Nakauwi kami ni Lolo ng bahay na ligtas, kanina pa ako kinakabahan, hinahayaan kong sundan kami nung lalaki. Ayokong iwan si Lolo kanina baka siya ang atakihin.
“Gusto mo bang sumama sa'kin, Paul?” Tanong ni Lolo taka ko siyang nilingon, nakahilig ako ngayon sa sofa at siya naman ay nakatayo sa pintuan, handa ng lumabas.
Saan na naman ba kami pupunta?
“Lo,saan na naman ba tayo pupunta? Hindi ba sumasakit 'yang tuhod mo?” Sarkastikong tanong ko, ngumiwi siya, umayos ako ng pagkakaupo.
“Pupunta ako sa kapitbahay natin, ayaw mo ba silang makilala?” Tanong niya napaisip ako,
Importante ba 'yang mga taong 'yan? I guess it's not, manonood nalang ako ng palabas kaysa mag-aksaya ng oras sa mga taong 'yan.
“Hindi na lo, dadating rin naman ang panahong makikilala ko rin sila, tsaka pagod ako ngayon.” Pagdadahilan ko tumango na lamang siya saka binuksan ang pinto, hindi pa siya nakakalabas ay lumingon na naman ulit siya sa'kin, kumunot ang noo ko.
“Pagkatapos mong magpahinga ay walisin mo lahat ng dumi ng kambing--”
“Lolo naman!” Nakangusong pigil ko sa kaniya kumunot kaagad ang noo niya.
“Kailangan mo ng masanay Maria hindi ka na tulad ng datin--”
“Oo na! Oo na! Tsk! Umalis na nga kayo lo, senesermunan niyo na naman ako e!” Inis na singhal ko ngumisi siya, napairap ako sa kawalan. Hindi na siya sumagot pa at tahimik na naglakad palayo, tinanaw ko pa siya nakita ko ang malaking puting bahay malapit sa'min.
Hindi naman gano'n kalapit mga sampung metro lang ang layo, iniwas ko ang paningin at tumitig sa kisame.
Hindi ko namimiss sina dad,
Tumayo na ako at lumabas ng bahay kinuha ko ang walis at dustpan, pumunta ako sa likod ng bahay na'min. Nanlumo agad ako nung makita ang nagkalat ang mga dumi ng kambing!
Gusto kong pagalitan ang kambing na nakatali sa puno ng saging, hindi kalayuan sa gawi ko.
Walang hiya kang kambing ka! Wala ka ng ibang ginawa kun'di ang kumain! Kabagin ka sana,nyeta!
Para akong baliw na nagmamaktol sa isip, umiling iling ako at sinimulan ng walisin ang mga dumi.
“Who are you?”
“Ay! Kambing!” Nagulat ako sa boses lalaki mula sa likod ko kaya,nahagis ko sa likuran ang mga dumi na nasa dustpan.
Fly high, tae.
“Fvck!” Bulalas ko nung matapunan ko ng dumi ang lalaking nakasuot ng mamahaling coat.
He seemed familiar...
“Pwe! What the hell?!!!” Maarteng sigaw niya at nandidiring tiningnan ang sariling coat, tinggal niya ang glasses do'n ko nakita ang napakagandang mata niya.
Tsk! What am I thinking! Magandang mata my ass!
“Pugita?” Gulat niyang tanong nanlaki ang mata ko nung maalalang siya yung nakakairitang alieng nakasabay ko sa train!
“Alien?” Hindi makapaniwalang tanong ko mabilis na namuo ang galit sa mga mata niya, gusto kong matawa.
What a coincidence...
“Ang dami-dami-dami mo ng kasalanan sa'kin!” Galit na sigaw niya ngumiwi ako.
Abot wanmilyon na ba kasalanan ko sa'yo?
“Kung ang tinutukoy mo ay yung sa train, ipapaalala ko lang sa'yo ah, baka nasiko mo rin ako sa ilong? Kwits lang pre, wag kang hangal...” Napapairap sa kawalang usal ko napamaang siya, dinampot ko ang duspan sa sahig.
“f**k you! E Ito ngayon? Ano 'to ha? Hindi mo rin kasalanan?!” Galit na tanong niya na itinuro pa ang coat inangat ko ang tingin sa kaniya.
“Mag-isip ka nga? Kung hindi ka biglang sumulpot sa tingin mo, magkakaganyan ka?” Inis na tanong ko na mas lalong nagpaliyab ng galit sa mga mata niya, napalunok ako.
