Chapter 7
Emma's POV
"Kainis bakit kasi biglang sumusulpot ng walang pasabi. Akala ko bago siya pupunta ay tatawag muna siya o mag-send man lang ng message." kausap ko ang sarili ko sa inis.
"Ikaw kasi-self bakit sando lang ang suot mo nakakahiya tuloy," padabog kung sabi sa sarili ko." Agad akong nagpalit ng damit sinuot ko ang jeans skirt ko na hanggang tuhod ang haba nito at puting t-shirt ang pang itaas ko.
Paglabas ko sa aking kwarto hinanap ng mata ko kung nasaan na si Nathan dahil wala na siya roon sa kinauupuan niya. Tinungo ko ang kusina namin pero wala siya roon. Lumabas ako sa likod ng bahay namin nakita ko siyang nagsisibak ng kahoy at pawis na pawis siya. Pinagmamasdan ko muna siya sa ginagawa niya. Kahit na pawis na pawis lalo siyang gumo-gwapo. Ang mga butil-butil ng pawis niya sa mukha na tumutulo ang kay gandang pagmasdan. Nilapitan ko siya para pigilan sa ginagawa niya dahil hindi na babagay sa kanya ang magsibak ng kahoy.
"Sir, bakit n'yo ginagawa yan, itigil mo ang pagsisibak ng kahoy hindi mo dapat yan ginawa," sabi ko sa kan'ya na tuloy pa rin siya sa ginagawa nito. Honestly natatawa ako dahil sa ginawa niya. Ang gwapo niyang tingnan kahit pawis na pawis ito napaka-hot niyang tingnan yummy as in.
Kahit anong pigil ko sa kan'ya ayaw pa rin makinig. Bakit kasi sa daming araw at oras ngayon pa kami naubusan ng gas. Mabuti na lang walang nag-order sakin ng cake or cookies. Nagbe-bake kasi ako para pandagdag sa pambayad namin sa banko.
"Sir, pasok na po kayo tila uulan baka magkasakit pa kayo at maging kasalanan ko pa. Please naman po, itigil mo ang pagsisibak ng kahoy," pagmamakaawa na sabi ko sa kan'ya at sa wakas binaba ang hawak na kahoy at pangsibak.
"Sinong may sabi sa'yo na magsibak ng kahoy? Baka masugatan pa ang kamay mo at masira. Pumasok na po kayo sa loob." utos ko sa kanya para pumasok." Tumikhim muna siya bago niya ako sinagot.
"Nakita ko kasi si Anne sa labas na nahihirapan magsibak at at ako ang kusang gumawa sa ginawa niya." baritono na boses niya sa paliwanag niya sa akin at titig siya sa akin pakiramdam ko nanghihina ang tuhod ko. In a while biglang tumunog ang kanyang cellphone at sinagot niya ito. Tinalikuran niya ako at pumasok siya sa loob ng bahay at pumasok din ako.
"Hello, Bob," narinig ko na sabi niya sa linya at tinawag niya ako at inutusan na turn on ang television. Kinuha niya sa akin ang remote control at nilagay niya sa news channel ito. Nakita ko na ulit na sinagot niya ang kanyang cellphone.
"Okay, Bob bukas nalang tayong babalik ng Maynila ng maaga kung bukas pa titigil ang malakas na bagyong darating," lumingon siya sa akin at binaba ang tawag sa linya.
Pag-upo niya biglang umuugong ng napakalas at kasabay ng malakas na hangin at ulan. Dahil kahapon binalita na may bagyong Sisang signal number one ngayon. Umangat ang mukha niya at pinaupo ako at umupo rin ako sa kabilang upuan.
"Emma, I'm here to talk to you and you know the reasons why I'm here now," he said to me.
Tanging tango lang ako. Dahil I will excepted na ito talaga ang pakay niya sa akin. Wala siyang paligoy-ligoy na sinabi ang lahat niyang sabihin sa akin tungkol sa sinabi niya dati nang nasa Qatar Airport kami.
"Matagal ka ng hinahanap ng anak ko Emma at pagbalik ko ng Manila isasama na kita pag-uwe," nagulat ako sa sinabi niya sa akin.
"Hindi pa rin nagbabago ang ang inalok ko sa'yo na limang milyon," hindi ko agad siya nasagot sa sinasabi niya sa akin.
Tumayo ako at patingin-tingin ako sa kan'ya. "Sir, napakalaking halaga po niyan at hindi ko po yan matatanggap. Sahuran nyo nalang po ako ng tama na sahod," wika ko sa kan'ya.
"Pero kung pwede po ba may hihingin lang po ako sa inyo, na kung pwede mo makahiram muna ako sa inyo ng one hundred thousand pesos. Ibabayad ko lang po sa banko. Dahil kung hindi po namin mabayaran sa loob ng sampung araw ay mawawala at kukunin nila sa amin ang bahay namin." Tumulo bigla ang luha ko sa sinabi ko sa kan'ya.
Kung 'di lang bahay namin kukunin ng banko hindi ako maglakas loob na sasabihin na humiram ako sa kan'ya ng malaking halaga. Nakakakilala ko pa lang sa kanya. Kakapalan ko na ako ng mukha ko bahala na ang mangyari makapal na kung makapal ang mukha ko. Nang makita niyang unti-unting pumapatak ang luha ko lumapit at umupo siya sa tabi ko.
"Why are you crying? Please don't cry?" lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang likod ko. Hindi ko na kasi mapigilan maiyak dahilan kapag hindi namin mabayaran ang banko ay mawawala ang bahay na ito sa amin.
"Don't worry, ako na ang bahala sa bankong nautangan n'yo. Bukas na bukas din ay papa-kausap ko sa abogado ko," nginitian niya ako at pinatahan. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil siya din ang nakaligtas sa problema namin sa banko.
"Maraming salamat po sir Nathan, hulog po talaga kayo ng langit. Sisiguraduhin ko po na aayusin ko ang pag-aalaga kay Ethan." naiiyak ako habang nagpapasalamat at seryosong ngumiti sa akin.
Nagpaalam ako sa kanya para maghanda ng tanghalian namin dahil mag-aala-ona na hindi ko pa naluto ang sinaing ng kapatid ko na parang bula na biglang nawala kanina dito lang siya.
Kinuha ko ang kahoy na sinibak niya kanina sa labas at ginawa kong panggatong ito. Natatawa ako mag-isa dahil bakit niya naisip na magsibak ng kahoy kayayaman niyang tao nagsisibak ito. Ang swerte talaga ng maging asawa niya dahil helpful and generous at hindi maarte.
"Emma. Do you need help? he said. Nagulat ako sa bigla niyang pagsulpot bsa likod ko.
"No, thank you sir." sabi ko sa kanya.
Ang gwapo talaga niya lalo na kapag nakangiti siya. Nakakamatay ang killer smile niya. So perfect talaga lalo na kung tumitig siya oh sh*t makalaglag panty as in. Lumalandi na naman ang isip ko napapangiti ako, while I'm thinking of him.
Pumasok ako sa kusina para magluto ng makain namin. Dahil nagugutom na ako. I'm sure siya rin binuksan ko ang fridge at may natirang macaroni salad na gawa ko kagabi. Kinuha ko 'yon at bibigyan ko siya nito habang 'di pa ako nakapag luto. Kumuha ako ng small bowl at nilagyan ko ng macaroni salad. Pinuntahan ko siya sa living room at binigay ko sa kanya ang hawak ko na macaroni salad.
Biglang nag-ring ang phone ko at sinagot ko agad dahil ang kapatid ko na si Anne ang nasa linya. Tinanong ko saan naman siya na lupalop napadpad dahil bigla nalang ito nawala kanina sa bahay.
"Ate ang lakas ng ulan 'di ako makakauwe ngayon. Dito muna ako matutulog kila ate Bhea," bigla ako nakasimangot sa sabi ng kapatid ko at sumang-ayon din ako dahil napakalakas talaga ng ulan at binaba ko ang tawag pagkatapos namin mag-usap.
Bumalik ako sa kusina at pinainit ko ang ulam dahil naluto na ang kanin. Pagkatapos kong painitin ang ulam tinawag ko siya para makakain na kami late na talaga ang lunch namin.
Umupo siya sa harap nagkasakibong ang mata namin nahiya ako at yumuko ako. Nakita ko na hawak ang serving spoon at kusa siyang sumandok ng kanin at ulam tinitignan niya ang ulam. I know na hindi siya familiar sa ulam dahil ulam pang mahirap ang ulam namin ginataang kalabasa na may dried shrimp.
"Sir, kung hindi mo gusto ang ulam ipagluto kita ng iba," sabi ko sa kanya at tumikhim lang siya sa akin.
"It's okay masarap nga eh. This is my some pinoy fave food na gusto ko," tiningnan ko siya habang kumakain napapangiti ako akala ko 'di siya kumakain ng ganitong ulam, but I was wrong.
Pagkatapos namin kumain niligpit ko ang pinagkainan namin. Gusto sana niya akong tulungan pero di ko siya pinayagan pa.
"Sir, Nathan kung gusto nyo pong magpahinga sabihin nyo lang po. Sa kwarto ko po kayo magpahinga. Hanggang ngayon hindi pa kayo nakapag pahinga ng maayos mula ng dumating kayo. Tapos nag sibak pa kayo ng kahoy nakakahiya tuloy sayo." Sabi ko sa kan'ya na parang nagsesermun ako ng bata.
"Emma ilang taon kana?" tanong niya sa akin medyo nagbila sa pagtatanong niya sa akin ng edad ko.
"Twenty five po sir," sagot ko sa tanong niya at tumango ito sa akin. Hindi ko nalang pinasin bakit niya ako tinanong bigla sa edad ko baka bata ang tingin nito ok lang tawagin niya akong bata basta in English na baby. Natatawa ako sa mga unexpected na nangyari sa araw na ito
"Sir, Nathan kung gusto n'yo po maghinga sabihin nyo lang sa akin para mahatid ko kayo sa kwarto na matutuluyan mo at saka gumagabi na rin." I said.
"Thank you, Emma," he said as I smiled at him.
Binuksan ko sa kanya ang television baka naboboring ito ang tahimik kasi niya bihira lang magsalita.
"Ano kaya ang maging buhay ko sa sa bahay niya sa susunod na na mga araw," bulong ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa kanya.
Nagpaalam ako sa kanya para mag impake ng mga gamit na dadalhin ko bukas. Dahil I'm pretty sure na need ko na talaga sumama sa kanya.
"Isang taon lang naman ang napag-usapan namin, na kaya ko nga ang two years contract ko sa Lebanon. Isang taon pa kaya at pwede pa akong dalawin ng mga kapatid ko or ako ang dadalaw sa kanila dito," sabi ng isip ko while I'm preparing sa mga gamit ko na dadalhin ko bukas.
Pagkatapos kung ayusin ang mga gamit ko tinawagan ko ang kapatid ko na si Bhea. Sinabi ko sa kan'ya na luluwas ako ng Maynila bukas. Naiintindihan naman niya gusto man nilang puntahan ako sa bahay kaso ang lakas ng ulan at ng hangin. Bukas na lang ng maaga sila pupunta dito.
Lumabas ako sa kwarto ko sinilip ko ang binata na nakasandal ang kamay niya sa itaas ng couch mukhang inaantok ito. Nilapitan ko siya at niyaya na magpahinga agad naman siyang pumayag tumayo siya at hinatid ko siya sa silid na matutulogan niya. Muntik na niya maibundol ang ulo niya sa sa taas ng pintuan ng kwarto ko. Ang tangkad kasi niyang lalaki feeling ko para akong lagam kapag katabi niya akong nakatayo.
Ang bango talaga amoy na amoy ko ang masculine scent niya. Nakakaadik sa ilong ang kanyang pabango. Tinanong ko siya kung may kailangan siya katukin lang niya sa kabilang pinto at nagpaalam din ako sa kanya at dumeretso ako sa silid ng Nanay ko.
Pagkahiga ko sa kama biglang nag-brownout. "Napaka bad day naman kanina naubusan kami ng gas ngayon walang kuryente," inis kong sabi at binuksan ko ang flashlight ng cellphone ko.
Pumunta ako sa kusina at naghanap ng kandila mabuti na lang at may kandila. Pagsindi ko ng posporo bigla kumidlat ng malakas napasigaw ako sa gulat at bigla kong nabitawan ang hawak ko na kandila. Sa gulat ko natakbo ko ang sa sarili kong kwarto nakalimutan ko na may tao pala sa silid ko.
Pagpasok ko biglang bumalik ang kuryente pagbukas ng mata ko ang lalaking walang damit pang itaas. "Sh*t pandesal!" sigaw ko na nakabuka ang bibig mo at nanlaki ang mga mata ko sa mala adonis na katawan ang nasa harapan ko binilang ng isip ko kung ilang pack siya. He has a six pack.
"Emma. Are you okay? tanong nito sa akin na 'di ko pa rin ako nakakapagsalita.
"Hey," saway niya sa akin hawak-hawak niya ang dalawang balikat ko. Parang hindi ko siya naririnig.
"Emma!" sigaw ulit niya sa akin, na napaawang ang labi ko.
"A- ano po 'yun?" nauutal na tanong ko.
binitawan niya ang balikat ko at parang timang pa rin akong nakatingin sa kanya. Nakita ko na ngumiti siya ng palihim. Biglang bumalik ang ulirat ko ng umongong ng malakas.
"Kanina kapa na parang estatwa d'yan, buti na lang nagising ka sa kakatitig sa akin don't tell me na gusto mong pagnasaan ang abs ko," sakristong sabi niya sa akin. May pagka bolero rin pala siya. Nagpaalam ako sa kanya at lumabas din ako agad.