Chapter 5

1802 Words
Chapter 5 EMMA'S POV Kinuha ko ang cellphone ko at dinayal ko ang ang numero na nakasulat sa calling card. Nang e-dial ko nag-ring pero walang sumasagot sa tawag ko, hanggang sa natapos na ang ringing. Dinayal ko ulit wala pa rin hanggang sa ini-off ko ang tawag ko. "Ano ate, walang sumasagot sa tawag mo?" tanong sa akin ng kapatid ko at nilagay ko sa mesa ang cellphone ko. "Mamaya susubukan kung tawagan baka may sasagot sa tawag ko o baka busy 'yung tao. Kaya 'di niya nasasagot ang tawag ko," saad ko sa kapatid ko may tinitingnan siya sa kanyang laptop na binili ko sa kan'ya sa Beirut. "Ate halika tingnan mo at basahin mo ang mga nakasulat dito. Nathan Jones is thirty three years old multi-billionaire, one of the famous Foreign International Investment and businessmen all over the world." Napanganga nalang ako sa mga information na nakasulat tungkol sa kan'ya dahil napakayaman pala niya. Bumalik ako sa upuan ko at kinuha ko ang cellphone ko sinusubukan ko siyang tawagan. Baka sakali na sagutin nito ang tawag ko. Maya-maya ay nag-ring narin ang numero na dinayal ako napangiti ako dahil 'di ako nagkamali na nag-ring ang cellphone niya. "Hello." sagot ng lalaki sa akin sa linya. "Hello. May I speak to Mr.Nathan Jones please," sabi ko sa linya at walang sumagot. Hinihintay ang sagot ay walang sumasagot nag-hello ako wala pa rin na nagsasalita pero bukas naman line nito. "Ahhh, ohhhh…… F**k ahhh sige pa ang sarap bilisan mo pa oohhh." Ang naririnig ko sa linya at kung anu-anong ungol at sigaw ng babae sa nasasarap sa ungol sa linya. Hindi naman akong ganun ka inosente na 'di ko 'yon naintindihan ang naririnig ko at nangyayari. Pinatay ko ang cellphone ko baka ano pa ang marinig ko ulit sa linya. Pakiramdam ko nanginginig ang buong katawan ko at pinapawisan ako ng malagkit. Tumayo ako at kumuha ako ng isang basong malamig na tubig sa pitser at ininom ko agad dahil nag-iinit ang katawan ko na hindi ko maintindihan ang sarili ko. "Ate ano ba ang nangyayari sa'yo at natataranta ka? Nakausap mo ba ang milyonaryong si Nathan," tanong sa'kin ng kapatid ko at tinaasan ko siya ng kilay dahil alam ko na ugali ng kapatid ko. Pagdating sa kapa-sawayan ay magaling siya. "Nag-uumpisa ka na naman d'yan Anne, pwede tigilan mo ako sa mga kalokohan mo," saway ko sa kapatid ko at iniwan ko ito at pumasok ako sa aking kwarto feeling ko kasi naiinis ako ng walang dahilan. Napabuntong hininga ako, kung tatawagan ko ba siya ulit. Dahil 'di ko alam saan kami kukuha ng one hundred thousand sa loob ng sampung araw siya lang ang pag-asa ko. Siya lang ang makakatulong sakin. Dahil ayaw namin na mawala ang bahay namin, dito kami lumaki maraming masayang nangyari sa amin bahay na ito, mga alaala ng mahal naming ina kaya kailangan kung makausap si sir Nathan. Kahit anong hirap namin at kapus ay hindi pinabayaan ng nanay namin ang bahay na ito. Dito niya kami itinaguyod. Kahit walang-wala kami nagsikap pa rin ang Nanay namin na ipaayos ang bahay na ito. Kaya gagawa ako ng paraan na hindi ito makuha ng banko kahit magmamakaawa sa milyonaryong si Nathan ay gagawin ko, para tanggapin niya ulit ako sa dati niyang alok sa akin. Hindi ko na namamalayan unti-unti na pala tumutulo ang mga luha ko sa aking pisngi. Kapag naaalala ko ang mga karanasan namin sa bahay na ito ay naiiyak ako. Kahit mahirap ay gagawin ko ayokong mawala lang ng basta-basta sa amin ang bahay na 'to. Dahil lagi ito binabanggit ng mahal naming ina na lalo pa namin pagandahin ito kahit maliit lang ang bahay namin na ito ay napakahalaga nito samin. Biglang nag-ring ang cellphone ko ng makita ko sa screen ang pangalan ng tumatawag ang pangalan ni Nathan ang nasa screen napatayo ako agad sa excited. Sinagot ko ng dahan-dahan ang cellphone ko. "Hello," sagot ko na medyo ne-ne-nervous ang tono ng boses ko. Hindi kasi ako mapakali na nag-call back siya sa akin. "Hello." Sagot niya sa akin na pakiramdam ko gusto niyang marinig ang sasabihin ko. Narinig ko ang kanyang buntong-hininga nito bigla lumakas ang kaba ng dibdib ko. "Hello sir, did you still remember me? Ako po yung babaeng inalok n'yo po sa Qatar Airport, isang buwan na po ang nakalipas." Paliwanag ko sa kan'ya sa linya at wala akong paligoy-ligoy na nagsasalita. Na medyo kinakabahan ako sa mga sasabihin ko sa kan'ya, hindi ko hinintay na siya ang unang magsalita. Maya-maya ay nagsalita din siya sa linya medyo kinakabahan ako sa mga sasabihin niya sa akin. "Paano kita maalala kahit pangalan mo hindi ko alam," sagot niya sa akin medyo may pagka-isnabero ang boses niya. "Ano ba kasi ang ini-expect ko na kilala paba ako? Pero impossible naman na makakalimutan niya agad 'yun." Sabi ng isip ko. Umupo ako ng maayos para makausap ko siyang mabuti. Dahil tono palang ng pananalita niya ay nanayo na ang mga balahibo ko. Kumuha ako ng lakas kung ano ba at paano ko sasabihin ang gusto kung sabihin sa kan'ya. "Hello, you're still there," his manly voice. "Ano ba Emma magsalita huwag kang nerbyosin d'yan," sabi ng aking isip sa sarili ko. Nagsalita ulit ang binata sa linya nagsalita rin ako baka maudlot pa ang gusto ko na muli niya akong tanggapin. "Hello sir, ganito po kasi 'yun," nauutal kung boses habang kinakausap ko siya. Naglakas loob ako na nagpakilala ng maayos sa kan'ya at gagamitin ko ang paawang-effect moves ko ngayon bahala na si batman. "Sir ako po si Emma, yung dating inaalok po n'yo ng limang million piso isang buwan na po ang nakalipas. Tumawag po ako sa inyo na baka sakali na hanggang ngayon po ay hindi pa rin po nagbago ang isip n'yo," sabi ko sa kan'ya na hinihintay ko ang sagot nito sa'kin. "It's better we talk in person Emma, hindi dito sa telepono mas maganda kung personalan tayong mag-usap. Sabihin mo kung saan tayo na pwedeng magkita at mag-usap," wika nito parang galit ang tono ng kanyang boses para bang mapasunod niya ako sa mga gusto niyang sabihin. "Sir, nasa probinsya po ako ngayon. Dito po ako nakatira kung gusto n'yo po luluwas ako ng Manila kung tinatanggap n'yo na po ako." I said. Ewan ko bakit ko nasabi sa kan'ya na tanggap ako, nag-e-expect lang siguro ako na matanggap dahil nangangailangan talaga kami ng malaking halaga sa ngayon kung hindi lang nangangailangan ako ng malaking halaga 'di ako magsalita ng ganito sa ibang tao. "Just give me your complete address ako na pupunta sa'yo d'yan sa probinsya n'yo," hindi ko agad nasagot ang sinasabi niya sa'kin dahil siya mismo ang pupunta dito sa amin. "Po, kayo po ang pupunta rito sa'kin sa probinsya?" magalang at gulat na tanong ko sa kan'ya medyo nene-nervous ako. "Yes, just send me what I say to you and we will talk about that. Ms. Emma, I have to hang up the call and I will call you later," he said. "Bye." sabi ko at binaba ko ang cellphone sa aking tenga. Pagkatapos namin mag-usap ay nakahinga ako ng maluwag hindi kasi ako nakakapagsalita ng maayos ng marinig ko baritone niyang boses. Ewan ko ba para bang gusto ko siyang makita. The way he talked kagalang-galang na tao ito mahahalata mo sa kanyang pananalita na hindi siyang ordinary na tao lang. Nanayo ang mga maliliit kung balahibo paano na kung nasa harapan ko na siya siguro mapapanganga nanaman ako tulad ng unang kita ko pa lang sa kan'ya. Nang ma-e-send ko na sa kan'ya ang kumpletong address ko ay lumabas ako sa aking kwarto masaya ako na lumabas pangiti-ngiti pa ako. Lumapit ako sa kapatid ko nakaupo na nanonood ng palabas sa telebisyon. "Ate parang masaya ka ah, anong meron?" Tiningnan ko lang ang kapatid ko na busy sa pinapanood nito na K-drama. Hawak-hawak ko pa rin ang cellphone ko hinihintay ko kasi ang reply sa akin ng gwapo na binata. Maya-maya tinitingnan ko kung nag-reply naba siya kahit na naka-full volume ringing naman ang phone ko. Hindi pa rin kasi ako mapalagay kung nakita ba niya ang mensahe na pinadala ko sa kan'ya. Tumunog ang cellphone na kita ko one message binuksan ko ito at binasa ko agad-agad ang nakasulat nakaramdam ako ng saya ng makita mula sa kanya ang message. Nathan: "Okay, see you, I will call you at the exact time when I'm there in your province." Me: "Okay po." "Yes, yes,yes!" sigaw ko ng mabasa ko at mensahe ni Mr. Pogi ay gwapong nilalang pala. At tinapunan ako ng unan ng kapatid ko na seryoso sa pinapanood nito na K-drama. Sa wakas masoso-solve ko na ang pambayad namin sa banko at 'di na kami makaalis dito. Mabuti na lang at naalala ko ang binata na tawagan at siya na mismo ang dadayo dito sa probinsya namin. "Ano kayang araw ang punta niya rito 'di naman niya ito sinabi sa mensahe niya. Iba talaga kapag mayaman ang bawat oras sa kanila may appointment," sabi ng isip ko. Naging kampante na ang isip ko dahil may solusyon na ako sa one hundred thousand pesos. Nagpapasalamat ako sa panginoon dahil hindi pinakinggan niya ang dasal namin. "Nanay gagawin ko ang lahat 'nay na hindi mawala sa amin ang bahay na 'to. Ito ang pinaka-best na kayamanan at pamana na iniwan mo sa amin," sabi ko sa sarili ko. Gumaan ang pakiramdam ko dahil akala ko tuluyan ng mawala sa amin ang bahay namin. Iisipin ko na lang ang pagkikita namin ng binata. "Siguro ate ang laki ng bahay ni si Nathan? Akalain mo ate makakasama mo siya sa isang bahay. Balita ko napaka-gwapo raw niya." Sabi ng kapatid ko. "Saan mo naman nalaman na gwapo yung tao, hindi mo pa nga siya nakita?" tanong ko sa kanya. Dahil na totoo naman na gwapo siya. Lalo yung kulay hazel nut niyang mata nakaka emmm kapag tumitig. "Kung ako lang ate ang nasa sitwasyon mo kahit labandera lang ako sa bahay ni Nathan ay tatanggapin ko." pinakinggan ko lang ang mga pinagsasabi ng kapatid ko dahil alam ko na kung anu-ano naman ang nasa isip nito. "Ikaw, Anne kung anu-ano ang nasa isip mo. Mag-concentrate ka na lang d'yan sa ginagawa mo. Mamaya kailangan mo akong tulungan gumawa ng chocolate cookies." Tumango lang siya sa akin. Pumunta ako sa kusina para ma-prepare ko ang mga gamit sa paggawa ng cookies. Order kasi sa akin para sa birthday sa anak ng kapit bahay namin. Habang inihanda ko ang mga gamit sa sa kusina na kailangan ko sa pag-bake ay napapangiti ako mag-isa. Para bang nasasabik akong makita si Nathan ay si sir Nathan pala. Kung maka Nathan ako sa kanya ay parang matagal ko na siyang kilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD