Episode 9

1070 Words
Pagkaakyat nila sa room ay nag ayos na si Matt, pagkatapos niyang mag ayos ay si Leina naman, paglabas ni Leina sa banyo ay bihis na siya, nakabili sila ng pantulog na cotton dress sa baba, actually para itong oversize tshirt kay Leina, napatingin si Leina kay Matt na nakahiga sa kama habang nanonood ng tv "O, lika na" ani ni Matt "dito ka sa right side ko" "S-sige" ani ni Leina, lumapit siya kay Matt at tumabi dito "Natawagan mo na ang Mama mo?" "Tatawagan ko pa lang" kinuha niya ang phone niya at tinawagan ang ina "Hello Ma" "Hello nak, asan ka sobrang lakas ng ulan ah, ang Ate Bea mo andito, dito na matutulog at hindi makauwi" "Ma, hindi rin po kami makauwi, wala na po kaming madaanan" "Eh saan kayo?" "Sa hotel po" "Kasama mo si Matt?" "O-opo" Saglit na hindi nakakibo si Aling Linda "Nak, malaki ka na, alam mo na ang tama sa mali" "Opo Ma" "Sige bukas na tayo mag-usap, wala na rin naman akong magagawa, mag-iingat na lang kayo" "Opo Ma, ingat rin po kayo" sabay off ng phone "Anong sabi?" ani ni Matt "Nasa bahay yung pinsan ko, hindi na raw makauwi, dun na lang matutulog" "Ahh okay, alam niyang kasama mo ako?" "O-Oo" Tumango tango naman si Matt at muling tumingin sa tv, nahiga naman si Leina at maya maya ay nakatulog na siya, pinatay na ni Matt ang TV at nahiga saka humarap kay Leina na tulog na tulog na, hinaplos niya ito sa pisngi, maya maya ay dumilat ang mga mata nito "Bakit?" ani ni Leina "Wala naman, sige na matulog ka na" "Ikaw rin matulog ka na" ani ni Leina, tumango naman si Matt at pumikit na rin, kinabukasan ay mas lalo pang lumakas ang bagyo, parehas na silang gising, pagkagaling ni Leina sa banyo ay may pagkain na sa labas "Kain na tayo Leina, nagparoom service na lang ako" "Sige" "Hmm, mukhang masarap noh?" nakangiting ani ni Matt "Oo nga, mukha ngang masarap" ani ni Leina, ang inorder ni Matt ay breakfast platter, may kasama itong sausages, scrambled eggs, corned beef, spam, bacon at bread, nag order din siya ng coffee at juice, nagsimula na silang kumain "Lalo pa atang lumakas ang ulan" ani ni Matt "Oo nga eh, paano kaya tayo makakauwi nito" "Wala tayong magagawa, kesa sumugod tayo baka mas mapahamak pa tayo" "Oo nga, tama ka naman" Pagkatapos kumain ay nanood sila ng tv, talagang maraming bahang lugar at landslides sa maraming lugar "Leina, grabe ang daming baha noh?" "Oo nga eh" ani ni Leina habang nakaupo sa gilid ng kama, nilapitan siya ni Matt at tinabihan, hinapit siya nito sa may bewang at hinaplos sa pisngi "Okay ka lang?" "Oo naman" sagot naman ni Leina, unti unting nilapit ni Matt ang labi sa labi ni Leina at hinalikan ito, gumanti naman ng halik si Leina, unti unting inihiga ni Matt si Leina at umibabaw dito "Matt" "Leina" at muli niyang hinalikan si Leina at niyakap pa ito, bumaba ang halik niya sa may leeg nito, unti unti niyang itinaas ang pantulog nito hanggang sa tuluyang nahubad, bumangon siya para hubarin ang tshirt na suot niya at bumalik sa ibabaw ni Leina at muli itong hinalikan sa labi, kusa namang tumaas ang kamay ni Leina para haplusin ang pisngi ni Matt, bumaba ang halik ni Matt sa leeg niya "I love you Matt" tinitigan ni Matt si Leina "I love you too" Tumulo ang luha ni Leina "Mahal mo ako?" "Yes, I love you" ani ni Matt at hinaplos ang pisngi ni Leina at nangyari na nga ang dapat mangyari sa pagitan nilang dalawa, nakatulog si Leina habang nakaunan sa dibdib ni Matt, si Matt naman ay gising at nag-iisip, hindi niya alam kung paano nangyari, pero unti unting napapamahal si Leina sa kanya, hindi pa ito kasing tindi ng pagmamahal niya kay Ria pero alam niyang may nararamdaman na siya para kay Leina, niyakap niya ang babaeng tulog sa dibdib niya, maya maya ay nakatulog na rin siya, halos alas dose na nang magising ulit sila, bumangon si Leina para magbanyo, nakita pa ni Matt ang bahid ng dugo sa bedsheet, virgin si Leina, siya ang nakauna dito, maya maya ay lumabas na si Leina at tumingin kay Matt "Why?" tanong ni Matt, umiling naman si Leina, tumayo si Matt at nilapitan si Leina, niyakap niya ito ng mahigpit at hinalikan sa pisngi "Gutom na ang Mahal ko?" bulong nito kay Leina "Medyo" "Sige magpaparoom service ulit ako, magpahinga ka muna Mahal" sabay hawak sa magkabilang pisngi ni Leina "Mahal?" "Oo simula ngayon, yun na ang itatawag ko sayo, Mahal ko" "Mahal ko" nakangiting ani ni Leina, ramdam na ramdam niya ang pagmamahal niya kay Matt, sobrang mahal niya ang lalaki, dumating na ang pagkain nila at kumain na sila "Next week na pala ang outing natin" ani ni Matt "Oo nga eh, kukulitin nanaman ako ni Sir Carlo" Hinawakan ni Matt ang kamay ni Leina "Pag may ginawa siya sasabihin mo sa akin ha?" "Anong gagawin niya?" "Crush ka nun noh" "Ikaw talaga, para kang nagseselos" "May karapatan naman akong magselos ah" "Nagseselos ka nga?" "Oo" Ngumiti si Leina "Mahal mo na nga siguro ako" "Mahal kita" Napatingin si Leina kay Matt "Mahal rin kita" niyakap siya ni Matt at hinalikan sa pisngi "Bilisan mo na Mahal ko, magpahinga ulit tayo" sabay kindat, napangiti naman si Leina Kinagabihan ay tinawagan ni Aling Linda si Leina "Anak, kamusta kayo?" "Ma, andito pa kami sa hotel, wala pa rin po kaming madaanan" "Oo nga, ang Ate Bea mo andito pa rin" "Buti po nga po may kasama kayo dyan" "Kamusta naman kayo?" "Okay naman po" "Naka ilang round kayo?" "Ma, ang bad mo" natatawang ani ni Leina "Wag mo akong lokohin Heleina, sige na, bye" "Bye po" at inoff na niya ang phone "Mahal ko" ani ni Matt habang nakahiga siya sa kama "Lika na dito sa tabi ko" "Ayoko" nakangiting ani ni Leina "Hala siya, ikikiss kita" "Hmm, pag lumapit ako ikikiss mo pa rin ako?" "Hindi lang kiss Mahal ko" ani ni Matt, lumapit naman si Leina sa kanya at saka yumakap, hinalikan naman sa noo ni Matt si Leina "Arti arti Mahal ah" "Kiss mo na ako" sabay nguso, natawa naman si Matt saka hinalikan si Leina sa labi "I love you Mahal ko" "I love you too Mahal ko"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD