X

1039 Words
WARNING: Some scenes may be too much for some readers (gore) read at your own risk. "Detective!" Napalingon ako sa isa sa mga forensic team ng marinig kong tinawag ako nito. Agad akong nag-paalam sa kausap at dali daling lumapit sa kanila. Ilang hakbang pa ang layo ay nanuot na sa ilong ko ang masangsang na amoy ng bangkay. Napakarami ring langaw sa paligid. It was three o'clock this afternoon ng may mag-report saming may nakitang bangkay sa likuran ng basurahan ng isang abandonadong pabrika ng tsinelas. Isang basurero ang nakakita sa bangkay habang kinokolekta nila ang mga basura. I asked for a mask and a pair of gloves before I joined the group studying the already decaying body. Halos hindi na makilala ang mukha nito dahil sa mga sugat at bugbog. Isama pang unti-unti na itong nadedeform dahil sa mga uod na nagpyepyesta rito. Bumaba ang tingin ko sa katawan ng biktima pababa sa mga braso nitong tadtad ng mga hiwa at nagulat ng makita ang mga salitang paulit-ulit naka-ukit sa mga braso at palad nito. Que is mine. Dahan dahang itinaas ng isang forensic ang damit ng biktima na bahagya ng dumidikit sa katawan niya at mas lumala ang nakakasulasok na amoy sa ere. Halos masuka ako ng makita ang butas na tiyan ng biktima at pinupugaran na ng napakaraming uod. Itinaas ang damit ng biktima hanggang leeg nito at nakita namin ang napakalakaking ukit sa kanyang dibdib. "Sir, we think this is what killed him. But we would still conduct an autopsy for confirmation." Tumango ako sakanila at ibinalik ang tingin sa tatlong letrang naka-ukit sa dibdib ng biktima. Que Lumayo ako sa grupo, hinubad ang mask at gloves bago ko dinukot ang telepono sa bulsa ko. "Hello? This is Detective Magsaysay, pwede ba akong makahingi ng contact number ng bodyguard na assigned kay Ms. Que Ramirez?" "Good Evening Sir! Please wait a little while as we looked into it." Sagot ng representative ng security company na hinire ng mga Lim at Ramirez para magbantay sa mga bata. I didn't have to wait long, pero hindi ko nagustuhan ang naging sagot nito. "I'm sorry, Sir. Ms. Que Ramirez was assigned to Mr. Fernando Tipon, but he hasn't reported for four consecutive weeks already, we were trying to contact him for the time being." "s**t!" Hindi ko napigilang mura ng may mabuong conclusion sa isip ko matapos kong ibaba ang tawag. Bumalik ang tingin ko sa bangkay na pinagtutulungan na ilagay sa body bag para dalhin sa lab for the autopsy. Umalingawngaw ang mga sigawan at tunog ng mga pagsusuka ng aksidenteng nagalaw ang katawan at bahagyang lumabas ang mga lamang loob ng biktima bago pa ito tuluyang maipasok sa bag. Nagmamadali pero maingat na inayos iyon ng mga forensic at inilagay sa body bag bago ipasok sa ambulansya. "Detective, tayo na po?" Tanong ng isang officer sakin ng tuluyan ng maka-alis ang ambulansya. "Mauna na kayo. Susunod na lang ako." Ani ko sa kanya, tumango naman siya bago sumaludo at nauna ng umalis. Nang makitang ang mga investigator na lang ng crime scene ang naiwan ay dinukot ko mula sa bulsa ang cellphone ko. I dialed Judge Lim's number, pagkatapos ng tatlong ring ay sumagot na rin ito. "Hello?" "Sir. This is Detective Harold Magsaysay." Pag-papakilala ko. "Detective! Napatawag ka?" "Sir, gusto ko lang kamustahin sana ang kalagayan ng anak niyo? Ginugulo pa ba siya?" "Hindi na, Detective. Maayos naman na ang mga bata. Wala naman ng nakwekwento about that matter." Natigilan ako ng marinig iyon, umikot ako at nakita ang marka ng katawan sa sahig kung saan natagpuan ang katawan ng biktima. "Is that so? Sige po judge. Yun lang naman ang tinawag ko." Narinig ko ang tawa ng hukom mula sa kabilang linya. "Thank you for the concern, Detective." Nagkaroon ng sandaling paalaman bago tuluyang binaba ang tawag. Huminga ako ng malalim bago tinungo ang direksiyon ng sasakyan ko at umalis na roon para pumunta sa lab. "How was it?" Tanong ko sa officer na nag-aabang sa may entrance ng lab. "On-going na ang autopsy, Sir." Tumango naman ako bago tuluyang pumasok para kausapin ang mga doctor. It turned out that we had to wait for another two days for the results of the test. And when the result day had finally came, I was anxiously waiting for the results to land on my desk. "Detective! The results just came in!" Agad na napa-angat ako ng ulo upang salubungin ng tingin ang parehong officer na kasama ko sa crime scene noong isang araw. Bitbit niya sa kanyang mga kamay ang dalawang brown envelope na naglalaman ng autopsy report at ng DNA test na hiniling ko rin. Una kong binuksan ang autopsy report. Patient XXX, was killed with multiple lacerations on the chest, arms, hands, legs, and hips. The eyes and the heart of the patient were the only organs remained untouched. The kidney, spleen, and liver were not tested due to excessive decomposing. Cause of Death: Blood Lost due to deep lacerations on the chest. Huminga ako ng malalim matapos basahin ang naunang report. Binalingan ko namang muli ang officer, agad niyang ibinigay ang isa pang envelope. The DNA test. I asked for this to confirm my suspicions, I was in a hurry so I asked for it to be rushed. If my theory is correct, then we don't have the time to waste. The kids are absolutely in danger. Pumikit ako ng mariin, tahimik na hinihiling na mali ako, na sana ay nagkataon lang ang lahat. Dahan dahan kong tinanggal ang lock ng folder at sandaling binalingan ang tense na tense rin na officer sa harap ko. "Why are you so tense?" Tanong ko rito. "Pakiramdam ko kasi Detective alam niyo na kung sino yung bangkay. You're just waiting for the confirmation. Pero mukhang ayaw niyo po kasing tama yung hinala niyo, kaya natetense din tuloy ako." Kinakabahang ani ng babaeng officer, bahagyang akong natawa dahil sa sinabi niya. "You got me there, officer." Ani ko nalang bago ko tuluyang binaling muli ang atensyon sa envelope sa mga kamay ko. I took another deep breath before finally taking the three pages report inside the folder. Sandali kong iniscan at binasa ang nakasulat sa una at pangalawang papel bago ko tuluyang naabot ang huling pahina na naglalaman ng breakdown ng identity matches ng biktima at ng taong pinaghihinalaan kong siya. Humigpit ang kapit ko sa papel ng makita ang final conclusion sa pinakababa ng dokumento. The DNA samples have matched 100%. The DNA belongs to the same person. POSITIVE. The corpse is Mr. Fernando Tipon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD