Epilogue
How do you mend a broken heart? Paano ka nga ba babangon sa isang pag-ibig na kung saan siya ang naging tahanan at mundo mo. How do you pick up pieces of a broken heart, and how are you going to heal from it? Paano ka nga ba ulit makakaalis sa kadiliman kung ang tanging makapag aalis lang sayo dito ay wala narin sa tabi mo. Its funny how one day mahal ka pa niya kinabukasan ayaw na niya, how he can say I love you to you today and “I can’t do this anymore” tomorrow. Ganon na nga lang ba talaga kabilis ang pagmamahal ngayon? Na sa isang iglap, sa isang pikit pwede mo nang sabihing hindi mo na mahal ang isang tao?
Tinigil ko na ang pag-iisip ng mga bagay-bagay nang mag ring ang cellphone ko para sa isang di inaasahang tawag, saktong pagkalaglag ng wallet ko ay siyang pagsagot ko ng aking telepono.
“Doc, sorry to bother you today. I know you’re on your day off pero someone’s looking for you here inside your office she told me to call you because it’s an emergency at tanging ikaw lamang daw po ang alam niyang kayang makalutas nito”
Sa lahat ng araw na pwedeng tumawag bakit ngayon pa? alam kong isa ito sa mga bagay na dapat ng asahan kapag doctor ka pero hindi ba pwedeng sa ibang araw nalang, atsaka ang daming doctor sa loob ng ospital namin bakit sinasabi nitong ako lamang ang makakalutas sa problema niya? Ano ba ako Diyos?
Wala nalang akong nagawa kundi ang huminga nang malalim at nagsalita “Okay, tell her to wait for me. Malapit narin naman ako sa hospital so within 30 mins andyan na ako” I started collecting my things like my laptop, bag and also my books, I also grabbed my coffee so that I can drink this while I’m stuck in traffic or kung talagang emergency at kailangan kong ma stress nanaman kahit unang araw pa lamang to ng day off ko.
Trabahong doctor nga naman, after 20 minutes of driving and drinking coffee while I am stuck in traffic, I arrived peacefully but not happy in the hospital. I pressed the button that will lead me to my office at saktong magsasara na ang pinto ng may pang humarang dito, it was Dr. Lim ka batchmate ko siya sa college and luckily parehas kaming natanggap sa ospital na ito. Yun nga lang may pagka mayabang ang isang to, maybe because he knows he got some godlike features that would make any girls bow down to him or praise him.
Not me though, matagal na akong uta sa pagmumuka ng isang to. Aaminin ko, nagkaron ako ng crush sa kaniya nong 1st year palang kami pero natigil na agad nong Nakita kong mayabang at medyo may reputasyon sa eskwelahan naming. Yes you may have that fine ass looking face but do you also have a fine ass attitude? Basura ang mukha kung ang patapon.
“Goodmorning babsi” Nangingiti nitong bati sakin habang nakatingin sa kaniyang chart, hindi pa pala nag da-day off ang mokong na to. Don’t get me wrong, though as I’ve said earlier mayabang siya close naman kami kahit gaano, a little I guess pero sa isang to akala niya ata bespren niya ako.
“I thought day off mo ngayon Babsi, bakit andito ka nanaman? Miss mo na ba kagad ako?” sabay tingin niya sa akin pagtapos niyang tignan ang mga infos na nasa chart niya,
“Dr. lim let’s be professional here inside the hospital shall we? And no, hindi kita miss, sa katunayan nga eh uta nako sa pagmumuka mo” pagtapos ng sinabi ko ay saktong pagkabukas ng pintuan hudyat na andito na ako sa floor ng office ko.
“Babsi, I know it’s just a joke pero sana naman wag mong sasabihin ang ganyang mga salita sa aking nagmamagandang loob lamang na batiin ka” talagang hindi siya nakuntento at sinabayan niya pa ako sa paglalakad
Ngayon ko lang napansin na wala nga pala siyang pinindot na floor sa elevator nong sumakay siya, masyado akong busy na husgahan siya na di ko namamalayan ang ganong bagay.
“Look Chris, I have no time for this today, so can you just please leave me alone? Dapat ay day off ko ngayon pero andito ako at haharap nanaman sa isang pasyente dahil sabi niya ako lamang daw ang makakalutas nito. If you want to help me, the best solution is to leave me or just shut up” diretso kong sabi dahil talagang hindi maganda ang araw ko ngayon sabayan pa nitong doctor na ito.
“Chill babsi, umagang-umaga ang init na ng ulo mo. May kukuhanin lang din ako sa office mo and after that I’ll leave you alone” sabi nito at nauna nang buksan ang pinto ng opisina ko, maybe you are wondering how the heck do I get this privilege to have my own office or clinic inside the hospital, syempre pinaghirapan ko naman ang posisyon na ito but bukod diyan nagkataon lang na ninong ko ang may-ari ng ospital na ito at kasama sa board members ang aking mga magulang. I didn’t know that we have a fair share in this company not until I become an employee here.
Agad na bumungad sakin si Sheila na may ngiting akala mo ay Nakagawa ng kasalanan sa akin, she knows me really well huh? Alam niyang ayaw kong nag papapasok kaagad ng pasyente ng wala ako at base palang sa mga ngiti niya alam ko nang nagpumilit ang pasyenteng ito na makapasok sa opisina ko, is it really that urgent na you have to barge in without waiting for your doctor?
Damn, they’re getting in my nerves I really need to calm down before everything goes down hill.
“Sorry Doc. Nagpupumilit po talaga si Ma’am na pumasok dito wala na po akong magawa, baka po gumawa pa ng commotion sa corridor, eh may pasyente rin po si Doc. Leo” ramdam ko ang kaba niya habang nagsasalita, tumango na lamang ako at pumasok na sa opisina ko para maharap na ang babaeng ito, sino nga ba ito?
Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sakin si Catherine at tumakbo para sa isang mahigpit na yakap. I almost dropped my coffee but good thing mabilis na nasalo ng mokong at hindi natapon sa sahig, muntik ko na makalimutan na andito parin pala ito at mas nauna pang makapasok ng opisina ko kaysa sa akin.
“Hi, what are you doing here Cath? I thought nasa Singapore ka, did something happen?” gulat kong tanong dahil I was so shook na andito siya sa harapan ko ngayon.
“No, I’m on my vacation silly. Isang buwan akong magbabakasyon dito then after non guess what?” Pinakita niya sa akin ang palasingsingan niya, I cannot believe it, seeing this kind of ring makes me wanna cry.
“oh my f*****g God, you’re getting married, the f**k?” Sorry for the words pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko, part of me is happy because finally she found the man that will stay by her side and the other part of me is broken, na ganito rin sana ang kahahantungan ko noon but at the end all I have is my title, my degree and myself.
“I know right! I never thought na dadating ako sa puntong to, b***h nauna pa ako sayo!” She regretted saying that when she realized it.
“hey, it’s fine matagal na yon. What’s important is that you’re happy, you’re getting married and that you’re here” I said as I hugged her tightly. God I wish I can also experience this someday and I’ll make sure that totoo na yon”
“You know what tutal day off ka naman ngayon mag bar nalang tayo mamaya, drop mo muna ang pagiging doctor mo and celebrate with me. You down Chris?” lingon nito sa asungot na umiinom lamang ng coffee habang tinitignan kaming dalawa ni Cath.
“Yeah sure, tapos narin naman na ang shift ko so makakasama na ako sa inyo, babsi where’s your trashcan?” tanong nito na akala mo ay walang mata kung makapag tanong, doktor nga ba talaga ito?
“Use your eyes moron” hinila ko na ang kaibigan ko palabas upang makakain na muna kami at makapunta sa condo ko “Sheila, wala naman na tayong pasyente ngayon you can take your leave na din, make sure na nakasarado yung pintuan ng office ko abno ang magsasarado ng pinto baka di pa niya alam pano mag lock non. Thanks” I said, knowing maririnig ni Chris yon dahil hindi naman nagkakalayo ang desk ni Sofia sa pinto ko.
“what’s with you and Chris parang sobrang close niyo na ngayon ah?” patuyang tanong ng kaibigan ko habang naglalakad kami papuntang parking.
“Trust me, you need to have friends when you’re in the medical field Cath, Also Chris is there when I needed someone the most, so yeah you can say na we’re close and that for once he became my pillar” sinigurado ko munang wala ang mokong sa paligid para hindi niya marinig ang sinabi ko.
Yes, Chris became my pillar nong kailangan ko ng kaibigan at wala si Cath sa tabi ko. Siya ang umalalay sa akin lalo na nong hirap akong maka tapos ng isang sub, kamuntik-muntikan pang di makagraduate. He helped me a lot at kahit nong nagta-trabaho na kami ay nakaalalay parin siya sa akin. I can say that our friendship saved me, his arms saved me.
Saktong natapos akong mag-isip nang pipindutin ko na sana ang susi ng sasakyan ko upang bumukas ay may malakas na busina akong narinig, this time nabitawan ko na talaga ang kape ko. Damn it.
Pagkalingon ko sa kung sino ang taong walang habas na bumusina sa akin ay halos gumuho ang mundo ko, my hands started to shake, and my knees weaken. Hindi ko ata kayang makita ang taong ito ngayon. Not know, wag ngayon na unti-unti ko nang natatanggap ang mga bagay na nangyari sa akin, sa amin.
Nagtagal ang tingin niya sa akin bago niya ako inabutan ng panyo, f**k my pants! Puti pa naman ito. Tangina naman kasi bakit ngayon pa?
“I’m sorry for your coffee and to your trousers, be careful next time. Baka sa parking ka pa mamatay” This man and his words, mamatay? Sino ba naman kasi ang matinong tao na magpapatakbo ng mabilis sa loob ng parking lot?
“Sino ba kasing nagsabi na magpatakbo ka ng mabilis?” bulong ko.
“Sorry for that, may hinahabol lang ako. By the way nice meeting you beb, I mean {name}” walang reaksyon niyang sabi, akala mo ay hindi nagtagal ang panahon. Casual lang niyang binanggit ang pangalan ko at ang tawag niya sa akin noon, na parang hindi siya nakasakit, na parang hindi siya nang-iwan, na parang hindi niya ako iniwang wasak at luhaan.
Sanaol hinahabol.
Siya ang minsan ko nang naging tahanan at mundo, he broke my heart, crushed it and turned it into dust. Left me for someone else and turned me into the woman I am today.