“Teritoryo ko 'to! At kahit pa araw-araw akong pumunta dito! Walang may pakialam, kasi kung sino ang haharang? Hindi na makakalabas ng buhay dito sa probinsiyang 'to!” Galit na sigaw niya, kumunot ang noo ko. Binitawan ko ang dustpan at walis napatingin siya do'n.
Aba, kinilabutan naman ako. Tumayo yung isang balahibo ko sa singit e.
“Oh? Sino tinatakot mo? Ako?!” Nanlilisik ang matang tinitigan siya, nakita ko ang pagkagitla niya, natawa ako.
“AHHAHA what the fvck dude? scared already?” Natatawang asar ko sa kaniya nagsalubong agad ang kilay niya.
“Just you wait, gagawin kong memorable ang magiging buhay mo dito!” Banta niya saka ako tinalikuran, kinabahan ako oo, pero hindi ko 'yon pinahalata...
Tsk! Bakit mo pa kasi pinatulan yung dugyot na 'yon Tamia! You're such an idiot!
Matapos kong gawin ang pinapagawa ni lolo ay pumasok ako sa loob ng bahay, hindi mawala sa isip ko ang sinabi sa'kin nung dugyot na 'yon.
Fvck! Kahit dito sa probinsya wala pa rin akong takas sa gulo!
Pumunta ako sa kusina para tumingin ng makakain pero nanlumo ako nung walang makitang pagkain sa ref.
Tsk! Mahirap nga talaga si Lolo.
Naalala ko yung sinabi ni lolo'ng puno ng bayabas sa kapitbahay namin.
Hihi, it's show time!
Para akong nakalikha ng malademonyong ideya sa utak ko, napailing iling ako at kumuha ng lalagyan para sa makukuha kong bayabas.
Paglabas ko ng bahay ay bumuntong hininga pa muna ako bago magsimulang maglakad, nakita ko ang malaking puting bahay na sinasabing mabait na kapitbahay raw.
Pagkarating ko do'n ay may mga guards na nakaharang sa gate, kinabahan ako.
Tsk! Tangina hindi naman sinabi ni lolong nasa loob pala ang puno ng bayabas!
Lumapit ako sa isang guard na nakaharang sa gate, dalawa kasi sila pero pinili ko yung naka-shade.
Halos lahat sila naka-shade.
Pinili ko yung nakauniformeng pang-guard!
Tsk! Nakauniporme silang lahat! Tch! Oo na pinili ko yung mukhang may itsura! Tangina niyo!
“May maitutulong ba kami sa'yo miss?” Tanong niya binlangko ko ang mukha ko.
Anong sasabihin ko?!
“U-uh, eherm.” kunwaring ubo ko, kumunot ang noo niya. Inayos ko ang pagkakatayo at pinagkrus ang brasong diretsong tumitig sa kaniya.
“Apo ako ni Jerry Anderson, pwde ko bang malaman kong nasa'n siya?” Pormal na tanong ko kumunot ang noo niya.
“Sa pagkakaalam ko nasa Manila ang mga apo niya?” Patanong na sagot niya iniwas ko ang paningin.
Mga apo huh.
“Peke pala 'tong kaharap mo?” Sarkastikong tanong ko agad na nangunot ang noo niya. “Aish! Pwde bang sabihin mo nalang sa'kin kung asan siya? I need to talk to him.” Nawawalan na ng pasensyang usal ko at bahagya pang napahawak sa sentido.
Gutom ako baka lamunin kita ng buo makita mo.
“sorr---”
“Papasukin mo,” sabay kaming napalingon ng guard sa pinang-galingan ng boses. Laking gulat ko nung makitang siya yung lalaking tinulungan ko sa balon.
Nakangiti siyang tiningnan ako tinanguan ko lang siya at bumaling ulit sa guard.
“U-uh, s-sige po, pasok ka'yo ma'am--”
“Just call me Paul” Malamig na pigil ko sa kaniya hindi ko na siya pinansin at nagtuloy-tuloy na sa pagpasok.
“H-hey!” Natigilan ako nung marinig ang lalaking sumabat kanina, nilingon ko siya at kinunutan ng noo.
“Mm? May kailangan ka?” Inosenteng tanong ko, natigilan siya at ngumuso.
“S-sabi mo 'pag nagkita tayo ulit, sasabihin mo sa'kin ang pangalan mo,” kinakabahang sagot niya iniwas ko ang paningin at nagkunwaring inalala na may sinabi ba ako sa kaniyang gano'n.
Hindi ko aakalaing magkikita kami ngayon pero no choice, naplano na ni tadhana.
“Mm, tawagin mo nalang akong Paul,” Sabi ko at naglahad ng kamay gulat niya yung tiningnan.
Hindi inaasahang gagawin ko,
“P-paul?” Kunot noong tanong niya at tinanggap ang kamay ko, malamig ang kamay niya parang yelo.
“Pft, Paulette Louise Anderson...” Nakangiting sagot ko,nagliwanag ang mukha niya.
“Then can I call you Louise?” Masayang tanong niya, kumunot ang noo ko. Nanatili pa rin kaming magkahawak ang kamay, napahigpit ang paghawak niya non.
“Why?” Kunot noong tanong ko, bumuntong hininga siya.
“A-ang pangit kasi ng Paul e,” nakangusong sagot niya, natawa ako. Nagulat siya sa ginawa kong pagtawa kaya itinikom ko ang bibig at inayos ang mukha.
Nakalimutan kong ang ganda ko pala tumawa, psh!
“Tsk! Okay,” Nakangiting ani ko, ngumiti siya.
“I'm glad to finally meet you, Louise.” Senseryong ani'ya, tumango ako at ngumiti. “Oh! Ako nga pala si Jeremiah Jade Lofquist, Jade for short.” Masiglang pagpapakilala niya sa sarili, tumango ako.
“I'm glad to meet you too, Jade.”ngumiti ako tsaka kumalas sa pagkakamay namin, napapahiya niyang kinamot ang batok, iniwas ko ang paningin.
“U-uh, bakit ka pala naparito?” Kinakabahang tanong niya medyo nailang ako sa paraang pakikitungo niya sa'kin.
Bakit ba siya kinakabahan? Nakakatakot ba akong kausap?
“Well, gusto kong manghingi ng bayabas? If it's okay to you? But if not I---”
“N-no, napaka-okay—I mean oo naman okay lang, halika sumunod ka sa'kin.” Naiilang na pigil niya sa'kin at nagpasimaunang tumakbo, nagtataka ako pero kalaunan ay sumunod rin.
Wow...
Namangha ako sa dami ng bulaklak sa garden nila, natural garden e. Pero ang gaganda ng mga bulaklak na nakatanim, pakiramdam ko sinusundan ako ng mga paro-paro.
Napukaw ang atensiyon ko sa isang kumikinang sa ganda ng daisy, nilapitan ko 'yon at inamoy.
Mmm, ang bango tala--
“Oh, mahilig ka sa bulaklak?” Natigilan ako sa biglang pagtanong ni jade, iniwas ko ang paningin sa bulaklak at tumingin sa kaniya.
“Hindi.” Maikiling sagot ko ngumisi siya, nakakairita.
“Your lying,” Nakangising asar niya napapahiyang iniwas ko ang paningin, sumimangot ako.
Tsk! Ngayon mo pa nahalatang nagsisinungaling ako?
Iniwan ko siyang nakangisi at pumunta sa puno ng bayabas, mataas mahirap akyatin, naramdaman ko ang pagsunod niya pero hindi ko 'yon pinansin.
Makakayanan ko ba 'tong akyatin?
Humawak ako sa sanga ng puno para makaakyat pero natigilan ako nung marinig ang malakas na tawa ni jade, tiningnan ko siya ng masama.
“What are you laughing at?” Mataray na tanong ko, tinignan niya ako at natawa ulit. Inis akong bumaba para batukan siya pero mabilis siyang nakailag.
“P-para ka kasing unggoy na hindi makaakyat! BWHAHAHAHHA” Napapahawak sa tiyang tawa niya uminit ang pisngi ko sa hiya.
Putsaaa!
“Tsk! Kung makapanglait akala mo naman marunong umakyat,” bulong ko sa sarili natigilan siya, nakataas ang kilayng hinarap siya.
Nahulog ka nga kahapon sa punong inakyatan mo e.
“Hinahamon mo ba ang isang Jeremiah sa akyatan? Psh! Pati unggoy nga pag-nakasalubong ako, sumusuko e!” Taas-noong sambit niya, natawa ako.
“BWAHAHHHAAHAH, Pa'nong di susuko? E sa mukha mo pa lang para na silang kinukulam HHAHAH” biro ko nakita kong napanguso siya, tumigil ako sa pagtawa at ibinigay sa kaniya ang dalang lalagyan ng bayabas, taka niya yung tiningnan.
“Ano yan?”
“Lalagyan ng bayabas”
“You mean ako ang paaakyatin mo?”
“Uy, kasalanan mo kung bakit hindi ako nakaakyat dahil dinisturbo mo 'ko!”
“E may sugat pa 'ko sa braso e!” Tinignan ko ang braso niya at pinalo, napadaing siya.
“'yan ba ang pinagmamalaki mong marunong umakyat?!” Sarkastikong tanong ko, ngumiwi siya. Binangga ko ang balikat niya at napaatras siya.
“H-huy! Baka mahulog ka!” Sigaw niya nung umakyat ako ng tuluyan, inirapan ko lang siya at mahigpit na kumapit sa sanga.
Edi saluhin mo, tuleg.
Napatingin ako sa baba, kinakabahan, mukhang lumiit si jade dahil nakaabot ako sa mataas-taas na part.
Shit! Why am I doing this?!
Napailing-iling ako sa naisip, marami na akong napitas na bayabas puno na rin ang lalagyan ko, isang kamay nalang ang nakahawak sa sanga dahil hinawakan ng isa kong kamay ang lalagyan.
Akmang bababa na sana ako nung wala akong maapakang sanga.
Oh no! Ayaw kong mamatayng ganito!
“Louise!!!” Narinig ko ang malakas na sigaw ni jade naaninag ko siyang patakbo pero masyado siyang malayo para saluhin ako.
Ito na siguro ang tinatawag nilang KARMA!
Ipinikit ko ang mata ko at pinakiramdaman ang sariling bumagsak sa lupa.
I'm sorry Mom, da---
BLAGGG!!!!
Ow!Patay na ba ako?
“Louise!!!”
Pati si San Pedro hindi alam ang totoo kong pangalan, tsk.
Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at nagtama ang paningin namin ni jade, nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata, napangiti ako.
Ang sarap sa pakiramdam na may taong nag-aalala sa'yo.
“O-ow!” Napaigtad ako nung may narinig akong ungol mula sa kinahihigaan ko, doon ko lang napagtantong nakapatong ako ka-
“ALIENN?!!!!” Halos mapaos ako sa pagkakalakas ng sigaw ko,
Nagulat....
Napalunok...
Kinabahan...
Natataranta....
Nakapikit siya at 'di nagmulat, kinabahan ako na baka sa lakas ng pagkakabagsak ko ay nahimatay siya.
“Hey! Chad wake up!” Tinapik ni jade ang mukha ni alien, natataranta akong tumayo mula sa pagkakahiga sa dibdib niya.
What the f**k! Ano ba kasing ginagawa niya dito? Bakit hindi siya umilag at pabayaan nalang akong mamatay?
“Hmm” ungol ni alien at dahan-dahang nagmulat ng mata, nag-aalala 'kong hinawakan ang kamay niya, nagkatinginan kami.
“A-are you alright?!” Nag-aalalang tanong ko, hindi ko alam kong ano 'tong ginagawa ko pero nakukunsensya ako sa isiping nasaktan siya ng dahil sa'kin.
“Tsk! Get off of me!” Inis na sigaw niya at itinulak ako mabilis akong sinalo ni jade, tumingin ako sa kaniya.
“O-okay ka lang?” Nag-aalalang tanong niya hindi ko siya sinagot at nag-iwas ng tingin, kumalas ako sa bisig niya at umayos ng pagkakatayo.
“I-I'm okay,” Sagot ko, hindi ako nakatingin sa kaniya, napako ang paningin kay alien na kasalukuyang pinagpag ang damit.
“Chad,” tawag sa kaniya ni jade, bumuntong hininga pa muna si alien at inis na inangat ang paningin sa'kin.
“You.” Tinuro niya ako kinabahan ako pero hindi ko pinahalata, binlangko ko ang mukha ko. “What the hell are you doing here?” Tiim-bagang tanong niya palihim akong ngumisi.
Parang nakakagaan kasi ng loob pag may nakita kang tangang napipikon.
Tiningnan ko si jade nag-aalala siyang tumingin sa'kin, bumuntong hininga ako at walang ganang ibinaling ang paningin kay Chad kuno.
“Kumuha ako ng bayaba--”
“Who the f**k says na pwde kang kumuha ng bayabas ko?”
Nanganganak na pala ng bayabas ang alien?
“Well Jade says that it's okay,” Kibit balikat na sagot ko inis niyang tiningnan si jade, bumuntong hininga siya.
“Ah, yeah! Pinayagan ko siya kasi she's my new friend.” Masayang ani jade gulat akong tiningnan ni alien, kumunot ang noo ko.
“What?! So this is the friend you're talking about?” Hindi makapaniwalang tanong niya mabilis na tumango si jade napahilamos sa mukha si chad.
“Hey dude? Is there a problem?” Takang tanong ni jade tiningnan ako ni Chad, napakurap ako.
