Chapter 5

3127 Words
“a-aray lo,” daing ko nung idiniin niya ang yelo sa labi kong may sugat, tiningnan niya ako ng masama. “Ano bang pumasok d'yan sa isip mo at naisipan mong makipag-away sa anak ng nagmamay-ari nitong tinatayuan mo?” Galit na tanong ni Lolo napapahiyang yumuko ako at palihim na ngumiwi. Kung tutuusin kaya kong bilhin 'tong lupa na 'to. Tsk! Hindi ako sumagot at dahan-dahang dinidiin ang yelo sa labi. Tsk! Sa sobrang bilis niya hindi ko namalayan ang hindi kalakihang kamao niyang dumapo sa mukha ko. Napailing-iling ako sa naisip nagulat ako nung padabog na tumayo si Lolo, inangat ko ang paningin sa kaniya. “Wala ka na ba talagang magawang tama, Maria?! Mag-t-trabaho ka na bukas! Sana naman ayusin mo! Ayaw kong makarinig na makikipag-away ka pa ulit. Naiintindihan mo?" Galit na tanong ni lolo kumunot ang noo ko. Anong gusto niyo? Mag-papa-api ako sa ungas na 'yon? Aba'y hindi makatarungan yun, hangga't malakas pa ako marami pa akong mababalibag na masasamang taong haharang sa kinabukasan ko. “Pe---” “DO YOU UNDERSTAND?!!” Galit na sigaw ni lolo na ikinagitla ko pero mabilis ring nakarecover. “Y-yes, I Understand...” Mahinang sagot ko at napapahiyang yumuko. Hindi kita maintindihan lo... F L A S H B A C K ! “PAUL!” Nanlumo ako nung marinig ang boses ni lolo, hindi ko siya nilingon. “Oh my god! What happened to you brother?!” Gulat na tanong ng isang magandang babaeng kulay asul ang buhok kay chad, inis siyang nilingon nito. “Why are you here?” Inis na tanong ni Chad sa kapatid, umirap lang ang babae at napatingin sa'kin. Nagulat pa ako nung nakangisi siyang lumapit sa'kin. “Woaah! Nice hair!” Masayang ani'ya at akmang hahawakan na sana ang buhok ko pero mabilis akong umiwas, napapahiyang ibinaba niya ang kamay at ngumuso. “hindi ko gustong may humahawak sa buhok ko.” Malamig na ani ko yumuko lang siya at pinagsiklop ang daliri. “I-I'm sorry” Mahinang ani'ya nagbaba tingin ako sa kaniya at bumuntong hininga. “It's okay.” Ako. “Oh my god! What happened to your lips Kurt?” Napatingin ako sa hindi katandaang babaeng lumapit kay chad kasama niya ang hindi rin katandaang lalaking nakatingin sa'kin. Binlangko ko ang mukha ko at nakita ko si lolong masamang nakatitig sa'kin, napalunok ako. “I'm okay mom, it's just a simple scratch.” Walang ganang sagot ni Chad bumuntong hininga ang babae at tumingin sa'kin. Nagulat pa ako nung lumapit siya bigla at hinawakan ang kamay ko. What the? “Hija? Are you okay? Sorry sa inasta ng anak ko ha? Pagpasensyahan mo na siya, ganiyan talaga 'yan pero mabait naman 'yan.” Senseryong ani'ya napatungo ako sa mga kamay naming magkahawak. Hindi siya nandidiri sa'kin? “Mom, she's a piece of trash! Bagay lang yan---” “Kurt!” Sita sa kaniya nung lalaking nasa tabi niya natigilan siya at iniwas ang paningin. “I-I'm okay po,” nahihiyang ani ko at binawi ang kamay nagulat siya sa ginawa ko pero mabilis ring nakarecover at ngumiti. Iniwas ko ang paningin at nagtama ang mata namin ni Lolo, lumapit siya bigla sakin at hinawakan ang braso ko. “Kami ho dapat ang humingi ng paumanhin sa ginawa nitong apo ko.” Naramdaman ko ang pag-diin ni Lolo sa salitang 'apo', ngumiwi nalang ako at iniwas ang paningin. “No,tama lang yung ginawa niya.” Seryosong ani nung babae gulat kong siyang nilingon. Nakatingin siya sa'kin at ngumiti. Sana sinabi niyo kaagad sa'kin kanina para hindi na 'yan makalakad ngayon. “Mom,” inis na bulong ni Chad sa ina niya pero hindi siya pinansin nito. “Salamat at