Lumipas pa ang mga buwan, magkakasama na sa condo sina Leina, Matt, Aling Linda at Nene, isang araw habang nag-aalmusal sila ay biglang sumakit ang tiyan ni Leina, kinuha ni Nene ang mga gamit nito, inalalayan naman siya ni Matt at Aling Linda "Nak, relax lang, relax lang, Diyos ko po" ani ni Aling Linda habang nasa elevator sila, halatang mas kinakabahan pa ito kesa kay Leina "Ma relax rin po kayo" ani ni Matt "Oo anak" Maya maya ay nasa parking na sila at dumiretso na sa ospital, nag lelabor na nga si Leina, nakakuha na sila ng room at pinalakad lakad muna si Leina ng Doktor, sinasabayan naman siya ni Matt sa paglalakad, mangiyak ngiyak na si Leina "Mahal, kayanin mo ha?" ani ni Matt, tumango naman si Leina "Andito lang ako, kami, kapag hindi mo na kaya ang sakit sabihin mo sa akin,