“She's the one who ruined my two luxury coats!” Tiim-bagang sigaw niya ngumisi ako na ikinagulat nilang dalawa.
“Ang tanga mo kasi,” Nakangising asar ko sa kaniya nakita ko ang pag-salubong lalo ng kilay niya.
“C-chad,” awat sa kaniya ni jade nung akmang lalapit siya sa'kin.
“Sino ka ba sa tingin mo para kalabanin ako ha? Bago ka lang dito kaya h'wag na wag mong uubusin ang pasensya ko dahi-”
“Chad.”Tawag sa kaniya ni jade at makahulugang tiningnan na ikinatigil niya, bahagyang tumagilid ang ulo ko na animo'y pinag-aaralan ang mukha ni Chad.
Mapayat siya, walang laban sa'kin.
“Pag-inubos ko ba pasensya mo? Lalabanan mo 'ko?” Hamon ko sa kaniya na ikinagulat nilang dalawa.
“L-louise,” Pabulong na tawag sa'kin ni jade hindi ko siya pinansin at nakipagtitigan kay Chad, nagulat ako nung ngumisi siya pero naroon parin ang galit sa kaniyang mga mata.
Let's see what you've got.
“Are you sure na hindi ka iiyak pag-nasaktan?” Sarkastikong tanong niya, nanginginsulto. Ngumiwi ako at tumingin sa kawalan.
Never akong umiyak, kung alam mo lang.
“Hindi ko pa natitikman ang tinatawag nilang luha,” Nakangising sagot ko at bumaling ulit sa kaniya, natigilan silang dalawa.
“Mahirap paniwalaan right? That's how brave I am.” Mayabang na dagdag ko napatingin si jade kay Chad, pero nanatiling nakatuon ang paningin niya sa'kin.Unti-unti ko ng nababasa ang emosyon sa kaniyang mga mata at 'yon ay ang pagtataka...
Ganyan nga, mamatay ka kakaisip.
“Psh! You're nonsense.” Inis na usal niya nagkibit balikat ako.
“Malalaman mo 'pag-nilabanan mo na ako.” Walang emosyong ani ko, ngumiwi lang siya at umatras. Nagulat ako nung bigla niya akong atakihin ng suntok pero mabilis ko ring nailagan.
Phew! Oh, he's fast.
“Louise!” Mabilis na pumagitna si jade sa'ming dalawa, bumuntong hininga ako at hinawi siya gulat niya akong nilingon.
“Wag ka ng makialam, I know what I'm doing.” Sabi ko sabay suntok sa mukha ni Chad na hindi namalayan ang paglipad ng kamao ko.
PAKK!
“What the?!” Bulalas niya nung masubsub sa lupa, yumuko ako at hinawakan ang baba niya.
“Wag kang ma-d-distruct sa mga kunting kaluskos lamang men,” Sabi ko sabay tapik sa balikat niya, napamaang siya na ikinangisi ko. Tinalikuran ko na silang dalawa at mabilis na pinulot ang mga bayabas na nagkalat sa lupa.
Tsk! Buti nalang hindi nap--
PAKKK!
“AH-!” Daing ko nung bigla akong sugurin ng suntok ni Chad, napahiga ako sa lupa.
“Chad!” Mabilis siyang inawat ni jade, dahan-dahan kong iminulat ang mata at nagtama ang paningin naming dalawa, hingal na hingal siya na animong nahirapan sa ginawa niya.Umangat ang labi ko at dahan-dahang tumayo, bahagya kong hinaplos ang labi.
Tsk! Panibagong sugat na naman.
“Ano? Iiyak ka na ba?—Ano ba! Bitawan mo nga ako!” Hinablot niya ang braso kay jade inis na bumuntong hininga si jade at tiningnan ako. Hindi ko siya tiningnan at nanatiling na sa mata ni Chad ako nakatingin.
“'yon lang ba ang kaya mo? Mukhang nahirapan ka pa” Pang-iinsulto ko sa kaniya mas lalong nagdilim ang mga mata niya, ngumisi ako.
“Pwede bang tigilan niyo na 'to? Para kayong mga bata!” Inis na sita sa'min ni jade nanatili akong nakangisi, nakita ko ang pag-igting ng panga niya.
Wala naman talaga akong balak na patulan ka, pero sa ginawa mo ngayon? Mukang hindi nga magiging madali ang buhay ko rito.
“Wag kang makialam!” Galit na sigaw ni Chad sa kaniya, bumuntong hininga nalang si jade.
“PAUL!” Nanlumo ako nung marinig ang boses ni Lolo!
Sermon na naman mamaya.