Kinabukasan, nagpunta sina Ferdie at Minda sa bahay nila Leina, may dala silang pagkain para sa kanila, nagbihis naman ng maayos si Linda, pumasok si Leina sa pasok ng ina "Wow Ma, sayo nga ako nagmana ng kagandahan" ani ni Leina "Naman anak, andyan na ang mga biyenan mo?" "Andyan na po sila Ma, ang daming dala" "Kaya pala sabi nitong si Matteo, wag nang mag-abala sa pagkain, magsaing na lang daw ako" "Oo nga Ma, o paano lika na, ang ganda ng Mama ko nakakainis" nakangiting ani ni Leina "Bwisit na to nainis pa" natatawang ani ni Linda sa anak "Lika na" at saka sila lumabas, tumayo naman sina Ferdie at Minda nang lumabas sina Leina at Linda, tinutulungan naman ni Nene si Matt mag ayos sa mesa "Balae" ani ni Ferdie "Good Evening B-Balae" ani ni Linda Lumapit naman si Minda sa kanya

