bc

Can I Catch Your Heart

book_age18+
5.9K
FOLLOW
23.4K
READ
others
possessive
boss
billionairess
drama
comedy
sweet
serious
sassy
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Dahil gipit na gipit si Emma hindi nya alam kung saan sila kukuha ng 100k na halagang pera sa loob ng sampung araw.

Kung hindi nila ito mabayaran ay mawawala sa kanila ang bahay na pinaka-iingatan ng kanilang yumaong ina.

Bigla niyang naalala ang billionaire na si Nathan Jones lalaking na nakilala niya sa Qatar Airport isang buwan na ang nakalipas.

Naglakas loob siya na tawagan ang binata.

Dahil  wala na siyang ibang choice kundi siya lang ang pwedeng tumulong at malutas sa problema nila.

Nathan Jones 33 years old, multi-billionaire kilalang tao halos nasa kanya na ang lahat, pinapantasya ng mga kababaihan ika nga walang tapon ang taglay nitong karisma.

Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni Emma sa loob ng pamamahay ng isang Multi Billionaire?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Umaga na pala, kailangan ko ng bumangon para maihanda ko ng almusal ang alaga ko. Bakit ba kasi nakikipag-chikahan pa ako sa hatinggabi sa makulit na kaibigan ko. "Haist, buhay nga naman oh," ang sabi ko na lang sa aking sarili. Agad akong bumangon at nagmamadaling tumungo ako ng toilet para makapag-shower na. Bago kasi ako magsisimula sa aking trabaho ginagawa ko muna ang as usual morning routine ko. Sit-ups sa umaga, at may happy face na akong isalubong sa mga amo ko, lalong-lalo na sa alaga ko. "Good morning Emma, are you ready?" "Yeah I'm ready." "So, let's start our day!" Everyday same routine, kausap ko ang sarili sa harap ng salamin at nag-fe-feeling maganda na naman ako. Bago lumabas sa aking kwarto ay nagse-send muna ako ng messages sa kapatid ako at kinumusta ang lagay nila ng aking Ina. "Bhea, kamusta si Nanay? Okay lang ba s'ya? Nainom na ba niya ang mga gamot niya? Aalagaan n'yo ng mabuti si Nanay ha!" Sunod-sunod na tanong at paalala ko sa mga kapatid ang laman ng mensahe na pinadala ko. Dumeretso agad ako sa kusina para makapaghanda na ng breakfast ng mga amo ko. Habang naghahanda ako ng almusal ay nagkakape na ako. Pinakagusto ko sa umaga ang kape na walang asukal. Nasanay na kasi ako sa ganitong trabaho araw-araw. Bago ako mag-almusal ay naka-ready na ang lahat para sa mga amo ko. Ganito talaga kapag kasambahay sila lagi ang priority ko. "Good morning Emma," bati ni James. "Good morning too," I said. "How's your sleep?" tanong ko. "I slept well," nakangiti na sagot nito sa akin. That's good," sabi ko habang matamis ang ngiti sa labi ko. "In a while your breakfast is ready," saad ko dito. "Thank you Emma!" sagot nito na tumango sa akin. You're welcome my dear," ganito kami mag-usap ng alaga ko. Nakakatuwa na sa kabila ng pagkakaiba namin ng lahi at stado ng buhay ay naging mabait ito sa akin. Habang naghahanda ako ng breakfast para sa alaga ko ay napapangiti ako. Sabik na sabik na kasi akong umuwi ng Pilipinas lalo na at tapos na ang dalawang taong kontrata ko. Sa wakas makakasama ko na ang aking ina. Maa-alagaan ko na siya personally kapag nakauwi ako. "Your breakfast is ready, enjoy your meal," sabi ko sabay salin ng tubig sa basong kaharap nito. "You know Emma, I'm gonna miss you here," malambing na sabi ni James. "Me too, but I have to leave. My mom needs me," I said. "I know Emma, but when you're in the Philippines please call me. Don't forget that," ang sabi ng alaga ko. Dala ng emosyon ay namuo ang butil-butil na luha sa mga mata ko at unti-unting na ngang tumulo sa pisngi ko. "I will James. If I'm not busy, I'm going to call you," malungkot na sagot ko. Pagkatapos mag-usap namin ng alaga ko ay sinabayan ko na siya ng almusal. Ito kasi ang gusto ng alaga ko ang sabay kaming kumain na dalawa. Nakasanayan na kasi nito ang ganitong set up. Sa dalawang taon ko dito sa Beirut ay hindi ako nahihirapan dahil mabait ang mga naging amo ko. Canadian ang mga employers ko at madali silang pakisamahan tanging kalaban ko nga lang dito ay homesick. Tuwing linggo ay may-day off ako, kahit sa araw ng sabado ay pinapalabas din ako ng mga amo ko. Masaya ako na naiintindihan ng mga ito ang sitwasyon ko sa buhay. Biglang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko. Nang tingnan ko ang screen ng cellphone na hawak ko ay nakita ko kaagad ang pangalan ng kaibigan ko. "Hello, Liza, napatawag ka?" sabi ko. "Bakit? Bawal na bang tawagan ang maganda na kaibigan ko ngayon?" she said. "Loka ka talaga," natatawa na sabi ko. Tumawa lang ang kaibigan ko sa kabilang linya ng marinig ang sinabi ko. Natatawa ako dahil kilala ko kasi itong pasaway na kaibigan ko kung paano ako asarin. "Girl, sunday na bukas saan tayo gagala?" tanong nito. "Malalaman natin bukas kapag nagkita na tayo," sagot ko. "Mas mabuti pang magpahinga na tayo, it's time to get beauty rest na noh. Para bukas fresh na ang mga mukha natin," natatawa na sabi ko. Matapos na magkasundo kami ay agad din kaming nagpaalam sa isa't-isa. "Bye! See you tomorrow," sabay na namin ibinaba ang tawag. Si liza ang mabait na kaibigan ko, siya ang nalalapitan ko tuwing nagigipit ako at may malaking problema sa buhay ko at sa iba pang kalokohan namin, naging matalik na kami na magkaibigan. Kinabukasan ay madaling araw pa lang ng tumunog na ang cellphone ko. Nagtataka man ako kung bakit kay aga-aga ay tumatawag na ang kapatid ko ay mabilis na sinagot ko ang tawag nito. "Hello! A-ate, si nanay, nahihirapan siyang huminga. Dadalhin na namin s'ya sa hospital," mabilis na sabi nito ng sagutin ko ang tawag. Ipinaalam nito ang kondisyon ng aking ina na labis na ikinabahala ko. Panay ang dasal ko sana hindi kritikal ang buhay ng aking ina. Matapos 'yun ay hindi ako mapakali pagkatapos sabihin ng kapatid ko na sinugod nila sa hospital ang nanay ko. Makalipas ang ilang oras ay tinatawagan ko na ang dalawang kapatid ko. Abot-abot ang kaba ko dahil walang sumasagot sa kanila. Kinakabahan ako kung ano na kaya ang nangyari sa ina namin? Sa kakaisip ko sa kanila ay matinding takot at kaba ang nararamdaman ko. Hindi na talaga ako magpalagay. Umupo ako sa kama ko at nag-inhale, exhale para mabawasan ang nerbyos na nararamdaman ko ngayon. Pilit na kinakalma ko ang sarili ko ng maya-maya pa ay nag-ring na ang cellphone ko. Mabilis na sinagot ko ang tawag ng kapatid ko dahil alam ko na hindi ito basta tatawag na lang ulit ng walang dahilan dahil mahal ang overseas call lalo na at long distance ang tawag nito "Hello Anne, anong balita kumusta si nanay?" Bungad na tanong ko sa aking kapatid. Nanginginig ang buong katawan ko habang nagtatanong sa aking kapatid. Hindi man ako mapakali at nanlalamig man ang buong katawan ko ay pilit ko parin na pinapa-sigla ang boses ko ng sa ganun ay hindi rin mag-alala ang mga kapatid ko sa akin lalo na at malayo ako sa kanila. "Ate, okay na s'ya sabi ng doctor, napagod lang daw ang katawan ni nanay. Sa awa ng panginoon ay nasa maayos na ang lagay n'ya at huwag ka ng mag-alala ate," sabi ng mahal kong kapatid. "Paano ako hindi mag-alala, eh nandito ako sa malayo at hindi ko s'ya nakakasama o nakikita man lang," malungkot na sagot ko. Matapos sabihin ng aking kapatid na maayos na ang lagay ng aking ina ay gumaan na din ang pakiramdam ko. "Thank you God," nakahinga ng maluwag na sabi ko. "Anne, balitaan mo ako ng tungkol kay nanay, ha? Kahit anuman ang mangyayari d'yan sa n'yo ipaalam mo kaagad sa akin," bilin ko dito. "Opo ate, mas maigi po na matulog ka na ulit. Huwag kang mag-alala ate okay na si nanay, ito nga at mahimbing na natutulog." Matapos marinig 'yun ay gumaan ang pakiramdam ko. Hindi nagtagal ng ibaba ko ang tawag ng aking kapatid ay pinilit ko na makatulog dahil may trabaho pa ako kinabukasan pero hindi na ulit ako dinalaw ng antok. Nawala na talaga ang antok ko kaya heto madaling araw na ay dilat pa ang mga mata ko. Dahil sa hindi na nga ako makatulog ulit ay tinitigan ko na lang ang mga litrato naming magkakapatid kasama ang aming ina. Habang tinitingnan ko ang mga litrato namin ay panay naman ang masaganang tulo ng luha sa pisngi ko. Dala ng matinding emosyon na lumusob sa akin ay niyakap ko ang litrato ni nanay at kinakausap ko ito. "Malapit na akong umuwi Nanay. Makakasama ko na po kayo," sabi ko sa habang nakatingin sa larawang hawak ko. "Nay, magpapagaling po kayo ha. Magpalakas din po kayo, uuwi na po ako sa katapusan," marahang sabi ko. Habang kinakausap ko ang litrato ng nanay ko ay hindi ko namalayan na nakatulogan ko na pala ang pag-iyak. Mabuti na lang at wala akong trabaho bukas. Paggising ko ay agad na binuksan ko ang cellphone ko dahil alam ko na may mga mensahe ang dalawang kapatid ko. As expected, meron nga. "Ate, mamaya pwede na naming ilabas si nanay at ang sabi ng doctor ay sa bahay na siya magpapahinga," sabi nito sa text. "Thank God, nasa maayos na kondisyon na si nanay," nagpapasalamat na sabi ko sa sarili ko. "Okay, 'wag n'yo ng pagudin si Nanay ha at huwag na 'wag n'yo s'yang bigyan ng stress," habilin ko sa kapatid na ka-chat ko "Opo ate," mabilis na sagot naman nito. "Kung free time n'yo at pwede ng kausapin si Nanay ay tawagan mo ako. Gustong-gusto ko na talagang nakausap ang inay," sabi ko sa kapatid ko. "Oo ate, mamaya tatawagan ka namin tulog pa kasi s'ya," paliwanag nito. "Okay," reply ni anne Matapos 'yun ay naligo ako agad after ng chatting namin ng kapatid ko. Malaki ang pasasalamat ko sa panginoon dahil sa pinakinggan niya ang dasal namin. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin dito kung may masamang mangyayari sa nanay ko. Lumabas na ako sa silid ko at dumeretso ako sa kusina. Nakita ko ang amo kong babae na nagkakape. "Good morning madam," magalang na bati ko rito. "Good morning too Emma, There's something wrong? Tell me?" tanong nito sa akin. "Yes Madam, my mom , they took them to the hospital last night. She's feeling better now," magalang na sagot ko. "That's good to hear Emma, hopefully she will be fine. By the way, tomorrow, I'm going to book you a ticket. Don't be sad, okay?" sabi nito. "As soon as possible, you can go back to the Philippines so you can see your family," sabi ng mabait na madam ko. "Thank you Madam," ang tanging sagot ko sa kanya dahil excited ako matapos na marinig ko ang tinuran nito. "My pleasure Emma. So, are you going out today?" she asked me. "Yes madam," sagot ko. "Have fun and enjoy. Don't think too much, yeah?" nakangiti na sabi nito sa akin. "I will, thank you madam," sagot ko sabay ngiti pabalik dito. "You're welcome Emma." Ganun kami ng amo ko, parang kapamilya na din ang turing nila sa akin. Marami rin silang naitulong sa akin. Kung hindi lang sila babalik ng Canada ang mga ito ay plano ko pa sana na bumalik dito. Maya-maya ay nag-ring ang phone ko as expected alam ko na kung sino na naman ang makulit na ito. "Hello, Emma, san ka na ba bruha ka?" matinis ang boses na tanong nito. "On the way na. Naghihintay pa ko ng taxi," sagot ko. "Bakit ba atat na atat ka d'yan? May ibabalita ka ba sa'kin?" tanong ko sa kaibigan ko. "Oo meron," mabilis na sagot nito. "Siguraduhin mo lang na maganda 'yan ha, kung hindi ayokong makinig sa sasabihin mo," kunwari masungit na sabi ko. "Oo naman maganda ang balita ko kaya bilisan mo na diyan," ani nito sa'kin "Bruha ka talaga. Anong akala mo sa akin may sarili akong sasakyan dito? Sige na nandito na ang taxi see you then bye," sabi ko. Binaba ko agad ang tawag at baka saan pa mapunta ang usapan naming dalawa may pagka-madaldal pa naman ang kaibigan ko na ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook