Kinabukasan ay gumanda na ang panahon, after lunch ay inihatid na ni Matt si Leina sa bahay nito
"Ma, andito na po kami" ani ni Leina
"O andito na pala kayo" ani ni Aling Linda, sabay napatingin kay Matt, nakaramdam naman ng kaba si Matt
"G-Good afternoon po Tita"
"Good afternoon" siya namang labas ni Bea mula sa kwarto ni Leina
"Ate Bea" ani Leina
"Uy Leina, buti nakauwi ka na"
"Oo nga, grabe kasi ang baha"
"Sinabi mo pa, kaya nga hindi ako nasundo ng Kuya Ricky mo, pero maya maya andito na yun" ani nito sabay tingin kay Matt
"Ahm, Ate si Matt, boyfriend ko"
"Hi Matt" bati ni Bea
"Hi Ate Bea"
"Gwapo ah, siya ba ang kasama mo?"
"O-Oo"
Napangiti si Bea at tumingin kay Aling Linda "Tita mukhang makakahigop tayo ng sabaw ah"
"Eh sana nga, bago pa lang ang dalawang yan eh"
"Tita, wala naman sa tagal yan, nasa pagmamahalan nila yun, kung gaano yun katibay"
"Sana nga matibay ang pagmamahalan nila"
"Sa tingin ko naman"
"Ahm, uuwi na po ako Tita, Ate Bea" ani ni Matt "Hinatid ko lang po talaga si Leina"
"Bakit nagmamadali ka naman?" ani ni Aling Linda "Dito ka muna, dito ka na maghapunan"
Nagkatinginan sina Leina at Matt "S-Sige po Tita, ang mabuti pa po, mamimili na lang po kami ni Leina ng lulutuin"
"Sige kayo ang bahala"
"Alis po muna kami" ani ni Leina at saka sila lumabas at sumakay na sa kotse
"Tingin mo Mahal, galit si Tita?" ani ni Matt
"Ewan ko"
"Alam ko na"
"Ano?"
"Ako na lang ang magluluto, ipagluluto ko kayo"
Napangiti si Leina at hinawakan sa kamay si Matt "Sige Mahal, para matikman ni Mama ang luto mo"
"Tulungan mo ako Mahal ah"
"Saan?"
"Gusto ko kasi maging okay kami ni Tita"
"Tutulungan kita Mahal" nakangiting ani ni Leina
"Lika na, punta tayo supermarket"
"Lika na"
Maya maya ay nakabalik na ang dalawa, pag uwi nila ay nakaalis na si Bea, nasundo na ito ng asawa
"Ah Ma, si Matt na raw po ang magluluto"
"Sige siya ang bahala" ani ni Aling Linda at saka tumingin kay Matt "Pwede mong gamitin kahit ano sa kusina" sabay tumingin kay Leina "Pwede ba tayong mag-usap nak, tayong dalawa lang"
"O-Opo" napatingin naman si Leina kay Matt
"Ahm, sige po Tita, pupunta na po ako sa kusina" ani ni Matt at saka tumalikod, naiwan naman ang mag-ina sa sala, naupo sila sa sofa
"Leina, masaya ka ba anak?"
"Opo Mama" naluluhang ani ni Leina "Mahal ko po si Matt" hinawakan ni Aling Linda sa kamay ang anak
"Anak, hindi ko tinotolerate ang hindi mo pag-uwi kasama si Matt, pero sana anak alam mo ang pinapasok mo, alam kong mahal mo siya, pero sana intindihin mo rin ang sarili mo"
"Naiintindihan kita Mama, mahal rin ako ni Matt"
"Sana lang hindi ka niya saktan anak, dahil ako mismo ang makakalaban niya"
Yumakap si Leina sa ina "I love you Mama"
"Mahal na mahal kita anak"
Maya maya ay nakapagluto na si Matt, halos 6pm pa lang nun, nagluto siya ng chicken cordon bleu at mushroom soup, nagsaing naman si Aling Linda
"Sana magustuhan ni Tita ang luto ko" ani ni Matt kay Leina habang magkatabi sila sa sofa, hinawakan naman ni Leina sa kamay si Matt
"Magugustuhan niya yun, magaling magluto ang mahal ko eh"
"Pangako Mahal, lagi kitang ipagluluto, kayo ni Tita" ani ni Matt, sinandal naman ni Leina at ulo sa balikat ni Matt
"Thank you Mahal"
"May reward ako mamaya ah"
"Kiss?"
"Dapat lang" ani ni Matt, bigla naman siyang hinalikan ni Leina sa pisngi
"Ang tipid, sa cheek lang?" natatawang bulong ni Matt
"San mo gusto?" ganting bulong ni Leina
Ngumuso si Matt "Dito"
"Mamaya na yan, baka palpak naman ang luto mo"
"Ay sobra ka Mahal, cooked with love yun noh" natatawang sagot ni Matt pero pabulong pa rin
"I love you"
"I love you too"
"Alam mo akala ko hindi ko na maririnig yan sayo, yung sasabihin mo na mahal mo ako"
Hinarap ni Matt si Leina sa kanya at hinaplos sa pisngi "Mahal kita, lagi mong tatandaan yun, siguro nararamdaman ko na talaga yun pero natatakot akong umamin, may takot kasi ako dito" sabay turo sa puso
"Bakit?"
"Dahil siguro sa sakit na naranasan ko kay Ria"
"Naalala mo pa rin siya?"
"Aaminin ko na oo, ayokong magsinungaling sayo, dahil until now napakalaking tanong pa rin sa akin kung bakit nangyari sa amin yun, at ayokong maranasan ulit yun, gusto kong malaman kung ano ba ang naging mali ko"
"Totoo bang dapat magpopropose ka na kay Ria nuon?"
"Oo totoo yun, actually nakapagpropose na nga ako, tapos nag-No siya at nakipagbreak siya sa akin"
Napayuko si Leina, medyo nahurt siya dun, ibig sabihin ganun talaga kamahal ni Matt si Ria "Di bale Mahal, andito naman na ko"
"Salamat dahil dumating ka sa buhay ko"
"Okay na ang sinaing" ani ni Aling Linda mula sa kusina
"Mahal, tutulungan ko lang si Mama maghain, wait lang ah" ani ni Leina at saka tumayo na, ang totoo these past few days ay hindi na masyadong naaalala ni Matt si Ria, pero andun pa rin talaga ang tanong niya, unti unti nakakalimutan na niya si Ria dahil kay Leina.
Maya maya ay magkakaharap na sila sa dining, tinikman ni Aling Linda ang luto ni Matt, halos hindi naman makakain ang dalawa dahil inaabangan nila ang reaksyon ng ina ni Leina
"Hmm, bakit ayaw niyo kumain?" ani ni Aling Linda "Ang sarap ng pagkain o"
"T-Talaga po Tita?" ani ni Matt
"Oo masarap, magaling ka pala magluto Matt ah"
Napangiti naman si Matt "Salamat po"
"O kain na kayo"
"Opo" at kumain na nga ang dalawa, masaya sila dahil nagustuhan ni Aling Linda ang luto ni Matt, pagkatapos kumain at makapagpahinga ng kaunti ay pauwi na si Matt, si Aling Linda naman ay maagang nagsara ng tindahan dahil aattend pa ito ng HOA meeting
"Mahal aalis na ako ah" ani ni Matt, nakatayo na sila malapit sa may pinto
"Sige Mahal, mag-iingat ka" ani ni Leina, hinapit naman siya sa bewang ni Matt at hinalikan sa labi, inikot naman ni Leina ang braso sa may leeg nito, pinisil naman ang pisngi ng pwet ni Leina
"Sexy ng Mahal ko"
"Hmm, totoo?"
"Oo kaya naloloko si Kaloy sayo, mabubugbog ko yun, wag siyang magkakamali"
"Ako na ang umiiwas sa kanya, totoo nga ata ang sinasabi mo"
"Bakit?"
"Naalala mo nung nasalubong natin siya? Niyaya niya akong kumain sa labas, sabi ko may lakad ako, sasamahan niya raw ako, sabi ko may kasama na ako"
"Salbahe yun ah, di bale, hindi ka na mayayaya kahit kailan"
"Wag mo nang intindihin yun, ikaw naman ang mahal ko, mas gusto ko na ikaw ang kasama"
"Ako rin" lalo naman niyang pinisil ang pwet ni Leina at idinikit niya lalo ang katawan dito
"Mahal, ang Johnny mo nararamdaman ko"
"Paano mo nalaman ang pangalan niya?"
"Naalala mo nung lasing ka, kinuha ko ang susi mo sa kotse sa bulsa mo, tinamaan ko yan, hindi ko naman sinasadya, sabi mo ikaw ah, pati si Johnny, basta ganun"
"Mahal, ikaw ah" nakangiting ani ni Matt
"Uy grabe ka" natatawang ani ni Leina
Niyakap naman ng mahigpit ni Matt si Leina at hinalikan sa leeg, gumanti rin ng mahigpit na yakap si Leina dito "Parang ayokong umuwi, gusto ko kasama kita"
"Kung pwede nga lang"
"Hays sige na uuwi na talaga ako, tayong dalawa lang dito, baka kung ano ang magawa ko sayo" ani ni Matt at humiwalay na sila ng yakap sa isat isa
"Ingat ka" ani ni Leina, hinalikan ulit siya ni Matt sa labi
"Isara mo maigi ang pinto, ilock mo okay?"
"Opo"
"Ako na ang lalabas, basta isara mo"
"Itext mo ako pag uwi mo okay lang?"
"Yes Mahal, simula ngayon yun na ang gagawin ko"
Ngumiti si Leina "Thank you, ingat ka Mahal ko"
"I love you Mahal ko"
"I love you too" ani ni Leina, at tuluyan nang lumabas sa pinto si Matt at sumakay na ng kotse, isinara naman na ni Leina ang pinto, may sarili namang susi ang Mama niya.