ISANG TAON. Isang taon na ang nakalipas magmula nu'ng maghiwalay kami ni Elle at inaamin ko hindi nga talaga madali ang magmove on. Mahirap. Sobrang hirap.
When the person you care about the most tells you they don't want to be with you anymore? Believe me, it can feel as if your whole world is falling apart.
My experience just proved me na madali mo lang nga pala masasabi sa isang brokenhearted na tao na 'mag move on ka na, di ka na niya mahal, wake up,' kung hindi ikaw ang nasa posisyon nito.
But when the time comes that you are exactly in the same shoe as their? Marerealize mong s**t awit ang hirap pala talaga. Lalo na kung first love mo yung taong sumira sa'yo. Tulad ko.
Elle is my first love kaya sobrang nahirapan ako.
It wasn't really easy knowing the fact that the reason you wake up smiling becomes the reason you cry yourself overnight to sleep. Real quick.
Maraming luha ang nasayang mula sa pag iyak ko dahil sa kaniya - tapos wala naman akong naani kahit ni isang pearl na tulad ng luha ni Shim Cheong.
Kung may maaani lang ako, baka hanggang ngayon iniiyakan ko parin siya. Jk, joke, just kidding, jungkook.
I smiled as I recalled in my head my moving on process. Hindi ako pinabayaan ng mga kaibigan ko at ipinagpapasalamat ko iyon ng marami.
I maybe unlucky on my lovelife but I'm so lucky to have a friend like them who stayed with me at my worst. They distracted me from my breakup with Elle.
They filled my life with joy. Hindi sila nag sawang mag advice kahit ang sarap ko ng sapakin sa tuwing ang dami nilang sinasabi tapos sasabihin ko lang "mahal ko talaga eh."
And Schroeder, as my cool bestfriend, never gets tired on preaching me. He's always one call away kapag gusto ko ng kausap at gusto kong magdrama.
I can still remember how he preached me whenever I'm asking 'how to move on and forget Elle? Bakit yung iba ang dali lang naman para sa kanila?'
He will answer as his usual jerk self, "Untog mo ulo mo sa pader, oh kaya sa abs ko."
Na alam kong sinasabi niya lang para mapatawa ako. But whenever I'm starting to cry he will instanly go serious and act like a Dad to me.
"Seryoso, paano nga magmove on at makalimot ng mabilis tulad ng ginagawa ng iba?" My voice cracked and tears started to fall down. "Kasi ang sakit talaga eh."
"Iyak na naman," tinapik niya ang balikat niya as if saying 'sandal' , so I did.
We both looked at the dark blue sky filled with the stars.
"For some, it is finding someone else. The best way to get over someone is to get under someone else, right?"
"Malay ko, kaya nga ako nagtatanong kasi 'di ko alam." I commented, wiping out my tears. He tsked.
"Para sa iba gano'n. Which explains why there's a rebound. While some people will probably just drink their agony away-"
"Edi kailangan kong pumunta sa bar at maglasing?" I interrupted.
"Siyempre hindi, gusto mo bang magising sa isang kuwarto ng walang saplot?"
"Joke lang, hindi naman ako umiinom tsaka bawal sa'tin 'yon remember?"
"Walang minor minor sa taong sawi," bulong niya.
"Awts gege."
"Some people let themselves completely feel the pain, while others pretend they don't have any. The truth is, we all deal with pain and heartbreak in our own ways. Decide what works for you. Then wake up every morning and find happiness throughout your days."
We looked at each other. "Do the best that you can, and try not to compare your healing process to the ones of others." He added.
Sa dami ng sinabi niya walang tumatak sa akin na posible kong sundin. Nacurious lang ako bigla kung nainloved na ba siya and does his heart had been broken before? Para masabi niya ang lahat ng tips niya? Wala pa naman kasi siyang nagiging girlfriend. Wala rin siyang nililigawan. Pero madami siyang kaibigang babae.
"Paano mo nalalaman ang mga 'yan? Nainlove ka na rin ba? Nasaktan ka na?"
A second of silence takes over before he speaks.
