Dalawang araw na ang nakalilipas simula noong mag-usap kami ni Janel. Matagal-tagal ko rin siyang hindi makikita dahil sa kanyang pagsasanay. Naranasan ko rin naman 'yan noong bata pa ako. Ngayon naman ay kasama ko na naman si Hero at Dylan para ipakilala sa mga kaibigan namin. Katabi ko naman si Fleir. Nasa unahan namin si Cxereb at Xanreb. Buhat naman nila ang kambal, dahil busy sila Kuya Klyzer at ate Minah. "Wala ka pa ring bang naaalala, Kayt?" tanong ni Fleir. "Hmml, wala e. Ayoko rin namang pilitin. Parang ayoko na ring alalahanin ang nangyari sa nakaraan," sagot ko. "Looking forward na lang ako." "That's good to hear," ika niya. Tumango ako. Pwedeng magbagong buhay na muna ako. Nakaratin na kami sa tambayan kuno raw namin. Ngayon lang ako makakapunta dito simula nang m