may nakakapatol na sa anak naming 'to,” Nakangiti ngunit mahihimigan mo ang galit, napatingin ako kay Chad nagtama ang mata namin. Nakita ko ang galit sa kaniyang mga mata, ngumisi ako. “U-uh, mang Jerry mind if you introduce this beautiful maiden beside you?” Nakangiting sabat nung lalaking katabi ni Chad, bumuntong hininga si lolo. Tatay niya 'ata 'yon... “Psh! Beautiful” Nakangising ani chad, nilingon siya ng lahat napapahiyang yumuko nalang siya at nanahimik. “Oh, this is Paulette Louise Anderson, my granddaughter” Nakangiting ani Lolo tiningnan ko siya at tinitigan. Ambilis 'atang magbago ng mood neto? “Wow, what a unique name. I like it,” Anas nung babaeng humawak ng kamay ko kanina, tinanguan ko siya. “Thank you po, Mrs?” Tanong ko ngumiti siya. “Ako si Tanya Rene Rodriguez, tawagin mo nalang akong tita.” Nakangiting sagot niya na ikinagulat ko, napatingin ako kay Chad na masamang nakatitig sa kaniyang ina. Tita? Tumango nalang ako nakita ko ang paglapit nung isang lalaki sa'kin. “Ako naman si William Rodriguez ang ama ng dalawang makukulit na 'to” itinuro niya si Chad at yung babaeng may asul na buhok. “Magpakilala ka ng maayos,” Seryosong ani ni mr. William kay Chad, nagulat naman ito at sinamaan ng tingin ang ama. “Dad,” Inis na tawag niya sa ama narinig ko ang pagbuntong hininga ng kaniyang kapatid, walang gana ko siyang nilingon. “Tsk! Ang dami mong arte brother, hindi ka ba nahiya? All these years sa pagiging maldito mo ay may nakasapak sa mukha mo, HAHAAHH” Tawa ng kapatid niyang kulay asul ang buhok, natawa ako ng mahina pero naitikom ko rin ang bibig ko nung sinamaan ako ng tingin ni lolo. “Can you just please shut the hell up, val?” Tiim-bagang tanong ni Chad sa kapatid, ngumiwi lang ang babae at nakangiting hinarap ako. “Hi, My name is Collin Valerie Rodriguez, Val for short” Magiliw na usal niya at naglahad ng kamay, tumango ako at tinanggap ang kamay niya. “Nice to meet you val, I'm Paul” Ani ko at binawi ang kamay nginitian niya ako. “U-uh p-pwede ko bang mahawakan ang buhok mo? Kahit isang haplos lang?” Tanong niya na kumikinang pa ang mata, binlangko ko ang mukha ko. “Val, tumigil ka nga? May sarili ka namang buhok? Mas maganda pa nga 'yan kaysa d'yan sa pugitang 'yan.” Inis na sabat ni Chad sa kapatid pero inirapan lang siya nito. “E sa gusto ko yung pag-kakulot ng buhok niya e, ang cool!” Kumikinang ang matang anas niya napailing-iling ako. She's cute... “Valerie? Tumigil ka na baby, nababagot na si Paul oh.” Nahihiyang ani ni mrs. Tanya at nilapitan si Val. “But mom, I badly want to touch her hair.” Parang batang ani'ya bumuntong hininga ako at nakangising tumingin sa kaniya, nagulat siya pero ngumiti rin. “Okay,” Nakangiting ani ko na ikinalaki ng mata niya. “Talaga?!” Halos mapunit ang bibig niya sa laki ng kaniyang ngiti, tumango ako akmang hahawakan niya na sana ang buhok ko pero mabilis kong pinigilan ang braso niya, taka niya akong tiningnan pati ang lahat ay nagulat sa ginawa ko. “Pero sa isang kondisiyon,” kalmadong usal ko, kumunot ang noo niya. Lumapit ako sa tenga niya at tumingin kay Chad na halos mag dikit na ang kilay. “W-what is it?” Utal na tanong ni val, ngumisi ako. “Pwede ko bang malaman ang pangalan ng kuya mo?” Nakangising sagot ko na ikinagulat niya, lumayo ako sa tenga niya at tumingin sa kaniyang mga mata. Parang wala kasi siyang plano na magpakilala. “Interesado ka ba sa kapatid ko?” Mahinang bulong niya na ikinakunot ng noo ko at sinamaan siya ng tingin. The hell? “Gusto ko lang malaman ang pangalan niya, that's all.” Malamig na sagot ko nagulat ako nung bumagsak ang balikat niya. May mali ba sa sinabi ko? “Kurt Justine Chad Rodriguez” nanlulumong ani'ya ngumisi ako at tiningnan si Chad. Nice name, malayo naman sa ugali mo, ang dapat ipangalan sa'yo Satan. “What are you two whispering about?” Takang sabat ni Chad, nagkibit balikat lang ako at bumaling kay val na nakanguso. “Hey beyb, you can touch my hair na.” Nakangiting baling ko sa kaniya, masaya niyang inangat ang paningin sa'kin at nananabik na hinaplos ang buhok ko. “Woah! This is nice!!!!” Tili niya na patuloy pa ring hinahaplos ang buhok ko, ngumiti ako. Kung sana ganito lang kabait si Charmaine, siguro kasama ko pa si kuya ngayon... E N D O F F L A S H B A C K ! “Maria! Are you with me?!” Galit na tanong ni Lolo mabilis akong bumalik sa ulirat, tiningnan ko si Lolo na parang pinapalibutan ng itim na usok. Galit talaga siya. “H-ha?” Kinakabahang tanong ko malalim siyang bumuntong hininga. “Ang sabi ko anong ginawa mo kay Chad at gano'n nalang ang galit sa'yo?” Tiim-bagang tanong ni Lolo, ngumiwi ako. Aba malay ko. “I don't know,” walang ganang sagot ko. “Maria.” “Tsk! Hindi ko alam lo okay? Bakit ba ako ang tinatanong niyo n'yan? 'di ba dapat siya yun? Kasi siya yung may galit sa'kin at 'di ako.” Inis na sabi ko namamangha niya akong tingnan, inis kong isinandal ang likod sa sofa at iniwas ang paningin. “Kilala ko yung batang 'yon Maria, at alam kong may ginawa kang hindi niya nagustuhan.” Seryosong ani lolo, kumunot ang noo ko. Ha! Mas kilala mo pa siya, kaysa sa'kin. “Tsk! Inaantok na ako, I need to rest.” Malamig na sabi ko na hindi siya tiningnan, may sinabi pa siya pero hindi ko na narinig dahil nagmamadali na akong pumasok ng kwarto. Magsama kayo ng Chad mo, sanay na akong mag-isa. Lahat naman talaga iniiwan ako e, hindi ako nag-expect na mag-s-stay ka lo. Pagod akong humiga sa kama, kinuha ko ang phone na nasa side table at in-open 'yon, pumunta ako sa photos at tinignan ang picture naming dalawa ni kuya. Kuya, kung nasaan ka man ngayon parang awa mo na bigyan mo 'ko ng lakas para labanan lahat ng hamon sa buhay. Napapagod na ako sa magulong buhay ko, bakit ka kasi biglang nawala? Wala tuloy akong kakampi sa laban. Ang daya mo kuya e, namimiss kita pero hindi ko alam kong namimiss mo rin ba ako. Namimiss ko yung batok mong hindi masakit, yung halik mong mababasa pa ang pisngi ko ng laway mo. Natawa ako sa naisip, kumirot ang puso ko pero hindi non magawang palabasin ang sinasabi nilang luha. Hinawakan ko ang mukha ni kuya sa screen. I miss you kuya... 3 Years ago... “KUYAAA!! NOOO!!!” Sigaw ko sa kaniya, bumuntong hininga siya at nagpalinga-linga. Nandito kami sa isang maliit at masikip na lugar, nagtatago. “Shhh, baby makinig ka sa'kin okay?kailangan 'tong gawin ni kuya para maligtas ka,” Sabi niya umiling iling ako. “No, kuya please, aalis tayo dito ng magkasama--” “Tamia, I need you to trust me.” Mariing pigil niya sa'kin, napalunok ako. Pero kuya, hindi mo naman kailangan labanan sila ng mag-isa! Kaya ko rin lumaban. BLAGG! Pareho kaming napalingon ni kuya nung marining ang malakas na kalabog mula sa likuran namin, lumabas do'n ang malaking bulto ng lalaki. Shit! Natuntun nila kami! “Kuya...” Pigil ko sa kaniya nung akmang lalapit siya sa lalaki,nilingon niya ako at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. “Sandali lang 'to okay? Pag sinabi kong go, tumakbo ka na kaagad do'n sa