"At this age, who wouldn't fall inlove?"
Kahit madilim rito sa rooftop ng bahay namin I can see na mapait siyang ngumiti. So, nainlove na nga siya? Wala siyang nakukuwento magmula noon. Ang duga.
"Kanino? Bakit di mo manlang sa'min sinasabi para may pang asar kami sa'yo." I joked.
"You see that shinning one?" He pointed at the sky. I nodded.
Wait. Don't tell me patay na yung babaeng nagustuhan niya?
"Patay na ang babaeng nagustuhan mo?" Oh s**t! Parang mas masakit 'yung namatay ang taong gusto mo ng hindi mo nasabi ang feelings mo. Mas masakit pa sa ouch.
"Tanga hindi!" Tumawa siya.
"Ay hindi ba?" Makatanga ah? Sorry naman.
"She shines just like that star. At gaya ng bituin na yan mahirap siyang abutin." He looked at me. "So, I ended up looking at her from afar, silently admiring her."
I was silenced by his words. Ang lungkot ng mga mata niya. Hindi ako sanay na makita ang ganitong side niya. Masiyahin kasi siyang tao. Malakas mang asar at puro kalokohan. Nakakapanibago pala kapag ang palabirong tao biglang sumeryoso.
"Bakit ka nagtitiis na tumingin lang mula sa malayo? Kung kaya mo naman siyang abutin."
Bumalik ang tingin niya sa langit. "Do you think I can?"
I nodded even if he didn't saw it. "Oo, ikaw pa ba? " Dami kayang nagkakacrush sa kaniya na classmates ko.
"Hindi ko kaya. Guwapo ang gusto no'n, doon palang taob na agad ako."
What?! Why the heck he thinks this way? Oo hindi siya guwapo, hindi rin naman siya pangit. Kumbaga, average lang. Pero bawi naman sa talents at humor. Hindi niya ba alam kung gaano siya ka attractive?
"Ideal type lang naman siguro niya 'yon, kapag tinamaan tayo maseset aside ang ideal type natin. Kaya bakit hindi ka muna sumubok na umamin? Sure ako magugustuhan ka rin no'n."
I heard him sighed.
"For what? To torture myself more? Nasabi niya ng hindi niya ako gusto hindi pa ako umaamin."
Ay yawa. Sakit nu'n.
"Baka naman indenial lang yung babae?"
Gano'n ako nung una eh. Noong naging crush ko siya. Grade six kami no'n. Lagi kaming inaasar ng mga kaklase niya sa isa't isa kapag binubuwiset niya ako. Kaya todo deny ako at sabing di ako magmakagusto sa kaniya para hindi ako mahuli, kasi alam kong 'di niya ako gusto. Ang gusto niya kasi ay yung babaeng may dimples at morena. O diba malabo na agad akong magustuhan.
Kaya natanggap ko na hanggang bestfriends lang kami at in-uncrush ko siya. Hindi naman ako nahirapang iuncrush siya kasi dumating si Elle sa buhay ko noon.
"I also thought she was, but she's not. And I confirmed it when I knew that she's dating someone already."
"Eh?! Sakit no'n. How did you handled it?"
I can't imagine na mangyari iyon sa'kin. Yung harap harapan akong sabihang hindi ako gusto kasi wala sa'kin yung ideal type nila. f**k Love. Ayo'ko na mainlove. Char.
"I just slept the pain, do things I love to do to distract myself, swimming, basketball, singing."
"Just that?"
"Why? Should I count m**********g in?"
"Gago! Ibig kong sabihin hindi ka umiyak?" Hindi pa ako nakakakita ng lalaking umiiyak kaya gusto kong makita kung maiiyak siya by recalling what did he do. Sabi ni Icy, ang mga lalaki iiyak lang kapag mahal na mahal talaga nila ang isang tao.
Kaya 'pag iniyakan ka ng lalaki. Bigyan mo ng panyo - char. Swerte mo. Sana all iniiyakan.
"Siyempre umiyak. Wala namang tao na hindi umiiyak kapag nasasaktan."
Oo nga naman.
I sighed, "Sana pag iyak natin, ubos na agad yung sakit 'no? Para isang bagsakang iyak na lang ang gagawin ko at wala na 'yung sakit."
Naluha na naman ako. Kainis, nadivert nga ang isip ko bumalik naman ulit kay Elle. Bakit pa ba kasi ako nagmahal?! Kung hindi ko naman kayang masaktan?
"Sana nga." Schroeder muttered. "Para sasabayan na lang kitang umiyak."
"Baliw."
And now that I fully moved on I can say that there's no certain way on how to move on.
Marerealize mo na lang iyon sa pagdaan ng bawat mga araw. Marerealize mo na lang na sanay ka nang wala siya.
That's the sign that you fully moved on, I guess. When you're not affected anymore and you didn't felt bitterness when you heard his name or see his face. Because you already healed and you did the two F's. To Forgive and to Forget.
Ay ano ba 'to, feeling ko nagiging matured na ako dahil sa mga payo nina Icy at Riley pati ni Schroeder.
"PUTANGINA! LATE NA NAMAN TAYO!"
Nabasag ang pag iisip ko ng sumigaw si Schroeder. Muntik pa akong mahulog habang nakaangkas sa likod ng bisikleta ni Faren dahil sa gulat.
We're heading to our School nga pala.
"Gago ka kasi. Nag alarm ka pa, six p.m naman," ani Faren.
"Malay ko bang p.m pala 'yon, akala ko a.m."
Sa totoo lang hindi na bago ang pagiging late namin ngayon. Sa loob ng limang taon namin na pag aaral sa Atkinson, bilang lang 'ata sa daliri ang araw na pumasok kami ng maaga. And when we do, himala lang ang tawag doon.
"Nagtatalo pa kayo akala niyo naman first time natin ma-late ngayon. First time? First time?" Komento ko.
Ito ang friendship goals naming tatlo. Late is life. Okay lang naman siguro yun 'di ba? Sabi nga nila, it's better late than absent. Tama ba? O sabi ko lang?
I comb my hair using my fingers when we finally arrived at our school.
Hindi ito gano'n kalayo sa amin kaya mabilis lang ang biyahe. Kumbaga kaya siyang lakarin lang. Isa ito sa dahilan kung bakit lagi akong nag aadjust ng five minutes sa pagtulog. Malapit lang sa bahay.
I screamed when my fingers didn't make it until end strand of my curly hair. Shete nagbuhol buhol na naman ang buhok ko. Ang bilis kasi magpedal ni Faren kanina.
"Tulungan niyo 'ko, nagbuhol buhol na naman ang buhok ko."
"Iiwan ka na namin. Babye Fartzey paalis na kami. Eto na naglalakad na kami." Schroeder teased me. Baka naaasar ako.
"Parang tanga, bilis na!"
"Tulungan mo, ilolock ko pa 'tong bike natin," utos ni Faren.
Kinakabahan ako. The last time this happened, muntik na akong makalbo.
Bakit ba kasi naging kulot pa ako?! I have nothing against with being kulot, pero bakit nga, Lord? Okay naman na sa'kin kahit bulbol lang ang kulot sa'kin eh.
"Pakalbo ka nalang kaya tapos ibibili kita ng wig." Lumapit sa'kin si Schroeder.
"Shut up, Versoza! "
I felt his hand touching my hair. He gently fixed the cold wind's mess earlier.
"Oh kaya naman, parebond mo buhok mo tapos saka ka magpakalbo at gawing wig. Para hindi na bibili ng wig. 'Di ba? Galing ko."
Ano daw?! Slow na nga ako lalo pang naging slow. Proud pa siya sa idea niya ah?
"Mag ayos ka na nga lang diyan ang daldal mo." I punched his chest.
"What the f**k!"
Nagulat ako sa pagsigaw niya. But in his tone mukhang mas gulat siya. Akala ko may kung anong insekto ang dumapo sa kaniya. But I'm wrong because what he said next is probably the continuation of his cuss.
