Chapter 34 Emma's POV Ngayon ang araw ng punta namin sa mansyon ng pamilyang Jones. Nagdadalawang isip ako kung sasama ba ako o hindi. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan medyo okay na ang pisngi ko lalagyan ko lang ng concealer para hindi mahalata. Hindi rin pumasok sa school si Ethan nakita ko siyang naglalaro ng XBox sa living room. Sinilip ko siya na masayang naglalaro. Si Nathan lang hihintayin namin dahil sa mansyon kami kakain ng tanghalian. Naka ilang beses din akong tawagan ni manang Norma kung anong oras kaming aalis ng unit ni Nathan dahil sabik na sabik na raw ang mag-asawang Jones makita ang kanilang apo. Dumating ang mga magulang ni Nathan sa mansyon alas-otso ng umaga. Hindi na sila sinundo ni Nathan sa airport ayaw ng magulang ni Nathan dahil napakaaga at ayaw din nila m

