“konting tiis nalang Amira kaya mo yan” paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko dahil finals na naming ngayon, konting tiis nalang at bakasyon na. isang taon nalang ay graduate na ako at residency na ang kasunod.
“We can do this self” yan kaagad ang lumalabas sa aking bibig habang naglalakad papunta sa parking ng condo ko, I decided to get a condo when I was in my 2nd year of being a college student. Hassle kasi ang mga pagbyahe papunta ng bahay kung meron namang condo na malapit nalang sa UP Manila.
Hinanap ko na kaagad ang sasakyan ko para makapasok na at para narin matapos na kagad ang mga pasanin ko sa buhay, pagkapasok ko ng kotse ko bigla namang nagring ang aking telepono.
“Gaia where are you right now?” Pabulong na tanong sakin ni Noah, ano nanaman kayang ginawa nito at sa akin nanaman ang takbo. For almost 3 years of being his friend talagang consistent siyang pasakitin ang ulo hanggang sa maging doctor kami. Palagi nalang sa akin tumatakbo kapag na agrabyado o nang agrabyado.
“what do you need Noah? For heaven’s sake what did you do this time?” iritado kong tanong
“I didn’t do anything, I was just asking where are you right now” sabi nito na halata mong tumatawa na
“well paalis na sana ako ng bigla kang tumawag, why are you whispering kanina?”
“Oh sorry for that, dumaan kasi ako sa faculty and I don’t want to caught their attention kaya ako bumubulong” So bakit nga ba kami nag-uusap parang di kami magkikita mamaya ah
“Okay, why are you bothering me Noah? I am driving!” sigaw ko dito nang muntik ko nang mabangga ang pusa na nakaharang sa daan.
“Magpapabili lang sana ako ng eggdesal sa mcdo tsaka coffee narin hehe, kalimutan ko kasi kanina” Kung di na agrabyado nang iistorbo naman. Jusko kawawa magiging jowa ng taong to
“So tinawaga mo lang ako para utusan? Alam mo Noah naiimagine ko palang yung hirap na pinagdaanan ni tita Elizabeth sayo naawa nalang ako. Gosh bat kasi ikaw pa ang nauna sa paligsahan ng mga sperm?” talak ko sa kaniya, wala narin naman na akong magagawa andito na rin ako sa drive through ng Mcdo, hindi pa naman ako late kaya may panahon pa para bumili ng para sa kaniya at para sa akin. Tutal nagpasabay naman siya ng ganito siya nalang din ang pagbabayarin ko ng pagkain ko para naman makabawi.
“Hey Noah, you’re also paying for my breakfast. Kung ayaw mo then di kita ibibili ng eggdesal mo. So say yes darling” Tamang blackmail lang
“Desisyon amp, Ga eggdesal at coffee lang ang pinapabili ko ha baka naman ang orderin mo para sayo eh may kasamang happy meal. Babalik talaga kita sa tyan ng mama mo subukan mo!” pabantang sabi nito sa akin, I couldn’t help but laugh at my friend. Talagang kung anong binigay mo ay ibabalik niya rin sayo, hindi ko pa ata ito nakitang magalit sa akin ng sobra.
Konting lambing lamang sa kaniya ay okay na kaagad kami, we never had that tension in between us pero I would say na bet ko siya nong 1st-year palang kami.
“Si Alexine ba walang ipapabili? Sagot mo narin sa kaniya ha?” biro ko sa kaniya dahilan ng pag hagalpak ko ng tawa habang naghihintay.
“No, Alexine’s not with me kaya hindi Ga hindi ko sagot ang pagkain niya” Alexine is also our friend, I don’t know where she is right now pero hula ko ay nagparty nanaman kagabi at panay ang tadtad ng text sa akin nong tulog na ako.
“Okay, I’m next in line wait for me there nalang so sabay na tayo makapasok sa room after natin kumain” sabi ko habang pinapaandar ang kotse
“Fine then, Take care love” Malanding sabi nito, akala mo talaga ay hindi rin kagaya kong pogi din ang hanap.
Pagkatapos kong makuha ang order na para sa amin ni Noah ay tumulak na ako papunta ng school upang makapag take na ng mga exams naming for today. Sana hindi mag buffer yung utak ko kapag nasa akin na ang papel na sasagutan.
Standing straight in his white uniform with his glasses and his hands around his pockets aakalain mong hinihintay niya ang girlfriend niya para sabay na silang pumasok ngunit ako lamang pala.
Noah has this aura that will make you feel uncomfortable when you're standing next to him, sabayan pa ng titig nito na minsan ay tagos hanggang buto. He looks so good in our white uniform, I couldn’t help but stare, grabe ang dating ng isang to ako nga lang na kaibigan ay hindi na mapigilang I appreciate ang kagwapuhan niya pano pa kaya ang mga ibang estudyante na naglalakad at nadadaanan siya.
“Grabe delivery po” Hampas ko sa kaniya ng paper bag na naglalaman ng pagkain naming habang hawak ko naman ang aming mga drinks
“You know, you could’ve just given it to me in a polite way Ga” Lapit nito sa akin na akala mo ay hahalik na
“You know what dimwit? Next time don’t call me so early in the morning just so I could buy you some food because you have forgotten it, asshole” pabiro kong sabi dahil alam kong gustong gusto niya na nagsasagutan kami.
“Well next time na kailangan mo na ang tulong ko, hindi ako magrereklamo at bagkus ay susunod na lamang sa iyo, is that what you want to happen Ga?” Hindi naman ata halatang gutom siya dahil umupo nalang siya para simulant nang kainin ang pagkain niya. This man, akala mo bata pa.
“As if tatawagan kita, by the way where’s Chris. Di ko siya Nakita kahapon ah” Isa pa tong si Chris na minsan ay di mo nalang alam kung saan mo nga ba siya dapat hanapin, nawawala nanaman. Alam ng finals na ngayon eh.
“Just call him, you don’t need to ask me Ga” supladong sabi nito sa akin, bilis magbago ng mood huh.
“My bad, I’m so sorry where’s my common sense nga naman, bwiset” Minsan talaga hindi ko maintindihan kung kaya ba niyang sumagot na tumpak sa tanong ko.
I dialed Chris’s number to ask where the hell is he like what Noah said.
“Where are you Moron? Finals na di parin kita nakikita. Ano self-proclaimed bakasyon ka?” pagalit kong tanong dito dahil hula ko ay may bago nanaman itong nabitag dahil mukang nag party din ito kagabi
“Gosh Gaia concern ka pala sa akin? I didn’t know that ngayon lang, wag mo sabihing nagugustuhan mo na ako” Napaka feeling din talaga ng mokong na to, kung makapagsalita akala mo eh ubod ng gwapo.
“Excuse me, I don’t like you, and excuse you you’re not gwapo. Alam mo, pumasok ka nalang” hindi ko alam kung may makakausap pa ba akong matino sa mga taong ito, halatang wala na sa wisyo ang mga utak at gusto nang makaranas ng “bakasyon”.
Sino ba naman ang hindi maeexcite na magbakasyon na kung nasa medical ang course mo, though meron parin namang mga pagbabasa na kailangang gawin dahil hindi pwedeng matengga ang utak mo at ang kaalaman mo, pero at least we wouldn’t be paranoid when we want to stay up all night.
Di ko na kailangan isipin kung paano baa ko gigising kinabukasan lalo na if you have a 7 am classs and major pa. Vacation is a quick escape, 2 months tops of enjoying your youth and then after that, you’re back in hell.
Nakarating na kami sa class naming na siyang una ring kailangan mag take ng final exam, wish me luck.
“Gaia where the hell is Chris and Alexine? Konti na lang at dadating na ang prof natin pero hello, I don’t see them at their chair” Halatang naiirita na si Noah sa dalawa, hinala ko ay magkasama ang dalawang yon kagabi at baka mayroon pang milagrong nangyare.
“I already texted them both, if my gut feeling is right I bet they’re together right now, u wanna bet?” tanong ko sa kaibigan kong busy kumain ng kaniyang eggdesal, irita na pero kain parin.
“Alam mo Gaia, the moment na sinabi mong, if my gut feeling is right alam ko nang talo ako dyan sa bet na gagawin mo. Your gut feeling is and will always be right Love, kailan ka ba nagkamali kapag ganyan na ang nararamdaman mo, well actually halos lahat naman ng mga babae kapag may gut feeling na sila madalas tama” I agree with Noah, totoo ngang minsan ay tama ang mga gut feeling ko, maswerte nalang ako at minsan ay pinipili ko nalang ding pakinggan ang gut feeling ko. Some girls tend to ignore their gut feeling because maybe somehow, they’re afraid that their gut feeling is wrong but I hope they do listen to it because we never know right?
“Alas, they arrived!” Malakas na sabi ni Noah, sabay bato ng papel kay Alexine dahil sabay silang pumasok ni Chris ng classroom at maganda ang ngiti. Mukhang naka score na to kay Chris ah.
“San kayo galling mga tukmol? Bakit magkasama kayo? Ano mga bading wag niyo sabihin sakin na magkasama kayo hanggang gabi kagabi” umirap na lamang ako dahil duh hindi pa ba obvious?
“Noah alam mo parang nawalan ka ng utak nong kumain ka ng pagkain mo, Isn’t it obvious?” irap ko sa kanilang tatlo
“Ano naman kung magkasama kami kagabi, it’s what lonely people do, hangout with their friends, party with them or u know make some memorable nights with them” Malisyosong sagot ni Chris sa amin sabay tingin sakin at kumindat. God! This guy di na nandidiri pati kaibigan naming tinuhog na
“Alexine? Do I need to snap some senses in you? Mukhang napasobra ata ang alog mo sa ulo mo kagabi at nabaliktad” Sabi ko dahil hindi ko ba alam sa babaeng to bakit kay Chris pa.
Magsasalita pa sana ako nang bigla nang dumating ang proof namin kaya tinikom ko nalang ang bibig ko at nagsimula nalang na magscan ulit ng reviewer na ginawa ko at inaral ko kagabi. Unlike other people I study.
“those of you who are already done answering you can now leave this class, good luck to your other final exams” Sabi ng amin Prof, pagkasabi niya ay agad na akong tumayo sa aking upuan at lumabas na, sumunod naman si Alexine pagtapos ay si Noah huli ay si, Chris.
“If you guys are wondering kung nag-aral ba ako yes, yes I studied okay? You don’t have to worry and no, it’s not awkward at all, Chris and I Agreed that what happens between us will stay in between us, so no need to act like you’re all concerned because clearly, you both look like you’re not. AT ALL!” pinanlakihan kami ng mata ni Alexine at nauna nang maglakad sa amin.
Okay, I’m sorry if I looked like I’m judging her whole existence, di ko lang magets bakit kay Chris pa. It’s not my problem naman eh bahala na silang dalawa dyan, basta hindi masira ang tropahan okay lang.
Natapos ang buong maghapon naming na tila ba galling kami sa isang gyera, well totoo naman this time our weapon is our brain, kailangan talagang paganahin kung gusto mong makapag take ng vacation at hindi mag summer class. So far masasabi kong nakasurvive naman ako, sana lang ay walang bagsak sa mga exams ko. Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kagad ako para makapag review pa bukas, isang araw nalang at tapos na ang kalbaryo ko, isang araw nalang din ang natitira ay birthday na ni Noah which means party nanaman.
“Hi Honey, how were your finals?” Yan agad ang bungad sa akin ng aking Lola mommy, asan ba sila mom at dad at bakit andito si Lola Mommy
“Ayos naman po,medyo na challenge lang pero I did great. Where’s mom and dad? Lola Mommy?” I asked, kailangan ko na makahanap ng palusot para makaalis na sa harapan ng Lola ko.
“They have something to take care of, nabanggit sa akin ng Mommy mo na Finals mo na ngayon. I want you to have a nice grade ha kapag naglabas na ng mga results, You have to bring honor to this Family Hija, wag ka gumaya sa tito Jake mo jusko!” Here we go again, Ito ang pinaka ayaw ko kapag andito ang Lola. Talagang ma pe-pressure ka sa mga sinasabi niya, I don’t like it when someone pushes me to do something lalo na kapag ganyan, I know my capabilities at kahit hindi mo sabihin sa akin ay gagawin ko din naman. I don’t want to be pressured just like tito Jake. Ayoko ito ang maging kasiraan ko, ang pressure ng mga taong nasa paligid ko lalo na galing sa mga taong mahal ko.
“Honey we’ll eat outside for dinner is it alright? Tell Josh to come home early, bukas pa ata ang dating nila Marisa. I also have something to show you” tumango nalang ako at umakyat na, I informed my brother to come home and please be presentable lalo na at si lola ang kaharap namin ngayong gabi.
After taking a rest and reviewing the things that I need to study, decided to shower and prepare, malipas ang ilang oras ay bumaba na ako para makaalis na. Saktong pagbaba ko ay andon na rin ang kapatid ko
“Let’s go now, Take your own car okay magkita nalang tayo doon” Mabuti naman at hindi ko makakasama ang lola sa byahe, mahirap na.
“Ate, sumabay ka nalang sa akin para hindi ka na mahirapan mag drive, you should bring your reviewers or books para makapag basa-basa ka naman kahit onti” Swerte nalang din talaga ako sa kapatid ko dahil sa napaka bait na maalalahanin pa
“Yeah right, I’ll just get my things then alis na tayo” Pumasok na kagad ako sa bahay para makuha na ang mga gamit ko, after getting my books lumabas na kaagad ako
“You know hindi naman sa nagiging masama akong Apo pero sometimes I hate it when lola controls everything” Biglang sabi ng kapatid ko, mukang pati siya ay pine pressure ng lola
“Is there something wrong Josh? Anong sinabi sayo ni Lola?” Yun kaagad ang naging tanong ko, kinakabahan na baka pati ang kapatid ko ay nadadamay sa mga pakulong pag compare at pag pe-pressure sa mga tao sa paligid niya. She thinks that by doing that she would bring out the best in other people but clearly she’s wrong, she makes other people miserable by her comments that are not important and is clearly not needed.
“No nothing’s wrong Ate, I’m fine” Silip niya sa akin bago niya hininto ang kotse, sinyales na andito na kami sa isang Italian restaurant na sinabi ni Lola.
“Are you sure? Nothing’s bothering you Josh? Just say it wag ka mahiya sakin please?” I said bago ko binuksan ang pintuan
“No Clem, just chill” For so many years he called me Clem again, why is that?
“Gaia, someone’s joining us tonight is it alright darling?” Lola asked, as if pwede pa akong makahindi.
“Sure po, it’s fine” Si Joshua na ang sumagot para sa akin
Pagkaupo ko sa aking upuan ay saktong pagdating ng isang matangkad na lalaki, dressed in an all-black attire, from his coat to his boots. It’s like may inatendan siyang burol. Just kidding.
Matangos ang ilong, may nakakapukaw na mga mata, at mga labing akala mo ay kasing kulay ng mansanas ang agad na nakakuha ng aking atensyon. With his hair fixed in a cool way and a rolex on his wrists, I could say na hindi basta-basta ang isang ito. Nagkasalubong ang aming mga mata bago tumayo si Lola para batiin siya.
“Iho it’s nice to see you again, I’m so glad you agreed to go on a dinner with us tonight” Sabi ng lola ko habang nakikipag beso sa lalaking nasa harapan naming.
“It’s nice to see you too Ma’am” bati niya sa Lola, deep voice I see.
“Oh please just call me Lola, by the way this is my Grandchildren Gaia and Phaxton” Joshua preferred to be called Phaxton kapag pinapakilala or kapag hindi niya close ang mga tao.
“Aiden Pheonix Vergara” Paglalahad niya ng kaniyang kamay
“Hi, Gaia” I shortly said “Gaia lang? wala na kasunod?” he mockingly asked me “Gaia Clementine Alvaro” wala pa man din ramdam kong walang magandang gagawin to sa buhay
“Joshua Phaxton man” Pagpapakilala ng kapatid ko “Aiden, nice to meet you” sabi niya sabay tingin sakin
“So, I heard you’re my future wife” Kindat niya sakin bago umikot para paupoin ako.
WHAT THE ACTUAL FCK DID HE JUST SAID? FUTURE WIFE?