"Nakaharap ka pala? Akala ko nakatalikod ka." He laughed.
This bastard!
"Saya ka? Nakakatawa 'yun?"
Mukha bang likod ang harap ko?! Eh halata naman sa suot kong backpack na nakasukbit sa likod ko. Gagong 'to. Kahit ayokong magmura mapapamura ako ng wala sa oras eh.
"Akala ko lang naman kasi dalawa likod mo di'b-Aww! Pusa ka ba? Ba't ka nangangalmot."
"Siraulo ka eh."
"Masama bang magsabi ng totoo? Sabi nila masama ang magsinungaling. Kung sasabihin kong hindi dalawa ang likod mo-Aw!"
"Manahimik ka na nga, kalalaki mong tao ang daldal mo." May silbi ang pagiging madaldal ni Schroeder noong broken ako, pero ngayon I want to shut his mouth na.
Naiinis na nga ako sa buhok ko dinadagdagan niya pa.
"What?! Does being this talkative makes us less of a man now? Kayo lang ba ang puwedeng maging madaldal dahil dalawa ang bibig niyo?"
Wait, bigla akong napaisip doon ah?
"H-hindi."
"Good.. Now I give up. I don't think maaayos pa 'tong buhok mo. Tara na. Kina Icy mo na lang ipaayos 'yan."
"Hoy gagi hindi ako puwedeng pumasok sa loob ng ganito hitsura ko." Sinilip ko siya and our eyes met.
Ponyawa! Is he serious? Legit na tunay? Paglalakarin niya ako papasok sa school ng ganito ang hitsura ko? Gusto niya bang pagtawanan ako ng mga kapwa namin late?
"Sobrang late na tayo, mamili ka. Papasok tayo o aayusin muna natin 'tong..." Hinawakan niya ang buhok ko. "...alambreng 'to pero mas papagalitan tayo sa sobrang late?"
"None of the above."
"Tsaka, Fartzey..."
"It's Fritzey."
"Fartzey..."
"Fritzey nga!!"
Bakit ba Fartzey na naman siya ng Fartzey? Alam kong ututin ako noong mga bata pa kasi puro kamote kinakain ko. Kaya tanggap kong iyon ang tawag niya sa'kin noon. Pero hindi na ngayon, ano na lang ang iisipin ng ibang makakarinig sa pagtawag niya sa'kin kapag Fartzey parin ang tawag niya?
Ang bantot naman ng pangalan niya parang utot. Ponyawa.
"Ang dami mong balakubak. Sabi ko na head and schroeder gamitin mong shampoo 'di ba? Ang kulit mo. Hindi 'yon sponsored ah?" Mahinahon niyang pangaral sa'kin. Now, he's acting like my Mother. What's next? Brother? Cousin? Boyfr...
"HOY! STUDENTS! PUMASOK NA KAYO, HABANG WALA PA ANG MAGPAPARUSA SA INYO!"
Sabay kaming tumingin sa guwardiyang sumigaw. Wala pa ang Prefect?
"Tara na!"
Tumakbo na agad siya pero ako, nanatili lang sa puwesto ko. Hindi na ako papasok. Kung ganito rin lang kagulo ang buhok ko.
"Bye Schroeder, uuwi na lang ako. Kitakits bukas!" I turned my back and was ready to make my way home when suddenly Schroeder grasped my blouse's back collar.
"You're not going home."
"HOOY!! AYOKO PUMASOK! MAMAAAA!!!"
Kinaladkad niya ako papasok sa loob at parang gusto ko ng magpalamon sa lupa nang mabaling ang atensyon sa amin ng lahat including the Prefect of Discipline.
Ahhh!! This is embarassing!! Gusto ko maging tae!!
****
"Ano ba 'yan gurl? Ang aga aga, pang uwian na naman agad ang awra mo. Anyare diyan sa buhok mo? Juicecolored."
Hindi ako nagsalita. Badtrip ako. Badtrip ako kay Schroeder. Kung hindi niya ako hinila kanina, hindi sana ako mapagtatawanan kanina sa flag ceremony.
"Alam mo sa lahat ng galing sa break up ikaw lang 'yung hindi nagglow up gurl, anyare na? Lalo mo lang pinapakita kay Elle na worth it kang sayangim ahahaha."
Inismiran ko si Icy na inaayos na ngayon ang buhok ko.
Wala akong pake. Nakamove on naman na ako.
"Hindi ka na nga nagglow up hindi pa nag grew up. Double kill ka naman gurl?"
"Letche, don't talk to me. Badtrip ako."
"Bakit na naman. Naayos ko na ang buhok mo oh."
Bakit ang bilis naayos? Buwiset talaga ang shampoo na 'yon. Nagpanggap lang 'ata 'yon na hindi kayang ayusin ang buhok ko eh. Tss.
I looked at Icy at ikinuwento ang nangyari bakit ako naiinis.
Grabe ba naman kasi yung kahihiyang tinamo ko ngayong araw. Napagtawanan na nga ako ng mga kabatchmates naming late, napagtripan pa ako ng mga junior high nung tumakbo na kaming girls bilang parusa sa pagiging late. Mga walang respeto. Senior kaya nila ako. 'Di lang halata sa height ko.
Pero kung may mas ikinaiinis ako? Iyon ay ang ipagkanulo ako ni Schroeder sa Prefect namin kanina at makita ko ang hindi ko inaasahang makikita ko.
"Mr Versoza, mind explaining this to me?" Our Prefect pointed at me - or better to say, at my hair.
"Baka ni-r**e ma'am."
Nagtawanan yung mga babae dahil sa komento nung isang lalaki. Epal.
"Ewan ko ma'am, 'di ko naman kilala 'yan. Bigla na nga lang nangyakap kaya hinila ko dito para isumbong-"
Hinampas ko siya sa braso. Anong sinasabi niyang hindi ako kilala?! At niyakap ko siya bigla?!
"Oh tignan mo ma'am, nanghahampas bigla. Feeling close." A cocky smile crept on his lips.
Putangina pinagtitripan na naman ako para lang hindi siya madamay sa kahihiyan ko. AGH! SCHROEDER REID VERSOZA! YOU SON OF A BLEACH!
"Napaka mo! Faren oh!" Hinagilap ko ang mukha ni Faren pero sa dami ng late di ko siya makita. Ibang mukha lang ang nakita ko. At dahil sa mukhang iyon ay tuluyan akong nilamon ng kahihiyan ko.
Bakit ba sobrang malas ko ngayong araw na ito?! Ano bang kasalanan ko?!
"Aw malas mo nga gurl, so tinawanan ka rin?"
I shook my head, "Hindi siya tumatawa pero alam kong sa isip isip niya pinagtatawanan niya rin ako. Ano na gagawin ko?! Hindi ko na matititigan sa mata 'yon kapag nakasalubong ko 'yon. Nakakahiya."
Pumunta na kami sa upuan namin nang dumating ang teacher namin.
"Edi titigan mo naman sa labi ahahaha."
Bwiset!
I was referring to the handsome guy na lagi kong nakakatitigan magmula nung magstart ang pasukan namin nitong grade eleven. Nakikita ko siya kapag pumupunta kami nina Icy sa STEM building since doon ang room ni Faren. So, I believe he's a STEM student as well like Faren.
He has those alluring and captivating hazel brown eyes, kaya siguro hindi ko mapigilan ang sarili kong tumitig sa mga mata niya tuwing makakasalubong namin sila ng mga tropa niya. Tingin ko nga naweweirduhan na siya sa'kin kasi lagi ko siyang tinitignan. Or worse baka iniisip niyang crush ko siya. Well, totoo naman.
Kaya naiinis talaga ako na nakita niya ang pangit na hitsura ko kanina. Ang malas malas ko ngayong araw. Sa dami ba naman ng araw na makikita ko 'yung lalaking iyon ngayong araw pa. Kung kelan hindi ako blooming? Nakakatuwa 'yon?!
Si Schroeder talaga dapat sisihin dito eh.
'Di ko kakausapin at papansin 'yon. Tutal sabi niya kanina sa Prefect 'di niya ako kilala.
Paninindigan ko nalang. Hmp!
****
Ilang oras rin akong nakipagtitigan sa orasan bago natapos ang klase sa second subject namin. As usual, wala na naman akong natutunan. Inantok lang ako.
"Next week na ang role play presentation niyo and I am expecting big from your section. Humss students kayo so I believe that this is your forte. That's all for today. Class dismiss," paalala ni ma'am bago umalis.
Puta, roleplay na naman? Parang kahapon at isang araw nagroleplay na rin kami ah? Sa ibang subject nga lang.
Nu bayan, walang katapusang roleplay. Umay. Hirap maging HUMSS. Char, taga hawak nga lang pala ako ng props pag nagroroleplay kami. Minsan, dadaan lang sa gitna na parang bypasser o extra tapos lakas ko magreklamo.
"Bababa kayo?" tanong ni Riley na katabi ko.
Naglalabasan na ang classmates namin kasi recess time. Mukhang ayo'ko muna magrecess. Wala akong gana.
"Oo naman yes, gutom na ako. Tara na gurl."
Umiling ako sa pag aaya ni Icy. "Kayo na lang. Busog pa ako."
"Okay."
Umalis na sila. Balak ko sana umidlip muna since napuyat ako kakabasa ng BTS smuts kagabi pero I changed my mind nang makita ko ang dalawa kong kaklase na nagtatalo sa unahan.
Si Ivan at Sheena. Nag aaway na naman sila. Hindi sila magjowa. Lagi lang pinagtitripan nitong si Ivan si Sheena. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako chismosa tulad ni Icy kaya 'di ko na inaalam.
Pinanood ko nalang silang magpalitan ng mahinang suntok sa balikat. Mula sa mahina palakas ng palakas yung suntok nila sa isa't isa. Para silang tanga pero ang cute tignan. Pero siyempre mas cute ako.
"Ano ba! Nakaganti ka na eh. Sumuntok ka na naman!" Sumuntok ulit si Shenna kay Ivan.
"Ayaw mong tumigil eh! Oh tignan mo!" Sinuntok rin ni Ivan si Shenna sa balikat.
Medyo malakas na iyon ah? Nako, bago pa sila magkaiyakan at mauwi sa guidance kailangan ko na kumilos. I'm gonna pair them up. Baka compatible sila sa isa't isa.
Tulog naman yung iba naming classmates na naiwan kaya walang makakakita sa gagawin ko. Kinuha ko ang libro ko at handa na sanang isulat ang pangalan nila nang dumating ang humahangos na si Icy.
Parang bolang tumalbog talbog ang malaki niyang hinaharap. Sana all umaalog ang dibdib. Sa'kin n*****s lang ang umaalog kapag tumatakbo ako eh.
"Gurl! Gurl!"
"Bakit?"I panicked. "Anong meron? Ba't ka natataranta?"
She eats the last piece of pancake she have sabay ayos ng makapal na salamin sa mata niya. Nagsalita siya pero wala akong naintindihan. Punong puno ba naman ng ng pagkain ang bunganga niya. Binigyan ko agad siya ng tubig nang mabilaukan siya.
"May ganap sa campus. Tara! Bilis!"
Before I can react hinila niya na ang braso ko kaya nadala ko tuloy ang libro ko.
"Bakit isinama mo pa ako?!"
"Para may kasama ako siyempre. Ayaw sumama ni Riley eh, kumakain pa kasi."
Ponyawa. Ano bang klaseng ganap? May tumalon ba ng building? May sumasayaw ba ng baepsae o love shot sa gitna ng campus?
When we arrived, sumalubong sa aking sight ang madaming tae este tao. Ang ingay. Naghihiyawan sila na parang may nagsasabong. Ano ba kasing meron?
Sinubukan kong makisilip pero matatangkad ang nasa unahan namin kaya 'di ko makita.
"Kuya, yung ulo mo nakaharang." Lumingon sa'min yung lalaking kinausap ni Icy. "Pakitanggal."
Nagulat ako sa sinabi niya kay Kuya. Attitude ampotek.
"Charot, puwede makisingit kuya? Kailangan ko makita ang ganap para may maireport ako eh."
Pinasingit naman kami ni Kuya. Buti nalang mabait.
"Anong report sinasabi mo?" tanong ko. Di naman siya member ng journalism club. Si Riley lang.
"Newscaster ako remember? Tagapaghatid ng balita sa mga moso at mosa."
"Ano bang meron dito?" I asked instead. Hindi ko parin kita kung sino yung nasa ginta. Ang liit ko kasi masyado.
"Gurl! May pagbusted na magaganap!"
Whut? At excited pa talaga siya sa pagkakasabi niya ah? What's so exciting with it? May taong masasaktan. Nakakatuwa ba 'yun? As a matchmaker, hindi nakakatuwa 'yun.
"Magcoconfess si Mary sa isang king of heartthrobs because of a dare!"
Napasigaw ako sa sumunod niyang sinabi. Classmate namin si Mary. Teka, bakit siya aamin? Nahihibang na ba siya? Aamin siya dahil lang sa inutusan siya ng kung sino?!King of Heartthrobs 'yon, sigurado ngang busted siya ro'n!
Alam kong kailangan niyang iprove na strong enough siya to face the dare pero mapapahiya siya sa gagawin niya. Sana naman nag isip muna siya!
"And'yan na siya! OMG!"
"EUCHLEID! WAAHH!
Mas lalong lumakas ang sigawan. s**t! Kailangang mapigilan 'to. Bakit ba walang dumadating na guwardiya o teachers para sawayin kami rito? Where's the Prefect? Anyone? Save Mary from this shame.
I was just standing here. Until I realized that I am the one who should do something to to help Mary. Hindi ko puwedeng hayaang mabusted siya.
I need to know if they're compatible with each other. Kapag acquaintance o friends ang resulta, ako na mismo ang hihila sa kaniya paalis sa gitna. Kahit nakakahiya. Huwag lang siyang mapahiya sa pamba-busted nung King of Heartthrobs.
"Icy! Anong pangalan ng king of heartthrobs na 'yan?" I asked Icy.
Hindi ko kasi kilala 'yung king of heartthrobs na 'yon. Wala rin naman akong pake sa kinababaliwan ng mga babae rito sa University. Kaya di na ako nag abalang kilalanin. Busy ako sa bangtan.
"Euchleid Dela Croix." She shouted pero 'di ko na narinig sa lakas ng sigawan.
Ipinasulat ko nalang sa palad ko ang name at saka ako tumakbo paalis. I went to the nearest comfort room and locked myself on a cubicle.
Sa ilang taon ko rito sa University na 'to marami na rin akong natulungan dahil sa librong ito. Yung iba hindi ko kaklase pero nagagawan ko ng paraan para maalam ang pangalan nila kasi nagpapanggap akong nagsusurvey. Gano'n rin ang ginagawa ko kapag may kailangang tulungang ibang tao sa baranggay namin o kahit san man ako pumunta.
I, then started to write down Mary's full name including the king of heartthrobs name.
Using a FLAMES, I paired them up.
Kailangang maging Love or Marriage ang result. Hindi puwede ang Friends at Acquaintance kasi kaakibat no'n ay ang pagbusted sa kaniya.
Ginuhitan ko na ang letrang magkaparehas sa name nila gaya ng lagi kong ginagawa. After that, I counted all the letters na may guhit and used the number of counts result to count on F.L.A.ME.S. And I was relieved nang tumigil sa isang letra ang pagbibilang ko.
Love.
So ibig sabihin, hindi mabubusted si Mary.
She have a chance with that King of Heartthrobs...
I smiled, hindi ko na hinintay pang umilaw ito ng ginto at itinago ko na sa loob ng blous ko yung libro. Lumabas na agad ako ng cubicle para bumalik sa campus.
Kailangan kong masaksihan ang himalang igagawad ng libro ko kay Mary at sa lalaking nakatadhana sa kaniya.
To be continued...