maliit na butas na 'yon ha?” Ramdam ko ang takot ni kuya dahil sa panginginig ng kamay niya, namutla kaagad ako at nilingon ang maliit na butas palabas. Please don't do this kuya... Pero wala akong magawa kun'di ang tumango, nakita kong desidido na siya sa paraang naisip niya. “Lumabas ka na sa lungga mo! Charlie!” Malakas na sigaw ng lalaking humahabol sa'min, napapikit ako sa takot naramdaman ko nalang ang mahigpit na yakap ni kuya. “Wag kang matakot, hindi ko hahayaang may mangyari sa'yong masama.” Sabi niya at mabilis na kumalas,tiningnan ko siya sa mata ngumiti siya at hinalikan ako sa noo. Kuya... Parang bula siya nung nawala sa paningin ko,sumilip ako sa maliit na butas ng pader para makita si kuyang makikipaglaban sa mga lalaking may dala-dalang kahoy. “Hindi niyo ba talaga kami titigilan, Trev?” Galit na tanong ni kuya sa lalaking kaharap niya. Nagulat ako nung tumawa ng malakas ang lalaki. “Hindi talaga kami titigil kapag hindi namin nakikitang patay na ang pamilyang AGUSTIN DE GARCIA” Nakangising sagot ng lalaki, nakita kong kumuyom ang kamao ni kuya, gusto kong lumabas sa tinataguan ko at pagsusuntukin silang lahat pero natatakot akong mapahamak si kuya 'pag ginawa ko 'yon. “Ano bang ginawa ng pamilya ko sa'yo at gusto mo kaming patayin?” Tiim bagang tanong ni kuya, napahawak sa bigote ang lalaki. “Wala sa'kin pero sa mga RAMERIZ meron...”Seryosong sagot nung lalaki kasabay non ang pagsugod niya ng suntok na agad namang nailagan ni kuya. Rameriz?! Hindi ko maalalang may nakabangga kaming Rameriz? BLAGGGG! Nagulat ako nung hampasin si kuya sa likod nung kasamahan ng lalaki, hindi niya 'yon napansin dahil sa dami nila. Kumirot ang puso ko nung makita si kuyang namimilipit sa sakit, nilapitan siya ng lalaki at kinwelyuhan. “Ngayon nasaan ang kapatid mo?!” Nang-gigigil niyang tanong kay kuya. “A-ah!” Nahihirapang huminga si kuya napahawak ako sa dibdib nung bumilis ang paghinga ko. Shit! Please wag ngayon! Mabilis na nagliyab ang mata ko nung sipain ng paulit-ulit ng mga lalaki ang tiyan ni kuya hanggang sa lumuwa na siya ng dugo. Ano ba kuya! Lumaban ka!!!! Akmang lalabas na sana ako nung marinig si kuyang sumigaw. “G-GOO!!!” sigaw niya kasabay non ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko, mabilis ko yung pinahiran at tumingin sa kanila. Nakita kong pinigilan ni kuya ang mga lalaking akmang susugod sakin. PAKK!! BLAGG! “A-AH! TAMIA TUMAKBO KA NA!!!” Buong pwersang sigaw ni kuya at malakas na pinaghahampas ng kahoy ang nagtatangkang lumapit sa'kin. KUYAAA! IM SORRY!! Nanginginig akong tumakbo palabas sa makipot na hallway na yun at mabilis na pumasok sa madilim at maliit na butas ng pader. “Ahhg!!!!” Sigaw ko nung bigla akong mahulog sa slide, at bumagsak sa lupa. “Ah!” Daing ko at sinikap na tumayo, naramdaman ko ang pagsakit ng siko ko tinignan ko 'yon at nakitang dumudugo ito. Damn it. KLANGG!! Nagulat ako nung marinig ang tunog ng kadena mula sa likuran ko, dahan-dahan akong lumingon. Pati rito nasundan pa rin ako. “Maria, alam mo bang naghihingalo na ang kuya mo ngayon?” Sarkastikong tanong ng lalaki bumilis ang paghinga ko kasabay no'n ang pag-init ng mga kamao ko. “Anong sabi mo?” Malamig na tanong ko at dahan-dahang ikinuyom ang mga kamao, inangat ko ang tingin sa kaniya, nakita ko ang pagkagulat niya nung makita ang galit sa mga mata ko. Hindi magpapatalo si kuya! Hinding hindi siya mamamatay! “Eas---” BLAGG! Hindi niya na natapos ang sasabihin nung bigla ko siyang sugurin ng