FLAMES 07: Instruments

2591 Words
“Uuwi na agad tayo?” tanong ni Icy habang naglalakad kami. “Uwi lang walang tayo.” Schroeder responded to Icy. Galing kami sa hospital. Dinalaw namin ang lolo ng magpinsan pagkauwian galing sa school. Maaga kasi kaming pinauwi ngayon. Awa ng Diyos. Okay naman ang lagay ni Lolo Esteban. Within this week makakalabas na daw siya sabi ng Doctor. Since two weeks na rin siyang naka-confine. Mabuti na lang talaga at hindi ganoon ka-severe 'yung atakeng nangyari kay Lolo Esteban. Salamat sa Diyos. Kung hindi, siguradong hindi na makakangiti ngayon 'tong magpinsan na 'to ngayon. Tumingin si Schroeder sa wristwatch niya at inaya kaming kumain. “Kain lang walang tayo.” Bawi ni Icy. “Wala talagang tayo. Ikaw at ako ay magkaiba. Baboy ka, guwapo ako.” “Ay lakas ng hangin, banda rito sa pagmumukha mo.” “Ayos lang kahit mahangin, 'di ka madadala niyan. Mataba ka remember?” Inakbayan ako ni Schroeder. “Ikaw lang ang madadala.  'Di ba?” He chuckled. Kinurot ko siya sa tagiliran kaya napalayo siya sa'kin. Nananahimik ako dito, dinadamay pa ako. “Faren, pigilan mo'ko. Masasapak ko itong pinsan mo. Sinabi nang chubby lang ako, hindi mataba eh!” “Sige lang. Sapakin mo lang. Diyan nagkatuluyan lolo't lola namin. 'Di ba tol?” Nagulat ako ng tumango si Schroeder at sabihing 'oo nga'. Okay.  Did he just...agreed on his cousin?! Oh my God!! May umaandar na barko. “Crush mo nga si Icy?!” I asked, shocked. “Huh?” Napaisip siya, probably recalling what Faren had said. Nung maalala niya, napamura siya't sinuntok si Faren ng mahina sa braso. “Di ko type 'yan, ayo'ko sa baboy tol.” Napatili ako sa kilig. Hinampas ko agad sa braso si Icy. Pero imbes na dumaing sa lakas ng palo ko ay sinagot niya si Schroeder nang marinig niya ang sinabi nito. “Duh! Para namang gusto ko sa negrong tulad mo.” “Moreno ako, hindi n***o. Jestice Aicen, know the difference.” “Chubby ako, hindi baboy. Schroeder Reid, know the difference.” Icy mimicked him then rolled eyes at him. Inirapan rin siya ni Schroeder tapos ay sinuntok suntok sa balikat na parang punching bag. Kaya asar na asar si Icy. Napailing nalang ako. Kunwari pa 'tong si Schroeder eh mukha namang type niya nga talaga si Icy. Sinasabi niya lang na ayaw niya rito kasi wala dito ang traits na hinahanap niya sa babae. Psh. His actions tells the opposite naman. “Bakit ba ikinakaila niyo pa eh halata namang crush niyo ang isa't isa.” I suddenly asked. “Oo nga.” Faren agreed. They instantly looked at me, then they looked at each other afterwards. “ETO? CRUSH KO?! YUCK!” Turo nila sa isa't isa. See? They always are in sync. Bagay na bagay. Dahil sa reaksyon nila mas ginanahan akong asarin sila. Nasabi ko na bang lagi silang magkasama kapag aasarin ako? Ngayon ipaparanas ko sa kanila ang pakiramdam ng asarin at pagtulungan. Pinagtulungan namin ni Faren silang dalawa. Icy ft Schroeder versus Faren ft ako. Tapos ang busy sa pagseselpon na si Riley na naman ang magre-referee kapag nagkapikunan na kaming apat. Siya lang kasi 'yung matured sa'ming lahat. Though matured rin naman si Faren. Pero maloko kasi ito kaya kapag ganitong kalokohan, imbes na umawat. Makikisabay pa. “MAGSITAHIMIK KAYO MGA IMPAKTO!” “Sana all impakto.” Pinagtitinginan na kami ng ibang tao dahil sa sobrang ingay namin. Boses palang ni Icy maingay na paano pa kaya kapag nagsanib puwersa ang mga boses namin. “Kunwari galit pero kinikilig, sus Icy.” tukso ko sa kaniya. “Tigil tigilan niyo nga ako! Kingina niyo ah?!” “Sana all kingina.” sagot na naman ni Faren. Puta walang kuwenta naman 'to mang asar. 'Pag si Riley ang inaasar, ang galing galing. “Bakit niyo ba sa'kin shiniship 'yang kinginang 'yan. Ha? Bakit hindi kay Fritzey.” Namumula na ang mukha ni Icy. Hindi ko alam kung naiinis ba siya o kinikilig. Siguro kinikilig tapos kunwari naiinis. Para hindi siya mahalatang may gusto siya kay Schroeder. Ginawa ko na rin 'yon dati eh. Noong crush ko pa si Schroeder. Para lang hindi ako mabisto kunwari ayo'ko sa kaniya. Nako Icy. Been there, done that. “Ano'ng bakit hindi sa'kin, wala 'wag mo ipagtabuyan si Schroeder. Bad 'yun.” I said with matching iling iling. “Masasaktan ang bestfriend ko.” “Tumigil ka na nga ututin. Ingay mo.” “Hindi, tol. Umamin ka na tol para tumigil na si liit. Sabihin mo na kay Icy na crush mo siya.” I highly agreed on Faren. Para naman hindi na bitter bitteran 'tong si Icy kapag may nakikitang magjowa. Pero wait. What?! Aminin na crush si Icy? OMG! So nagbunga pala ang pagshiship namin ni Elle sa kanila since grade 10?! Naglilihim sa'kin si Schroeder. Hindi niya sinasabi sa'kin. Tampo na ako. Hmp! Umismid si Icy at tumingin kay Faren. “Gago, alam mong ang crush ni Schroeder ay si —” Mabilis na tinakpan ni Schroeder ang bibig niya. Kaya hindi niya na natapos ang sasabihin niya. Shit sino? Sayang natakpan agad ni Icy ang bibig ni Icy. “Gutom na 'to. Kain muna tayo—WTF!” Mabilis na inalis ni Schroeder ang kamay niya sa bibig ni Icy. Akala ko kinagat siya ni Icy kaya siya sumigaw 'yun pala dinuraan na siya sa palad. Bastos na Icy. “Baboy talaga ng baboy na 'to.” Schroeder tsked sabay tingin sa'kin. “Oh huwag mong ipapahid sa'kin 'yan. Sasapakin kita.” I showed him my cleched fists. Pinangunahan ko na agad siya. Napredict kong iyon ang gagawin niya eh. “Mas baboy ka tanga. Pinantakip mo sa bibig ko amoy t***d. Kakatapos mo lang 'ata magjakol kanina sa cr eh!” Namilog ang mata ko. Pinagtinginan kami ng mga tao ng dahil sa isinigaw ni Icy. Ponyawa. Tumawa ang ibang babae at ang mga matanda naman ay halatang hindi natuwa sa narinig. Dahil bumubulong sila kung saang school kami nag aaral. Sa AU po, eskuwelahan ng mga cute, maganda at guwapo. “Nakaamoy ka na? Para masabi mong ganito ang amoy ng t***d?” “Oo!” “Saan? Kaninong t***d?” Ahh! Nakakahiya! Bakit ba ipinagsisigawan pa nila yung salitang t***d piste. Riley is now probably ashamed. Nilingon ko siya at tama ang hinala ko. Dumistansya siya sa'min and acted as if hindi niya kami kilala o nakikita. “Sa ano...” “Ano? t***d mo?” “Gago, 'di ako nagfifinger!” “Weh? Duda ako.” “Tangina mo tigilan mo na nga ako Schroeder!” “Sinimulan mo tapos di mo tatapusin. 'Wag gano'n Icy. Masakit sa puson.” Patuloy lang sila sa pagsasagutan na para bang sila lang ang nakakarinig ng mga sinasabi nila. Sinasabi ko sainyo, ito ang dahilan kung bakit kami naging pasmado squad. Lahat kami pasmado ang bibig sa iba't ibang paraan at level. “Pinagtitinginan na tayo. Tumigil na kayo.” awat ni Faren. Mabuti naman at tumigil rin ang dalawa nang akbayan at hilahin ni Faren si Schroeder palayo. Kun'di baka magkainitan at magkalabasan ng t***d este baka magsuntukan pa ang dalawa. Sinundan namin sila hanggang sa makarating kami sa tindahang lagi naming kinakainan tuwing maaga ang uwian. Wtf, 'di ko namalayan. Nandito na pala kami malapit sa school. “Ano order niyo?” tanong ni Faren pag upo namin. Masarap 'yung cook, este yung luto ng cook dito kaya naging suki na kami. “Ramen parin.” Excited naming sagot ni Icy. “Pares.” Riley replied while her eyes is still fixated on her cellphone. “Pares? Wala ka namang ka-pares.” Biro ni Faren. Okay, mukhang sila naman ang magkaka asaran. Tumingin ng masama sa kaniya si Riley. “O, joke lang. Stay single.” Halakhak ni Faren sabay walkout papunta sa counter. Hay nako. Magpinsan nga sila ni Schroeder. Parehong napakagaling mambuwiset. “Gurl, paabot nga ng toothpick. Magtitinga muna ako habang naghihintay.” Icy joked. Iniabot ko sa kaniya ang lalagyan ng toothpick. While waiting sa order namin, kinuwentuhan ko nalang siya tungkol kay Schroeder. Oo, inilalakad ko na ang bestfriend ko. Baka kasi hindi marunong manligaw ang shampoo na 'yon. Ang tagal ng single wala manlang nagiging jowa. Malapit ko na tuloy isiping bakla o bisexual 'yon at natatakot lang aminin. After a minute, dumating na rin ang magpinsan dala ang mga order namin. “Ramen, for a fat and plat lady.” Parehong nagsalubong ang kilay namin ni Icy sa sinabi ni Schroeder. “Gusto mong ibuhos ko sa mukha mo ang sabaw niyang mami mo?” Icy rolled her eyes. “Joke lang. Wait, ulitin ko. Ramen...” He stopped and smiled. “...para sa mga babaeng takot umamin na may gusto sila sa'kin.” Puta. “Dami mong alam. Akin na ramen ko.” Nagsimula na akong kumain ng tahimik gano'n rin sila maliban kay Icy na salita ng salita. As expected, nauna na namang natapos si Schroeder kumain. Sa squad kasi namin siya 'yung laging parang nagmamadali kung kumain. Tapos si Icy naman 'yung kabaligtaran niya na pinakamabagal kumain dahil mas inuuna pa ang daldal kesa sa pagkain. “Bilis mo naman kumain.” Reklamo ni Icy. “Baboy kasi kumain. Parang patay gutom.” Uminom ng tubig si Schroeder, “Di bale ng baboy kumain, kesa sa'yo. Baboy na talaga—aw!” Natamaan siya sa mukha ng lumilipad na disposable tinidor na ibinato ni Icy sa kaniya kaya natawa ako. Ayan, nasampolan tuloy. Buti hindi sumakto sa mata niya. Tawa pa rin ako ng tawa nang saktong makita ko si Euchleid na papasok sa entrance. May mga kasama siyang tingin ko ay nasa pito hanggang walong lalaki. Ang gugulo ng mga ito. Ito ang mga tropa niya. May hitsura silang lahat pero nangingibabaw talaga ang kaguwapuhan ni Euchleid. Kaya hindi na ako nagulat na biglang nabuhay ang girl's hormones ng mga babaeng kumakain nang makita siya. “Fritzey.” Mabilis akong napatingin kay Riley nang tawagin niya ako. “Bakit?”  Parehong nakatingin sa'kin si Schroeder at Icy na may hindi ko maipaliwanag na ekspresyon. Hala yawa! Nakita nila ang pagtingin ko sa gawi nina Euchleid. Baka nahalata nila ako. Lalo na ni Icy. Magaling pa naman bumasa 'to ng emosyon sa mata. UWAAAHHH BAKA ALAM NA NILANG CRUSH KO SI EUCHLEID. “May sasabihin ako. About your book.” Tumingin sa'kin si Riley. “May theory na ako kung bakit itim ang naging ilaw ng pair up mo kay Euchleid at Mary.” Nabuhayan ako sa sinabi niyang iyon. “Ano?” “It's because...” **** “Ilang araw ang sports and music fest natin ma'am?!” “Three days.” “Ay, pang gosurf 50 lang? Awtsu.” “But it's still not sure. Baka sagadin na ng isang linggo.” “Ay masakit pag sinagad ma'am. Dahan dahan lang dapat.” “Gago HAHAHAAHHAAHA.” Habang ang lahat ay nakikipagkuwentuhan sa adviser namin. Ako heto, lumilipad ang isip at iniisip pa rin 'yung sinabi ni Riley kahapon. It was her theory about what happened to my pair up with Euchleid and Mary. Honestly, this isn't the first time na umilaw ng itim ang pair up ko. Ang unang beses ay mga bata pa kami nina Schroeder at Faren. Nung ipair up ko ang kaibigan namin sa crush niyang hindi manlang siya kilala. At iyon ang kauna unahang beses na nakaramdam ako ng takot sa libro ko. Dahil namatay ang kaibigan namin matapos umilaw ng itim ang pangalan niya. Hindi ko alam kung nakatadhana bang mamatay sila ni Mary kaya itim ang kulay ng kanila. O, nagmistula bang death note ang libro ko. Hindi ko alam. Sa ngayon, kailangan kong paniwalaan ang theory ni Riley dahil mukhang may punto ang mga sinabi niya kahapon. _ “Hindi nakatadhana na mamatay si Mary. Gano'n rin 'yung Angel na sinasabi mo. They just ended up facing their deaths. Because that book took their soul away.” Riley said while reading something on her phone. “Paano mo nasabi?” Nagkatinginan si Schroeder at Icy nang magkasabay sila sa pagtatanong. “Bakit mo naman naisip na pinatay ng libro ko si Mary at Angel?”  Ano yun deathnote ampeg? “You said yestersay that Angel's crush's name remained just like Euchleid's. Parehong pareho sila ng case. Umilaw ng itim ang pangalan. Then they died. So isa lang ang ibig sabihin no'n.” She stopped. “The black light in Mary's and Angel's name before it got vanished symbolizes their soul.” Sandali akong hindi ako nakaimik. “Sakali mang tama ka, sa tingin mo bakit kailangang patayin ng libro 'yung dalawa?” si Icy ang nagtanong. “Simple. For a reason that they both like someone who doesn't even know them.” “Ehh?!” Etlog. “Lahat ng itinala ni Fritzey sa libro ay sigurado akong magkakakilala na, some are friends, enemies and ex couples. Bukod tangi lang yung apat na hindi magkakakilala. Mary is totally just a stranger to Euchleid. Gano'n din 'yung Angel sa crush niya. Right?” Baling sa'kin ni Riley. Tumango ako. Feeling ko iniwan na ako ng utak ko. Hindi ko maabsorve yung sinasabi ni Riley. Masyado siyang matalino kausap. Nakakabobo. "So, here's my deduction. Ayaw ng libro na magkaroon ng record na failed pair up. Kaya pinatay niya na lang kung sino ang may feelings sa dalawang pinagpair up ni Fritzey." “Hindi masyadong clear sa'kin pero tingin ko you got a point.” Icy nodded. “Wala akong masyadong naintindihan basta ang alam ko lang ay masarap ako.” Schroeder muttered. “Kung ganiyan din lang ang librong 'yan itapon mo na liit.” Mabilis akong umiling sa suhestiyon ni Faren. No. I won't do that. Nakamarka na sa'kin ang pagiging matchmaker. Hindi ko iiwan at tatalikuran 'to. “Ayo'ko. May paraan pa. Maaari pa namang iwasan na may mapatay ang libro ko—” “Liit, you are the matchmaker. Ikaw ang nagtala ng pangalan kaya para na ring ikaw ang pumatay sa kanila.” Oh s**t! It hits me... Somehow, Faren was right. Kung hindi ko itinala ang pangalan nila sa libro. Hindi siguro sila hahantong sa kamatayan nila. Kahit sabihin ko pang hindi ko alam na gano'n ang mangyayari. Hindi maaalis na may kasalanan pa rin ako. “May paraan pa para pigilan na may mamatay ulit.” Pinukulan ni Riley ng masamang titig si Faren at gano'n rin ang iginanti ni Faren sa kaniya. “Ano?” sabay naming tanong ni Icy. “Unano.” Schroeder whispered. “It is to make sure that the people you're gonna pair up next time already have a connection and interaction.” “Eh?” Elepante. What's with those two? “You need to be careful now. Don't pair someone to a stranger and I will observe if my theory is right. For now kailangan mong sundin ang theory ko habang hindi mo pa nahahanap yung guide book na sinasabi ni tita. Para na rin hindi na masundan si Angel at Mary. The only person na puwede mong i-pair up gamit ang libro ay ang mga taong magkakilala na. No to strangers."  Ahh? Parang medyo gets ko na. Connection and Interaction... _ “AY PUTANGINA!” I was startled by a sudden scream of Icy. Lumapit agad siya sa mga nagkalat na inatruments. Wait. Paano ako nakarating dito sa music room? Hindi ko manlang namalayan na inaya pala ako ni Icy na pumunta dito. Kumamot ako sa ulo ko at tinulungan na lang siyang mag ayos ng mga instrument. “Kingina talaga ng mga miyembro ni Schroeder. Kagagaling gumamit hindi naman marunong magligpit.” Reklamo niya. Pagkatapos naming mag salansan, nagpaalam siyang maghuhugas lang ng kamay kaya umupo muna ako sa monobloc chair habang nakapatong sa lap ko ang isang xylophone. Pinagtugtog ko ito. Going back to my book. Siguro kailangan ko na nga talagang pumunta sa Quezon para makuha yung sinasabi ni mama na The Matchmaker's Guide na libro. Sabi ni mama masasagot no'n ang lahat ng tanong ko. Kasi nga matchmaker's guide. Lumingon ako sa may pintuan nang may biglang sumulpot na lalaki. Sasabihin ko na sanang punta kami sa Quezon after the sports and music fest sa pag aakalang si Schroeder siya. Pero hindi ko na natuloy nang makita ko kung sino siya. Anong ginagawa niya rito? Saglit na dumapo sa'kin ang walang emosyon niyang mga mata. Sumandal siya sa pinto as if blocking the doorway or practicing himself to be a security guard. Nakasalpak ang malaking headset sa tenga niya at nasa bulsa naman ang magkabila niyang kamay. “Get out.” He suddenly spoke up while his eyes are shut closed. Tinuro ko ang sarili ko. “Ako?” Okay, obviously, Fritzey ikaw ang pinapaalis. Ikaw lang tao dito eh. Alangan namang yung mga instruments ang pinapalabas niya. Diba? “Bakit mo'ko pinapaalis?” I asked innocently. Bigla kong naalala ang ginawa niya noong nakalaban ko siya sa tennis hall. Pinalabas niya lahat ng students. Ahhh? I get it. Nagpapaka feeling superior na naman siya. “Hari ka ba para sundin ko?” tanong ko dahilan para mapatingin siya sa'kin. Hindi ako natinag kahit na hindi ako komportable sa malamig niyang titig. Naglakad siya palapit sa'kin. Tumayo ako at hinarap siya ng taas noo. Sinalubong ko ang titig niya. “I said..” “Ayo'ko.” Pagmamatigas ko. “Pagbilang ko ng tatlo...” “Nakatago na kayo.” Dugtong ko sa sinabi niya. I bite my lips kasi natawa ako sa sarili kong sinabi. Siya naman ay hindi manlang natawa. Ediwow. “One...” He started counting. “Two three asawa ni Marie.” “Two...” “Toothpaste.” “Three...” Mabilis niyang hinila ang braso ko. Akala ko ay kakaladkarin niya ako paalis pero nagulat na lang ako sa ginawa niya. Niyakap niya ako at hinawakan ang ulo ko as if securing it. Para akong nasemento sa bising niya. Hindi pa ako nakakarecover sa ginawa niya nang bigla nalang nagbagsakan ang gamit sa hanging cabinet malapit sa puwesto ko kanina. Shit. Wtf? To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD