chair at ginamit iyon bilang tungtungan para maabot ko ang box.
Nang makuha iyon ay bumaba na ako mula sa pagkakapatong at inilagay ang box sa taas ng kama niya. For some reasons ay natatakot akong buksan iyon.
What if I was right?
What if she never stopped receiving those messages and she's just hiding it from us?
Napalunok ako sa mga naiisip ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kahon at binalingan ang cellphone ko. I dialed her number once again, pero cannot be reached parin ito. I tried Trey's number at hindi parin ito sumasagot.
Huminga ako ng malalim sa ikalimang try ko at wala paring sumasagot sa kanilang dalawa.
Lumipad pabalik ang tingin ko sa kahon sa ibabaw ng kama.
Ibinulsa ko ang cellphone at humakbang papalapit sa kama at umupo roon. Kinuha ko ang karton at bahagya iyong inalog alog.
The box was not heavy. Actually it doesn't have any weight at ng alug-alugin ko ay wala ring masyadong tunog maliban sa mga papel na nagkikiskisan.
Ipinatong ko ang kahon sa lap ko at binuksan iyon.
Sticky Notes.
Yun ang nakita ko sa loob. Napakaraming sticky notes. But it wasn't a plain one.
May mga sulat na iyon at ng kumuha ako ng isa para basahin ay nayanig ang mundo ko. Kumuha pa ko ng isa, at ng isa pa hanggang sa naubos kong basahin ang lahat.
Bumalik ang tingin ko sa unang note na nabasa ko.
Love, I'll take away everything and everyone that hinders us. Sakin ka lang. Soon, I'm coming to get you. Just wait for a little more, magkakasama rin tayo.
Nanginginig ang mga kamay ko habang kinukuha ang phone ko sa bulsa ko. I dialled my mom's number at agad naman niya iyong nasagot.
"Jacque?" Hindi ako makapagsalita. Natatakot ako. Paano kung kinuha talaga si Que?
"M-mom." Tawag ko sa kanya sa nanginginig na boses. Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili.
"Are you okay? Bakit ganyan ang boses mo? What's wrong?"
"Mom, I think we should call the cops now." Mas kalmado kong saad na nakapagpatahimik kay mommy.
"B-bakit?"
"Mom, I think Que's missing."