malakas na suntok sa mukha, napasubsub siya sa lupa. Tuluyan ng nandilim ang mata ko at parang sinaniban ako ng demonyo nung pulutin ko ang kadenang dala-dala niya kanina. “M-maria, w-wa---” Hindi niya na naman natapos ang sasabihin nung bigla kong itinali sa leeg niya ang kadena, “A-ahh!!” Daing niya, kinaladkad ko siya palabas na para bang aso. “Bitawan mo siya! Kung ayaw mong patayin ko 'tong kuya mo!” Natigilan ako at tumingin sa harapan nakita ko ang kuya kong hinang-hina na. Parang nanghina ang tuhod ko sa nakita, nakahawak siya sa braso ng lalaking nakapulupot sa leeg niya. “T-tamia, k-kahit anong m-mangyari h'wag mong hayaang umiral ang galit mo!” Nahihirapang sigaw niya na mas lalong nagpausbong ng galit ko. Anong gusto mo? Tatawa ako dito at panoorin kang binubugbug nitong mga hayop na 'to? “You're funny...” Sabi ko at malakas na sinipa ang lalaking tinalian ko ng kadena, nabitawan ng lalaki si kuya at mabilis na tumakbo papalapit sa lalaking sinipa ko. “K-kevin!” Sigaw nung trev tumakbo rin ako papalapit kay kuya pero agad ring natigilan nung dahan-dahan siyang bumagsak sa lupa at do'n ko nakita ang kutsilyong nakatarak sa likod niya. Kumirot ang puso ko at bumuhos ang mga luhang kanina pa namuo sa dibdib ko, mabilis ko siyang nilapitan at hinawakan ang mukha. “K-kuya! Wake up!” Humihikbing sigaw ko at tinapik ang mukha niya, dahan-dahan niyang iminulat ang mata at ngumiti. I'm so sorry kuya! “H-heh! Sa wakas at nakita ko rin ang k-kumikinang mong l-luha, napakagandang m-makita ang m-mga luha mo b-baby. P-pero nakakalungkot lang na hindi ko na ulit 'yan masisilayan...” Nahihirapang sabi niya at marahang hinaplos ang pisngi ko, naamoy ko ang langsa ng dugo sa kaniyang mga kamay. “Kuya please don't say that, dadalhin kita sa hospital!” Sigaw ko at akmang itatayo na sana siya pero pinigilan niya ako. “W-wag na alam ko'ng hindi na ako aabot do'n Tamia,” pigil niya sa'kin mas lalong bumuhos ang luha ko, “No! Dadalhin kita sa hospital!” pagpupumilit ko pero muli niya akong pinigilan at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Wala akong silbi! Hindi ko siya nagawanag protektahan! Napakahina ko! “Maria, ito ang tandaan mo, mahal na mahal kita.” Nanghihinang ani'ya tumango tango ako. “Mahal na mahal rin kita kuya! P-please don't leave me!” Humihikbing sigaw ko hinalikan ko ang kamay niya. Hindi ko kakayanin 'pag nawala ka kuya, you are my saviour! You are my hero kuya! Kaya wag mo 'kong iiwan please! “H-hindi kita iiwan baby, nandito ako palagi...” Sabi niya at nangininig ang hintuturong tinuro ang puso ko, mas lalo akong naiyak nung unti-unti niyang ipinikit ang mga mata. “KUYA!” NO! “KUYA PLEASE DON'T LEAVE ME! KUYA! WAKE UP!” Malakas ko siyang niyugyug pero hindi na niya ibinuka ang mga mata, niyakap ko siya ng napakahigpit kasabay non ang pagbuhos ng malakas na ulan. “ARGHHH!!!!!” Sigaw ko at patuloy na bumuhos ang luha sa mga mata ko galit kong nilingon ang mga lakaki kanina pero wala na sila sa pwesto nila kanina. “PAGSISISIHAN NIYO ANG GINAWA NIYO! SISIGURADUHIN KONG 'PAG NAHANAP KO KAYO, SUSUNUGIN KO NG BUHAY ANG MGA KATAWAN NIYO!!! ARGHHH!” Malakas na sigaw ko hindi ko ininda ang lakas ng hangin, basang-basa na ako pero nanatili akong nakayakap sa nanlalamig na katawan ni kuya. Napaka-inutil ko kuya, patawarin mo 'ko hindi ko hahayaang mauwi lang sa wala ang pagkamatay mo. Humanda kayo mga RAMERIZ isang Tamia ang uubos sa lahi niyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD