MVA CHAPTER 18

2566 Words

Nanlaki ang mga mata ko sa humila sa akin. Siya ang bagong salta sa mundo namin. Masyadong seryoso ang mukha nito kahit side view lang ang nakikita ko. "Teka nga, sino ka ba?" tanong ko rito. Biglang kumunot ang noo niya. "Really?" sarcastic na tanong niya. Sumimangot naman ako. "Magtatanong ba ako kung kilala kita?" "This is the second time. Ganiyan ba kahina ang utak mo para makalimutan ako?" puna niya. Na-offend ako sa sinabi niya. Dumating ang lalaking kasama niya kanina, kausap din ni Fleir. "Kayt! Namiss kita! Kamusta ka na? Nahimatay ka noong kunin ka sa amin ni Fleir. Ngayon ay alam na namin kung bakit ka laging wala sa mundo ng mga tao. Dito ka pala talaga," masayang bungad niya. Kumunot na naman ang noo ko. Parang sumasakit ang ulo ko sa pinagsasabi ng dalawang ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD