Prologue
Fritzey Aisaeah Velasco's POV
"AYOKO na, Fritzey." Bigla akong napa-angat ng tingin kay Elle; boyfriend ko.
"What do you mean? Ayaw mo na saan?" I looked deeply into the window of his soul.
"Na mawala ako? Ayieee ako din ayoko na." I jokingly said at mas hinigpitan ko ang yakap sa braso niya.
Damn, I really miss my man.
Tumigil siya sa paglakad kaya napatigil rin ako. "Are you for real?" Inalis niya ang pagkakayakap ko sa braso niya. "Lagi mo na lang bang gagawing biro ang dapat na seryoso?"
Ehh? I thought it was just a pick-up line?
"Stupid." Hinagod niya ang buhok niya bago siya naunang lumakad paalis.
"Elle, love! Wait! Ano ba 'yung sinasabi mong ayaw mo na? Uy! Love." Hinabol ko siya at hinuli ko agad ang kamay niya para hawakan.
Tumigil siya sa paglalakad at muli akong hinarap. Napabaling ang tingin ko sa kamay namin na pinaghiwalay niya.
"Let's end this Fritzey. Let's break up," he said and it was the last thing I heard before Lemomade-my boyfriend turned his back on me.
Para akong nasemento sa kinatatayuan ko ng mga oras na'to. Natulala sa pigura niyang papalayo na sa akin. Hinintay ko siyang lumingon at bumalik para sabihing: 'It's a prank, happy first anniversarry love. I love you.'
Pero wala, unti-unti na siyang lumayo hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. I called him manytimes hoping he will answer and say 'Joke lang love hahaha nandito ako nagtatago ang pangit mo pala matulala.' Pero hindi niya ginawa 'yon. Ramdam ko ang pagkirot ng puso ko.
It feels as if I've fallen into a cactus, and my heart has been punctured a million times over by tiny pins. Sobrang sakit.
Nanlalabo na ang paningin ko dala ng nagbabadyang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Tumingala ako upang mapigilan ang pagpatak ng pesteng mga luha ko.
Hindi ako iiyak. Hindi. Hindi..
Humigpit ang hawak ko sa regalo na kanina niya lang ibinigay sa akin nang magsimula ang pagpatak ng ulan. Hindi ko akalaing ito na pala ang huling bagay na matataggap ko mula sa kaniya. Parang isang teleseryeng nagbalik sa aking alaala ang lahat kung paano kami nagsimula hanggang sa ngayon na nagsawa na siya.
I have so many questions in my mind that I should have asked to him. Kasi okay naman kami eh. Hindi naman kami laging nag-aaway. Hindi naman ako nagpaka-immatured at selosa sa kaniya. Sinusuportahan ko naman siya sa mga gusto niya. Iniintindi ko naman siya. Nagpaka-ideal girlfriend naman ako sa kaniya kahit medyo slow ako. Kaya bakit? Nakakaumay ba akong magmahal? Boring ba akong girlfriend?
Sumobra ba ako o nagkulang? Anong mali ko?
Gano'n ba talaga ang pagmamahal? Kahit masaya naman talaga kayo, kapag napagod na ang isa o na-fell out of love ay bigla na lang aalis? Bigla na lang mang iiwan na para bang nakalimutan niya na ang lahat ng tungkol sa inyo kasabay ng pagkawala ng nararamdaman niya?
Gano'n na lang?
Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan ay ang tuluyang pagbuhos ng luhang kanina ko pa pinipigilan. Napaupo na lang ako yakap ang sarili, habang karamay ang ulan sa sakit na nararamdaman.
Napatigil ako sa pag-iyak nang may mga paa akong nakita sa harapan ko at hindi ko na maramdaman ang pataj ng ulan. Bigla akong nabuhayan, dahil umaasa akong siya 'yon at binalikan niya ako. Pero hindi ko pa man naiaangat ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko ay bigla na lang nagdilim ang paningin ko at tuluyan akong nakatulog..
****
"I WANT to kill him! Pagkatapos ng lahat ay ganon na lang, ha? Iiwan ka niya?!" sigaw ni Icy na kanina pa nagngingitngit sa galit.
"Calm down, Icy. Sinugod na ni Faren yung tao. Malamang ay nagkakagulo na ngayon doon." Nag aalalang sabi ni Riley.
"Si Elle ba 'yung tumawag sa inyo kaya niyo nalaman kung nasaan ako?"
Sabay silang napatingin sa akin bago sila nagkatinginan sa isa't isa.
"May nakita kasi akong nakatayo sa harapan ko, hindi ko lang nakita kasi nawalan na ata ako ng malay." dagdag ko.
Umiling silang pareho. "Concerned citizen ang tumawag sa amin. Dinala ka niya dito sa hospital dahil sobrang taas na ng lagnat mo," Kuwento ni Riley.
So hindi na pala talaga ako binalikan ni Elle? Talagang tinapos niya na ang lahat sa amin? Just like that, it ended.
Being with him is really the best moment of my life, not knowing that losing him will also be the most devastating part of it.
"Pero infairness gwapo siya teh. Hindi kaputian pero makalaglag panty lalo na nung may dimples na lumabas sa kanan niyang pisngi. 'Di ba Riley?" ani Icy.
"Ewan ko, gwapo ba 'yon?"
My friends stayed with me until bumaba ang lagnat ko. Minabuti siguro nilang huwag nang pag-usapan si Elle para hindi ko na isipin ng isipin at hindi ako umiyak ng umiyak. Pero pag-uwi ko sa bahay ay wala rin akong ginawa kun'di ang umiyak at alalahanin ang masasayang alaala namin ni Elle. This is my first time handling a broken heart. Dahil sa loob ng maraming taon tila ba nakalimutan ko na ang pakiramdam ng gano'n. Kaya ngayong bumalik ulit ang sakit, muling nanibago ang sistema ko.
At ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay mas dumoble pa kesa noon.
****
MULA sa pagkakahiga sa kama ko ay bumangon ako at nagpunta sa aking study table kung saan naroon ang cellphone ko na kanina pa ring ng ring. I know it's Faren or Schroeder but I wanted to be alone for now. Ayo'ko na munang marinig ang tungkol sa lalaking iyon. Dahil masyadong masakit at hangga't maaari ay ayoko ng ungkatin pa ang bagay na iyon. Kinuha ko ang cellphone ko at pinatay iyon. Marahan ko itong ipinatong sa lamesa. Huminga ako ng malalim bago nabaling ang atensyon ko sa librong katabi ng bag ko. Nilapitan ko iyon at kinuha. Ang luma nitong cover ay nababalutan na ng isang plastic cover para hindi masira. May ballpen din na nakaipit dito at ang bigat nito ay hindi pangkaraniwan sa laki at kapal nito. Binuklat ko ito at inilipat sa pahinang kasunod ng pinagsulatan ko na. Kinuha ko ang ballpen na naroon at pikit matang sumulat sa blankong papel.
I should have done this a long time ago.
Ano bang naisip ko at itinuring ko ang aking sarili na espesyal? I am not. Pati ako ay hindi nakaligtas sa bagsik ng mga pana ni kupido.
Hindi ko na maalala ang huling beses akong nakaramdam ng sakit. Noong bata pa ako, kumpara sa mga kaedad ko noon ay maaga akong namulat sa ilang bagay at ang huli kong alaala ng isang wasak na puso ay noong bata pa ako. Matagal nang panahon, isang wasak na batang puso ang siyang meron ako.
_____
Past...
"If you were given a chance to make a wish, what will you wish for?"
Agad na nagtaas ng mga kamay ang kapwa bata kong kaklase at nasasabik na sumagot sa tanong ng aming guro.
"Ako po teacher gusto ko ng sobrang laking house! Tapos doon po kami titira kasama ng barbie ko!"
"Teacher, gusto ko po ng teddy bear! Yung kulay pink at malaking malaki!"
"Ako naman po ay maraming cars tapos isheshare ko po sa kapatid ko."
Sumilay ang malawak na ngiti sa labi ng teacher namin habang pinagmamasdan ang mga kaklase ko. Nang dumako ang mga mata niya sa akin ay hindi nawala ang ngiting iyon sa mga labi niya.
"How about you, Fritzey? What is your wish?"
Lumingon ang mga kaklase ko sa akin at dahil sa mga tingin nila ay namayani agad ang aking kaba sa dibdib. Kinagat ko ang aking pang ibabang labi habang mahigpit ang kapit sa laylayan ng aking palda sa hiya.
"A-Ako po, gusto kong makita sila Mama at Papa. Gusto ko po ulit silang makasama."
Natahimik ang buong klase. Kahit ang teacher namin ay napawi ang ngiti.
Saglit na namayani ang katahimikan at agad ng pumalakpak ang aming guro para kunin ang atensyon ng mga kaklase ko.
"Okay kids, magsi-sing and dance naman tayo. So stand up and start to clap your hands!" Sumiglang muli ang mukha ng teacher namin at nagtalunan naman sa tuwa ang mga kaklase ko.
But I was left there, standing and still thinking about that wish.
If I were to wish, I would wish for cupid to make my parents fell for each other again and from that we will be a happy family.
Bakit kasi may mga taong pinagtagpo hindi para magkatuluyan kun'di para saktan lang ang isa't isa?
****
"FRITZEY! Tara, may biniling cake si Mama para sayo!" sigaw ni Kuya Faren na nasa may gate na namin at sinusundo ako.
Nasa tabi niya si Schroeder na nakangisi sa akin at sakay ng kanyang bisikleta.
Sa edad kong siyam na taong gulang ay naging kaibigan ko ang magpinsang Farenheight Evans at Schroeder Versoza. Grade 1 ako noon at hindi na sila humiwalay sa akin.
I was calling Faren as my Kuya even though we're at the same age. Ang sabi niya kasi ay mukha daw akong babysister niya.
It was actually comforting for me since I grew up without friends. Dahil sa pagkamahiyain ko ay madalas akong hindi sumali sa mga laro ng kaklase ko noon.
But when Kuya Faren and Schroeder came, I finally learned the word 'friends'.
Nagmamadali akong bumaba sa aking kwarto at hinanap ang tsinelas ko para makalabas na. Sa may garahe ay naabutan ko si Mama na abala sa pag aayos ng mga gamit na itatapon na mula sa malaking kahon.
Inilabas niya ang napakaraming papel, libro, sirang mga damit, stacks ng cd at kung ano ano pang abubot.
Lumapit ako sa kaniya para sana magpaalam nang makita ko ang isang lumang libro na nasa ibabaw ng mga patong patong na papel.
Out of curiosity, I started to walked towards the book and touched it's cover. Para siyang antigo at mahiwaga, just like the book we will usually see on a fantasy movie.
Dahil sa itsura pa lang ng mga disenyo ng pabalat, ay naakit na agad akong tingnan kung ano ang nasa loob nito.
"Fritzey?"
Lumingon ako kay Mama ng tawagin niya ako. Kumunot ang noo niya at nang makita niya ang librong hawak ko ay kinuha niya ito sa akin.
"Ang dumi na nito bakit mo pa kinuha? Pumasok ka sa loob at maghugas ng kamay." Utos ni Mama.
"Fritzey!" sabay kaming napalingon ni Mama sa gawi nina Kuya Faren at Schroeder.
"Tara na sa bahay!"
Nagkatinginan kami ni Mama habang ako ay naghihintay kung papayag ba si Mama na sumama ako.
"Hay. Sige na, sumama ka na kila Faren at Schroeder. Marami pa akong lilinisin at itatapong gamit dito. Doon ka na muna sa kanila," sambit niya sa akin
habang inaayos ang suot kong bestida at inaalis ang kumapit doong alikabok.
Muli akong sumulyap sa libro.
"Ma, akin na lang po iyang libro. Gagawin ko pong drawing book," masaya kong sabi at muling kumunot ang noo ni Mama bago sumulyap sa librong hawak niya.
"Ito ba? Huwag na ito, anak. Mukhang mabigat ito at madumi pa. Isa pa, hindi ito p'wedeng maging drawing book dahil libro ito at may mga nakasulat na." sabi niya at binuklat ang libro para ipakita sa akin ang pahina nito.
Pero wala namang nakasulat ni isa doon. Blanko ang lahat ng pahina niya. Bumaling ng tingin sa akin si Mama at bumuntong hininga na para bang suko na siya kaya wala na siyang ibang choice.
"Oh siya. Sige na. Sayo na 'yan. Matagal tagal na ring nakatago ang librong iyan. Sayang din naman kung itatapon na."
Masaya kong kinuha iyon sa kan'ya bago ko ito tinitigan nang may malawak na ngisi.
"Thankyou Ma," yumakap ako sa kaniya bago ako tumakbo papunta kina Kuya Faren.
Actually, she's not my biological mother. Tita ko lang siya pero nakasanayan ko nang tawagin siyang mama dahil siya na ang kumupkop sa akin.
"Ano 'yan? Story? Patingin." Agad kong inilayo kay Schroeder ang libro ko ng akmang kukunin niya ito sa'kin.
"'Wag na, walang sulat 'to. Drawing book lang 'to."
"Weh? Ba't ayaw mo ipakita?"
"Kase wala ka naman makikita."
"Ba't walang makikita eh may mata ako."
"Nang-aasar ka na naman eh, do'n ka na nga! Tabe! Schroeder kadirdir!"
"Fritzey ututin! Ano 'yon, ang baho umutot ka na naman? Puro kasi kamote kinakain mo 'yan tuloy. Utot ka ng utot"
"Kuya Faren si Head and Schroeder oh!"
"Ang cute niyo pero wag mo naman paiyakin 'tong prinsesa ko tol." bumelat ako kay Schroeder. Buti nga, kakampi ko pinsan niya.
"Ayaw kase patingin nung libro."
"Wala nga sulat oh! Oh! Saksak mo sa ngala-ngala mo." pinangalandakan ko ang loob ng libro kong walang kasulat sulat.
"Ba't mo pa kinuha 'yan wala ka naman mababasa diyan?" Tanong ni Kuya Faren.
Ewan ko rin, parang inaakit ako ng librong ito eh. Hindi ako mahilig sa ganitong libro dahil gusto kong drawing book ay barbie, pero gusto ko talaga 'tong libro na 'to.
_____
Present...
Mula sa aking alaala ay bumalik ang matatamis kong ngiti habang ginagamit ang librong ito. When I was bored, drawing became my past time dahil mahilig akong magdrawing.
I make this old book as my drawing book. It was really weird though because of how old it looks like and why is it empty in the first place.
At first I thought that this book is a Diary. I am also wondering about its owner. But Mama said that it came from my mother's things in our province. It was one of the things she left before going here in Cavite. Kinuha lang daw sa probinsya kase nabubulok lang sa pinagtataguan. Kaya isang factor siguro kung ba't ko gusto ang librong ito ay dahil pagmamay-ari ito ng mama ko.
That is why I was weirdly drawn at this book and I always bring it with me but as I grew up deep within me says that there is another reason why I am so attached in this book. Maybe because of the fact that it is appealing to me and because of it's mystery. But somehow, it is more than that.
_____
Past...
"Kuya Faren! Look at my drawings! Gumagaling na ako!" Masaya kong sabi at iniabot ang libro ko sa kanya.
Nginisian niya ako at saglit na binaba ang bola ng basketball. Kinuha niya ang libro ko at binuksan iyon. I was really excited to show him my drawings! Ang sabi ni Mama ay mabuting architecture na lang ang kunin ko sa college. Pero gusto ko rin kasing magfine-arts oh kaya naman ay designer.
But yeah, I was too young to decide. Ni hindi pa nga ako nakakatuntong ng grade five eh. Masyadong advance lang si Mama mag-isip.
Kagat labi kong pinanuod si Kuya Faren habang inililipat ang page ng libro, while me, I was patiently waiting for his comments.
"Nasaan na ang drawings mo, Fritzey? Wala naman ah." Nagtatakang sabi ni Kuya Faren at mabilis na inilipat ang mga page nito.
Kahit ako ay nagulat sa sinabi niya kaya ko kinuha ang libro sa kaniya. Sunod sunod kong tiningnan ang mga pahina nito at ganon na lamang ang gulat ko ng makita kong wala na ang mga drawings kong kakadrawing ko lang kanina.
P-paano naman nangyari iyon? Doon ako madalas gumuguhit at kapag natatapos ako ay naroon pa rin iyon. Bakit ngayon ay bigla na lang itong nawala?
Did someone stole it?
Tinignan ko kung may bakas ba ng pagpunit ng pahina dito, dahil baka may nagnakaw. Pero imposibleng mangyari 'yon. Halos hindi ko na nga ihiwalay itong libro sa akin eh.
What happened to my drawings?!
"ANONG 'friends'? Ako na nga ang maglalaro!" Mula sa unahan ko ay narinig kong sabi ni Brenda
Palihim akong sumulyap sa kanilang dalawa ni Carol na kanina pa nagsusulat sa papel.
"Oo nga! Friends lang kayo! Tama naman yang bilang ko." sagot ni Carol at muli na naman silang nagtalo.
Simula ng sumikat sa section namin ang laro na F.L.A.M.E.S. ay marami sa mga kaklase ko ang sumubok nito. Madalas ay 'yong mga kaklase kong babae ang gumagawa nito. Ni hindi ko nga alam kung paano naisip ang larong iyon at sino naman ang nagpauso nito. Paano na sa simpleng laro ng flames ay malalaman mo agad ang tadhana niyo ng taong gusto mo? Bakit pa ba ginawa ang paasang laro na iyon?
Muli ay kinuha ko ang libro ko na nasa aking bag. Dahil sa inis ay agad kong binuklat ang pahina nito at isinulat ang pangalan ni Brenda at ang lalaking gusto niya.
Minsan ko na rin silang nakikita na maglaro nito kaya alam ko na ang gagawin.
Pagkatapos ng ilang minutong pagsulat na sinundan ng pagbibilang ay isang resulta ang lumabas.
'Friends'.
Bumaling ako sa dalawa na ngayon ay nagtatalo pa rin. Mukhang hindi talaga naniniwala si Brenda na friends lang ang result.
Ngumuso ako at sinarado ang libro. Wala na naman akong magagawa doon. Kung anong gusto niyang paniwalaan edi 'yun na lang.
Sinubsob ko ang aking mukha sa desk at ginawang unan ang aking mga braso. Kahit maingay sa buong klase ay nakaramdam ako ng antok.
Matutulog na sana ako nang biglang naghiyawan ang mga kaklase namin.
Ano'ng meron?
Agad akong tumunghay at tumingin sa unahan kung saan nakatayo si Brenda at Jake.
"Ano ba Jake, gusto nga kita!" napatadyak si Brenda sa sahig.
Naghiyawan ulit ang mga kaklase namin. Ang iba sa kanila ay inaasar na ang dalawa habang yung iba naman ay ginagaya ang pwesto nina Jake at Brenda tapos ay magyayakapan.
Nasa upuan lang ako at pinapanuod silang magkagulo. Ipinatong ko ang aking kamay sa ibabaw ng lumang libro at pinanuod ang susunod na mangyayari.
Ngumiti si Jake at natatawang humawak sa kanyng batok. Napansin kong bahagya siyang ngumiwi pero agad din iyong napalitan ng isang nahihiyang ngiti.
"Salamat, Brenda. Pero hanggang kaibigan lang kasi ang tingin ko sayo. Sorry." maikling sabi ni Jake na halatang nag aalala sa magiging reaksyon ni Brenda.
Natahimik ang buong klase sa ginawa ni Jake. Habang si Brenda ay umiiyak na lumabas ng room. Sinundan naman siya ng mga kaibigan niya habang si Jake ay pinalibutan agad ng mga tropa niya.
"Sabi na eh. Friends lang ang pwede sa kanila," bulong ko.
Wala sa sarili akong napabaling sa libro ko at laking gulat ko ng makita iyong umilaw ng ilang segundo. Kumurap kurap ako para masiguro kung totoo ba 'yon.
Umilaw 'yung libro? Paano naman iyon nangyari? Imagination ko lang ba ang ilaw na iyon?
Agad kong binuklat ang libro at tumambad sa akin ang pahina nito kung saan nakasulat ang Flames nila Jake at Brenda.
Pero imbes na itim na tinta ang nakamarka doon ay naging ginto ito!
Suminghap ako at sinubukang hawakan ang pahinang may gintong tinta.
Ginto? Ano na ba itong nakikita ko? Color blind na ba ako?
Noong una ay umilaw, ngayon gintong tinta naman. Ano 'to, magic?
Pinagmasdan ko ang nakasulat doon na siyang result ng flames.
Gaya ng nakasulat dito sa libro na flames result, naging hanggang magkaibigan na nga lang sila Jake at Brenda. Hanggang magkaibigan lang.
Ibig sabihin, ang simpleng laro na ito...ay nagkakatotoo?
Totoo ang flames?
****
Ang pagflames ko kila Jake at Brenda ay nasundan pa. Iba't ibang tao, iba't ibang resulta. At sa bawat resultang nakasulat dito sa libro ay siya ring nangyayari sa reyalidad. Isa pa, hindi na rin nawawala ang mga nakasulat dito sa libro. Naghintay ako na mawala iyon pero hindi.
Nanatili ang gintong tinta sa mga pahina nito...
At habang nadadagdagan ang mga araw na dumadaan, dumadami din ang flames results ng libro na nagkakatotoo.
Nakakatakot pero nakamamangha...
Paanong sa librong ito ay nagiging totoo ang laro lang na F.L.A.M.E.S.?
______
Present...
Madiin ang naging pagsulat ko sa pahina ng libro ko. Puno ng sakit at panghihinayang.
Pinagpatuloy ko lang ang pagsusulat at pagbibilang sa pinagpares kong pangalan namin ng ex boyfriend kong si Elle hanggang sa umabot sa iisang resulta ang pagpe-pair up ko sa amin ng lalaking mahal ko: Love
Bahagya akong ngumiti ng mapait. I see. Now understand. Mahal ako ni Elle, 'yun nga lang ay hindi nagtagal.
Love. But now it's Loved. Past tense. Tapos na. Mahal ako, pero lumipas na..
Siguro nga. Hanggang dito na lang. Hindi naman kasi ibig sabihin na kapag mahal mo ay mananatili pa rin siya sa'yo.
Isinarado ko na ang libro at itinabi ito sa drawer.
Siguro kailangan ko na lang tanggapin at yakapin ang sakit hanggang sa isang araw magising akong hindi na ako nasasaktan at kaya ko na.
In love, you must expect pain. Because loving without pain is not really love at all.
By the way, I am Fritzey Aisaeah Velasco. Isang sikretong matchmaker gamit ang Book of F.L.A.M.ES.
Handa ka na bang alamin kung nakatadhana nga ba sa'yo ang crush mo?